Chapter 55 - Opening

Bago magsimula ang parada ay lumipat ng lugar sina Alex at Richard. Dahil sa magkaiba sila ng Team, Purple Penguins si Alex at Red Tamaraws naman si Richard, they've decided to look for a spot na hindi sila kukuyugin ng ibang teams. Kaya naisip ni Alex na sa lugar ng mga high school students sila pumuwesto.

"Are you sure about this?" tanong ni Richard na nakasunod lang sa kanya habang nakikisiksikan sila sa mga upuan ng ibang manonood.

"Trust me. I know what I'm doing."

Dumating sila sa lugar na pinupuntirya ni Alex, kung saan nakaupo ang student council officers ng high school department. Kinausap niya ang mga ito, partikular na ang presidente na si Maureen Santiago.

"Hi Mau!" bati niya dito.

"Ate Alex!" Ngumiti ito. "Hi!"

"Can we stay here?" Itinuro niya ang sarili at si Richard. "We're caught up between two opposing teams." Ngumiwi siya.

"Sure." Pinaghanda sila nito ng upuan. "Here."

"Thanks." Naupo na siya.

Nagpasalamat naman si Richard kay Maureen bago umupo na rin sa tabi ni Alex. "Thanks. By the way, I'm Richard." He held out his hand.

"Hi, Kuya!" Tinanggap nito ang kamay ni Richard. Then Maureen looked at Alex. "Boyfriend mo, Ate?"

"Ha?" Feeling ni Alex ay napunta lahat sa mukha niya ang dugo sa katawan niya. "Ahm... Hayan na! Magsi-start na."

Nakahinga siya ng maluwag nang magsimula nang pumasok sa venue ang mga kalahok sa parada. Though she's aware that Richard was smiling because of what Maureen asked her earlier.

Nagsimula nang mag-assemble ang mga athletes at iba pang participants sa may harapan ng stage. Kasama ng mga ito ang muses ng bawat team. Ito ay iyong mga nanalong Miss ng bawat schools. Sa Business School nga ay si Kim ang kasama ni Bryan at ng iba pang mga atleta sa school nila.

"Look at Kim," ani Richard sa kanya. "Stand out siya sa ibang muses."

Si Kim na naman... Akala pa naman niya magiging okay na sila nitong si Richard. But then, he just keeps on saying the wrong things. Hindi tuloy niya maiwasang mainis.

"Anong team ka ba?" pagtataray niya dito. "Green Tigers iyang mga iyan. Business School. Red Tamaraws ka, 'di ba? Naka-red T-shirt ka nga, eh."

"Siyempre, Kim is our friend kaya sinusuportahan ko siya. Dapat ikaw din."

"She's not my friend," she murmured.

Hindi iyon masyadong narinig ni Richard. "What did you say?"

"Wala," naiinis niyang sagot.

"You know what? Kim adores you. Kayong dalawa ng ate mo. Sikat pala kayo sa CPRU, ha? Ang daming naglu-look up sa inyo. Hindi lang daw kasi kayo magaling academically. Pati sa extra curricular activities, active din daw kayo. Kayo pa nga daw ang naging president ng student council ninyo." Proud na proud si Richard sa pagkukuwento ng mga natuklasan tungkol sa kanya.

Na ikinainis naman ni Alex. Naiinis siya because of Kim, because she's so nice and she could not find anything na pwede niyang ipintas dito. She's just so perfect. Kaya lalo siyang naiinis.

Nagsimula na ang programa. Pinatayo na ang lahat para sa isang awit ng panalangin at pagkatapos noon ay ang Pambansang Awit ng Pilipinas.

πŸ₯ŽπŸŽ±πŸŽΎ

Nang matapos ang programa ay diretsong canteen ang lahat. Lunch break na, at ilang oras na lang ay sisimulan na ang mga sports competition. Kabilang na nga dito ang basketball, kung saan lalaban na si Bryan. Kaya naman talagang binubusog siya ni Angel para daw may lakas ito mamaya sa game nito.

"Baka naman maempatso ako nito, lalo akong hindi makapaglaro, ha?" ani Bryan sa katabi.

"Hay! Hindi ka maeempatso! Kailangan mo iyan para malakas ka mamaya," ani Angel na talagang inihahanda pa ang mga inorder na pagkain para dito.

"Ang sweet naman ng girlfriend mo, Bry," komento naman ni Richard.

"Sweet din iyang si Alex," ang sabi naman ni Angel.

"Hindi naman ako kasing-OA mo, Ate." Tsaka sumimangot ito.

"Ang sungit mo yata?" komento ni Angel sa kapatid. "Nakasama mo na nga ulit si Richard, eh."

Lalong namang nainis si Alex. Hindi pa siya nakaka-get over sa nangyari kanina sa may opening program. At parang nananadya ang tadhana. Bigla na lang dumating si Kim kasama ang mga kaibigan nito.

"Kim!" tawag ni Richard dito.

"Hi Richard!" ganting bati nito. Binati din nito sina Angel, Alex at Bryan.

"Saan kayo?" tanong ni Richard dito.

Luminga-linga si Kim. "Wala nga kaming mahanap, eh. Punong-puno. Parang lahat yata ng estudyante dito sa CPRU pumasok at nanood."

"Hindi ka na nasanay," ang sabi naman ni Alex. "Parang hindi ka dito nag-high school."

Napansin naman ni Angel ang sarcasm sa sinabi ni Alex. "Siyempre, iba naman sa high school at dito sa college."

"Heto, o," ang sabi naman ni Richard. "May upuan pa dito."

Nasa animang mesa silang apat. May dalawang silyang bakante pa. Apat naman sina Kim.

"Dalawa na lang iyan, eh," ani Kim. "Hahanap na lang kami ng ibang mapupwestuhan."

"Wait lang!" pigil naman ni Richard dito. Tsaka niya kinausap ang nasa kabilang mesa. May isang bakanteng silya doon kaya hiniram muna niya iyon.

Lalong nainis si Alex na parang talagang nag-e-effort si Richard para makasama si Kim at ang barkada nito. Sina Bryan at Angel naman ay nagmamasid lang, though mas iniintindi ni Angel ang kapatid na alam niyang hindi nagugustuhan ang mga nangyayari.

"Kulang pa rin," nakangiting wika ni Kim na parang nasisiyahan sa ipinapakitang effort ni Richard.

"Hanap pa ako ng iba," ani Richard na nagpalinga-linga sa paligid.

At nag-full blast na ang beast mode ni Alex. Hindi na siya pwedeng mag-stay pa doon dahil baka hindi na niya mapigilan pa ang sarili. Nang bigla siyang may nakita.

"Dito ka na lang sa pwesto ko, Kim." Tumayo siya at inayos ang pagkain niya sa tray.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Angel sa kanya.

"Kina Issay." Inginuso niya ang mga kaibigan. Tiyempo namang nakita siya ng mga ito. Kinawayan siya ni Issay, at kinawayan din niya ito. Kinuha na niya ang tray ng pagkain at ang mga gamit niya. "Sige, see you around na lang." Tsaka walang lingon-likod siyang umalis na.

Nasundan na lamang ng tingin ni Richard ang palayong si Alex.

"Matagal na rin kasi niyang hindi nakakasama iyang mga friends niya," ang sabi na lamang ni Angel.

Walang nagawa si Richard kundi ang titigan na lang si Alex. Umupo na rin si Kim sa puwesto ni Alex kanina. She smiled at Richard and he smiled back. Though, after that, bumalik kay Alex ang atensiyon niya na ngayon ay masaya nang sinasalubong ng tatlo niyang kaibigan.