"Give him the benefit of the doubt..."
Paulit-ulit ang mga salitang iyon habang nasa byahe si Myla pabalik sa hacienda. May isang parte sa kanya ang nais na sundin ang sinabi ni Christopher. Like what harm would it bring if she would be asking him straightforward about the matter? Wala naman maliban sa magmumukha siyan desperado sa harap nito? At malamang sa harap din nI Angelica sakaling totoo ang sinabi ng babae. At pride na lamang ang natitira sa kanya. Handa na ba siyang pati ang pride niya ay patapakan sa mga ito?
Pero kung hindi niya lilinawin ang lahat, matatahimik ba siya? She had just realized what she truly feels towards Darwin. And she would be dreading about 'what ifs' if she would not know the whole truth. But was she ready to have her broken heart even get more shattered if Angelica was indeed telling the truth?
"Ahhh!" napu-frustate na sigaw na niya.
"Senyorita, okay lang ba kayo?" ang natatarantang tanong ng driver.
"Wala ho. Masakit lang ang ulo ko." sagot na lamang niya.
"Naku, kung bakit kasi lumabas pa kayo ng hacienda ganyang may dinaramdam ho kayo. Mag-aalala na naman si Sir Darwin." pumapalatak na sabi ng driver bagaman hindi naman siya nililingon dahil abala ito sa pagmamaneho. Ngunit hindi nakaligtas sa pandinig niya ang sinabi nito.
"Ano hong sabi ninyo Mang Gardo?" tanong niya.
"Kung kako umalis pa kayo---"
"Hindi, 'yong isa pa ho."
"Iyong mag-aalala si Sir Darwin? Aba eh totoo naman iyon. Nang malamang may sakit kayo mula sa katulong eh tumakbo agad sa kuwarto ninyo. Hindi nga ba't ipinaghanda pa kayo ng pagkain at gamot. Wala ngang balak na sumama kay Angelica dahil nga gustong bantayan kayo. Ayon nga lang nang malamang iisa na lang iyong gamot mo eh sumama na rin." mahabang paliwanag nI Mang Gardo.
"P-po?" kung ganoon ay siya ang dahilan kung bakit ito pumunta ng bayan?
"Ano ba namang pagkagulat 'yan?" sabi nito pagkatapos siyang silipin sa rear view mirror. "Aba eh para namang hindi mo alam na may gusto iyon sa inyo. Aba eh kami ngang kailan lang nakilala ang binatang iyon eh basang basa na ang kilos niya. Kayo pa ba na sabi niyo nga eh matagal nang nakakakilala sa kanya."
Natigagal si Myla. Ni hindi na nagawang intindihin ng utak niya ang iba pang sinasabi ng matanda. Pinilit i-digest ng inaagiw na isipan ang mga nauna nang sinabi nito. Darwin was worried about her. At siya ang dahilan kung bakit sumama ito kay Angelica. Why didn't she think about that? Nagpadala siya sa sinabi ng babaeng ni hindi naman niya ka-close. She must be insane!
Hindi pa tuluyang naihihinto ni Mang Gardo ang sasakyan ay binuksan na niya ang pinto at nagmamadaling bumaba. Ngayon ay iisa lamang ang gusto niyang gawin. Ang makausap si Darwin upang linawin ang lahat. Christopher was right. She should at least give him chance to explain himself. At kung hindi man niya iyon magugustuhan ay tatanggapin na lamang niya. O susubukan niyang tanggapin.
Ngunit mukhang hindi na niya pala kailangang magtanong. Dahil sa pagbukas pa lamang niya ng pinto ng kabahayan ay waring nasagot na ang tanong niya. At batid niyang mas masakit pa iyon kaysa malaman mula sa mga labi ni Darwin ang totoo.. Because seeing him kissing another woman, she realized, was the most painful sight she would ever see in her entire life.