Chereads / To My Youth (StudentxTeacher) / Chapter 5 - CHAPTER 4 The 15-year old me?!

Chapter 5 - CHAPTER 4 The 15-year old me?!

SAM'S POV

Nakita ko...

.

.

.

.

.

.

ANG SARILI KO!?

Yes. I just saw myself, the 15-year old me.

---------------------------S T A R T O F L O N G F L A S H B A C K--------------------------

The YEAR 2009

I am 15 years old and 3rd year High School Student in Arellano High School.

Habang naglalakad ako ay hindi ko napansin hindi pala maayos ang sapotos ko kaya yumuko ako para isentas ito ng maayos kaya lang pagtaas ko ng tingin nasa malayo na si Joan kaya tinawag ko siya.

Habang tinatapos kung itali ang aking sentas sumigaw ako na malakas, "Uy Best!, hintayin mo ko!".

Si Joan ay best friend ko since Elementary.

Lumingon siya at hinintay akong matapos, "Bilisin mo baka malate tayo".

Kaya tumakbo na kaming dalawa.

At nang nasa loob na, "Hai school na naman" pagmamaktol ko.

'Goodbye' summer vacation 'hello' school.

"Oo nga tska ang daming tao grabe..(bulong niya sa'kin) tsaka ang daming gwapo. Hehehe".

Sundot ko siya tagiliran para tumigil sa kahibangan niya pero kumindat lang ito at sinabing, "Syempre basta gwapo, crush ko"

May isang friend talaga sa buhay natin na pag-gwapo crush agad noh.?Meron din ba kayo?hehehe

Hinila ko siya, "Ewan ko sayo...pumunta muna tayo sa bullentin board para malaman asan ang room natin.....sana talaga classmate tayo" cross fingers.

"Oh sige"

Nakipagsiksikan na rin kami para makaraan sa harapan para hanapin ang mga pangalan namin sa malaking papel sa board.

"Excuse me"

Umagang-umaga bagong ligo lang ako kanina pero ngayon puro pawis na.

"Aray!" May sumigaw naapakan ko ata paa niya. Sinamaan niya ko ng tingin.

"Sorry. Hindi ko sinsadya. Makikiraan lang" Nag-give way naman siya.

Hanap

Hanap

Hanap

"Joan Santillan......oh(sabay turo sa papel) nasa section Capricorn ako best" sabi niya.

"Tignan mo rin baka anjan pangalan ko" Please para niyo nang-awa sana magkaklase kami para hindi ako awkward sa first day of school.

Hanap

Hanap

Hanap

"hmmmm Samantha Corpuz........ay sayang" dismayado niyang sabi.

Tumingin lang siya sa akin, "bakit?Bakit?...hindi tayo same ng section?" pag-aalalang tanong ko.

"Ah Capricorn ako eh tapos...ikaw?.....Capricorn din!..yahoo!..classmate tayo!" bigla siyang sumigaw at niyoyog2 ako.

Hawak kamay kaming dalawa, "Talaga2x!...wow..hai Thank you Lord!" nagtata-talon kami doon sa gitna habang nakatingin yung iba kasi ang ingay namin.

Kinuha kong bigla kamay niya at, "Tayo na best...pinagtitingin na tayo"..umalis na rin kami at pumunta ng classroom namin.

M E A N W H I L E...... inside the classroom.

Kahit Junior High na ko lahat ng mga classmate ko sa loob hindi ko kakilala maliban kay Joan pero ang iba parang namumukhaan ko dahil galing din sa school namin noon. Sobrang ingay sa loob dahil lahat nga ay excited ipakita ang bagong uniform, bagong bag, bagong school supplies pero may biglang pumasok at nagsulat ng pangalan sa board kaya kanya-kanya na kami ng hanap sa mga puwesto para umupo.

"Good morning class! I am Ms. Elena Sayson, your homeroom teacher" striktong sabi niya.

"Good Morning Ma'am Sayson" naku patay mukhang sa tuno pa lang ng pananalita niya ay terror siya.

Ilang minuto pa may pumasok sa classroom na late student.

Biglang nabuhayan ang mga dugo ng lahat ng mga girls dahil...

.

.

Lam niyo na GWAPO!.

Kanya-kanyang ayos ng upo at chismisan ang mga girls.

Aminin ganyan ka rin once in your life.hahaha.

*S l o w m o w a l k with background sound-

Katabi ko sa upuan si Joan since wala pang sitting arrangement. "Uy best yung gwapo kanina sa may bullentin board...klasmayt natin siya" kilig na wika niya.

