Chereads / ANNAH: The Last Titanian / Chapter 15 - The Arcadian Knights

Chapter 15 - The Arcadian Knights

And that's it.

Kailangan ko pang maging Titanian uli para mabuksan ang barrier at para makauwi kaming dalawa ni Bea. At ang ibig sabihin nun ay kailangan kong isama si Bea sa paghahanap ng anim na natitirang esylium.

Pero ang tanong ay kung saan ako magsisimula at saan ko ba hahanapin sa mundong ito ang mga esylium na yun?

Napahinga nalang ako ng malalim habang hinahaplos ang likod ng kabayo na sasakyan ko para sa pag-alis namin.

"Beh..." ang biglang sulpot ng boses sa tabi ko.

Agad naman akong napalingon at nakita ko si Bea.

Napansin kong simula nang magising sya kanina hanggang sa pagkain namin ng breakfast ay naging tahimik lang sya at hindi sya nagrereklamo kagaya ng lagi nyang ginagawa.

"Oh beh..." ang sambit ko.

Nagtaas sya ng mukha at nakita ko ang lungkot sa mukha nya.

"So we're not really related right? At narinig ko rin ang pag-uusap ninyo kaninang madaling araw na para makabalik tayo sa mundo ng mga tao ay kailangan mo munang maging Titanian uli..." ang sabi nya sa malungkot na boses na yun.

I smiled at her.

"Wag kang mag-alala beh, I'll get us out of here. I promise" ang sabi ko.

She smiled at me.

"Promise?" she said.

I nod.

Ngumiti lang sya saka sya lumapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

Nabigla naman ako doon.

"You're not scared?" I asked.

Napatingin naman sya sa akin.

"Bakit naman ako matatakot sayo?" she asked.

Nagbaba ako ng tingin.

"E-eh kasi...k-kasi...bampira ako..." I whispered.

She just smiled at me saka nya ako niyakap uli.

"It doesn't matter to me at all. Basta, kahit anong mangyari, you're still my cousin at heart. Bampira ka man o tao, pinsan parin kita, okay?" ang sambit nya.

Hindi ko mapigilang mapangiti saka ko sya niyakap din.

"Thank you beh..." ang sambit ko.

I heard her sigh saka nya ako binitiwan at malungkot na tumingin sa akin.

"And I'm sorry for the lost of Dylan..." she said. "Hindi ka pa nga nakaka-recover sa pagkawala nya pero heto ka at may mas malaki ka pang problema"

Naramdaman ko uli ang pagkirot ng dibdib ko ng dahil sa narinig ko.

Oo, masakit parin ang pagkawala ni Dylan but having Bea here is a real comfort for me.

Yes. Bea is the only person here who makes me feel sane. After ng lahat ng nalaman ko at idagdag pa ang pagkawala ng lalaking mahal ko sa harapan ko mismo ay parang gusto ko ng mag-break down. Pero masaya ako at nandito pa ang pinsan ko na 'to para ipaalala sa akin na kailangan kong maging matatag para makauwi kami sa mundo ng mga tao.

"My lady" ang biglang sulpot ni Raven sa tabi namin. "We need to get going"

Naghiwalay naman kaming dalawa ni Bea.

Saka ko nilingon ang asul na mga matang iyon.

"Raven, may ipinagtataka lang ako..." ang sambit ko. "Tao kaming dalawa ni Bea diba? So hindi ba...hindi ba kayo naba-bother sa amoy ng dugo namin?"

"Of course, we are bothered" ang biglang sulpot ng nakangising si Cornelius. "But Arcadian Knights are trained to control their thirst and as long as you wear your cloak to keep your scent away from us, you won't be harmed"

Raven turned to him.

"And she won't be harmed no matter what" Raven glared at him.

Agad namang itinaas ni Cornelius ang dalawang kamay nya as a sign of surrender.

"Whoa...chill. I can control my thirst..." ang sabi nya saka ngumisi uli. "I just don't know for Alex"

But Raven just gave him that killing glare kaya mabilis syang nagsalita.

"I'll shut up" he said saka sya tumalikod at nagpunta na sa sarili nyang kabayo.

Oo, tig-isa-isa kami ng kabayo ngayon. Pero sa totoo lang ay hindi parin ako marunong sumakay doon. Nakasakay lang naman ako ng maayos kahapon at yun ay dahil sa nakisakay ako kay Andromeda. Vampires can walk or even run 10 times faster than human do pero dahil narin sa may kasama silang dalawang tao ay kailangan nilang sumakay narin ng kabayo kasama namin.

