Chereads / Wedding in Trouble(Tagalog) / Chapter 26 - Chapter 25

Chapter 26 - Chapter 25

"MEETING adjourned." Isinara ko ang laptop pagkatapos ay inayos ang gamit ko. Mabuti natapos na rin namin ang planning para sa disenyong gusto ng bago naming client. Medyo strict ito kaya ilang linggo rin namin itong pinagplanuhan. Napatigil ako nang magvibrate ang phone ko sa coat na suot ko. Napangiti ako nang makita sa screen ang name ng sender. MAHAL KO. 'Yan ang name ni Lorenzo sa phone ko. Hindi ko maiwasang kiligin kahit mabanggit ko lamang ang pangalan niya. Napansin ko ang tinginan ng mga ibang empleyado sa'kin. Iniisip siguro nila mukha na akong tanga dahil ngumingiti ako mag-isa. Agad kong inayos ang aking mukha. Narinig ko pa ang bulungan ng empleyado ko nang mapadaan ako sa harap nila.

"Pansin mo ba? Madalas na nakangiti si Ms. Kara."

"Oo nga eh. Ang blooming niya ngayon. Iba talaga pag may husband ka na sobrang hot. Hindi lang 'yan sobrang gwapo rin." Palihim akong natawa. Hindi ko malaman kung bulong pa ba 'yon dahil rinig na rinig ko sila.

Binasa ko ang message ni Lorenzo.

Sender: MAHAL KO

Mahal, don't forget to eat your lunch. I'll be on a meeting in a minute. See you.

Nagreply ako sa kanya sandali pagkatapos ay nagpatuloy sa paglalakad pabalik sa office. Ibinaba ko lang ang ibang gamit na dala ko pagkatapos ay lumabas. Naisip kong kumain na lang sa restaurant malapit dito.

Nang may makitang restaurant ay agad akong bumaba ng kotse at pumasok dito. Medyo maraming tao sa restaurant na ito and I can tell na talagang masarap ang pagkain nila just by the looks of satisfaction on their faces. Iginaya ako ng isang waiter sa available tables nila. I choose to seat beside the glass wall. Gusto kong panuorin ang mga taong naglalakad. I ordered some pasta and dessert. Nang matikman ko ito ay nakumpirma ko na tama nga ang hinala ko na masarap ang pagkain dito. Naisip kong magtake-out ng dessert para mapatikim ko rin kay Lorenzo. I'm sure he will love it.

Napalingon ako ng bumukas ang pinto ng restaurant. Nakita kong pumasok si Lorenzo.

Akala ko ba nasa meeting siya? Baka nacancelled. Then we could have lunch together. Napangiti ako. Naisip kong tawagin ito pero napatigil ako nang makitang may kasama pala siya.

Nagulat ako ng makilala kung sino ang kasama niya. Ramdam ko ang panghihina ng katawan ko. Biglang nawalan ng lakas ang kamay kong hawak-hawak ang tinidor.

Pumwesto sila malayo sa kinaroroonan ko.

Bakit sila magkasama ni Maricar?

Bahagya akong natulala at hindi alam kung magtatago ba para hindi nila makita o haharapin sila para tanungin kung bakit sila magkasama?

Huminga ako ng malalim at pinakalma ang sarili. Kinuha ko ang phone ko at dahan-dahan kong idinial ang phone number niya.

"Hello?" Pagsagot niya sa tawag.

Hindi niya ako tinawag na Mahal. Every time na magkakausap kami ay palagi niya ako tinatawag sa endearment namin. Dahil ba nandyan siya at nakatingin hindi mo na ako magawang tawaging Mahal? Tanong ng isip ko.

"Hello Kara?" Napapikit ako at pilit pinakalma ang sarili.

"Where are you?" Ilang sandali itong hindi nagsalita. Kitang-kita ko kung paanong tumingin muna siya sa kaharap bago ako sinagot.

