Chereads / Moonville Series 1: Secret Lovers / Chapter 61 - Slumber Party

Chapter 61 - Slumber Party

Every time na nagsa-slumber party si Alex at ang kanyang mga kaibigan ay laging sa bahay nila ito ginagawa. Ayaw kasi siyang payagan ng parents niya na makitulog sa kaklase niya. Ganoon ka-protective ang daddy niya. Hindi rin naman kasi niya ito masisisi. Dalawang babae ang anak nila, kaya kailangan talaga nitong maghigpit.

Pabor din naman sa mga kaibigan niya ang ganoong set up. Mas marami daw kasi silang kinakain kapag nasa kanila sila. Mas masasarap pa. Isa pa, hindi naman sila pinapakialaman ng parents niya. Nasa kwarto niya lang sila, kumakain at nanunood ng pelikula gamit ang projector nina Sam.

For that night, they decided to wear green pyjamas para terno daw silang apat at magandang tignan sa picture. At talagang sinulit nila ang pagpi-pictorial dahil iyon muna ang inuna nila bago magsimula ang girl talk at movie marathon nila.

"Ang ganda ng mga kuha natin," ani Issay habang tinitignan ang mga litrato nila sa iPhone ni Alex. Nasa tabi naman niya si Steffi na nakikitingin din. "I-upload mo na kaagad ito, ha?" aniya kay Alex.

"Amin na ang phone ko." Iniabot naman iyon ni Issay at ini-upload na niya sa Instagram ang mga litrato, with the hashtag #GirlsSlumberParty.

Napatingin ang lahat sa may pintuan nang may kumatok. Si Sam ang nagbukas noon. Sumilip mula doon ang panauhin nila na walang iba kundi si Angel.

"Can I join you?"

"Sure, Ate," ani Steffi.

Pumasok ito ng kwarto. May dala itong isang tray na may isang galon na ice cream at ilang mga bowls at kutsarita. "I've got ice cream for you, Girls."

"Wow!" Nagsilapit ang lahat kay Angel.

"Ate, thank you," ani Issay. "Favorite ko pa naman ang cookies and cream."

"Kaya nga ito ang ipinabili ko kay Bryan," ani Angel. "Actually, this is from him. Pa-thank you niya sa pagchi-cheer ninyo sa kanila kanina."

"Wow! Ang bait talaga ni Bryan," kinikilig na wika ni Issay.

"Kinikilig ka naman? Naku!" tudyo ni Steffi dito.

"Hoy! Hindi ah!" tanggi ni Issay though hindi naman maitago ang ngiti sa labi nito.

"Tama na nga iyan!" saway ni Alex sa mga kaibigan. "Kumain na lang tayo ng ice cream."

Nagsikuha na ng ice cream ang lima at pumuwesto na sila sa kama ni Alex.

"Talagang naka-green pa kayong lahat, ano?" pansin ni Angel sa apat.

"Siyempre para maganda sa picture," ani Alex. "Ay, kunan natin itong ice cream."

"Kunan ko kayo," ani Angel sabay kuha sa cellphone nito.

Pumuwesto naman ang apat at nag-pose habang ipinapakita ang ice cream na kinakain. Kinunan sila ng litrato ni Angel.

"Ate, sama ka," ani Alex.

Naki-selfie naman si Angel kasama ang apat. Pagkatapos noon ay kaagad nitong ini-upload ang mga litrato sa Facebook account nito.

"Anong movie ba ang balak ninyong panoorin?" tanong ni Angel sa apat.

"Iyong horror para masaya tapos lights off," ani Steffi.

"Huwag naman," ani Issay.

"Hay naku Issay! Napaka-duwag mo talaga," ang sabi naman ni Alex.

"Takpan mo na lang ng unan iyong mata mo kapag andun na yung nakakatakot na part," ang sabi naman ni Sam.

"Romcom na lang kasi," pilit ni Issay.

"Hay! Wala namang thrill iyon," ang sabi ni Steffi.

"Oo nga," sang-ayon naman ni Alex.

Nasa ganoon silang pag-uusap nang dumating ang isang notification sa phone ni Angel. Tinignan niya ito.

"Nakita na ni Bryan iyong mga pictures natin sa Facebook," aniya. "Ang cute daw natin."

Kaagad namang na-excite si Issay. "Talaga Ate?"

"Issay, ang puso mo," natatawang wika ni Alex.

Maging si Angel ay natawa sa reaksiyon ni Issay. "You want to FaceTime him?"

At lalong na-excite si Issay. "Pwede, Ate?"

Instead of answering ay tinawagan ni Angel si Bryan through FaceTime. "Kaya lang baka pagod na iyon."