Napahinga nalang ako ng malalim at pinulot ko ang bag ko na nadala ko dito.

"Wait beh, may nahulog" ang sabi ni Bea habang nakatingin sa ibaba.

Agad naman akong napatingin din sa ibaba at nakita ko ang cellphone na yun.

Oo, ang cellphone na ibinigay sa akin ni Dylan.

At ngayong nakita ko uli ang bagay na 'to ay hindi ko maiwasang makaramdam ng sakit sa dibdib ko. Napapaisip din ako na kung isang normal na tao lang siguro ako ay hindi na kinailangang mawala ng lalaking mahal ko. But I'm not. I'm not normal. I'm a vampire and because of that kaya nagsa-suffer ngayon si Bea at namatay ang lalaking mahal ko.

Pinulot ko ang phone at tinitigan yun habang nasa kamay ko.

Ini-on ko yun and I felt a lump in my throat when I saw my wallpaper.

Kaming dalawa ni Dylan na pareho nakangiti at nakahalik pa sya sa pisngi ko habang nakatingin sa camera.

"Beh..." Bea called me.

I felt those cold tears suddenly fell down to my cheeks.

Ang sakit.

Sobrang sakit ng dibdib ko.

I felt Bea's hand gently pats my shoulder at mukhang hindi narin nya alam kung ano ang sasabihin.

"Aalis na tayo" ang biglang sulpot ng boses na yun sa tabi namin.

Hindi ko na kailangang lumingon para malaman kung sino yun.

Kilala ko na sya sa paraan palang ng pagtatangis ng ngipin ko sa tuwing naalala ko ang ginawa nya.

Oo. Kahit na alam kong para din sa akin ang pagpatay nya sa boyfriend ko ay hindi ko paring maiwasang makaramdam ng galit. Dylan doesn't deserve to die in that way. He doesn't deserve to be murdered by a vampire who has trust issues towards me.

Nagtaas ako ng mukha at galit na galit na nilingon ang bampirang iyon.

While he just looked at me with his usual cold stare.

And with gritting teeth, I spoke.

"Hinding-hindi na kita mapapatawad..." I said while clenching my teeth so hard and while those tears continue to fall from my eyes. "...tandaan mo yan"

He just stared at me.

Hindi sya nagsalita at nanatili lang syang nakatitig sa akin gamit ang walang emosyong mukha nya.

And in that cold voice, he spoke.

"It's okay" he said. "It doesn't matter to me as long as you're safe"

Natigilan ako sa sinabi nyang iyon.

As long as I'm safe.

I couldn't help but to smile bitterly.

Oo. Yun lang naman talaga ang magma-matter sa kanya or anyone in the Arcadian Knights dahil yun lang naman ang misyon nila. Ang mapanatiling safe ako at wala silang pakialam kahit sino man ang mapatay nila habang pino-protektahan ako.

But it doesn't make sense at all.

Bakit ba hindi nya mapagkatiwalaan sina Dylan at Bea?

"All are packed up" ang biglang sulpot ni Zeke. "We are now ready to leave"

His emerald eyes looked at me before speaking again.

"You will ride the horse with me" ang sabi nya.

I glared at him.

"Ayoko" I said.

"You're not the one who will decide for that" he said in that cold voice saka sya tumalikod at naglakad paalis.

Hindi ko mapigilang mapaawang ng bibig.

Kung pwede lang akong maging bampira this instant ay baka napatay ko na sya.

God, I've never hated anyone like this before.

Pinunasan ko nalang ang mga luha sa magkabilang pisngi ko saka nilingon si Bea.

"Beh, makakalabas tayo sa mundong ito." I said. "I promise"

She smiled at me saka sya nagsalita.

"Thank you beh. Wag kang mag-alala..." she said. "...simula ngayon ay hindi na ako magrereklamo sa kahit ano mang bagay dito sa mundong ito hanggang sa makalabas tayo. I promise"

***********************

"AAAAAHHHH...! Ang sakit-sakit na ng pwet ko! Ilang oras na ata tayong nakasakay sa kabayo eh! Saan ba talaga tayo pupunta ha?!" ang reklamo ni Bea habang nasa kalagitnaan na kami ng paglalakbay.

At mukhang nakalimutan na nyang mga bampira ang mga kasama namin ngayon na kayang-kayang baliin ang leeg nya dahil lumalabas na naman ang pagiging reklamadora nya.

I saw Andromeda's nails grew long and looked at Bea's direction.

"Can I kill her now?" Andromeda asked in a warning tone.

Pero nilingon sya ni Raven.

