Chereads / Wedding in Trouble(Tagalog) / Chapter 20 - Chapter 19

Chapter 20 - Chapter 19

6:30 PM nang magising ako sa tunog ng door bell. Hindi ko na malayan na pati pala ako ay nakatulog. Nilingon ko ang paligid ko at dumako ang tingin sa dalawa.

Mulat na mulat na ang mata ni Baby Dylan pero tahimik lang nitong pinaglalaruan ang kamay, samantalang ang babysitter nito ay tulog pa rin. Pinigilan kong matawa at baka magising ito.

Tumunog ulit ang door bell.

"Looks like your mother is here Baby Dy." mahinang pinisil ko ang pisngi nito.

Agad akong lumabas para buksan ang gate. Sumalubong sa akin sila Ate Carla at Kuya Mikee.

"I'm sorry Kara napatagal kami."

"No worries ate, nakapagbonding ng husto ang magtito." Natatawang sabi ko dito.

"Told you hon, practice na rin yan sa kanila para alam na nila gagawin once magkababy na sila." Nakangiting sabi ni Kuya Mikee.

Natatawang iniwas ko ang tingin sa mga ito at inayang pumasok sa loob.

"Here.. gising na si Dylan."

Nakita namin si Dylan na subo ang daliri nito. When he saw his parents. Dylan giggle as if he knows it already that his parents are here to fetch him.

Lumapit si Ate Carla para buhatin ito. "Oh my baby is such a good boy." Hinalikan nito sa pisngi ang anak. "Hindi mo ba pinahirapan sila tito at tita, baby?"

Napangiti na lang ako ng tumawa lang ito at niyakap si Ate Carla.

Maya-maya ay naalimpungatan si Lorenzo. Nang makilala nito kung sino ang mga kasama ko ay tuluyan na itong nagising.

"Oh, you're here." Ikinusot nito ang mga mata at bumangon.

"Yes, hindi na kami magtatagal pa ng makapagpahinga na rin kayo. Sa tawa ni Dylan mukhang pinahirapan kayo nito." Natatawang tiningnan ni Ate Carla si Dylan na siyang buhat naman ngayon ni Kuya Mikee.

"Hindi naman Ate, nag-enjoy naman kami. Naging maingay ang bahay." Sabi ni Lorenzo.

Gumuhit ang ngiti sa labi namin ni Lorenzo.

Totoo, naging mas maaliwalas at masigla ang buong araw namin. Iba pala talaga pag maingay ang bahay. Kahit na hindi namin malaman ang gagawin kanina para patahanin si Dylan, naging worth it naman lahat dahil kapalit naman nito ang tawa nitong makakapagpagaan ng loob.

Hindi na nagtagal pa sila Ate Carla at Kuya Mikee. Nagpaalam na kami kay Dylan na tinawan lang kami. Nag-iwan rin ng pasalubong samin ang mga ito bago umalis.

Matapos makapagpaalamanan ay kumain lang kami saglit pagkatapos ay umakyat na sa kanya kanyang kwarto para magpahinga.

* * *

Mabilis na lumipas ang mga araw dahil na rin sa naging busy kami. Si Lorenzo ay abala sa pag-aasikaso ng bagong project nila sa isang kilalang Kliente na si Mr. Jose Corpuz, marami na itong napatayong mga malls na talaga naman dinarayo. Ang business nila Lorenzo ay hindi nalalayo sa business na mayroon kami. Madalas ang kliente namin ay mga nagpapagawa ng mga villages or subdivisions. Ang Vill Corporation, ang company nila Lorenzo ay humahawak ng mas malalaking kliente kagaya ni Mr. Corpuz. Nagpapagawa ito ng panibagong Mall kaya naman tinututukan itong mabuti ni Lorenzo.

Kakapasok ko lang ngayon galing sa labas dahil may naclose na naman kaming deal para sa client namin na magtatayo ng exclusive subdivision.

Lumawak ang ngiti ko. Yes! I'm so excited to tell Papa about this.

