It's CPRU Intramural! Buong university ay nasa Olympics mode na. Mula sa mga university staff, hanggang sa mga estudyante at mga magulang at iba pang guests, ramdam na ang spirit of competition and sportsmanship. Lahat ay handa na para sa intramurals ng pinakamalaki at pinaka-prestihiyosong unibersidad sa bayan ng Tarlac.
Ang CPRU Intramurals ay isang taunang event na nilalahukan ng lahat ng mga estudyante ng nasabing unibersidad. Mula preparatory hanggang tertiary level students ay kasama sa event na ito. Kadalasang ginaganap ito dalawang linggo bago ang final exams para sa first semester ng mga college at graduate school students, at second quarter exams naman para sa mga elementary at high school students. Ito ay para may sapat pang panahon ang mga estudyante para mag-review para sa finals. Ang panahon ding iyon ay nagsisilbing extension para sa mga projects na kailangang ipasa ng mga estudyante bago mag-exam week.
Ang buong university ay nagpa-participate sa event, though each level has their own set of competitions. Twenty-one events ang paglalabanan ng mga estudyante, at karamihan sa mga ito ay may male at female categories. Ang mga events na ito ay ang Basketball, Billiards, Chess, Cycling, Darts, Rhythmic and Aesthetic Gymnastics, Lawn Tennis, Sepak Takraw, Soccer, Softball, Swimming, Table Tennis, Taekwondo, Track and Field, at Volleyball. Kabilang din dito ang Cheer Dance competition para sa college at high school department, at Calisthenics Dance naman sa mga elementary at kindergarten students.
Bawat team ay merong designated team color and name. Para sa elementary department, may apat na teams, since may four sections per grade level. Shinuffle ang mga sections para ang bawat teams ay may kabilang na Kindergarten to Grade 6. Ang mga teams sa primary school ay ang Maroon Dragons, Golden Fairies, Silver Wizards at Aqua Angels. May mga sports naman na wala sa events ng elementary department. Ito ay ang Billiards, Cycling, Aesthetic Gymnastics, at Cheer Dance na pinalitan ng Calisthenic Dance.
Ganoon din ang patakaran sa secondary level. Apat na teams na kinabibilangan ng random sections per year level. Ang mga teams ay Grey Archers, Black Pirates, White Knights, at Brown Cowboys. Di tulad ng sa elementary, ang mga events sa secondary level ay katulad na ng sa tertiary.
At siyempre, ang tertiary level. Bawat school ay kanya-kanyang team. Ang Business School ay ang Green Tigers. Ang School of Arts and Humanities naman ay Purple Penguins. Ang School of Physical Sciences ay Blue Dolphins. Ang School of Social Sciences ay Orange Eagles. Ang School of Medical Sciences ay Red Tamaraws. Magkasama naman ang graduate schools na College of Law and Criminal Justice Education at College of Medicine sa Yellow Huskies.
Uumpisahan ang intramurals sa parada ng mga atleta. Ang assembly ay sa CPRU mismo, at magtatapos iyon sa pagdarausan ng opening program - ang Macabulos Park. Isa ito sa mga public parks sa Tarlac City at malapit lamang ito sa CPRU. Dito idinadaos ang malalaking event ng nasabing unibersidad dahil kaya nitong i-accommodate ang lahat ng estudyante mula kindergarted hanggang graduate school. Isama pa ang mga university officers and staff, professors and teachers, at mga magulang at iba pang guests.
Pagkatapos ng maikling opening program ay ang Calisthenics Dance and Cheer Dance Competition. Halos kalahating araw ang itinatagal nito, kaya naman nilagyan ng cover ang buong venue para hindi mainitan ang mga estudyante at manonood. May mga kiosks din ang mga concessionaires ng mga cafeteria ng university para sa mga nagugutom o nauuhaw. Katulong din ng CPRU ang local police department para sa pagpapanatili ng seguridad ng mga dadalo sa nasabing event. Ganoon ka-organize ang pagpapatakbo ng pamunuan ng CPRU. Lahat ng detalye ay talagang pinagtutuunan ng pansin, mula sa mismong event haggang sa security at comfort ng lahat.
