"Sheena?" Gulat na tawag ni Lorenzo sa pangalan nito.
Alam mo 'yung pakiramdam na nabitin ka sa isang bagay na dapat ay malalaman mo na pero mapuputol dahil may dumating na asungot. 'Yan ang pakiramdam ko ngayon. Paano nakarating ang babaeng ito dito?
Sheena is wearing a seductive red bikini that showcase her sexy curves. Gumamit lang siya ng manipis na tela para ilagay sa baywang, pero parang wala rin naman itong silbi dahil hindi naman kayang takpan ng tela ang ibabang bahagi ng katawan nito.
"Lorenzo, what a coincidence! You're also here, right Dad?" Masayang kumapit ito kay Lorenzo. Kung nakakamatay lang ang tingin matagal ng bulagta sa buhangin ang babaeng ito.
Lumipat ang tingin ko sa kasama nito na siyang ama ni Sheena. Siya pala si Mr. Jose Corpuz. May Edad na rin ito, may karamihan na rin ang puting buhok. Mukha rin itong mabait hindi katulad ng anak nito na parang linta kung makadikit kay Lorenzo.
"Yes, nagbakasyon ka rin pala iho. Tama 'yan you should take a break wag masyadong magpakaworkaholic." Mr. Corpuz said while tapping Lorenzo's shoulder. Natawa lang si Lorenzo.
"Yes, Mr. Corpuz. I'm doing my best to balance work and my life."
Lumingon ito sa'kin. "Oh, who's this lovely woman?" Nakangiti ito sa akin kaya naman ginantihan ko rin ito ng ngiti.
Lumayo si Lorenzo kay Sheena at lumapit sa akin. Nakita ko pa ang pag-irap ng babae sa'kin.
"Mr. Corpuz meet my wife Kara. Kara this is Mr. Jose Corpuz the owner of the famous Mall C and our recent client."
"Hi Mr. Corpuz, it's nice to finally meet you." I extend my hand for a handshake, which he gladly take.
"Hello Kara, nice meeting you too. You have a beautiful wife, Lorenzo." Nahiya ako bigla sa pagpuri nito. Masyado itong mabait para maging ama ni Sheena. Nakita ko pa ang pagsinghap ni Sheena. Parang gusto kong i-flip ang hair ko at sabihing ano ka ngayon tatay mo na nagsabi na maganda ako.
Napag-alaman namin na nasa iisang hotel lang pala kami ng tinutuluyan. Bumalik muna saglit si Sheena para magpalit ng mas maayos na damit sa room nila na kaharap lang ng room namin. Nagrequest daw kasi si Sheena na gusto nitong magbonding daw silang mag-ama at dito nito napiling magbakasyon. May pagka-stalker pala ang babaeng ito. Halatang sinusundan talaga nito si Lorenzo.
Pagdating namin ng hotel ay kabababa lang din ni Daddy Kevin galing sa kanilang kwarto. Nakita nito si Mr. Corpuz kaya naman nagkumustahan ang mga ito pagkatapos ay inaya itong sumabay sa'min sa pag dinner.
Naging maayos naman ang dinner namin kahit na may mga unexpected na bisita. Nagtagal pa kami sa restaurant dahil napasarap ang kwentuhan nila Daddy Kevin at ni Mr. Corpuz, sinamahan pa ni Papa na nakakarelate din sa usapang negosyo. Pansin ko ang panay na pagsulyap ni Sheena kay Lorenzo pero hindi man lang ito nilingon ni Lorenzo kahit isang beses. Maya-maya ay nagpaalam na sila Ate Carla at Kuya Mikee na aakyat na ng kwarto dahil inaantok na si Baby Dylan.
Isinandal ko ang ulo sa balikat ni Lorenzo. Maski ako ay inaantok na rin. Hindi pa namin masyado nalilibot ang lugar kaya naman bukas ay susulitin ko ito.
Naramdaman kong inakbayan ako ni Lorenzo. "Are you tired?"
Bahagya ko itong nilingon pagkatapos ay tumango. Dumako ang tingin ni Lorenzo kay Daddy Kevin.
"Dad, una na kami ni Kara sa taas. Mr. Corpuz, will go ahead na po kami para magpahinga."
"Oh, sure no problem." Nakangiting tugon ni Mr. Corpuz. Tumango naman si Daddy Kevin Aangal pa sana ito pero agad na namin ito tinalikuran.
* * *
Kinabukasan maaga ako nagising dahil na rin sa excited ako sa itinerary namin today. Ang gagawin namin today ay ang snorkling. Tulog pa si Lorenzo kaya hindi ko na muna siya ginising. I just put a note saying na lumabas ako. Sumakay ako sa elevator. Medyo kakaunti lang ang nakasakay dito pero nang tumuntong na kami ng 2nd floor ay dumami na ito. Isa sa mga pumasok ay si Maricar. Tumabi ito sa'kin.
