Pagkatapos ng lunch, sa mga kaibigan na sumama si Alex. Medyo napahiwalay siya ng konti sa Ate Angel niya, na kasama pa rin si Richard pati na sina Kim at ang mga kabarkada nito. Pero hindi naman siya makatanggi nung yayain sila ni Kim na makisabay na sa pagpunta sa venue ng laban ni Bryan. Ayaw rin naman niyang mahalata siya ng mga kaibigan niya na umiiwas talaga siya kina Richard. Ayaw rin naman niyang mahalata siya ni Richard mismo.
Sa CPRU College Department Gymnasium gaganapin ang unang basketball match ng tertiary department para sa intramurals na iyon. Tamang-tama lang naman ang pagdating nila sa venue dahil wala pang gaanong tao. Kinailangan lang maagang magpunta doon si Bryan dahil sa warm up exercise. At siyempre, ang ate niya na nakatutok yata sa lahat ng mga ginagawa ng buong team.
Silang mga miron naman ay sa bench na dumiretso. Siniguro ni Alex na nakapagitna siya sa kanyang mga kaibigan para walang chance na makatabi niya si Richard. Nagawa naman niya iyon, dahil nakapagitna nga siya kina Sam at Steffi. Pero short lived ang victory niya dahil sa nakita niyang tinabihan ni Kim si Richard. At ang masama pa, umupo sila sa baitang sa unahan nila. Nakatalikod tuloy ang mga ito sa kanya, kasama ang tatlong kaibigan ni Kim. Pero siya, kitang-kita niya ang lahat ng ginagawa ng mga ito.
Fortunately, andun ang mga kaibigan niya to somehow uplift her spirit. Though hindi niya talaga maalis sa sarili ang magselos at mainis.
"Buti pa si Ate Angel," ani Issay. "Nakakapasok siya doon sa locker nung mga players. Ganoon ba talaga kapag boyfriend mo yung isang member ng team?"
"Hindi naman sa ganoon," sagot ni Sam sa kaibigan. "Member ng The Echo si Ate Angel kaya nandun siya. 'Di ba nga, gustong-gusto ng mga students iyong mga behind the scenes ng mga athletes kapag ganitong intramural?"
"Ay oo!" ani Issay na sumaya na ulit ang aura. "Tapos nangsi-stalk pa tayo doon sa crush nating player, ano?"
"Anong tayo? Ikaw lang!" natatawang wika ni Steffi.
"Hu! 'Di ba nga, ini-stalk mo noon si Joshua Ignacio?" ani Issay kay Steffi.
"Hindi kaya ako! Si Alex iyon!" ang sabi naman ni Steffi.
Biglang naalerto si Alex na kanina pa nagta-tiger look kina Richard at Kim na masayang nagkukwentuhan.
"Hmn? Ano?" tanong niya sa dalawa.
"'Di ba ini-stalk mo noon si Joshua Ignacio?" tanong ni Issay sa kanya.
"Si Joshua?" Napatingin siya kay Richard. Bigla siyang may naisip na ideya. "Nanliligaw kasi siya sa akin noon, kaya na-curious ako sa kanya."
Sa pagkadismaya ni Alex, parang wala namang reaksiyon si Richard sa narinig nito. Natawa pa nga ang lalaki sa joke ni Kim. Na lalo niyang ikinainis.
"Eh, kapitbahay mo lang naman siya. Bakit ka pa maku-curious?" ang sabi naman ni Steffi.
Hindi niya masyadong gusto ang pinag-uusapan, pero kaysa wala naman silang mapag-usapan at tuluyan siyang malunod sa inis at selos sa dalawang nasa harapan niya.
"Iniiwasan ko nga kasi siya noon, 'di ba? Siyempre ayokong ipakita sa kanya na interesado ako sa kanya. Pero siyempre, as a nililigawan, gusto mo ring makilatis ng mabuti iyong nanliligaw sa'yo. Gusto mong makahanap ng mas maraming impormasyon tungkol sa kanya. Siyempre gusto mong malaman kung deserving siya sa love na ibibigay mo sa kanya."