"Oo nga," ang sabi naman ni Sam. "Pagkatapos ng game niya diretsong awarding ceremonies na."

"Ate, huwag na lang natin siyang tawagan. Baka nagpapahinga na iyon," ang sabi naman ni Issay.

"Naku, kapag si Ate na ang pinag-uusapan, kahit ano pa iyan, game na game si Bryan," ang sabi ni Alex. "Ganoon niya ka-love si Ate."

"Hindi naman," tanggi ni Angel. Saka na in-accept ni Bryan ang video call niya. "Hi!"

"Hey!" Nakangiti kaagad si Bryan.

"The girls want to say thank you for the ice cream." Iniharap niya ang phone niya sa apat.

"Hi Kuya Bryan!" bati ni Alex dito.

"Kuya Bryan, huh?" amused na tanong ni Angel sa kapatid.

"Oo, Kuya Bryan," sagot ni Alex. Then she once again talked to Bryan. "Thanks for the ice cream. Gustong-gusto ni Issay."

"Ayaw n'ya nga kaming bigyan, Kuya," ang sabi pa ni Steffi.

"Hoy, hindi ah!" tanggi ni Issay na parang nawala na naman ang kadaldalan sa katawan.

"Ang sabi pa nga niya iuuwi daw niya iyong sobra sa bahay nila," ang sabi pa ni Sam.

"Tigilan n'yo na nga ako!" Nahihiya na talaga si Issay.

Hindi naman mawala ang ngiti ni Bryan. "Well, I'm glad you liked it. Salamat nga pala sa pagchi-cheer ninyo kanina."

"Enjoy nga Kuya, eh," ani Alex. "Ang saya."

"Ganoon ba? Well, enjoy your slumber party din," ani Bryan.

"Sige Kuya, pahinga ka na," ani Alex. "Bye!"

"Bye!" ganting bati ni Bryan.

Si Angel naman ang nakiusap kay Bryan. "You look tired."

"Just a little bit sleepy," ani Bryan. "Pero nakausap na kita kaya nagising na ulit ang diwa ko."

Napangiti si Angel. "Ganoon ba? Eh di mag-usap muna tayo hanggang mamayang madaling araw."

"Bukas na lang. Pagod pa ako, eh."

Natawa silang dalawa.

"Oo na," ani Angel. "Napagod ka sa pagsunod-sunod sa akin."

"Ang ganda mo kasi, eh," muli'y biro ni Bryan.

"Haha! Napakasinungaling mo talaga."

"Totoo naman ang sinasabi ko, ah! 'Di ba Girls?" tanong ni Bryan na ang tinutukoy ay sina Alex at ang mga kaibigan nito.

"Right!" sagot naman ng apat na nakikinig sa usapan nilang dalawa habang kumakain ng ice cream.

"Hmn! Napakain lang kayo ng ice cream, eh," ang sabi naman ni Angel sa apat.

"Totoo iyon," ang sabi naman ni Bryan.

"O sige na," ani Angel. "Pahinga ka na. Thanks for all your help. Nagkaroon tuloy ako ng gwapong driver at alalay sa buong intramural week."

"Ikaw pa! Malakas ka sa'kin eh."

"O sige, bolahin mo pa ako. Matulog ka na nga. Bye na."

"Good night, Girlfriend. Dream of me."

"Hindi ako matutulog. Makiki-slumber party kaya ako."

"Then, just think of me."

"Pag-iisipan ko," pakipot namang wika ni Angel. "Good night, Boyfriend."

"I'll dream of you," pahabol pa ni Bryan bago nagtapos ang kanilang video call.

"Ate ha? Grabe na iyan! OA na masyado ang pagiging sweet ninyo ni Kuya Bryan," ani Alex.

"Inggit ka lang," ang sabi naman ni Angel sa kapatid.

"Ate, kami rin naiinggit," ani Sam.

"Si Issay, nagdurugo na ang puso," ang sabi naman ni Steffi.

"Uy, hindi ah!" ani Issay. "Ate, huwag kang makikinig sa mga iyan."

Napangiti si Angel. "Kayo talaga. Ano'ng sinabi sa inyo ng Kuya Bryan ninyo?"

"Na makikita din namin someday iyong perfect guy for us," sagot ni Steffi.

"Right," aniya. "Teka Alex, bakit nga pala 'Kuya' na ang tawag mo kay Bryan?"

"Kuya ko naman na talaga siya, 'di ba? Boyfriend mo siya," sagot ni Alex.

"Nakakapanibago lang," ani Angel.

Angel gazed at her sister. Natutuwa siya na masaya na ulit ito. It has been a long time since she last saw that smile. She's glad it has come back.