"Maricar, where are you going?" Nakasuot siya ng short na maong at Floral blouse. May hula na ako na mag-iikot ikot siya sa beach dahil na rin sa hawak niyang hat and sunglass.
"Magtitingin-tingin. Wanna come?" Nakangiting alok niya.
"Naku, maghahanap ka lang 'ata ng jowa eh kagaya ng sabi mo. But sure samahan kita. Kikilatisin kong mabuti para sa'yo." Pang-aasar ko sa kanya. Inirapan lang niya ako. Mabuti na lang din ay dala ko ang sunglass ko pati na rin ang phone at wallet ko.
Dumaan muna kami sa Dining area ng hotel para magtake-out ng pagkain. Sandwich and hot chocolate lang binili namin since ito ang mas madaling kainin habang naglalakad kami.
"Ang aga mo naman 'ata mag boy hunting." Napangisi ako ng sumimangot siya.
"Hindi porke't my love life ka ay maghahanap na rin ako 'no," kumagat siya sa sandwich, "actually balak talaga kita puntahan sa kwarto n'yo para ayain mag-gala kaya lang naisip ko baka makaistorbo ako."
Nilunok ko ang kinakain, pagkatapos ay siniko ito. "Ayiee! namiss niya 'ko." Umiwas ito sa akmang muling pag-siko ko sa kanya.
Pagkatapos namin kumain ay pumasok kami sa isang Clothing store. Maraming magagandang damit sa loob kaya naman naengganyo kaming bumili. Meron din shirt na ang design ay I LOVE BORACAY. Bumili rin ako para may remembrance. We tried so many dresses and clothes at syempre hindi mawawala ang picture taking, kaya naman inabot na kami ng tanghali, kung hindi pa tumawag si Lorenzo ay baka nag-iikot pa rin kami. Masyado kaming nag-enjoy.
Halos wala nang mapaglagyan ng shopping bags sa mga kamay namin but it's all worth it dahil magaganda ang mga damit na nabili namin.
"Nga pala, sino 'yung babae kagabi? si Sh-Shayra ba 'yun?" Napasimangot ako.
"Si Sheena, anak ng client nila Lorenzo."
"Mukhang may gusto sa asawa mo eh. Nakita mo ba kung paano niya tingnan si Lorenzo. Malagkit girl!" Tinapik-tapik pa niya ang balikat ko. Inilag ko naman ang balikat ko.
"Alam ko, kaya nga naiinis ako. Hanggang dito ba naman sumunod. Baka mamaya magconfess 'yon bigla kay Lorenzo."
Alam ko na hindi naman basta basta nahuhulog ang loob ni Lorenzo sa isang babae. Pero babae pa rin 'yun at maganda pa. Oo na aaminin ko na, maganda naman talaga si Sheena kung 'di lang siya maharot baka naging magkaibigan pa kami.
"Naku! wag kang mag-alala walang makakatalo sa pagconfess mo. Iba talaga ang epekto ng alak mapapaamin ka ng wala sa oras-" Pareho kaming napahinto at nagkatinginan. Nanlaki ang mata niya ng maalala ang mga sinabi. Napatakip din ito ng bibig.
"What?!"
Ako? nagconfess na kay Lorenzo?
Hindi agad nagsink in sa'kin ang mga narinig. Naalarma lang ako nang magsimulang tumakbo si Maricar palayo sa'kin.
"Hoy! Maricar hindi pa tayo tapos." Hinabol ko ito. Ang bilis tumakbo ng babaita.
"Kailan ko ginawa 'yon? Alak? kailan ako nag-inom-" Napatigil ako sa pagtakbo nang maalala ko ang huling beses na uminom ako ng Alcoholic drinks.
Oh Shit! si Lorenzo ang naghatid sa'kin pauwi nang huling mag-inom ako.
Hindi ko na naabutan si Maricar. Talagang tinakbuhan na ako nito. Hanggang sa maghahanda na kami sa pagsnorkling ay tinataguan pa rin ako ni Maricar. Napansin ni Lorenzo na parang hindi ako mapakali.
"Are you okay?" Hindi ko maiwasang kabahan. Ibigsabihin matagal ng alam ni Lorenzo ang nararamdaman ko para sa kanya.
Anak ka ng pating talaga Kara!
Hindi ko alam kung paano ako kikilos ng hindi naiilang kay Lorenzo.
"Yes. Hinahanap ko lang si Maricar. Ba't parang wala siya dito? pati 'yung iba wala pa?" Laking pasasalamat ko dahil hindi ako nautal. Nilingon ko ang paligid. Nandito kami sa may daungan ng mga bangka. Kanina pa kasi kami dito pero wala pa rin sila.
