Kinabukasan ay ikinuwento ni Angel kay Bryan ang natuklasan sa kapatid na si Alex.
"So that's the problem? She's jealous of Kim?" tanong ni Bryan. Nasa may student lounge sila ngayon sa Business School.
Tumango si Angel. "Yeah. Actually, that started during their dance number, sa Ms. BS. Mas naging intense na nga lang ngayon dahil sa mga nangyayari."
"I can't help but feel guilty. Kung hindi dahil sa akin, hindi magkakakilala sina Kim at Richard. Hindi sana si Richard ang naka-partner ni Kim. Kung marunong lang akong sumayaw."
"Don't say that," ani Angel sa katabi. "Hindi mo naman sinasadya. Ang totoo niyan, tinulungan mo lang naman ako. Kaya kung merong may kasalanan dito, ako siguro iyon."
"Huwag na nga nating sisihin ang mga sarili natin. Hindi rin naman natin ginusto ito. Isa pa, Richard is just being nice. Matulungin rin naman talaga siya. Lalo na sa mga taong kino-consider niyang friends. And I think, he considers Kim as his friend now. That's why he's helping her."
Napabuntong-hininga si Angel. "Masyadong nga lang yata talagang seloso itong kapatid ko. Bunso kasi, eh. Nasanay na nasa kanya ang lahat ng atensiyon."
"Anong balak mo ngayon?"
Umiling siya. "Gusto kong kausapin si Richard, pero baka magpumilit siyang makausap si Alex. Eh ayaw naman siyang kausapin nung isa. Tingin ko sila na lang talaga ang makakaayos ng problema nila."
"You know what? I think, we should really just let them fix this. Hindi naman sa nagiging maramot ako o selfish; pero gaya nga ng sabi mo, sila lang naman ang makakaayos nito. Hanggang hindi nare-realize ni Richard ang nagiging pagkukulang niya kay Alex, at hanggang hindi humuhupa iyong selos na nararamdaman ni Alex, hindi maaayos ito. Kahit pa nga maging tagapamagitan tayo doon sa dalawa."
"You're very correct, Mr. de Vera."
Hinawakan ni Bryan ang kamay niya. "Huwag ka nang malungkot. Mas mahihirapan si Alex kapag nakisali ka pa sa kalungkutan niya. Dapat maging matatag ka para sa kanya. Ikaw ang magpasaya sa kanya. Hindi iyong nakikimukmok ka."
She smiled. "Sinabi mo, eh."
Napangiti na rin si Bryan. "Mahirap na, eh. Baka mamaya, hindi pa kita nagiging girlfriend, iyong totoong girlfriend, ha? Baka mabaliw ka na ng tuluyan."
Natawa siya sa sinabi nito. "At least naging girlfriend mo na ako. Kahit na hindi totoo."
Napasimangot si Bryan. "Siyempre mas maganda iyong totoo."
"Eh, galingan mo kasi sa panliligaw."
Napakunot ang noo ni Bryan. "Hindi ka man lang ba nai-impress sa mga ginagawa ko?"
"Konti pa," pa-cute niyang wika.
"Ganoon?" Kunwa'y napaisip si Bryan. "O sige. Halika na nga sa cafeteria. Libre kita ng pasta para naman makadagdag sa pogi points ko."
"Iyan! Dapat ganyan lagi," natatawa niyang wika.
Magkasabay silang nagtungo sa school cafeteria upang kumain na ng lunch.
πππππ πππ ππππ ππππππ ππππ ππππ πππΏπ΄ππΌπ°π½ πππππ πππ‘ ππ.
πππ€
Tinignan ni Angel ang katabing si Alex. Kapapatay pa lamang ng makina ng kanyang kotse na ipinark niya sa nakasanayang pwesto sa may parking lot ng CPRU. Tulad ng dati ay magkasama ulit silang pumasok ni Alex sa CPRU kahit pa nga mamaya pa magsisimula ang klase niya sa araw na ito. Marami din naman siyang mga gawain hindi lang sa mga projects niya kundi maging sa mga school organizations na kabilang siya.
Inalis ni Alex ang seat belt nito at saka inayos ang mga dadalhing mga gamit sa pagpasok nito sa klase nito. Pagkatapos ay tinignan nito ang sarili sa salamin at inayos ng kaunti ang buhok nito. Ngumiti ito pagkakita sa sarili sa salamin, pero alam ni Angel na hindi totoo ang ngiting iyon.
Ilang araw nang malungkot si Alex, at alam iyon ni Angel. Ilang araw na nitong dinadamdam ang problema kay Richard at sa bagong kaibigan ng lalaki na si Kim.
"Wala ka bang ikukwento sa akin ngayon?" tanong niya dito.
