SAM'S POV
Ilang oras lang ay nakarating na rin ako sa Palawan.
"Hmmmm" Napasinghot na ako sa hangin "Grabe namiss kita Palawan. Kumusta ka na?" sobrang saya ko at nakabalik ulit ako sa lugar kung saan ako lumaki, nagkaisip at nagmahal...Char
Tinawagan ko na si Mama para sabihin na andito nako sa airport.
*R I N G*
[Hello Ma, andito nako sa airport. Saan ka na?] Lumilingon-lingon din ako baka nasa paligid-ligid lang siya.
[Ah..ganun ba. Hindi ako makakapunta jan. Medyo busy ako ngayon kaya si Mang Raul mo na susundo sayo jan]
[Ah..Ok po. (Nakita ko naman si Mang Raul na kumakaway-kaway sa'kin at may dala pa itong karatula)..Nakita ko na po siya. Sige Ma]
*end of call*
"Mang Raul!" sigaw ko. Nakita ko agad siya kasi may signage ng pangalan ko.
Si Mang Raul ay driver ng Mama ko simula pa nung bata kami. Minsan siya rin ang sumasa sa amin sa mga school activities kapag hindi makakapunta sina Mama at Papa.
"Uy Iha . Ikaw nga (yakap)..grabe ang laki mo na mas matangkad ka pa sa'kin at..( Tinitigan akong mabuti.).. lalong kang gumanda"
Naku si mang Raul talaga napansin niyo pa yun haha
Ehm hindi naman masyado slight lang.hahaha
"Naku..hindi naman po."
Syempre kunwari shy type pero deep inside gusto ko rin naman.hehehe
Kinuha na niya ang mga maleta ko, "Ay amin na yang bag mo at mukhang mabigat. Nandoon ang kotse ko" Tinuro naman niya ang kotse na nakapark sa labas.
"Tayo na" habang binibitbit yung malalaking bag.
"Sige po ako na lang po magdala nung isa"
Nakakahiya naman. Lam niyo na syempre 1 week vacation to kung pwede lang dalhin ko buong closet ko dadalhin ko.
At pumunta na kami sa kotse.
FAST FORWARD...
Nakarating na rin kami sa bahay.
'Home Sweet Home' and 'There's no place like home'.
"Oh Iha andito na tayo" bumaba na rin ako sa sasakyan at tinulungan siyang buhatin ang mga gamit ko.
Looking at the house, "Wow, it's been awhile" it brings back all the memories I had when I was a child.
*SHORT FLASHBACK*(Nung time na unang lipat namin sa bahay nila Mama)
While walking hindi ko napigilang tignan saglit ang bahay nila Arthur na katabi lang sa amin.
*SHORT FLASHBACK* (Nung nakita ko siyang nagdidilig ng halaman)
Hahai Good old days!
Pag bukas ng pinto, "Grabe ganun pa rin ang itsura ng bahay. Walang pinagbago."
*SHORT FLASHBACK* (Nung naghahabulan kami ni Kaycee sa sala)
Well although yung mga flooring lang ang naiba pero yung walls at lugar ng mga kwarto yun pa rin. Mom must've have taken care of it very well.
At tuluyan na kung pumasok sa loob. Nakita ko naman ang mga nakasabit na medalya at ribbons naming dalawa ni Kaycee sa sala. Alam niyo naman sobrang proud kaya ng parents natin parang trophy na nila yan sa pagpapatapos sa atin.
Tumingin sa pader, "Nandito pa rin yung drawings nung Elementary ako, (kinuha ang trophy nilinisan)Tsaka yung trophy at (kinuha ito) sash ko na 'Miss Photogenic', at 'Miss Congeniality' na napanalunan ko sa Little Miss Barangay."
Nakakamiss naman ang mga ito. Halos mangiyak-ngiyak akong inaalala ang kahapon.
Nagsalita si Mang Raul sa likod ko kaya napalingon ako, "Iha, Saan ko ilalagay ang mga ito?" pinakita naman ang mga gamit ko..
"Ah Ipasok niyo na lang po sa dating kwarto ko doon sa taas"
"Oh cge.." Tumango lang din siya at unti-unti ng inakyat ang mga ito.
