Kabi-kabilang group projects ang ibinigay kina Angel, kaya naman lagi siyang ginagabi ng uwi. Mabuti na lamang at kasama niya si Bryan. Pinayagan na nga sila ng daddy niya na magsabay na lang umuwi, para makauwi na ng maaga si Alex gamit ang kotse niya. Marami din kasi itong mga projects na kailangang ipasa dahil na rin sa malapit na ang finals.
Pauwi na sila noon ni Bryan sakay ng kotse nito. Si Angel naman ay sa passenger seat nakaupo.
"Pinapatamaan mo ba ako kanina?"
Napatingin si Angel dito. "Hmn?"
"Yung sa love letter."
Napaisip siya. "Ah..." She smiled. "Bakit, natamaan ka ba?"
"Konti." Saka ito napasimangot.
Lalo siyang napangiti. "Buti pa si Richard. Kahit na hindi original, at least nag-effort gumawa ng love letter."
"Gusto mo rin noon?" parang batang tanong nito.
"Mas lalo ka namang walang originality. Nangopya ka ng style ng panliligaw ng pinsan mo."
"Ang sama mo naman."
"Umisip ka ng ibang strategy kasi."
She's enjoying their conversation. Kahit na pagod dahil sa maghapong klase at paggawa ng projects ay nakabawi naman sa kwelang kuwentuhan kasama si Bryan.
"Alam ko na!"
"Ano 'yon?"
"Haharanahin na lang kita."
Natawa siya sa sinabi nito. Talagang sineryoso pala nito ang sinabi niya. Pero, mukha ngang seryoso ito, dahil matapos sabihin iyon ay bigla na lang itong kumanta.
"๐ ๐ญ๐ฐ๐ฐ๐ฌ ๐ข๐ต ๐ฉ๐ฆ๐ณ ๐ข๐ฏ๐ฅ ๐ฉ๐ข๐ท๐ฆ ๐ต๐ฐ ๐ด๐ฎ๐ช๐ญ๐ฆ, ๐ข๐ด ๐ธ๐ฆ ๐จ๐ฐ ๐ฅ๐ณ๐ช๐ท๐ช๐ฏ๐จ ๐ง๐ฐ๐ณ ๐ข ๐ธ๐ฉ๐ช๐ญ๐ฆ. ๐๐ฆ๐ณ ๐ฉ๐ข๐ช๐ณ ๐ฃ๐ญ๐ฐ๐ธ๐ช๐ฏ๐จ ๐ช๐ฏ ๐ต๐ฉ๐ฆ ๐ฐ๐ฑ๐ฆ๐ฏ ๐ธ๐ช๐ฏ๐ฅ๐ฐ๐ธ ๐ฐ๐ง ๐ฎ๐บ ๐ค๐ข๐ณ. ๐๐ฏ๐ฅ, ๐ข๐ด ๐ธ๐ฆ ๐จ๐ฐ ๐ต๐ฉ๐ฆ ๐ต๐ณ๐ข๐ง๐ง๐ช๐ค ๐ญ๐ช๐จ๐ฉ๐ต๐ด, ๐ ๐ธ๐ข๐ต๐ค๐ฉ ๐ต๐ฉ๐ฆ๐ฎ ๐จ๐ญ๐ช๐ฎ๐ฎ๐ฆ๐ณ ๐ช๐ฏ ๐ฉ๐ฆ๐ณ ๐ฆ๐บ๐ฆ๐ด ๐ช๐ฏ ๐ต๐ฉ๐ฆ ๐ฅ๐ข๐ณ๐ฌ๐ฏ๐ฆ๐ด๐ด ๐ฐ๐ง ๐ต๐ฉ๐ฆ ๐ฆ๐ท๐ฆ๐ฏ๐ช๐ฏ๐จ..."
At iyon na nga. Tuluyan na siyang natahimik at napatanga na lang dito. Hindi niya maiwasang matulala na lamang dito.
Nagpatuloy naman sa pagda-drive at sa swabeng pagkanta si Bryan.
"๐๐ฏ๐ฅ ๐'๐ท๐ฆ ๐จ๐ฐ๐ต ๐ข๐ญ๐ญ ๐ต๐ฉ๐ข๐ต ๐ ๐ฏ๐ฆ๐ฆ๐ฅ ๐ณ๐ช๐จ๐ฉ๐ต ๐ฉ๐ฆ๐ณ๐ฆ ๐ช๐ฏ ๐ต๐ฉ๐ฆ ๐ฑ๐ข๐ด๐ด๐ฆ๐ฏ๐จ๐ฆ๐ณ ๐ด๐ฆ๐ข๐ต. ๐๐ฉ ๐ข๐ฏ๐ฅ ๐ ๐ค๐ข๐ฏ'๐ต ๐ฌ๐ฆ๐ฆ๐ฑ ๐ฎ๐บ ๐ฆ๐บ๐ฆ๐ด ๐ฐ๐ฏ ๐ต๐ฉ๐ฆ ๐ณ๐ฐ๐ข๐ฅ ๐ฌ๐ฏ๐ฐ๐ธi๐ฏ๐จ ๐ต๐ฉ๐ข๐ต ๐ด๐ฉ๐ฆ'๐ด ๐ช๐ฏ๐ค๐ฉe๐ด ๐ง๐ณ๐ฐ๐ฎ ๐ฎ๐ฆ." Saka siya nito kinindatan.