Nakabalik na rin si Papa galing singapore, maayos na ulit ang business namin doon. Kaya naman balik na rin ako sa position ko as CMO or Chief Marketing Officer.

Pagdating ko sa opisina ni Papa ay kumatok muna ako. Nang sumagot ito ay pumasok na ako.

Binuksan ko ang pinto pero kamay ko lang ang pinasok ko na naka-thumbs up. Saka ako pumasok ng may malaking ngiti.

Well I'm so proud of myself dahil may naclose na naman kaming deal.

"Good job Kara, sabi ko na nga ba't mapapapayag mo sila." Nakangiting sabi nito.

"Syempre! ako pa ba Pa." Natatawang pagmamayabang ko.

Natatawang hinayaan lang ako nito magmayabang nang may bigla itong naalala.

"Ops! before I forgot your mother called me to remind you on our vacation this coming Friday. She was asking kung nakapagprepare na kayo ni Lorenzo pati na rin si Maricar."

Nakagat ko ang ibabang labi. I completely forgot about it.

Pagkatapos kung makausap si Papa ay bumalik na ako sa office ko.

Sa sobrang busy hindi ko namalayan na Wednesday na ngayon. Hindi pa ako nakakapagprepare and I'm sure ganun din si Lorenzo. Mapapasama na lang ako kay Maricar mamaya para mamili. Actually si Mama talaga ang nagpumilit na isama ko si Maricar, I don't know kung paano sila naging close pero ayun na nga kasama namin si Maricar. Sa una ayaw pa nito sumama dahil family vacation daw ito pero hindi ako nito matitiis kaya pumayag na rin ito.

Napatingin ako sa smart watch ko, 12:30 pm. Tanghali na pala.

I texted her to meet me at the Mall near our company at 3pm. Maaga pa naman kaya dadaan muna ako sa company nila Lorenzo. I want to surprise him.

Kinuha ko ang susi ng sasakyan pagkatapos ay nagmaneho na ako papunta sa Vill Corporation. Dumaan na rin ako sa Drive thru, doon na ako kakain kasabay ni Lorenzo.

Pagdating ko ay pinapasok agad ako ng Guard. Kilala na ako nito dahil naisama na ako dito noon ni Lorenzo nu'ng time na nag-aaral pa kami.

Nang makarating ako sa floor kung nasaan ang office ni Lorenzo ay nakita ko na agad si Ricky, ang secretary ni Lorenzo.

"Ma'am Kara, nandito po kayo." Nakangiti ito.

Kumaway ako dito saka lumapit.

"Oo. Nandyan ba si Lorenzo-" Hindi ko na tuloy ang sasabihin ko ng may lumabas na babae sa opisina ni Lorenzo.

The girl wear a red fitted dress that really hugs her body with low V-neckline. Kulang na lang ay kumawala na ang dibdib nito sa damit nito.

Nagsalubong ang kilay ko ng tingnan ako ng babae mula ulo hanggang paa as if mocking me.

Abat! ang babaeng nito. Pinapainit ang dugo ko.

Bumukas ang pinto ng office ni Lorenzo. Nagulat ito ng makita ako.

"Kara your here.."

Hindi ko maiwasang mapatingin sa babae na ngayon ay mapang-akit na lalapit sana kay Lorenzo. Bago pa man siya makalapit ay inunahan ko na ito.

Nakangiting lumapit ako kay Lorenzo at hinalikan ito sa labi. Nagulat ito sa ginawa ko.

Hindi ko alam kung anong sumapi sa akin at nagawa ko iyon. Saka ko binalikan ng tingin ang babae. Nanlilisik na ngayon ang mata nito sa akin.

Sabi ko na nga ba at may gusto ito kay Lorenzo. Sa suot pa lang nito na nang-aakit ng tingin. Naiinis ako sa itsura niya.