Natigilan si Alex. Napatingin siya kay Richard. Hindi naman siguro nito iniisip na siya ang tinutukoy niya, 'di ba? Ang linaw-linaw ng usapan nila ni Issay na si Joshua Ignacio ang topic nila.
"Pero hindi mo naman siya sinagot," ani Issay.
"Hindi ko siya gusto," deretsang sagot niya. "He's not the type of guy that I would want to have as a boyfriend."
"Eh ano ba kasi ang gusto ng isang Alex Martinez?" tanong ng katabing si Sam. "Come to think of it, ang dami nang nanligaw sa iyo pero kahit isa, wala kang naging boyfriend."
"Oo nga!" sang-ayon ni Issay dito. "Lahat yata ng crush namin sa iyo nanligaw. Maging kaibigan ka ba naman ng isang Alexandra Nichole Martinez? Ang saklap sa love life!"
"Eh kaya nga hindi ko sila sinasagot," aniya. "Kasi alam kong gusto ninyo sila."
"Weh! Hindi nga?" ang sabi naman ni Steffi.
Natawa siya. "No, actually, I just couldn't find the right guy, I guess."
"And the right guy is..." follow up ni Sam sa tanong nito kanina.
Napatingin si Alex kay Richard. This time, gusto talaga niyang marinig nito ang sasabihin niya.
"I just want someone who really cares for me. Someone who will do everything to be with me. Someone who will make me feel important. Someone who is sensitive enough of my feelings. That guy who doesn't have to hear it, but knows how I feel and what I like, what I don't like. Someone who's sensitive enough to know what to do when things don't go right."
"A sensitive guy... Hmn, kaya pala hindi ka makahanap ng boyfriend," ani Steffi. "Eh men, in general, are insensitive by nature."
"Wow! Ang harsh mo, Steffany Basilio!" ang sabi ni Issay.
"Totoo naman, 'di ba? Kaya nga maraming relationship ang hindi nagwo-work kasi iyong mga lalaki, hindi nila alam pakiramdaman ang totoong nararamdaman ng mga babae."
"Wow! Ang deep!" komento naman ni Sam.
"Love expert ka na ngayon, ganoon?" ani Issay kay Steffi.
"As always," ang sabi naman ni Steffi.
"But you see, may point naman si Steffi," ani Alex. "Men, in general, are insensitive. Hindi nila alam, may ginagawa na pala silang hindi gusto ng girlfriend nila, o iyong nililigawan nila. Hindi nila iniisip kung tama pa ba iyong ginagawa nila. Minsan kasi sumosobra na sila. Like for example, sobrang bait na sila sa ibang babae na nagiging dahilan na para magselos ang girlfriend nila pero hindi pa rin nila iyon napapansin kasi nga manhid sila!"
Beast mode na talaga si Alex. Para kasing walang epekto iyong mga pinagsasasabi niya kay Richard. Alam niyang naririnig sila ng mga ito. Isang baitang lang naman ang pagitan nila mula sa grupo nito. Pero parang hindi talaga affected itong si Richard. Tuloy pa rin ito sa pakikipagtawanan kay Kim at sa kabarkada nito.
"Tama iyan," sang-ayon ni Issay. "Alam mo iyong sobrang gentleman niya sa ibang babae? Iyong feeling superman siya sa pakikitungo sa ibang babae. Okay lang sana kung matagal na silang friends nung girl. Pero iyong kakikilala pa lang nila tapos parang kaya niyang gawin ang lahat para sa girl na iyon."
"Baka naman gentleman lang talaga?" ani Sam. "Ano iyon, gusto ninyo gentleman siya pero sa iba barumbado? Hindi naman yata tama iyon. Parang selfishness na ang tawag doon."
"Pero hindi naman sa ganoong level," ang sabi naman ni Steffi. "Iyong parang hindi mo na alam kung sino ang girlfriend at sino ang friend lang."
"Hay! Ang hirap n'yo naman i-please!" ang sabi ni Sam sa mga kaibigan. "Eh kung ganoon pala, hindi n'yo na mahahanap pa ang lalaking iyon."
Nang mga sandaling iyon, pumapasok na sa court side ang mga players ng magkabilang team. Malapit na rin kasing magsimula ang game.
"I already found him," ani Alex na nakatingin sa mga players na papasok.