ππΈπ₯
Bago magsimula ang opening program ay nagtungo muna sa opisina ng The Echo ang magkapatid na Angel at Alex. Doon na sila pinuntahan ni Bryan na nakasuot ng T-shirt na uniform nila sa team nila sa basketball.
"Uy! May kalaban," anitong ang tinutukoy ay si Alex.
Sumimangot naman ang huli. "Grabe! Ang sama naman noon."
"Joke lang." Tumabi si Bryan kay Angel na kasalukuyang may ginagawa sa laptop nito.
"Sensiya na, makikitambay muna ako dito," aniya. "Sana pala nag-green muna ako."
Suot ng mga estudyante ang kulay ng kani-kanilang team. Dahil sa Green Tigers ang Business School, naka-green na T-shirt si Angel. Ang uniform naman ni Bryan ay green din ang kulay with grey accents.
Si Alex naman ay naka-purple na T-shirt dahil sa Purple Penguins ang team ng School of Arts and Humanities.
"Okay lang iyan," ani Bryan. "Kasama mo naman ang ate mo. Walang sisita sa iyo. Takot na lang nila sa kanya."
"Ha-ha!" ang sabi naman ni Angel na kasalukuyang tinatanggal ang isang SD card mula sa Macbook nito. Inilagay nito iyon sa DSLR camera na nakapatong sa mesa nito. "Nakakatawa." Though, she's not smiling. It's just her normal poker faced expression.
"Ikaw naman! Hindi ka na mabiro," ani Bryan na inakbayan pa ito.
"Oops! Sabi ni Daddy hanggang hawak lang ng kamay," pabirong sita ni Alex kay Bryan.
"Wala naman ang daddy ninyo, eh!" sabi naman ni Bryan. "Umalis ka na nga dito!"
Natawa silang magkapatid sa galit-galitan mode ni Bryan.
"Bakit ba kasi dito ka sa amin tumatambay? Wala ka bang ibang makakasama sa college ninyo?" Kunwa'y inis pa rin si Bryan, pero sincere naman ang pagtatanong nito. "Baka mamaya kuyugin ka ng mga taga-BS niyan."
"Eh puro taga-BS din iyong mga kabarkada ko," aniya. "Sina Isay, sina Sam at Steffi. Puro taga-dito yung mga iyon."
"Eh sa school ninyo," ang sabi pa ni Bryan. "Wala ka bang friends doon?"
"Alam mo, first time nga iyan na walang kaibigan sa klase," ang sabi naman ni Angel. "Knowing how friendly she is. Halos lahat ng kaklase niyan friends niya."
"Eh kasi naman, iyong mga kaklase ko puro isang subject lang ang pinagsasamahan namin. Minsan once a week pa iyon. Di tulad sa high school na four years kayong magkakasama."
"Welcome to college life, CPRU style," ani Angel sabay tayo. Kinuha na rin nito ang bag at camera na dadalhin.
Tumayo na rin sina Alex at Bryan. Saka na sila lumabas ng opisina ng The Echo.
"Paano iyan? Wala kang kasama sa opening," ani Bryan sa kanya.
"Okay lang. Kaya ko naman ang sarili ko," aniya. Na-touch naman siya na concerned pala ito sa kanya.
"Hindi mo ba siya pwedeng isama?" tanong naman ni Bryan kay Angel.
"Hindi siya pwedeng papasukin sa area ng mga school org staff. Hanggang sa audience area lang talaga siya," sagot naman ni Angel.
"I'll just get close to Ate," ang sabi naman niya. "Don't worry about me that much. Kaya ko ito, Bry. Thanks anyway."