Tinalikuran ko na ang babae at hinarap si Lorenzo. "I brought you food, baka hindi ka pa kasi kumakain." Saka hinila ito papasok ulit sa office.

Balak pa sanang sumunod ng babae kaya nilock ko ang pinto. Pagkaharap ko ay sumalubong sa'kin si Lorenzo na matamang na nakatingin sa'kin. "What?"

Ngumisi lang ito pagkatapos ay kinuha ang mga dala kong pagkain. "Wala, nakakatakot ka pa lang magselos. Nanghahalik bigla." Tumawa ito.

Napapikit ako bigla ng maalala ang pagnakaw ko ng halik dito. Lumapit si Lorenzo sa Dining Area at ito na ang naghanda ng mga kakainin.

May maliit kasi na dining area ang opisina nito. Actually meron din itong kwarto incase na hindi niya na kayang umuwi at dito na lang magpahinga.

Hindi ko ito sinagot. Ngayon lang pumasok sa sistema ko ang hiya. Hindi ko tuloy kayang tingnan si Lorenzo ng diretso.

"Don't worry, she's just a client to me. Kaya wag ka na magselos d'yan at kumain na tayo." Inangat nito sa harap ng bibig ko ang kutsara. Kinuha ko sa kamay niya ang spoon at ako na ang nag-asikaso sa sarili kong kumain.

Nalaman ko na ito pala ang anak ni Mr. Corpuz na si Sheena Corpuz. Ang kasalukuyang nagmamanage ng pinapatayong Mall ng tatay niya.

Tss. Lalo lang akong nainis. Siguradong mapapadalas ang pagpunta ng babaeng iyon dito.

Lumingon ako kay Lorenzo ng maalala ang vacation namin. "Lorenzo, sa Friday na pala ang vacation natin kasama sila Mommy Karen. Niremind ako ni Mama kanina."

"Okay, I will prepare my things."

Pagkatapos namin kumain ay hinatid ako nito sa lobby. Nagtext na rin kasi sakin si Maricar na nasa lobby na daw siya.

Pagkarating namin sa lobby ay maraming emploleyadong papasok pa lang na siguro ay kumain sa labas. Medyo nahirapan akong hanapin si Maricar pero nang makita ko ito ay kinawayan ko agad.

"Lorenzo, okay na ako dito nandyan na rin Maricar. I will see you later." Nakangiting paalam ko kay Lorenzo.

Akmang maglalakad na ako ng hawakan nito ang braso ko at hilahin ako palapit dito. Nagulat ako ng maramdaman ko ang labi nito sa labi ko. Saglit lamang ito kagaya ng ginawa ko kanina. Smack lang.

Pagkatapos ay ikiniling nito ang ulo at bumulong sa akin. "There, now we're even."

Hindi ako makakilos.

Shet! Hindi ako kinikilig!

Oo na kinikilig na ako. Kung wala lang sa harap ko si Lorenzo baka naglumpasay na ako sa kilig.

Nakagat ko ang ibabang labi sa pagpipigil ng ngiti.

Tumalikod na ako. Napatingin ako sa paligid ko, saka ko napansin na halos lahat ata ng employees ay napatigil sa ginagawa at nakatingin sa direksyon ko.

Parang gusto ko na lang magpalamon sa lupa para lang maiwasan ang mga tingin nila.

Naglakad na ako palapit sa kinaroroonan ni Maricar. Malayo pa lang ay nakikita ko na ang mapang-asar nitong ngiti.

"Oo na, ikaw na may mahabang buhok. mukhang naapakan ko pa ata ang buhok mo," ngisi nito, "dahil hinintay ko pa kayo matapos ni Lorenzo ay nilagam na din ako."

Agad kong niyakap ang kaliwang braso ni Maricar. "Maricar, what to do? I can't contain my happiness."

Ramdam ko rin ang pamumula ng mukha ko.

"Mamaya ka na magday dream, pumunta na tayo ng Mall para makapamili." Hinila na ako nito sa sasakyan kahit wala pa ako sa wisyo.