Chapter 25 - 24

MASAMA ang pakiramdam ni Myla nang umagang iyon. It's her monthly period. At sa tuwing first day niya ay waring nagrerebolusyon ang kung ano mang meron sa puson niya. Iyon ang dahilan kung bakit galit siya sa mundo sa tuwing magkakaroon siya. At wala siyang balak na umalis ng kuwarto niya kahit ano pa ang mangyari. Mas trip niyang mamaluktot na lamang sa kuwarto niya maghapon o hanggang sa mawala ang sakit ng puson niya.

Mayamaya pa ay narinig niya ang sunod-sunod na katok sa pinto ng kuwarto niya. Gusto niyang magwala ngunit wala namang kasalanan ang kung sinumang nasa pintuan kaya naman pinigilan niya ang sariling mainis.

"Senyorita?" ang pamilyar na tawag ng kasambahay mula sa labas ng pintuan.

"I'm not feeling well. Please just tell everyone I'll be resting." Nasapo niya ang puson sa ginawang pagsigaw. Darn it! Kaunting galaw lamang niya ay nagpu-protesta na ang katawan niya. It seems she would really be staying all day in her room.

Wala naman na siyang narinig na sagot mula sa katulong kaya naman itinalukbong na lang niyang muli ang kumot sa sarili at namaluktot sa kama niya. She felt horrible. And it was even worse than the other times when she experienced dysmenorrhea. Maybe it was because of stress.

Oo, ilang araw na siyang stressed. Stressed sa pag-intindi sa kung ano ba talaga ang nararamdaman niya. At kung inakala niyang makakatulong si Christpoher sa kanya, nagkamali siya. Because as the days passed, he was getting more and more annoying. Nakakatawa dahil dati ay gustong gusto niya ito, ngunit ngayon ay naiinis na siya sa pagsulpot-sulpot na lamang nito sa hacienda. He's been eating up most of her time na dapat ay ginugugol niya sa pagtulong sa hacienda. Sa pagtulong kay Darwin.

Speaking of Darwin, isa pa ito sa nagpapasakit sa ulo niya. Lalong lumala ang kung ano mang cold war na namamagitan sa kanila pagkatapos nang nangyari ilang araw na rin ang nakakaraan. Ngayon ay parang hindi na siya nito nakikita. They don't talk unless it's about the hacienda. And he didn't even argue when Christopher just pops up and drags her somewhere. At ayaw man niyang aminin ay nasasaktan siya sa inaakto nito. Bakit mas gusto pa niyang hinaharang harang nito si Christopher o kahit kaladkarin na lang siyang palayo nito sa lalaki.

At ang lalong nagpapakulo ng dugo niya ay ang napapadalas na pagkikita nito at ni Angelica. Kung siya ay hindi nito kinakausap casually, puro kaswal na bagay naman ang pinag-uusapan nito at ng babae. Suddenly they were so close. And suddenly she wants to wring their necks!

Napangiwi siya nang kumirot muli ang puson niya. Darn it! Just stop thinking already! Kastigo niya sa sarili at pumikit na lang. Matutulog na lamang siya at baka sakaling hindi na niya maramdaman ang iniinda niyang sakit. Physically and emotionally!

Unti unti nang gumagaan ang pakiramdam niya nang biglang may mag-alis ng kumot na nakatalukbong sa kanya.

"What the---!" napanganga na lamang siya nang basta na lamang lumapat ang palad ni Darwin sa noo niya. Bakit ni hindi niya napansin na pumasok na ito sa silid niya?

"You don't have a fever but you're pale. What's the matter?" tanong nito. At tama ba ang basa niya sa mukha nito. He actually looked... worried?

Umupo siya at pilit na itinago ang dinaramdam sa likod ng isang ngiti.

"I... am... it's nothing. I-I'm fine."

"You don't look fine. Come on. I'll take you to the hospital."Seryosong sabi nito. Iyon na lang uli ang pagkakataong kinausap siya ng lalaki na hindi involved ang trabaho kaya naman ilang minuto ring napatanga siya rito. "Myla!" untag nito sa kanya.

"Ahm... Ah... Wait, are you actually talking to me?" hindi napigilang tanong niya.

Sa gulat niya ay bigla na lamang itong ngumiti at napailing. Parang gusto niyang mapa-"hallelujah" na lang doon. Iyon ang unang ngiting nakita niya mula rito mula nang hindi siya pagpapansinin nito. And honestly, she felt relieved when she saw that smile. Na para bang nabunutan siya ng pagkalaki-laking tinik na ilang araw na rin niyang dala sa dibdib.

