Back to normal na naman ang lahat sa CPRU. Balik na rin sa dati ang mga classes ng mga estudyante. Pagkatapos ng masayang intramural week ay maghahanda naman ang lahat para sa paparating na finals week sa susunod na linggo.
Back to normal na nga ang lahat, at umaasa si Richard na babalik na rin sila sa dati ni Alex. Hindi naman siya ganoon kamanhid para hindi mapansin na iniiwasan siya ni Alex sa buong intrams week nila. Except for the first day, noong opening program. Pero after noon mula nung mag-lunch sila ay hindi na niya ito nakasama ng matino. Laging andun ang mga kaibigan nito. Eventually ay humiwalay na ng lakad sina Alex at ibang events na ang pinanood ng mga ito.
Naiintindihan niya na miss na nito ang mga kaibigan dahil matagal na ngang hindi niya nakakasama ang mga ito. Pero nami-miss din naman niya ito, dahil sa mga nakaraang linggo ay hindi rin sila nagkasama ng matino. Busy kasi sila sa mga projects na kailangan nilang i-submit. Maging si Alex ay sobra din ang pagka-busy dahil halos ma-late na ito sa pagpasok at lagi itong nagmamadaling umalis.
Kaya naman super excited siyang pumasok ngayong araw na ito. Sa wakas kasi ay balik sa dati na sila. Wala na ang mga projects na kailangan nilang pagkaabalahan. Back to normal na rin ang schedule kaya hindi na makakasama ni Alex ang mga kaibigan niya. Medyo nagi-guilty siya sa isang iyon dahil parang nagiging possessive at selfish siya kay Alex. Pero bumabawi lang din naman siya. Pagkatapos niyang makabawi sa mga sandaling nawala sa kanila ay pwede na ulit maki-join si Alex sa mga kaibigan nito. Nahiling nga niya na sana makasama din siya nito para mapalapit din naman siya sa mga kaibigan ni Alex.
Nagtatakang napatingin siya sa may pintuan ng classroom nila. Malapit nang magsimula ang klase nila pero wala pa rin si Alex. Katulad lang noong mga nakaraang linggo. Busy pa rin kaya ito sa mga projects nito? Dapat ay tinapos na nito ang mga iyon noong week before the intramural. This week kasi ay review week na para sa madugong finals week. Baka lalo itong mahirapan.
Hindi bale. Siya naman ay marami nang spare time. Matutulungan niya itong gumawa ng mga projects nito kung kinakailangan. Para naman hindi na ito gaanong mahirapan sa mga projects nito. Para na rin makapag-concentrate na ito sa pagre-review para next week.
Halos kasabay lamang ni Alex na pumasok ang kanilang professor. Sa may unahan na rin ito nakaupo. Naisip niyang baka nahiya na itong pumili pa ng upuan sa may likuran dahil nagsisimula na ang professor nila sa pagtuturo. Pero, sure naman na may pupuntahan ito. Ipinang-reserve na niya ito ng upuan, just like what they used to do.
Pero hayun na nga. Magkahiwalay pa rin sila ni Alex. Kahit back to normal na ang lahat, parang silang dalawa ay hindi pa rin normal. O, baka naman ito na ang bagong normal sa kanila? Ang hindi magkatabi sa klase? Siguro nga... Pero parang ayaw niya ang ganoong idea.
Parang naging kainip-inip ng klase nila para kay Richard. Para ngang walang pumasok na kahit anong impormasyon sa utak niya. Kay Alex lang kasi ito naka-focus. Pati mga mata niya, manaka-naka ay si Alex ang tinitignan. Kaya natapos ang buong klase na wala siyang natutunan. Oh well, kaya naman niyang aralin ang lahat mamaya dahil may libro naman sila sa nasabing subject. And of course, there's Google that you can always rely on.
Pagkatapos ng klase ay nagmamadali siyang pumunta sa may harapan. Ang ipinagtataka niya ay parang nagmamadali ring makalabas si Alex. Nagtataka siya dahil alam niyang alam nito na nandoon din siya sa klase na iyon, kaya bakit parang nagmamadali itong makalabas? Isa pa, ni hindi man lang niya naramdaman na hinanap siya nito sa buong duration ng klase nila. Hindi man lang ito lumingon kahit na minsan.