Napangiti siya. Hindi lang dahil sa pagka-corny ng pagkindat nito, kundi dahil na rin sa kilig na hindi niya mapigilang maramdaman.
Nagpatuloy naman sa pagkanta si Bryan. Natapos ang kanta nang eksaktong papasok na sila ng gate ng Moonville.
"O ano, nagustuhan mo ba iyong harana ko?" Balik na ulit ang good mood nito.
"Hmn... Pwede na," pa-cute niyang sagot. "Medyo nagsisintunado lang ng konti."
Natawa si Bryan. Tsaka muling kumanta. "๐๐ช๐ฏ๐ฐ ๐ฃ๐ข ๐ช๐ต๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ถ๐ฌ๐ฉ๐ข๐ฏ๐จ ๐จ๐ข๐จ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ฏ๐ข๐จ๐ฌ๐ข๐ฏ๐ฅ๐ข๐ณ๐ข๐ฑ๐ข ๐ด๐ข ๐ฑ๐ข๐จ๐ฌ๐ข๐ฏ๐ต๐ข, ๐ข๐ต ๐ฏ๐ข๐จ๐ด๐ช๐ด๐ช๐ฏ๐ต๐ถ๐ฏ๐ข๐ฅ๐ฐ ๐ด๐ข ๐ฌ๐ข๐ฃ๐ข?"
"Joke lang. Hindi ka naman sintunado, and definitely not mukhang gago."
"Pero kinakabahan, oo."
"Talaga?"
Tumango ito. "Hmn... Pero hindi na gaano. 'Di tulad ng dati."
Naisip niya iyong pagkanta nito noong Mr. Business School. "Hindi naman halata eh."
"Magaling kasi akong magtago," ani Bryan. "Actually, every time na nakikita kita dati, kinakabahan ako. Lalo na kapag nakaharap at nakausap kita. Pero ngayon, hindi na masyado." Hinawakan nito ang kamay niya. "Nahahawakan ko na nga ang kamay mo." Tsaka nito hinalikan iyon.
Lalo siyang kinilig sa ginawa nito. Pasimpleng pinigilan na lamang niya iyon.
"We're here." Itinigil nito ang kotse. "Hindi na ako bababa. Baka mamaya hindi na ako pauwiin ng buhay ng daddy mo." Kinuha nito ang mga gamit niyang nasa may back seat. "Here."
Sa sobrang ligaya yata niya dahil sa lahat ng ginawa ni Bryan para sa kanya ngayong buong maghapon ay hindi niya napigilan ang sarili. "Good night, Bryan de Vera." Hinalikan niya ito sa pisngi.
Natulala ang nagulat na si Bryan sa ginawa niya. Siya naman ay bumaba na ng sasakyan. Tuloy-tuloy siyang pumasok sa bahay nila. Pagsara ng pintuan ay napasandal siya doon at saka hindi napigilan ang paghagikgik dahil sa kapilyahang ginawa.
โค๏ธโค๏ธโค๏ธโค๏ธโค๏ธโค๏ธโค๏ธโค๏ธโค๏ธโค๏ธ
Kinabukasan, magkasabay na lumabas ng kanya-kanyang silid sina Angel at Alex. Inaasahan ni Angel na maganda na ang mood nito dahil doon sa love letter ni Richard kahapon.
"Good morning!" nakangiting bati niya dito.
Nginitian lang siya ni Alex, at nawala ang ngiti niya nang mapansing parang matamlay pa rin ang ngiti nito.
"Hey! Ba't malungkot ka pa rin?"
Bumuntong-hininga si Alex. "Alam ko na kung bakit ang tagal mong walang boyfriend, Ate. Ang hirap palang maging college student! Ang daming kailangang gawin na projects!"
"Hay naku! Nagkakaganyan ka lang kasi hindi kayo okay ni Richard. Pero kung wala kayong problema, hindi mo na mapapansin iyang mga projects na iyan... Wait, the love letter didn't help?"
Umiling lang si Alex. "I appreciate it; but, I still need time to think. And right now, sa dami ng kailangang gawin sa school, wala pa akong panahong makapag-isip ng maayos tungkol sa bagay na iyan."
Nauna na si Alex na pumunta sa may hagdanan. Sinundan naman siya ni Angel.
