Kinagabihan ay pinuntahan ni Richard si Bryan sa bahay nito para tanungin tungkol kay Alex. Ilang araw na rin kasi niyang napapansin na parang may kakaiba sa kanilang dalawa. Iba sa nakasanayan nilang pakikitungo sa isa't isa. Lalo na iyong inarte ni Alex sa kanya kanina sa CPRU. First time niyang nakitang naging ganoon ito sa kanya.
Nadatnan niyang may ginagawa si Bryan sa study table nito. Mukhang busy ito sa ginagawa, pero pinilit pa rin niyang makausap ito.
"Bry, wala bang nababanggit sa iyo si Angel?"
"Alin?" tanong ni Bryan na sa sinusulat pa rin nakatingin.
"Tungkol kay Alex." Umupo siya sa kama nito.
Nakatalikod si Bryan sa kanya, kaya hindi niya nakita nang saglit itong mapatigil sa ginagawa. "Anong tungkol kay Alex? Wala naman siyang nababanggit sa akin."
"Eh kasi, parang may iba na."
Noon tuluyang napaharap si Bryan sa kanya. "Iba? Kay Alex?"
Tumango siya. "Hm-hm."
"Baka naman sa'yo?"
Natigilan siya. "Sa akin?"
"Oo. Wala bang nag-iba sa'yo?"
Napakunot ang noo ni Richard. Ano'ng ibig nitong ipahiwatig? "Wala naman, ah!"
Mataman siyang tinitigan ni Bryan, pero wala naman itong sinabi. Sa huli ay muli na siyang tinalikuran nito. "Wala namang nagbago sa kanya."
"Ganoon ba?" Napaisip si Richard. "Siguro nami-miss ko lang siya. Tuwing may magkapareha kasi kaming subject, lagi siyang nahuhuling pumasok. Iyong sakto na lang darating iyong professor kaya umpisa na kaagad ng klase. Kaya hindi na kami nagkakausap. Minsan nga hindi na siya tumatabi sa akin. Basta kung saan na lang siya makaupo, doon na lang siya."
"Eh siyempre baka mapagalitan siya ng prof ninyo. Nagsa-start na nga naman ang klase tapos palakad-lakad pa siya."
"Tapos pagkatapos ng klase kaagad din siyang umaalis."
"Baka naman busy?"
"Iyon nga ang lagi niyang sinasabi. Meron pa daw siyang gagawing iba."
"Hindi lang naman kasi ikaw ang pinagkakaabalahan ni Alex. Parang ikaw, marami ka ring pinagkakaabalahan sa buhay mo."
Parang may ibang gustong ipahiwatig si Bryan. O baka naman siya lang ang nagiging paranoid?
"Hindi kaya, nagtatampo na sa akin si Alex?"
Muli'y oblivious siya sa pagtigil ni Bryan sa ginagawa. Hindi rin niya nakita ang pagngiti nito secretly.
"Pero bakit naman siya magtatampo sa akin? Wala naman akong ginagawang masama."
Humarap sa kanya si Bryan. "Wala ka ngang ginagawang masama. Pero, meron ka bang ginagawang mabuti?"
"Hmn?" Napakunot ang noo niya.
"Ganito na lang. Ang sabi ni Father sa homily niya nung Sunday, it's not enough that you do not do anything wrong. You still have to do something good, something right."
"Then, what do I have to do?"
Nagkibit-balikat si Bryan. "Well, it's for you to know and for you to find out." Tsaka na ito tumalikod ulit at nagpatuloy sa pagsulat.
"Do I have to send her flowers everyday? Chocolates, maybe? Ano bang favorite chocolate niya?"
Muling napaharap si Bryan sa kanya. "Hanggang ngayon hindi mo alam ang favorite chocolate ni Alex?"
"Bakit, si Angel ba?" hamon ni Richard dito.
"Dark chocolates. And she loves gummy bears."
Walang masabi si Richard. Kung tutuusin ay mas matagal sila ni Alex kaysa kina Bryan at Angel. Well, mas matagal na magkakilala ang dalawa pero mas matagal silang naging close ni Alex kaysa sa mga ito.
"Fine! I should have given importance to those details."
Muling tumalikod si Bryan. "You know Cuz, sometimes, it's the effort that counts."
"Effort..." Napaisip siya. "Hindi pa ba effort iyong pagpapadala ng flowers everyday?"
"Do you know what's her favorite flower?" Bryan asks without even looking at him.
