Chapter 27 - 26

"SO you really like him, huh?" ang nakangiting tanong ni Christopher na hindi naman umabot ang sigla sa mga mata. Nagawa na niyang sabihin sa lalaki ang totoo. Na tanging pagkaaibigan lamang maaari niyang maibigay rito at na si Darwin ang mahal niya.

Alam niyang kakapalan na ng mukha na dito pa siya lumapit bitbit ang problema niya sa puso. Pero anong magagawa niya? Kinailangan niya ng kausap. Nagkataong hindi niya makontak ang Ate Jean niya. Hindi rin naman niya magawang sabihin sa Lola niya ang nangyari dahil pihadong masisira ang relasyon nito kay Darwin. She cannot afford that. He was still a business partner.

She badly needed someone to talk to kaya naman pagkatapos niyang umiyak sa kuwarto nang ilang sandali ay walang pag-aatubili siyang nagbihis at umalis ng hacienda sakay ng sasakyang minamaneho ng driver ng Lola niya. Di na niya alintana pa kahit mukha na siyang zombie dahil sa pamumugto ng nga mata niya. O kahit ayaw pa ring paawat ng sakit ng puson niya.

Humantong siya sa front door ng cottage na pansamantalang tinutuluyan ni Christopher. He was worried of her of course. Ilang sandali pa ay nailahad na niya ang lahat rito. There was no violent reaction but she knows she had hurt him.

"I'm sorry, Christopher. I really am."

"Tigilan mo na nga 'yan." nakangiting sabi nito. "I'm fine. Isa pa, kahit hindi mo sinabi, alam ko na noon pa lamang na nasa sayawan tayo na iba na ang nararamdaman mo para sa kanya. And that kiss? You will really pass as the couple of the year."

"N-nakita mo iyon?" gulat na tanong niya.

"Pagpasok mo pa lang sa court, nakita na kita. I thought it was destiny, seeing you again, I mean." he was smiling but the sadness in his eyes were evident. "But when I saw how you looked at Darwin, kahit pa iba ang kasayaw niya, alam ko na agad na wala na akong mahihita sayo." biro nito.

"Sana nilapitan mo ako."

" I want to. But you were already looking at someone else. Wala na nga sa plano ko ang lapitan ka. Pero nagkasalubong tayo. And I took the risk. Baka sakaling may pag-asa pa. I regret letting you go before, remember? Kaso ganoon pa rin ang ending. I have to let go of you once again." tumawa ito ng pagak.

"I'm really sorry."

"Don't be. It is my fault, anyway. Then and now." nakangiting sabi nito.

"Anong then? Eh normal lang naman ang naging reaksiyon mo. Darwin k-kissed me in front of you. Natural lang na mag-walk out ka." sagot niya.

"You don't know the reason behind it." sabi nito.

"Ha?"

"You've chosen already kaya sasabihin ko na ang totoo."

"Aling totoo?" kunot ang noong tanong niya.

"Darwin has always liked you." balewalang sabi nito samantalang siya ay daig pa ang nasabugan ng bomba.

"w-wag mo nga akong pinagti-trip-an!"

"I'm serious. He had liked you since college. Kaya nga galit na galit ang taong 'yon noong malaman niyang pinagpustahan ka namin ng mga kaibigan 'ko."

"You what?" Naningkit ang mga mata niya sa lalaki.

"Hey! Hey! Relax. It was way way back. Bata pa ako noon. And it started that way. But the more I spent time with you, I ended up liking you. Pero nalaman iyon ni Darwin. After he kissed you on the graduation ball and you left the party, he talked to me. He told me to stay away from you. He said he will never let anyone hurt you. Kung hindi pa iyon dahil sa gusto ka niya, ewan ko na lang." mahabang paliwanag nito.

"H-he did that?"

"Yep. And that explains the kiss he gave you at the grad ball. Plus he must really want you guys to end up together. Remember the tradition?"

"That was bullshit! Walang ginawa ang isang 'yon kung hindi bwisitin ako. At ni hindi nabakante 'yong nilalang na 'yon."

"That I am not sure. You should probably talk to him."

"Bakit pa? Didn't I tell you he did everything to get revenge."sabi niya saka bumuntong hininga. Bumuntong-hininga siya.

"Look, you can't just take her word and accept it without asking for Darwin's side. It would be unfair to him. At ang sabi mo may pagnanasa ang babaeng iyon kay Darwin. She must be bluffing for all you know."

"Pero alam niya ang tungkol sa ex ni Darwin."

"Baka nabanggit niya, but that does not mean all she said was the truth." sabi ni Christopher. "Come on. give him the benefit of the doubt. Your happiness is at stake here" sabi nito.

"And if it was the truth?"

"Then come to me. I'll always accept you no matter what." sabi nito saka kumindat pa sa kanya. Natawa na lang siya. They cannot be lovers but they will be very good friends.

Mayamaya pa ay nagpaalam na siya. Bahagya nang magaan ang loob niya.

"I'm sorry, Christopher. You take care okay." sabi niya rito.

"Ikaw ang alagaan ang sarili mo. You look pale." naiiling na sabi nito.

"I'm fine." nakangiting sabi niya."bye and thank you."

Tumalikod na siya at aalis na sana nang tawagin siya nuto. Nang pumihit siya paharap rito ay sinalubong siya ng mga braso nito.

"Thank you for spending time with me. Please be happy." sabi nito saka tinapik-tapik pa ang likod niya.

Kusang umangat ang mga kamay niya sa likod nito at bahagyang tinapik ang likod nito.

"You too. Be happy, friend."