"Nasa.. meeting. Do you need something?" Lalong bumigat ang pakiramdam ko ngayong nagsinungaling siya sa'kin.

"N-Nothing. Okay see you."

"Okay. see—" Hindi ko na hinintay pang tapusin ang sasabihin niya. Agad kong pinatay ang phone. Hindi ko na tinapos ang pagkain ko at nag-iwan na lamang ng pera pambayad sa hindi ko natapos na pagkain.

Tahimik akong lumabas ng restaurant. Ang balak kong pagtake-out ay hindi ko na itinuloy. Para saan pa kung natikman niya na rin ang pagkaing dapat ay pasalubong ko sa kanya, bonus pa na may ka-share siya.

Naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko na agad ko rin pinahid. Pumasok ako sa kotse at pinakalma ang sarili. Ipinikit ko aking mga mata. Nagbalik sa alaala ko ang eksena kanina. She's really back. Dumating na ang araw na kinatatakutan ko na baka mas matimbang pa rin sa puso ni Lorenzo si Cristine.

Pero ramdam ko na mahal na rin ako ni Lorenzo kaya hindi ko dapat pagduduhan ang pagkikita nila. Pagkumbinse ko sa sarili.

Nilingon ko ang restaurant. Hindi ko na sila makita mula sa pwesto ko. Huminga ako ng malalim. Hindi ko dapat pangunahan si Lorenzo dahil hindi ko alam ang buong kwento kung bakit magkasama sila ngayon.

Napalingon ako ng marinig ko ang pagtunog ng phone ko. Lumitaw sa screen ang name ni Lorenzo sa phone ko.

Sender: MAHAL KO

Mahal, are you okay? biglang naputol ang tawag natin.

nireplyan ko siya ng - I'm fine. Pagkatapos ay pinaandar ko na ang kotse. For now, I will stay still. Hangga't hindi nanggagaling sa bibig ni Lorenzo na ayaw niya na ay hindi ako bibitaw. I will still hold on.

Pagbalik ko sa opisina ay tinapos ko na ang mga iba pang dokumento na nangangailangan ng pirma ko. Ibinuhos ko sa pagtatrabaho ang oras ko para hindi ko maalala sila Lorenzo at Cristine.

Mag-aalasais na ng matapos ako. Kinuha ko ang gamit ko pagkatapos ay nagdesisyon ng umuwi. Nagulat ako nang paglabas ko ay nakaabang si Lorenzo sa tabi ng kotse ko.

"Hi.." Napakalawak ng ngiti niya. Alam kong mahal niya ako pero hindi ko maiwasang mangamba lalo na ngayong nagbalik na ang una niyang minahal.

Ginantihan ko ito ng maliit na ngiti. "Lorenzo." Nakita ko ang pagkunot ng noo niya. Siguro dahil hindi ko siya tinawag na mahal. Hindi ko alam kung nahalata niya dahil napatagal ang titig niya sa'kin.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.

"Sinusundo ka." Nakapambahay na lamang ito. Mukhang nagpalit muna siya bago pumunta sa'kin.

"May kotse naman ako." Lumingon siya sa kotse ko.

"Iwan mo na lang 'yan. Sa'kin ka na sumabay, di bale hahatid kita bukas." Napatingin ako sa kamay niyang nakahawak sa kamay ko. Gusto kong magtanong kung anong nangyari sa pagkikita nila ni Cristine pero maghigpit na itinikom ko ang aking bibig.

Sa kotse ay tahimik lang ako. Nakatuon ang atensyon ko sa dinadaanan namin. Dumaan kasi sa isang fast food chain para magtake-out. Pagdating sa bahay ay tahimik pa rin ako kaya hindi na nakatiis pa si Lorenzo at niyakap ako sa likod. Kagaya ng palagi niyang ginagawa.

"Kara, may nagawa ba akong mali? I feel like you're being cold to me." Sinubukan kong tanggalin ang kamay niyang nakayakap sa'kin pero hindi ko ito matanggal. Napabuntong hininga na lang ako.

