"Hindi ko na kailangan. Umalis ka na sa aking harapan. Damdamin ko sa 'yo ngayon ay naglaho na." nakita niya ang pagngiwi ng mga kasama ni Myla sa karaoke hub na iyon ngunit sige pa rin siya sa pagbirit. "at ito ang 'yong tandaan, ako'y masyadong nasaktan---Hey!" Reklamo niya nang hindi na makatiis pa si Anikka at basta na lamang pindutin ang stop gamit ng remote na hawak nito.
"Okay, spill! What the hell is your problem?" kunot-noong tanong nito sa kanya.
"Problem? I don't have a problem. Ang saya ko nga eh." Nakangiting sabi niya. But she had always been a bad liar. Nakita niya ang kanya kanyang pagtaas ng kilay ng mga kaibigan. "What?"
"Mukha ba kaming batang uto-uto Myla?" tanong naman ni Eunice. "Isa pa, hindi mo paduduguin ang mga tainga namin kung wala kang problema. Hindi ba malaki ang tampo mo sa mikropono?"
"Actually, 'yong mikropono talaga ang may tampo sa kanya." Singit naman ni Jean.
"Ate Jean!"
"At hindi ka magyaya ng karaoke in the first place kung wala kang dinaramdam. it's obvious, My. You're not okay." Dugtong ni Jean saka napabuntong-hininga."Just spill it. What's the problem?"
"I... I need to go to the bathroom." Iwas niya.
Alam naman niyang dapat talaga ay sinasabi na niya ang problema niya sa mga ito dahil basang-basa na siya ng mga ito ngunit hindi pa siya handa. Sa tingin kasi niya ay magsisimula na namang mag-unahan ang mga luha niya sakaling ihahayag niya ang totoo sa mga kaibigan. And she does not want to cry again. Not in front of her friends who were now happy with their own love lifes.
Binuksan niya ang pinto ng kwartong inookupa nila at akmang lalabas na ngunit siya namang pagdaan ng isang parehang sweet na sweet pa sa isa't isa. Nakaakbay pa nga ang lalaki sa babaeng kasama nito. Hindi man ito nakaharap sa kanya ay kilalang kilala naman ito ng buong kamalayan niya. Kaya naman ng tuluyan siyang tapunan ng tingin ng lalaki tuluyan nang tinakasan ng kulay ang mukha niya. It was Darwin.
Bigla ang pagragasa ng damdamin sa dibdib niya. Nang gabing umamin ito ay nag-empake siya agad. Hindi niya kayang tagalan na nasa iisang bubong lamang ito at kasama pa sa trabaho. Nakiusap pa siya sa Kuya Lenard niya na ito na ang humalili sa kanya. Noong una ay ayaw nitong pumayag ngunit nang pagbantaan niya itong lalayasan niya ito ng tuluyan at hindi na ito kakausapin kahit kalian ay pumayag na rin ito.
Bakit ba hindi niya naisip na gawin iyon noong siya ang pinapupunta ng kapatid sa hacienda? Sana ay hindi siya nabigyan ng pagkakataong makasama si Darwin. Sana ay hindi ito nabigyan ng pagkakataong makalapit ng tuluyan at saktan siya.
And looking at him now makes her hurt some more. Mukhang masaya na itong balik sa buhay babaero nito. Tinapunan nga siya nito nang tingin at alam niyang nakilala siya ngunit ni tanguan siya ay hindi nito ginawa. Muli nitong binalingan ang babaeng kasama at nginitian na parang ni hindi siya nakita.
Tuluyang bumigay ang lakas ni Myla nang makalampas ang pahera sa kanya. Agad siyang napakapit sa hamba ng pinto. Hanggang kalian ba siya magiging ganoon? Hanggang kalian siya masasaktan nang dahil sa isang taong ni hindi na siya kinikilala ngayon?
"Hey, are you okay?" tanong ni Anikka na nakalapit kaagad sa kanya. Inilapat nito ang palad sa balikat niya saka siya tinignan. "Myla?"
Nang marinig ang pag-aalala sa boses ni Anikka ay nagsilapitan na rin sina Eunice at Jean. And their faces looked shocked when they saw her face. Lumabas si Jean ng kwarto saka tinanaw ang direksiyon pinuntahan ni Darwin at ng kasama nito pagkatapos ay bumalik ang tingin sa kanya. At waring nakakaintingding niyakap siya nito saka tinapik-tapik ang likod niya. Doon humulagpos ang hikbi niya.
"Hey, everything will be alright, My." Sabi ni Jean.
But Jean was wrong. She had just fallen deeply in love with a man who can't love her back. And she will never be okay.