"Well, you say so." Nginitian siya ni Bryan.
Nginitian din ito ni Alex. Somehow, she felt glad na pati ang boyfriend ng ate niya ay nag-aalala sa kanya. Mabait talaga si Bryan. Natutuwa siya na ito ang naging boyfriend ng ate niya. Kahit hindi pa official, at sa ngayon ay kunwa-kunwarian pa lang ang relasyon nila, ay parang totoong boyfriend na nga ng kapatid niya kung mag-alala ito para sa kanya. Actually, parang brother-in-law na nga niya ito. Ganoon ang feeling niya.
Since member ng basketball team si Bryan, kasama siya sa magpaparada kaya sa designated area ito nagpunta. Kasama naman ng mga athletes ang mga kani-kaniyang publication staff ng mga schools, kaya kasama din si Angel sa parada. Kaya hayun, mag-isa lang talaga si Alex sa mga miron.
Dumiretso na siya sa Macabulos Park. Pumuwesto na lang siya doon sa kapwa niya taga-SAHu. Kahit hindi niya kakilala, at least hindi naman siya kukuyugin ng mga ito dahil pare-pareho lang din sila ng chini-cheer. Nakita din niya ang ilang mga kaklase niya.
Bigla na lang may humawak sa braso niya. Pagtingin niya ay ang nakangiting mukha ni Richard ang nabungaran niya.
"Hi!" bati nito sa kanya.
Pakiramdam niya ay nanigas siya sa kinatatayuan. Ngayon niya na-realize na hindi pa pala siya ready na makita ito ngayon.
"Mag-isa ka?" tanong nito sa kanya.
Tumango lamang siya bilang sagot sa tanong nito.
"Great!" Tinabihan siya nito.
"Ahm... Wala ka bang kasama?" Sa wakas ay nagawa rin niyang magsalita.
"Wala eh. Naisip ko, ikaw na lang ang sasamahan ko. Okay lang ba?"
He looked at her and she can tell his eyes are begging her. Those eyes that she avoided and have not seen for quite some time now. She realized she missed those eyes. She realized she missed him a lot.
In the end, she surrendered. "Okay."
Napangiti si Richard. "Thanks."
Muli na siyang tumingin sa daraanan ng parade. Mas dumami na ang mga taong nanonood. Mukhang malapit na ngang magsimula ang parada.
"How were the letters?"
"Huh?" Muli siyang napatingin dito.
"The letters that I've sent you..." Parang bigla itong nahiya.
"Hindi ba sinabi sa iyo ni Bryan?"
"Well, he said you said thank you. But he didn't tell me what you think about them."
Hindi naman din nagtatanong si Bryan. Nahihiya siguro. Isa pa, dyahe nga naman kung tatanungin siya ni Bryan kung nagustuhan ba niya ang mga sulat ng pinsan nito. Hindi naman ganoon ka-pakialamero si Bryan, knowing how a gentleman he is.
"They're nice. I liked them." She smiled. Apat na sulat na rin yata ang ipinadala nito, lahat ay mga love poems mula sa mga sikat na manunulat.
"I'm glad you like them. You see, I'm really not into that writing stuff. Not my thing."
"Then, why did you do it?"
"Well, I just thought it's the best thing to do. I just want to tell you how I feel for you, and I want you to feel that I really am sincere. Alam kong this past few days, we've been very busy. I want you to know that despite that, you're still the one that I'm thinking of. You're still the one that I want to be with."
It was the most imperfect time, the most imperfect place. But at that moment, Alex felt na nabalik na silang dalawa ni Richard sa dati. Iyong kung ano sila nung una silang magkakilala, noong una silang magkalapit sa isa't isa.
At hindi na nga niya napigilan pa ang sarili niya. "I missed you."
Richard smiled. "I think I missed you more."
He held her hand and together, they waited for the opening parade of the CPRU intramurals.
πβ½οΈπ