"Wala lang ako sa mood. Pagod lang sa trabaho." Pagdadahilan ko.

Hinarap niya ako sa kanya at tinitigang mabuti. Tinatansya kung nagsasabi ba ako ng totoo.

Ngumiti ito. "Okay. Let's eat. I know you're hungry. Ako nang bahalang mag-ayos ng pagkain." Umupo ako sa silya at hinayaan siya sa paggalaw sa kusina.

Nang matapos ay sabay kaming kumain. Itinuon ko ang tingin ko sa kinakain ko kahit na maya't maya siyang napapalingon sa'kin.

"Stop staring." Sita ko sa kanya ng hindi ko na ito matiis.

"Hindi mo pa rin akong tinatawag na mahal." Napatigil ako sa pagkain at napatitig sa kanya. Ngumiti siya at itinaas baba ang kanyang kilay. Napairap ako. Paano ako magagalit sa kanya kung nagpapacute siya. Hindi ko na napigilang mapangiti.

Hay naku! Dakilang marupok ka talaga Kara.

"MAHAL, wag mo akong titigan at baka matunaw ako," nakita ko ang pagpipigil niya ng ngiti. Napailing na lang ako at pinagpatuloy namin ang pagkain. Kinikilig ang loko.

"Gustong-gusto na tinatawag siyang Mahal eh!" Natawa ako nang lalo lang lumawak ang ngiti nito.

Habang kumakain ay nagkwento siya kung ano ang mga ginawa niya ngayong araw pero hindi niya nabanggit ang pagkikita nila ni Cristine. Hanggang sa makatulog kami ay wala siyang nabanggit tungkol dito.

Kinabukasan ay tinupad ni Lorenzo ang promise niya sa'kin na ihatid ako sa company since wala akong masasakyan. Nang makarating sa kumpanya ay bumaba agad si Lorenzo para pagbukasan ako ng pinto. Lihim akong napangiti. How sweet!

"Salamat sa paghatid, Mahal. Sige na at baka may meeting ka pa." Kinawayan ko ito para magpaalam pero nagtaka ako nang hindi ito kumilos.

"What?" May hinihintay ba siya?

"Where's my kiss?" Napaawang ang bibig ko sa dahil sa sinabi niya.

Napalingon ako sa paligid at napansin sng mga papasok naming employee na pasimpleng sumusulyap sa'min.

"Dito?" Tumango siya. Napalunok ako. Parang bigla akong tinubuan ng hiya. I know we're married for months but still hindi pa rin ako sanay.

"Sa cheeks lang kasi ang daming tao." Naiilang na sabi ko. Tumango ulit siya. Napatingin ulit ako sa paligid. Pasimple naman umiwas ng tingin ang mga empleyado na kanina pa nakatingin sa'min.

Binalik ko ang tingin kay Lorenzo. Nakangiti ito habang naghihintay. Iniharap pa sa'kin nito ang kaliwang pisngi. Lumapit ako sa kanya at hinalikan ito pero bago pa man magdampi ang labi ko ay bigla itong humarap kaya ang labi niya ang nahalikan ko. Narinig ko ang hiyawan ng mga employadong nakakita.

Hinampas ko si Lorenzo dahil tumatawa ito.

"Sige na! pumasok ka na. Late ka na sa ka-meeting mo." Natatawang pangtataboy ko.

"Okay okay.. sabay tayo maglalunch mamaya." Paalala niya. Tumango ako.

Napailing na lang ako ng makaalis si Lorenzo.

Pagpasok ko sa opisina ay inumpisahan ko na ang pagreview ng mga proposal. Sa totoo lang ay ito ang pinaka ayaw kong umpisahan kasi makita ko pa lang kung gaano karami ang kailangan kong basahin ay napapagod na ako. Sinabayan pa ng problema namin sa supplier. Agad naman namin itong naresolbahan pero nakakastress.