Napatingin na lamang si Richard sa pinsan. Mukhang marami talaga itong ginagawa. Kanina pa ito sulat ng sulat. Mabuti nga at nagagawa pa nitong makipag-usap sa kanya.
Bigla siyang may naisip. ππΆππ’π΅? ππ―π° π¬π’πΊπ’ π¬πΆπ―π¨... "Bigyan ko kaya siya ng love letter?"
"Hmn?" Napaharap si Bryan sa kanya.
"Love letters! Liham pag-ibig. For sure magugustuhan niya iyon. Tingin ko siya yung tipo ng mahilig sa mga ganoon, eh."
"Love letter? Sigurado ka?"
Napatingin si Richard sa pinsan. ππ° π―π¨π’ π±π’ππ’. "Uh... pwede ko naman sigurong subukan. 'Di ba, sasabihin mo lang naman ang nararamdaman mo sa ganoon?"
Napangisi si Bryan. "Oo, sige lang. Gawin mo ang tingin mong nararapat. At least alam niyang nag-effort ka talaga. Talagang mag-e-effort ka diyan." Saka ito parang natatawa.
"Oo na!" Aminado siyang wala siyang ka-talent-talent sa pagsusulat. Pero, gaano ba kahirap gumawa ng isang love letter? Isusulat mo lang naman iyong gusto mong sabihin sa isang tao, 'di ba?
Tuluyan nang natawa si Bryan dahil sa pagkapikon niya. "Basta ayusin mo ang sulat mo."
Lalo siyang nainis. "Oo na."
Madali lang naman gumawa ng love letter. ππ’π₯π’ππͺ ππ’π―π¨... Iyon ang paulit-ulit niyang sinasabi sa sarili habang pauwi sa sarili nilang bahay. For sure ay kakayanin niya iyon. ππ’π³π’ π¬π’πΊ πππ¦πΉ. Para sa kanilang dalawa.
πππ
Isang sulat ang biglang iniabot ni Bryan kay Alex.
"Ano ito?" Kinuha ni Alex ang sulat.
Bryan smirked. "Love letter."
"Ha?" Napatingin siya dito.
"Galing kay Richard."
Bigla ang dagundong ng dibdib ni Alex. Ilang araw na kasi niyang iniiwasan si Richard. Tapos ngayon, may love letter ito sa kanya? Ano naman kaya ang nasa loob ng sulat na iyon? Masamang balita kaya ang hatid nito? Nakikipag-hiwalay na kaya ito sa kanya?
Pero teka, hindi naman sila in the first place. Baka ang sulat na ito ay para ipaalam sa kanya na titigil na ito sa panliligaw. Na hindi na siya nito kayang tiisin pa dahil sa kaartehan niya at hindi nito maintindihan kung bakit bigla na lang niyang iniwasan ito. Baka nakalagay sa sulat na ito na si Kim na ang gusto ni Richard at ito na ang liligawan nito.
"Wow! Love letter!" Mukhang si Angel ang na-excite para sa kanya. "Ano kayang laman niyan?"
Oh well, wala naman siyang magagawa kung anuman ang nilalaman ng sulat na ito. Kahit kinakabahan ay binuksan na lamang niya ito at binasa ang nakasulat doon.
π―ππ π«π π° π³πππ π»πππ?
π»ππ€ ππ πΌ πππ£π π‘βππ? πΏππ‘ ππ πππ’ππ‘ π‘βπ π€ππ¦π .
πΌ πππ£π π‘βππ π‘π π‘βπ ππππ‘β πππ ππππππ‘β πππ βπππβπ‘
ππ¦ π ππ’ππ πππ ππππβ, π€βππ πππππππ ππ’π‘ ππ π ππβπ‘
πΉππ π‘βπ ππππ ππ πππππ πππ πππππ πππππ.
πΌ πππ£π π‘βππ π‘π π‘βπ πππ£ππ ππ ππ£πππ¦ πππ¦'π
πππ π‘ ππ’πππ‘ ππππ, ππ¦ π π’π πππ ππππππ-πππβπ‘.
πΌ πππ£π π‘βππ ππππππ¦, ππ πππ π π‘πππ£π πππ πππβπ‘.
πΌ πππ£π€ π‘βππ ππ’ππππ¦, ππ π‘βππ¦ π‘π’ππ ππππ πππππ π.
πΌ πππ£π π‘βππ π€ππ‘β π‘βπ πππ π πππ ππ’π‘ π‘π π’π π
πΌπ ππ¦ πππ ππππππ , πππ π€ππ‘β ππ¦ πβπππβπππ'π ππππ‘β.