Habang papaakyat ako andoon pa rin yung drawings ko sa padar na puro krayola lang naalala ko sobrang galit nun ni mama at pinapapalo niya ko.hahaha
* SHORT FLASHBACK* (Nung nagdudrawing ako sa wall nung 5 years old)
Pagkatapos niyang ipasok ang mga gamit ko ay nagpaalam na muna siya, "Siya nga pala Iha aalis din ako kaagad ha kasi may pinapautos pa sa'kin ang mama mo."
"Ai..Naku... Cge po ingat pos a daan"
May hanabilin pa siya sa akin, "May pagkain doon sa ref. Tignan mo na lang..May kailangan ka pa?" Dagdag niya.
Umiling ako na nakangiti, "Wala po. SIge salamat po" at umalis na nga siya.
Medyo nahihilo pa rin ako dahil sa Jetlag ko kaya nagpasyahan kong.....MATULOG!.hehe
Tinignan ko ang relo ko hmm 8:00AM pa pala pumasok muna ako sa kwarto ko ulit para matulog.
*ZzZzZZZZzzzzzzzzzzzz*
AFTER THREE HOURS OF SLEEPING.
Nag-unat ng konti sabay kuskos sa mata tumingin sa paligid, "Wala pa rin sila mama?!?"
Tumingin ako sa wall clock '11 na' so kumain muna ako saglit.
Umupo ako sa sofa sa may sala na nakataas ang paa,
"Anong gagawin ko dito eh wala namang internet, sira ang TV" sabay subo ng kanin at ulam.
Since nababagot ako mag-isa at mamayang hapon pa naman date ko, naisipan kung maglakad-lakad muna. Gusto kong tignan ang mga pagbabago sa lugar namin.
Although nagtataka rin ako kasi ba't walang tao sa bahay eh alam naman nilang pupunta ako.hmmp.
Paglabas ko ng gate napatingin ako uli sa bahay nila Arthur.
"Mukhang luma na rin yung bahay nila at parang walang tao. May nakatira pa kaya jan?"
May nakita akong maliit na tindahan sa gilid lang malapit sa bahay namin.
"Uy wala ito noon ah". Kaya naisipan kong bumili na rin.
"Tao po. Pabili po ng softdrinks"
"Oh ito oh.." ibinigay niya sa'kin ang supot na my coke.
Kinalaunan medyo nacurious na ako kaya, "Ahmm pwede pong magtanong, May nakatira pa po ba sa bahay na yan?" at tinuro ko ang bahay nila Arthur.
"Ai naku Iha matagal-tagal na ring walang tao jan siguro mga walong taon na. Balita ko nung umuwe ng Saudi si Mang Nestor (papa ni Arthur) noon dahil nagkasakit siya eh hindi na sila nakapagbayad ng upa kaya lumipat sila sa ibang lugar"
As in wala talaga akong ideya kasi hindi rin naman ako nagtatanong kay mama tsaka di ba nga kinalimutan ko na siya. Nagpromise ako sa sarili ko na hindi ko isesearch ang name niya sa mga social media kahit kating-kati na kong gawin yun. Eh mag-momove-on nga ako di ba?Paano ako magmove2 on kung palage ko siyang nakikita o mabalitaan man. Ayaw ko rin maging stalker pag nagkataon pero curious lang ako ngayon.
Humurit pa ako ng isa, "Ahmm..alam niyo po ba kung saan na sila nakatira?"
Uy Ikaw?uu ikaw! wag mo kung ijudge ha.
Gusto ko lang tanungin si Manang bakit ba.
"Naku hindi ko rin alam eh. Bago rin ako nung lumipat sila ng ibang lugar. Bakit mo nga pala naitanong iha?"
Ayan! patay na!
Natataranta kong sabi, "Ah...w-wala naman po . Kapit-bahay po kasi namin sila dati. " Actually, dyan po nakatira yung crush ko noon eh.hehe
"Salamat po" at dali-dali naman akong umalis. Baka ano pa isipin ni Manang mabisto pa ko.
"Oh..cge Iha"
Pero sa loob-loob ko. 'Ano na kayang nangyari sa kanya? Wala rin akong balita na lumipat na pala sila?Ok lang kaya papa niya?Buhay pa kaya siya? O Baka naman nakapag-asawa na, may mga anak?Naaalala pa rin kaya niya ako?'