Ganun ba parang wala naman akong napansin kanina na andon siya.

Matalas talaga mata niya.

Ako kasi yung taong hindi basta-basta nagkakacrush eh kaya minsan hindi ko siya masakyan sa trip niyang ganyan.

"Ang saya-saya" bulong niya sa'kin at halatang hindi maitago ang kilig.

Tapos ako naman, "Shhh" wag kang maingay baka marinig tayo dito.

Hinawakan niya ang kanyang kamay na para bang nagdadasal, "Mag-aaral na po ako ng mabuti, papasok na po ako ng maaga sa school... Thank you Lord"

Umiiling na lang ako sa tuwa. Hai ibang klase talaga to si best pag may gwapo. Nagiging madasalin.hehehe

Hindi mawala-wala ang ngiti ng mga girls dahil sa kati-titig doon sa gwapong estudyante. Mga ilang minuto pa ay nagpakilala na kami sa isa't isa. 'Introduce Yourself' daw uso to sa high school eh.

Nung tumayo na yung gwapong lalaki nakafull attention sa kanya lahat lalo na ang mga girls.

He confidently stands, "Hello everyone..I'm Emmanuel Lopez but you can call me 'Emma'. 14 years old. I love to sing and dance. I hope we can all be friends. That's all. Thank you."

Nanlaki ang mata ni Joan at nagkatingin kami pati ang mga girls ay nashock..

*Moment of Silence*

.

*F A S T F O R W A R D*

Nasa cafeteria na kami kumakain ng lunch. Halos hindi maipenta ang mukha niya ngayon dahil sa nasaksihan kanina.

Humawak sa dibdib, "huhuhu...ang sakit..ang sakit" iyak niya.

Nagsalita uli, "Nahopia ako best.....Akala ko talaga lalaki siya...Bakit naman ganun... gwapo, matangkad at mukhang matalino pa naman siya tapos...tapos...waaahhh...bading pala waaahhh"

Sinasabi ko na nga ba parang may off yung paglalakad niya kanina.Tsk Tsk. Kawawang nilalang ngayon ay brokenhearted.

Nilagay ko sa isang kamay sa balikat niya, "Eh ganun talaga best hindi lahat ng gwapo lalaki.....tsaka buti na yun noh at least mas maaga nalaman mo na bading pala siya....hindi na gaano masakit" sabi ko habang hinahagod ang likod niya para patahanin siya.

Tumingin sa malayo, "hmmmp..masakit pa rin" sabay subo ng ulam niya.

Wala rin akong magawa kaya, "Sige..iiyak mo lang yan best..."

At humagolgol nga siya ng iyak "Waaaah..." at yumuko pero mga ilang segundo lang ay inangat niya ang kanyang mukha, nag-ayos ng buhok , "OK nako" tinapos ang pagkain.

Umiling at kumunot naman ang noo ko na parang naguguluhan, "Huh?..." Medyo nalito ako sa kinikilos niya.

Nagpolbo at sinabing, "OK lang first day of school pa naman marami pa kung makikita....(sabay turo sa lalaking nakapila sa counter) tulad nung isa doon oh"

My mouth dropped.

Wow, I must say na gifted talaga ang best friend ko when it comes to this.hahaha

"Gwapooooo" kilig na kilig na sabi nito sa akin at tuluyan ng napako ang paningin niya rito.

Kumurap ako, "Wow ha ang bilis mong makamove-on"

Slow clap everyone, please let's appreciate her talent.

*Clap * Clap *Clap

Sobrang na.amaze ako.

Nagsuklay, "Syempre.. alam mo ang babae pagbroken-hearted bigyan mo lang siya ng moment iiyak niya lahat yan after noon OK na. Hanap ulit ng bago." and flip her hair.

Kamot- ulo, "Ganun ba yun?!" pagtataka ko. Wala kasi akong alam sa ganun eh

Tumaas ang isang kilay, "Palibhasa hindi ka pa umiibig kaya hindi ka marelate.....(Tumayo bigla)Sige best maghahanap buhay muna ko. bye " umalis at iniwan akong mag-isa.

Hinabol ko naman siya ng tingin na parang nanunumbat, "So ganun. Nung broken-hearted ka andoon ako pero nung nakakita ulit ng gwapo ayun iniwan na ako.". Ganyan po ang tunay na kaibigan..Minsan iniiwan ka talaga.hmmp.