Maya-maya ay may narinig akong katok mula sa pinto. Sumilip ang secretary kong si Jenny.

"Ma'am lunch na po. May ipapa-order po ba kayo?"

Napatingin ako sa aking relo. 12:32 pm. Tanghali na pala. Masyado akong naging busy. Baka naghihintay na sa'kin si Lorenzo.

"No, thanks. Sa labas ako kakain."

Nagmamadaling pinaandar ko ang sasakyan pero naabutan ako ng traffic dahil may bangaan. Napilitan akong mag U-Turn at mag-iba ng daan pero mas malayo ito. Mag-aalauna na ako nakarating sa Vill Corporation. Pinapasok naman agad ako ng Guard since kilala naman na niya ako.

Pagdating ko sa floor ng office ni Lorenzo ay bakante ang upuan ni Ricky. Siguro ay umalis lang saglit. Naghintay ako ng ilang sandali kay Ricky. Hindi ko kasi alam kung may ka-meeting pa rin ba si Lorenzo. Ayoko naman silang mabulabog kaya nagmessage na lang ako sa kanya.

Dumating si Ricky na may mga hawak na dokumento. "Ma'am Kara, bakit hindi po kayo pumasok sa loob?"

"Baka kasi may meeting sa loob."

"Naku! wala po." Inilapag niya sa mesa ang mga dala.

"O sige. Papasok na ako sa loob. Salamat."

Lumapit ako sa pinto at dahan-dahan itong binuksan. Pero nagulat ako sa aking nasaksihan. Hindi nag-iisa si Lorenzo sa loob. Kasama niya si Cristine and they are kissing.

Naramdaman ko ang pangingilid ng luha ko. Unti-unting bumigat ang dibdib ko na para akong sinaksak ng maraming kutsilyo.

Ano ito? Bakit magkasama na naman sila?

Hindi sinasadyang nasagi ko ang vase kaya lumikha ito ng ingay. Agad itinulak ni Lorenzo si Cristine at napalingon sa'kin.

"Kara.."

Hindi ko na napigilan pa ang luha ko at tuluyan na itong bumagsak. Lumapit sa'kin si Lorenzo at pilit akong hinawakan. Tinabig ko ang kamay niya ng mahawakan niya ako.

"Kara, please let me explain. This is not what you think it is." Pagak akong napatawa kahit na patuloy pa rin ang paglandas ng aking luha.

"S-So ano 'to? Magkahalikan kayo Lorenzo!" Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Bumuhos ang panibagong luha sa mga mata ko. Pilit akong niyayakap ni Lorenzo pero tinatabig ko lang ito.

"Kahapon.. I-I saw you with her sa restaurant." Gulat na napatingin sa'kin si Lorenzo.

"I saw you with her.. I want to ask you.. but I kept my mouth shut.. b-because I want to hear it from you first."

"Kara.. nagpunta lang siya dito para makipag-usap—" Tinabig kong muli ang kamay niya nang hawakan niya ako.

"Pero hindi iyon ang nakita ko!" Ramdam ko ang pagpiyok ng boses ko. Dahan-dahan akong umatras at tinalikuran sila. Hinabol ako ni Lorenzo sa labas ng office niya.

"Kara.. Mahal.. Please makinig ka sa'kin." Umiling ako at patuloy na naglakad. Napapatingin na sa'min ang ibang empleyado. Marahil ay nagtataka sa kung anong nangyayari. Pero wala akong pakialam. Kailangan kong makalayo rito dahil pakiramdam ko sasabog ang nararamdaman ko.

"Please.. Mahal pag-usapan natin 'to." Humarang ito sa daanan ko. Napansin kong nangingilid na rin ang mga luha niya. Bagay na bihirang makita sa isang lalaki, ang umiyak. Gustuhin ko man maawa sa kanya pero hindi ko kaya. Kailangan ko munang lumayo para makapag-isip isip.

Kaya nilagpasan ko siya at sumakay ng kotse.