I shook my head, "Haiist"
Kung ano-anu na ang naiisip ko.
Ilang hakbang lang ay nakarating na ko sa may bridge at huminto muna ako saglit.
*SHORT FLASHBACK* (Nung time na kamay pa lang gamit ko pang picture sa view nato)
"Dati pinagmamasdan lang kita sa malayo at ang gamit kung pangpicture ay kamay ko kasi wala pa kung canon noon pero ngayon..(Nilibas ko ang phone at pumunta sa camera and...)"
*CLICK*
"...nasa phone na kita" sabay tingin ulit sa view.
"Mabuti naman at maganda ka pa din hanggang" and smile.
My heart is filled with happiness knowing the things that I can't do before are at my reach now...hai.... it's like a dream come true.
.
.
AFTERWARD...
.
Patuloy pa rin ako sa paglalakad sa isang pamilyar na daan. Pilit kung ginugunita ang mga kahapon. At mga ilang minuto pa'y nakita ko na ang paaralan kung saan ako nag-aral ng High School.
"Uy fishball" Pumunat ako sa isang stall at bumili. Wow andito pa rin si Manong fishball. Dahil curious ako ulit tinanong ko siya kung ilang taon na siya nagbebenta ng fishball at 20 years lang naman dahil sa fishball napagtapos niya ng kolehiyo ang dalawa niyang anak. Imaginin mo yun.
"Hmmm ang sarap ganun pa rin ang lasa" takam na takam sa pagkain ng fishball.
Pagpasok ko pa lang sa loob kakaiba na ang nararamdaman ko. Kapag pala bumabalik ka sa kung saan ka nagmula hindi mo mawari kung ano ang dapat mong maramdaman.
*SHORT FLASHBACK* (Nung time na bumukas ang gate sa first day of school)
Buti na lang wala masyadong estyudante sa loob. Nang nakita ko na ang mga gusali sa loob. Para akong tanga nagsasalita sa sarili.
Napahawak sa bibig dahil sa pagkaaliw, "Grabe, ang laki na ng pinagbago dito ah,.sa wakas natapos na rin yung multi-purpose hall"
Hinintay lang ata akong grumaduate para lang matapos ito. Ilang years din ang construction niyan. Buti naman at may budget na.Hehehe.
While strolling inside the school, my phone rings.
*R I N G * R I N G * R I N G
[Ma?]
[Hello, Nak. Kumusta ka na?Nakapagpahinga ka ba?]
[Yes ma nakatulog naman ako. Nga pala since mag-isa naman ako sa bahay ngayon lumabas muna ako't naglakad-lakad babalik din ako.]
[Ok. Wag mo lang kalimutan yung bilin ko sayo ah, may date ka mamayang alas singko]
Tumingin ako sa relo ko 1pm pa lang naman so Ok pa.
Lakwatsa muna tayo.
Minsan-minsan lang to eh.hehehe
[.....Yes ma. Hindi ko nakalimutan] sigurista talaga tong mama ko.
AHA!..Wag na kaya akong pumunta? Wala akong ganang makipagkilala sa iba ngayon eh. Sige at babalatan ka ng buhay ng nanay mo. Sinabi ko nga eh. Excited na nga ako.hmmmmp. Naglalaban po ang good and bad side ko.hehehe
[I-sisend ko na lang sayo ang address. Wag kang malalate ha at mag-ayos ka!]
[Yes po] As if naman may magagawa ako.
[Ok Sige na busy pa ko. Bye]hmmp. Kakainis.
May naalala ako, [Ah ma--] at binaba na niya ang phone itatanong ko sana kung asan siya at ba't ang busy niya pero magkikita naman kami mamayang gabi after ng date so OK na lang.
Ilang minuto pa ay napahinto ako papuntang walkway sa library nang may nakita akong ballpen sa daan kaya nang pupulutin ko ito ay may biglang huminto sa gilid ko. Nasa sa tabi ko lang siya at inaayos ang sentas ng sapatos niya. Itinaas ko ang tingin ko kung sino ito at nanlaki ang mga mata ko sa aking nakita....
.
.
.
.
Nakita ko
.
.
.
.
.
.
.
ANG SARILI KO!
.........T o b e c o n t i n u e.........