"Let's go. Kailangan mong magpatingin sa doctor. Baka kung ano na 'yan." Mayamaya ay sabi nito.

"N-no. It's nothing really." Nakagat niya ang pang-ibabang labi nang muling kumirot ang puson niya at nasapo iyon. Badtrip! Parang ayaw pa niyong makisama!

"Hey, are you okay?" agad siyang dinaluhan nito. Lumapat din ang palad nito sa likod niya.

"I-I'm fine. It's normal. I experience this every... every month." Paliwanag niya. Ni hindi niya sigurado kung paano niya ipapaliwanag sa lalaki ang dinaramdam niya. O dapat nga bang ipaliwanag niya iyon dito? It was monthly period for heaven's sake!

Pero hindi na yata niya kailangan pang ipaliwanag rito dahil ilang minuto rin siya ntong pinakatitigan. Pagkatapos ay bumuntong-hininga ito.

"You wait here. I'll get you some food and medicine." Sabi nito mayamaya at tumayo na. Ni hindi man lang nito hinintay na sumagot siya dahil dire-diretso na itong lumabas ng pinto. Ilang sandali lamang naman itong nawala at pagbalik ay may bitbit nang tray ng pagkain. Sa sulok niyon ay isang piraso ng gamot naman. "Here. Eat up."

"H-hindi naman ako nagugutom---"

"Just eat up and drink the medicine." Utos nito. At dahil wala na siyang mabasa sa ekspresyon nito ay hindi na niya nagawa pang magreklamo.

"I'll just wash up a bit." Sabi niya saka tumayo na ngunit napangiwi siya nang makita ang bahid ng dugo sa kama niya. Shit! Gusto niyang takpan iyon ng kumot niya ngunit nang bumaling siya sa lalaki ay nakatingin na ito doon. Parang gusto niyang lumubog sa kahihiyan. "S-sorry." Nakangiwing sabi niya at dinampot din ang kumot saka itinakip sa kahihiyang iyon. Ni ayaw niyang tumalikod dito dahil alam niyang may marka na rin sa likuran niya.

Hindi naman ito umimik at tahimik na ibinaba ang tray sa bedside table na naroon. Pagkatapos niyon ay pumunta ito sa cabinet niya. Kumuha ng malaki at malinis na tuwalya saka isinampay sa mga balikat niya. Nagawang takpan ng haba ng tuwalya ang nakakahiyang marka sa likod niya. Ngunit parang lumipad na ang tagos na iyon sa isipan niya dahil ang tanging na-digest ng utak niya ay ang mga pinaggagawa nito. He was taking care of her!

Muli siya nitong tinalikuran at tinungo muli ang cabinet niya. Nang balikan siya nito ay isang pares ng malinis na pajama ang itinambak nito sa kanya.

"Go wash up. Ikaw na lang ang kumuha ng ..." tumikhim ito na waring hindi masabi ang nais na sabihin. Gayunpaman ay naintindihan niya ang ibig nitong sabihin. Her underwear!

"S-sige." Tanging naisagot na lang niya. "Thank you."

"I'll come back later." Sabi nito saka tinalikuran na siya ngunit nakakailang hakbang pa lamang ito ay huminto ito, humarap sa kanya saka nagmartsang pabalik.

"B-bakit?"

Ngunit hindi ito sumagot sa halip ay umangat ang kamay nito sa pisngi niya. And without saying a thing, he planted a kiss on her forehead.

"I missed you." sabi nito saka walang lingon-likod na lumabas ng silid niya.

Nanatiling nakatunganga naman siya roon. Ano daw iyon? Na-miss daw siya nito? Pero hindi naman siya umalis. Hindi rin naman ito umalis. They practically saw each other every day. Tapos namiss daw siya nito?

Well, you missed him too right?

Ayaw man niya ay naramdaman niya ang pagsang-ayon ng puso niya sa bahaging iyon ng isip niya. It was weird, yes, but she did feel the same. Ilang araw ding parang hangin ang turing nila sa isa't isa. Maybe they really has the right to miss each other. Or do they? They were not even friends to start with!

Pero isang naghuhumiyaw na katotohanan ang kumakaway ngayon sa harapan niya. His smile, his kiss, his very presence. She missed all of it. At kasabay niyon ay ang unti-unting pagsuko ng puso niya. Na parang napagod na lamang ang puso niyang i-deny ang katotohanang naghuhumiyaw na sa harapan niya.

Biglang umalingaw-ngaw muli ang mga huling salitang binitawan nito bago sila magkaroon ng cold war nito. He was right. She has been afraid all along that was why she kept denying the truth. She has fallen for Darwin Lawrence Buenavista! And she can't do anything about it now...