Napatingin sa kanya si Alex. "Hmn?"
"Wala ka bang ikukwento?" ulit niya sa tanong dito. "Para hindi ka muna pumunta sa klase ninyo at hindi mo siya makausap bago dumating ang professor ninyo."
Nagulat si Alex sa sinabi niya. Nang makabawi ay malungkot itong ngumiti. "Napansin mo rin pala, Ate."
"Paanong hindi ko mapapansin? Dati-rati, hindi pa namamatay ang makina ng kotse ko eh lumalabas ka na at nagmamadaling pumasok sa klase ninyo. Tapos ngayon, naka-park na ako ng maayos at lahat-lahat, ayaw mo pa ring bumaba. Kung ano-ano pang kinukwento mo sa akin to kill time."
Bumuntong-hininga si Alex. "I'm really that obvious, huh?"
"Let's just say that I know you too well," sagot niya. "Si Richard, hindi pa ba nagtataka sa mga ikinikilos mo?"
"I don't know. Maybe, he's very busy thinking about someone else that's why he doesn't notice."
Bumalik na naman ang sarcasm sa boses ni Alex. Napabuntong-hininga na lamang si Angel.
"How long do you think you can keep this up?"
"I don't know... Ilang linggo na lang naman bago mag-finals. After that, sem break na. And then, new semester na. New subjects. I think I'll enroll the subjects na alam kong hindi niya kukunin para hindi ko siya maging kaklase ulit."
"You know this will not end with you trying to escape the chance that you'll see him and talk to him."
"Not now, Ate. I still can't."
Tuluyan na siyang humarap dito. "Ayaw mo ba siyang tanungin? I-confront? Ask him what he feels about that Kim and why he just can't avoid her?"
"I want to." Hinarap siya ng naluluha nang Alex. "But I don't know how I'll feel if he tells me that he doesn't want to avoid Kim. Paano kung sabihin niya sa akin na na-realize niya na si Kim pala ang gusto niya and not me? I don't have the heart to hear that, Ate."
"Shh...." Kinalma ni Angel ang kapatid. "Okay, enough of that. I'm sorry. Do what pleases you, do what you think will be easier for you."
Unti-unti namang kumalma si Alex. "Sorry din, Ate."
"Sige na. Ayusin mo na ulit ang sarili mo." Pinunasan niya ang mga luha sa pisngi ni Alex.
"Salamat, Ate." Niyakap siya ni Alex.
"You're welcome. Sige na, halika na. Ihahatid na kita sa klase mo at hihintayin kong dumating ang prof ninyo bago umalis. Hmn?"
Tumango si Alex na ngumiti na. Magkasabay silang bumaba ng kotse at pumunta sa unang klase ni Alex para sa araw na iyon.
πΈπΌπΊ
At iyon nga ang ginawa ni Alex. Iniwasan niya si Richard. Sa mga klase na magkasama sila, nagpapahuli siya ng dating para pagpasok niya ay saktong papasok na rin ang prof nila sa subject na iyon. Kaya kahit katabi ay hindi na rin sila nagkakausap ni Richard. Minsan nga ay sa ibang upuan na siya umuupo. Kunwari na lang ay ayaw niyang makaistorbo sa prof nila na nagsisimula nang magturo sa harapan kaya kaagad na lamang siyang umuupo.
Pagkatapos naman ng klase, iniiwasan na rin niyang sumama dito sa tambayan nila. Idinadahilan na lamang niya ang mga projects nila sa school. Minsan, akala niya ay hindi na siya makakaiwas. Ang sabi kasi ni Richard, tutulungan daw siya nitong gumawa ng mga projects niya kahit ito mismo ay marami ring ginagawang proyekto.
Pero bago pa sila magsimula, biglang dumating si Kim at ang tatlo nitong kabarkada. Hindi tuloy maiwasan ni Alex ang muling magselos dito.
"Ang mabuti pa, mauna na ako," she said to Richard.
"Huh? 'Di ba, tutulungan kitang gumawa ng project mo?" tanong naman ng lalaki.
"Huwag na." She looked at Kim. "I don't need a hand." She looked at him again. "Especially if it's full already."
Hindi na niya naiwasan pang langkapan ng taray ang tono niya. Pati ang pag-irap ay hindi na rin niya naiwasang gawin. At kahit na nagpoprotesta pa si Richard, tinalikuran na niya ito at umalis na sa lugar na iyon.
π§©ππ§
πππππ πππ ππππ ππππππππ π’ππ πππ'π πππππ πππ ππππ ππππππππ π’ππ πππ'π ππππ’. - AΙ΄α΄Ι΄Κα΄α΄α΄s