Nahabol naman niya ito. Mabuti na lang at mabilis siyang nakalabas din. Pero lalo siyang nagtaka dahil parang hindi nito naririnig ang mga tawag niya.
"Alex!"
Tuloy pa rin ito sa paglakad.
"Alex!" Tumakbo na siya para maabutan ito. Nagawa niyang maiharang ang sarili kaya tumigil ito sa paglakad. "Alex."
Tumingin ito sa kanya. "Richard."
He smiled. "Hi!"
"Sorry, nagmamadali ako." Tinalikuran siya nito at akmang aalis na naman.
Hinawakan niya ito sa braso para hindi ito makaalis. "Wait!"
"Richard, please! I have to go!" Nagpumiglas ito.
Nagsimula na siyang magtaka sa ikinikilos nito. Kung magpumiglas kasi ito, para itong kini-kidnap niya. Bakit ganoon ka-intense ang reaction nito sa kanya?
Binitawan niya ang kamay nito. "I just wanna talk to you."
Napaiwas ito ng tingin. "Marami kasi akong ginagawa. Sorry."
"I can help you," alok niya. "Tapos na yung mga projects ko kaya marami na akong oras para-"
"I'm okay. Thanks."
Napatingin siya dito. Mukhang merong nangyayaring hindi niya gusto.
"I'm sorry Richard. I have to go-"
"May problema ba tayo?"
Natigilan si Alex.
"Tell me, may nagawa ba ako?" tanong niya. "Alex, para kasing iniiwasan mo ako."
Hindi ito sumagot. Pero hindi rin ito umalis.
"I just want us to come back to where we used to be. Nitong mga nakaraang linggo hindi na tayo nagkakasama ng matino. I mean, magkasama nga tayo pero parang magkalayo rin. Hindi man lang tayo nagkakausap. Iba yung mga sinasamahan natin."
"Napansin mo rin pala."
Was it bitterness that he sensed in her voice? Natigilan tuloy si Richard.
Alex's expression was bitter, too. "Napansin mo rin pala na iba na iyong sinasamahan natin. Iba iyong kasama nating manood ng mga events sa intramural. Iba iyong sinasamahan nating kumain ng lunch. Iba iyong sinasamahan nating gumawa ng projects."
"Yes, but I understand," he said. "Alam ko naman na nami-miss mo na iyong mga friends mo kaya sila ang sinamahan mo the whole week."
"What? Hah!" Alex was full of disbelief.
Na hindi niya naintindihan. But he did not dwell on it much more. "Kaibigan mo sila kaya naiintindihan ko kung bakit ganoon na lang na sinulit mo ang isang buong linggo para makasama sila."
"You never really understood, did you?"
He looked at Alex and tried to decipher what she wants to imply.
"You never did understand," Alex said with finality.
He's starting to become impatient. "What do you want me to understand? Alex, ang hirap manghula."
"Akala ko ba matalino ka? Bakit hindi mo i-analyze ang mga nangyari? Wala ka ba talagang alam? Wala ka ba talagang narinig?" Parang nagiging impatient na rin ito.
Narinig? Napaisip siya. The only thing that he can remember hearing is... "I'm not Bryan de Vera, and I can never be Bryan de Vera." Biglang sumama ang loob niya.
Natigilan si Alex. Napatingin siya dito.
"I can never be a perfect boyfriend, Alex. I can never do what Bryan is doing. Pero I promise to do my best-"
"You really never did understand!" Tsaka na tumalikod si Alex at muli'y iniwan na siya.
"What should I understand?" Hindi na talaga niya ito maintindihan. "Alex! Alex!"
But it was too late. She's gone. He's confused. He's lost.
What on earth has he done? He's very clueless. Hindi niya alam kung ano ang nagawa niya kaya hindi rin niya alam kung ano ang gagawin. Or maybe, alam niya kung ano ang dapat gawin.
His next class was supposed to be at the School of Physical Sciences, but he turned to the other direction and instead headed to Business School.