"Kung nakita mo na siya, eh bakit wala ka pang nagiging boyfriend?" tanong naman ni Steffi sa kanya.
"Well I guess, the perfect guy is not the one for me."
"Huh?" Sinundan ni Steffi ang tinitignan niya. "Oh my! You're right."
Maging si Sam ay nakitingin na rin. Agad naman niyang nakita ang tinutukoy ng dalawa.
Si Issay naman ay medyo napag-iiwanan na naman. "Hoy! Sino'ng tinutukoy ninyo?"
"Hay! Ang slow mo talaga!" ani Steffi sa kaibigan. "Hayun oh! Si Bryan de Vera, iyong crush mo!"
Nakitingin na rin si Issay sa mga players. Naka-settle na ang mga ito sa bench sa loob ng court. Iyong iba ay nagwa-warm up na at nagsi-stretching. Si Bryan de Vera naman ay nakikipag-usap sa kanilang coach.
Enter si Angel Martinez sa court. May kung ano itong tinitignan sa DSLR camera na hawak nito. Nang makita siya ni Bryan ay nagpaalam ito sa coach nila at saka nilapitan ang girlfriend. Nginitian ni Angel si Bryan nang makalapit ito sa kanya. Parang may sinabi sa kanya ang lalaki na nagpasimangot dito at nagpa-fierce sa titig nito. Natatawa namang inakbayan ni Bryan ang girlfriend at iginiya papunta sa upuang nakatalaga para sa mga college publication staff memebers.
"Hay! Bryan de Vera," parang nanlalambot na wika ni Issay.
"Where can we get another Bryan de Vera?" tanong naman ni Steffi.
"Well unfortunately Girls, mag-isa lang siya. At hindi ako makakapayag na agawin siya ng iba sa ate ko!" ang sabi naman ni Alex.
"Hindi ka ba nagseselos sa ate mo?" tanong naman ni Sam. "It's like she has the most perfect boyfriend."
"Siyempre gusto ko ring magkaroon ng ganoon. But I'm happy for Ate. I'm happy that she's happy, and that she's loved by a guy who's worthy of her love, too," sagot ni Alex. "Sayang nga lang kasi wala nang ibang Bryan de Vera. But, who knows? Maybe the right guys for us are just out there waiting for the right time to come to our lives."
Alex once again glanced at Richard. Nakatingin ito sa may court, kina Bryan. Hindi niya mawari kung ano ang reaksiyon nito.
"Well Girls, in the meantime, i-enjoy na lang muna natin ang event na ito," ani Steffi.
"Tama iyan!" sang-ayon naman ni Issay dito. "Ipag-cheer na lang natin ang ating Green Tigers para ma-inspire sila sa paglalaro. Go Green Tigers!"
"Oy, hindi ako kasama diyan, ha? Naka-purple ako, remember?" ang sabi naman ng natatawang si Alex.
"Ipag-cheer mo na lang si Bryan de Vera," ani Issay. "Boyfriend naman siya ng Ate mo. Go Bryan! Go Bryan! Go Bryan de Vera!"
Natatawang naki-cheer na rin siya. "Go Bryan!"
At dahil sila pa lang ang nagchi-cheer, dinig ng lahat ang pagsigaw nila. Napatingin tuloy ang lahat sa kanila. When Bryan saw them, he smiled and waved at them.
"Oh my God! Kumaway siya sa atin!" Parang mahihimatay na si Issay sa kilig.
Napatawa si Alex sa reaksiyon ng kaibigan. She looked at Bryan's direction, but instead caught sight of her sister. Angel was smiling at her. She smiled back. Alam niyang masaya ito na makita siyang nakangiti na at masaya na ulit. Well, thanks to her friends, she was able to smile again. She was able to enjoy life again. She was able to forget even just for a moment what was bugging her. She's aware that Richard was now looking at their direction, but because of her friends, she was able to ignore it and not look back at him.
π»πΈπΌπΊ
β₯ I Ι΄α΄α΄α΄ sα΄α΄α΄α΄Ι΄α΄ α΄‘Κα΄ Κα΄α΄ΚΚΚ sα΄α΄s α΄α΄. - π»ππ πͺππππ β£οΈ