"Hindi sila pupunta. Tayong dalawa lang ang nandito." Nakangiti nitong pahayag.
"Bakit?"
"Kailangan ba may dahilan? gusto lang kitang makasama."
Pilit kong pinipigil ang pagguhit ng ngiti sa mga labi ko pero mahirap itago ang sayang nararamdaman ko ngayon.
Tinawag na kami ng crew na kasama namin dahil aandar na ang yate.
Sa ilalim ng dagat ay makikita ang ibat-ibang klase ng mga isda. Ang iba dito ay hindi ako pamilyar pero napaganda. Para akong nakadiskobre ng bagong mundo sa ilalim ng dagat. Nakakalungkot lang isipin na may ibang tao na hindi na-aapreciate ang ganitong kagandang lugar. Maswerte ako at nasilayan ko ito.
Pabalik na kami sa hotel sakay pa rin ng yate. Nakabalot sa katawan ko ang towel para hindi ako masyadong lamigin dahil sa lakas ng hangin. Nilingon ko si Lorenzo na mahigpit ang hawak sa aking kamay. Napangiti ako. I can feel it. Lorenzo is slowly opening his heart to me.
Pagbaba namin sa daungan ay pumasok kami sa isang room para makapagbihis. Naisipan naming maglakad na lang pabalik. Pinagmamasdan ko ang araw habang papalubog na ito, aakalain mong magtatago lang ito sa ilalim ng dagat.
Biglang pumasok sa isipan ko ang sinabi ni Maricar na matagal ng alam ni Lorenzo ang pagkakagusto ko sa kanya. Hinarap ko si Lorenzo na nasa aking likuran. Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob para gawin 'to. Pero tutal alam naman na niya bakit hindi ko na lang aminin sa kanya ng walang bahid na kalasingan.
Huminga ako ng malalim bago nag-umpisa. "Lorenzo, alam kong may idea ka na sa totoong nararamdaman ko." Tumigil ito at tumingin sa'kin.
"Nabanggit sa'kin ni Maricar ang di sinasadyang pag-amin ko sa nararamdaman ko nang malasing ako." Bahagyang nagulat ito.
"Totoo 'yon. Mahal kita."
Ilang sandali itong hindi nagsalita. "Kailan pa?"
"Simula pa ng bata tayo gusto na kita." Naramdaman ko ang pangingilid ng luha ko dahil sa sari-saring emosyon.
"Pinilit kong itago ito.. k-kasi magkaibigan tayo. Ayokong masira kung ano man ang meron tayo." Halos matakpan na ng luha ko ang paningin ko. Bago pa ito tuluyang bumagsak ay pinahid ko na ito.
"Honestly, natuwa ako ng makasal tayo kasi one of my dreams came true. Kahit na alam kong masakit iyon sa part mo and I'm really sorry for being selfish... I'm really sorry."
Lumapit ito at niyakap ako.
"Don't cry." Lumayo siya ng kaunti at ikinulong ang mukha ko sa kamay niya. Tinitigan niya ako ng mabuti. Patuloy pa rin ang pag-agos ng luha ko.
"H'wag ka na umiyak. Ang pangit mo pa naman pag-umiiyak." Humalakhak ito.
Hindi ko napigilang hampasin ito. Kita mong seryoso ako dito.
"Puro ka naman biro Lorenzo eh!" Niyakap akong muli nito at bumulong. "Don't worry the feeling is mutual."
Itinulak ko siya at pinagmasdang mabuti pero ngumiti lang siya. "I love you too, Kara."
Napasinghap ako ng marinig ang L word na hindi ko akalain na maririnig ko sa lalaking pinakamamahal ko.
"To answer your question, yes I know that you like me and I keep it. I don't know why but those few words keeps me awake for several days. Hindi ko alam kung bakit pero nakaramdam ako ng tuwa ng marinig ko iyon. Pero naisip ko na baka dala lang ito ng kalasingan kaya hindi ko sinabi sayo." Inilagay ni Lorenzo sa likod ng tenga ko ang ilang hibla ng buhok na nahulog sa mukha ko.
"At doon ako nagsimulang maguluhan sa sarili ko. Lalo na nang magdecide kang magpakasal sa ibang lalaki. Hindi ko alam kung bakit pero against na against ako sa ideyang ikakasal ka sa iba."
Hindi ko inalis ang tingin sa kanya at hinayaan ko lang siyang magsalita.
"I know I made you cry so many times but still you stayed." Napansin ko ang pag-iwas niya ng tingin dahil sa nangingilid na rin ang luha niya. Bahagya niya itong pinahid.
"So please be patient with me as I slowly fall in love with you and I promise to reciprocate your love for me."
Dahil doon hindi maawat pa ang pagtulo ng mga luha ko.