πΌ πππ£π π‘βππ π€ππ‘β π πππ£π πΌ π πππππ π‘π πππ π
πππ‘β ππ¦ πππ π‘ π ππππ‘π . πΌ πππ£π π‘βππ π€ππ‘β π‘βπ πππππ‘β,
ππππππ , π‘ππππ , ππ πππ ππ¦ ππππ; πππ, ππ πΊππ πβπππ π,
πΌ π βπππ ππ’π‘ πππ£π π‘βππ πππ‘π‘ππ πππ‘ππ ππππ‘β.
- πΈπππ§ππππ‘β π΅πππππ‘π‘ π΅πππ€ππππ
Napatingin siya kina Angel at Bryan.
"Ano?" excited na tanong ni Angel sa kanya.
"He copied 'How Do I Love Thee?' by Elizabeth Barret Browning."
Todo tawa si Bryan sa narinig.
Muling tumingin si Alex sa sulat. "At least he wrote her name in the end."
"Pagpasensiyahan mo na si Richard," natatawa pa ring wika ni Bryan. "Wala talaga iyong tyaga sa paggawa ng mga ganyan. Kapag pagsulat na ang usapan huwag mo na siyang asahan."
"At least nag-effort na mag-research at mangopya," ang sabi naman ni Angel.
Natigil sa pagtawa si Bryan tsaka napatingin kay Angel.
"Yes, he cannot express how he feels for you; instead, he used another person's words to describe how much he cares for you. I think it doesn't matter anymore. What matters is he was able to express how he feels about you."
Tuluyan nang natameme si Bryan. Napatingin ito kay Angel na nakangiti kay Alex.
Napatingin si Alex sa sulat. Kung iyon nga ang eksplanasyon sa ginawang iyon ni Richard, isa lang ang ibig sabihin noon. Mahal din siya nito. Pero bakit hindi na lang nito sabihin sa kanya ng personal? Bakit kailangan pa nitong isulat, tapos gagamit pa ito ng mga salita ng ibang tao? Hindi naman sa hindi niya na-appreciate ang effort. Pero kahit simpleng 'I love you' lang, basta galing sa kanya mismo, ayos na iyon sa kanya.
She smiled at Angel though. And then, she looked at Bryan. "Pakisabi kay Richard, salamat."
"Nami-miss ka na daw niya," ang sabi naman ni Bryan. "Ang sabi niya nagkikita nga daw kayo, pero hindi naman daw kayo nagkakausap."
"Medyo busy lang," aniya. "Di bale, kapag nakaluwag-luwag na, baka bumalik din kami sa dati."
Tumango si Bryan. "Sige, sasabihin ko sa kanya iyang sinabi mo."
Nginitian na lamang niya si Bryan. Alam naman ni Alex na alam ni Bryan ang tungkol sa kanila ni Richard. Sigurado siyang nabanggit na ito sa kanya ng Ate Angel niya na problemado na rin sa kalagayan niya. She doesn't mind, actually. Alam naman niyang concerned lang ang kapatid sa kanya. At sino pa nga ang tamang mapagsabihan ng tungkol doon kundi si Bryan?
Muli siyang napatingin sa sulat. She actually loved the poem. It's one of her favorites. She does not remember telling that to Richard. Natiyambahan lang siguro nito iyon. And she was touched by his effort. Tama ang ate niya. It's the effort that matters.
Effort kung effort nga. Pati sulat, halatang ineffortan ni Richard. Napangiti siya.
"Mukhang magiging magaling na doctor si Richard pagdating ng panahon."
Napatingin ang dalawa sa kanya.
"Sulat pa lang, doctor na doctor na siya."
Inilahad niya ang sulat sa dalawa. Muli'y natawa si Bryan. Pinigilan lamang nito iyon.
"Effort nga daw eh," nakangiti namang wika ni Angel.
Napangiti na rin siya, iyong totoong ngiti. Nahawa na kasi siya kay Bryan na hindi na napigilan ang tawa. Pati si Angel ay natawa na rin.
"Alam mo, ang sama mo!" ang sabi pa ni Angel kay Bryan.
Isang peace sign na lamang ang isinagot ni Bryan dito dahil hindi na ito makapagsalita dahil sa tawa. Natawa na rin lang ang magkapatid sa ginawa nito.
β€οΈβ€οΈβ€οΈ
β₯ πππ ππππππππ πππ ππππππ πππππππ ππ πππ πππππ ππππ πππ πππππ ππ π ππππ ππππππ. - Mα΄Κα΄ Tα΄‘α΄ΙͺΙ΄ β£οΈ