"Alam ko na!" biglang wika ni Issay. "Huwag na tayong manood ng pelikula. Makinig na lang tayo sa love story nina Ate Angel at Kuya Bryan."

"That sounds fun," ani Steffi. "Pero, baka ayaw ni Ate Angel."

Angel looked at Alex. Alex understood her inhibitions.

She sighed. "They already know about me and Richard," she told Angel.

Medyo nagulat si Angel sa revelation ni Alex.

"Girls, the truth is, napilitan lang si Ate na maging sila ni Bryan," ani Alex sa mga kaibigan. Then she looked at Angel. "But I guess right now hindi na sila napipilitan lang." She smiled at Angel.

Angel smiled back. Oh well, maybe it's time to tell other people about what really happened between her and Bryan. "Well, since nasabi mo na naman sa kanila ang pinakaimportanteng bagay, I guess pwede ko nang sabihin sa inyo ang lahat."

Ikinuwento ni Angel ang lahat habang patuloy sila sa pagkain ng ice cream at chichiria courtesy naman ng kusina nila. Ikinuwento niya ang love story nila ni Bryan, and in the process ay nalaman din ng tatlo ang mga nangyari kina Alex at Richard.

She felt good that she could finally tell other people about what really happened. She felt she just really wants to tell them everything. So she didn't hold back. Although, ang alam ng tatlo ay silang dalawa na nga ni Bryan ngayon, at hindi iyong nililigawan pa lang siya nito sa totoong buhay. Pero bukod doon, wala siyang itinago sa kanila. Pati iyong mga bagay na hindi pa niya nasasabi kay Alex. Tulad na lang iyong kissing scene nila ni Bryan sa library.

"You kissed him?" gimbal na tanong ni Alex.

"Excuse me, he was the one who kissed me," mataray niyang tanggi.

"Uh! It's just like in the movies," Issay said dreamily.

"Issay, baka mamaya lumutang ka na lang bigla diyan," ani Steffi.

"Napaka-romantic naman kasi, eh," ani Issay. "Alam mo iyon? Iyong hindi na napigilan ni Bryan ang sarili niya kaya nahalikan niya si Ate Angel. Eeeee!"

"Ginawa lang naman niya iyon because he has to," ani Angel. "Wala nang ibang choice."

"Hay naku Ate! Naniniwala ka doon?" ang sabi naman ni Alex. "Napaka-naΓ―ve mo talaga. Hindi naman iyon basta-basta gagawin ng isang lalaki kung hindi niya iyon gustong gawin."

"But men are easily attracted physically," ang sabi naman ni Sam. "So maybe Bryan was just caught up in the moment na magkalapit sila ni Ate Angel. Tapos meron pa silang kailangang takasan."

"Hay! Bakit ba sinisira ninyo ang moment?" ang sabi naman ni Issay. "Basta, nag-kiss sila. At first kiss iyon ni Ate Angel." Kinilig na naman ito bigla.

"Pero in fairness Alex, ha? Ikaw pala ang puno't dulo ng lahat," ang sabi naman ni Steffi.

"Oo nga," ani Sam. "Wala man lang kaming alam tungkol sa inyo ni Richard. Kung kailan tapos na saka namin nalaman."

"Tapos na?" Napatingin si Angel kay Alex.

Alex sighed. "I don't know, but it seems that it's coming to an end."

"Because you're not doing anything about it," ang sabi naman ni Angel. "Papayag ka na maging ganoon na lang ang lahat?"

Lumungkot na naman si Alex. "Kung ako lang ang umaayos at si Richard wala namang ginagawa, may mangyayari ba?"

Walang nakasagot kay Alex. They just looked at her and sympathized with her sadness.

"Maybe I really am a coward. Duwag ako kasi ayokong masaktan. Duwag ako kasi ayokong malungkot. Ayokong makita ang katapusan ng lahat. Kaya bago pa matapos, tinapos ko na."

A moment of silence followed. Ilang minuto din na walang nagsasalita, hanggang sa magsalita ulit si Issay.

"Manood na lang tayo ng horror film."

Alex looked at Issay. She was touched at her friend's resolve. "Thanks, Issay."

Issay smiled. "Kaysa naman magmukmok tayo dito, manood na lang tayo ng horror film."

"Fine," ani Angel. "Very good idea. Let's look at iFlix."

Sinet up na nila ang Macbook ni Alex at naghanap ng horror film na mapapanood. Ipinagpatuloy na nila ang masayang slumber party at hindi na pinag-usapan pa ang mga nakakalungkot na bagay.

🍦🍨🍧

β₯ 🍦 is like duct tape for the β™₯️. ❣︎