"Don't worry. Basta siguraduhin mo lang na matapos mo ang lahat ng iyan bago mag-Intrams. Para naman ma-enjoy mo iyong one week na walang pasok at makapag-relax ka bago ang finals."
"Don't worry Ate. I will try to finish everything before next week."
Magkasabay nang pumunta sa may dining room ang dalawa.
โค๏ธโค๏ธโค๏ธโค๏ธโค๏ธโค๏ธโค๏ธโค๏ธโค๏ธโค๏ธ
Magkasabay ulit pumasok sina Angel at Alex, pero pagdating sa CPRU ay naghiwalay na silang magkapatid. Pumunta na si Alex sa unang klase nito, at siya naman ay dumiretso sa may opisina ng JPIA. Nagulat na lamang siya nang makita si Bryan na nakasandal sa pader malapit sa pintuan ng opisina nila. Naka-basketball outfit ito with his grey T-shirt, white jersey shorts and black rubber shoes. Pagkakita nito sa kanya ay nginitian siya nito.
Nilapitan niya ang lalaki. "Hi!"
Imbes na sumagot, inilabas nito mula sa likuran nito ang isang puting rosas. Binigay nito iyon sa kanya.
Napangiti siya sa ginawa nito. Kinuha niya ang rose at saka inamoy iyon. "Thanks."
Napakasaya ng mga nagdaang araw sa buhay ni Angel. Hindi tulad ng dati, kapag ganitong malapit na ang finals at nagsisidatingan na ang kabi-kabilaang mga proyekto ay hindi na siya makangiti. Pero ngayon, parang oras-oras ay nangingiti siya kahit na nga tambak ang mga gawain niya. At kahit na may problema ang kapatid niya, hindi pa rin niya maramdaman ang bigat ng sitwasyon. Dati kasi, kapag may problema si Alex ay problemado na rin siya. Pero ngayon, ang gaan-gaan ng pakiramdam niya.
Bigla naman siyang na-guilty sa naisip. Dahil doon ay unti-unting nawala ang ngiti sa labi niya.
Napansin naman iyon ni Bryan. "Ayaw mo ba?"
"It's actually very lovely," sagot niya na pilit pinagaan ulit ang aura. Though hindi niya talaga maiwasang maalala si Alex. "May naalala lang ako."
"Care to share?"
"Si Alex."
"Oh..." He gave her that It's-Alex-again look.
"Sorry." Napangiwi siya. Alam niyang medyo nagiging clichรฉ na ang pamomroblema niya kay Alex.
"Okay lang. What about her? 'Di ba, may love letter na nga si Richard sa kanya?"
Tumango siya. "Oo, pero parang ang laki na ng problema. Hindi na kayang solusyonan ng simpleng love letter lang."
Bryan held her hands that were still holding the rose. "Don't worry. Maaayos din nila iyon."
"Yeah..."
He smiled, then gently pinched her chin. "Smile ka na ulit."
Napangiti na nga siya. "Thanks for making me feel better. Always."
"Ikaw pa? Malakas ka sa'kin, eh."
Tuluyan na siyang napangiti. Tuluyan na ngang bumuti ang pakiramdam niya, especially when Bryan gazed at her... lovingly.
Nasa ganoon silang ayos nang madatnan sila ni Hannah.
"Bawal ang PDA dito. Wala akong love life."
Napatingin sila dito.
"Single daw si Joshua Ignacio," biro naman ni Bryan dito.
"Hmp! Sa'yo na lang siya!" Saka na ito pumasok sa loob ng opisina.
Natawa ang dalawa sa pagtataray ni Hannah.
"By the way..."
Napatingin si Angel kay Bryan. "Hmn?"
"You stole something from me last night."
Napakunot ang noo niya. "Stole something?"
"Yeah," Bryan answered.
Natawa siya sa katarayan ng expression nito. "Ano yun?"
Bryan gave her a meaningful look. Saka niya naalala ang kapangahasang ginawa kagabi. Nahihiyang napayuko na lamang siya as she felt her face warmed up.
"I demand you to give it back to me."
Muli siyang napatingin kay Bryan. "Huh?"
Walang sabi-sabing hinalikan siya nito sa pisngi. Tsaka ito sumibat ng takbo.
"I'll see you later!" sigaw pa nito.
Isang matandang professor ang nakasalubong ng tumatakbong si Bryan.
"Bawal tumakbo at sumigaw sa corridors!"
"Sorry Ma'am!" sagot ni Bryan na hindi naman tumigil sa pagtakbo.
Natatawang sinundan niya ito ng tingin. Hindi niya maiwasang maging proud sa sarili. Paano ba naman? She has the best boyfriend in town. Best, not only because it's Bryan de Vera, but because she knows he loves her so much and that he's very sincere in what he feels for her.
And also, it's because she loves him, too. As she opened the door to their office, she can feel that the right time for them to become official, for real, is coming very, very soon.