"Pare, may problema ba?" Tanong ni Josh nang iabot nito kay Darwin ang pang-apat na baso na yata niya ng scotch nang gabing iyon. Sa restobar nito siya dumiretso pagkatapos niyang ihatid si Loren, ang babaeng ka-date niya kanina.
"Wala, pare. Bakit?" painosenteng sabi niya saka inisang lagok ang alak na laman ng baso at ibinalik iyon dito. "One more."
"Iyan ba ang walang problema, pare?" tanong nito bagaman nilagyan din ng alak ang baso niya. "You're getting yourself drunk."
"I'm not. Nagpapaantok lang ako kaya umiinom ako." Kibit-balikat na sagot ni Darwin.
"Sa bar ko? Pare, kung nagpapaantok ka lang naman, sana bumili ka ng wine at sa bahay mo nilantakan para kung sakaling umepekto eh diretso ka sa kama mo. Iistorbohin mo pa ang mga tauhan ko sakaling nalasing ka para maging substitute driver mo." Pumalatak pa si Josh pagkatapos sabihin iyon.
"Eh sa trip kong dito sa bar mo uminom eh. Pagkakaperahan mo rin naman ako ngayon."
"Sabagay..." sagot ng business minded na kaibigan. Napailing na lamang siya.
Ano nga bang ginagawa niya ngayon sa restobar ng kaibigan? She should be at Loren's place, having a wild night with that one hot girl. Ngunit sa halip na magpalipas siya ng gabi sa bahay ng babae gaya nang ginagawa niya noon sa tuwing matatapos ang date niya sa bawat babaeng nakakasama niya ay inihatid lamang niya ito sa bahay nito. Pagkatapos niyon ay sa restobar na siya dumiretso. It was so unlike him. He was used to having fun with girls. Ngayon ay mukhang magpapakaburo na siya sa restobar ng kaibigan. All because of one girl.
Myla...
Nang maalala ang babae ay nagtangis ang bagang niya. Bakit ba hindi niya ito makalimutan pagkatapos ng ginawa nito sa kanya? Ngunit masisisi ba niya ito? Noon pa man ay hindi na siya nito gusto. Magugustuhan na lang yata nito ang lahat ng lalaki maliban sa kanya. He was just a nuisance in her eyes. Bakit ba umasa siyang sa pagkakataong iyon ay magagawa na niyang magtagumpay na mapaibig ito. Sa huli tuloy ay siya ang nahihirapang bumalik sa dati niyang buhay.
And yes he has been liking her since the first time he saw her. First day nito noon sa kolehiyo. Noon pa man ay nakuha na nito ang atensiyon niya bukod pa sa nalaman niyang ito ang kapatid na babae ni Lenard. She was this bubbly pretty girl that everyone seemed to like.
Sinubukan niyang magpapansin dito ngunit tanging kaibigan lamang ng kapatid nito ang tingin nito sa kanya. So he changed his tactics. He started teasing her. Pati ang cute na height nito ay pinagdiskitahan niya. He got her attention, yes, but she ended up getting angry at him. Pero hindi na niya iyon inalintana. At least she was paying him attention. Ang corny mang pakinggan ngunit kahit pa naaalala lang siya nito dahil inis ito sa kanya, sapat na sa kanya.
At sa paglipas ng panahon, inakala niyang nagbago na ang pagtingin niya rito. Akala niya ay naging simpleng kapatid na lamang ito ng kaibigan niya. Na natutuwa na lang siyang inisin ito kaya hindi niya ito tinigilan. Nagkaroon siya ng maraming relasyon ngunit wala siya ni isa mang sineryoso sa mga iyon. He was having fun just like that. Until he was given the chance to be with Myla for quite a long time. Doon niya napagtanto na hindi pa rin pala nagbabago ang nararamdaman niya rito. He still likes her. At sa paglipas ng mga araw na nakasama niya ito sa hacienda ay lalo pang lumalim iyon. And he thought he was finally making a progress. She started responding to her advances. Until Christopher.
Damn Christopher! Ano ba ang nagustuhan ni Myla sa lalaking iyon. Noong nasa college pa lamang sila ay pinagpustahan na nito at ng mga kaibigan nito ang babae. And it was him that stopped Christopher from hurting her.
He was way better than Christopher. Alam niyang di hamak na mas gwapo siya sa lalaki. Mas mayaman din siya at mas matalino rito. And he cares for her more than anybody else.
Pero si Christopher ang mahal ni Myla noon pa man.
Mapait siyang napangiti. Kahit gaano siya kaangat sa lalaki ay hindi niya magawang itanggi na ito ang gusto ng babaeng matagal na niyang tinatangi. And there was nothing he could do about that. Ginawa na niya ang lahat ng makakaya niya noong nasa hacienda sila upang mahawakan ang pagmamahal ng babae, ngunit hindi pa rin siya nagtagumpay.
And look how pathetic he ended up. Comparing himself to another man. Getting drunk alone at a restobar. He felt miserable.
"Isn't that Christopher? Iyong kaklase natin noong college?" bigla ay tanong ni Josh.
Agad niyang iniangat ang tingin rito pagkatapos ang sinundan ang kung sino mang tinatanaw nito. Nagtangis ang mga panga niya nang makita niya ang tinutukoy nito. It was Christopher. And he was not alone. Kasama nito mesang inookupa ang isang babae. Naningkit ang mga mata niya. Hindi si Myla ang kasama nito ngunit bakit napaka-sweet nito sa babaeng kasama?
Natumba ang kinauupuan niya sa biglaan niyang pagtayo at sa siguradong hakbang ay tinungo niya ang kinaroroonan ng lalaki. And in one swift move, he was able grab the guy's collar.
"What the---"
Paupo itong bumagsak sa sahig nang isang suntok ang paliparin niya sa mukha nito kasunod ang tilian ng babaeng kasama nito at ng mga babae sa paligid. Ang lalaking ito ang pinili ng babaeng mahal niya? He can't seem to accept that fact now.
"Start explaining before I beat you up to a pulp, you hear me?"