"Andromeda" Raven called her in that warning tone.

"Yes master" ang agad namang talima ni Andromeda saka bumalik na sa dati ang kuko nya.

Hindi ko rin masisi si Andromeda kung bakit gusto nyang patayin si Bea. Dahil lang naman yun sa simula ata ng makaalis kami ay puro reklamo lang ang lumalabas sa bibig nya.

At nag-promise na sya na hindi na sya magrereklamo sa lagay na yan ha? -____-

Nasa kalagitnaan na pala kami ngayon ng snow dessert at ang tanging nadadaanan lang namin ay ang walang katapusang lupain ng puting snow na yun. Pareho kaming nakasuot ng hooded cloak ni Bea para maitago ang human scent naming dalawa mula sa ibang bampira. Ang sabi ni Raven ay masyadong sensitive ang pang-amoy ng mga bampira sa dugo ng tao. Pero dahil narin sa matagal silang nanatili sa mundo ng mga tao ay nakasanayan narin nilang pigilan ang thirst nila.

Madilim parin ang kalangitan pero hindi naman umuulan ng snow.

"My lady" ang biglang sulpot ni Raven sa tabi ko habang nakasakay sya ng kabayo. "Are you cold?"

He looked so worried.

I smiled at him.

"Okay lang ako. Nakakatulong ang cloak na to pati narin ang coat ni Zeke para mainitan ako" ang nakangiting sagot ko.

He smiled back.

"Well, let me know if you need something" he said.

Nginitian ko din sya.

"Okay" I said.

Kung may kaisa-isang bampira akong mapagkakatiwalaan sa mundong ito ay si Raven lang yun. He is such a gentleman at ang bait-bait nya pa. Sya rin ang dahilan kaya nagiging komportable na ako sa mundong ito.

"You talk too much..." a cold voice suddenly appeared at my back then turned to Raven. "Fuck off"

Oo.

Ang bwisit na bampira na gustong-gusto kong mawala sa mundong ito.

Si Alexander.

Sa iisang kabayo lang kami nakasakay at sa harapan nya ako nakaupo habang hawak nya ang rehas ng kabayo. Ramdam ko pa ang mga braso nya sa magkabila kong side at ang broad chest nya na tumatama sa likuran ko.

At kahit na ayaw ko mang sumakay sa iisang kabayo kasama sya ay napilitan lang ako.

Bakit?

Oh, ito ang flashback.

Flashback...

"You will be riding this horse with me" ang biglang sulpot ng boses na yun sa likuran ko.

Napalingon naman ako at nakita ko ang gwapong bampirang iyon.

But I just gave him that sharp look.

"No I won't" I said.

"Mukha ba akong nagtatanong sayo nun?" ang sabi nya at napatili nalang ako nang maramdaman ko ang kamay nya sa magkabilang bewang ko at naramdaman ko nalang ang pagbuhat nya sa akin pasakay sa kabayong katabi nya.

Nagwala ako pero in the end ay napasakay parin nya ako doon. Saka ko sya mabilis na nilingon.

"YOU BASTARD!" I screamed. "Hinding-hindi ako sasakay sa iisang kabayo kasama ka! Ibaba mo ako dito!"

Pero mas lalong lumamig ang mga mata nya after kong sabihin yun.

At kahit na galit na galit ako sa kanya ay hindi ko paring maiwasang matakot sa kanya. Afterall, he's a vampire and not only that but a fire argon type!

"If you won't stop screaming like a stupid little brat..." he said in that deadly serious tone saka sya naglabas ng apoy sa kamay nya at itinutok yun kay Bea na nakatayo sa malapit. "I'll kill your ex-cousin"

End.

Napaka-unfair.

Ginagamit nya si Bea para makuha nya ang gusto nya at wala akong ibang choice kundi ang sundin sya. Afterall, ano bang laban ko sa kanya?

I saw Andromeda smirk.

"Yeah, Joselito is being overprotective again" she said.

And after hearing that name ay sabay na sumambulat ng tawa ang lahat ng kasamahan namin. At kahit gaano kasama ang loob ko ngayon ay hindi ko mapigilang matawa rin.

"HAHAHAHAHAHA! JOSELITO-PALITO! BWAHAHAHAHAHAHA!" si Jared.

"SHIT! HINDI KINAKAYA NG MUSCLES KO ANG PANGALAN MO! AHAHAHAHAHA!" si Cornelius.

But then...

"AAAAAAHHHHH!!!! ANG INIT! TUBIG!!" ang sabay pang tili nina Cornelius at Jared nang biglang nagliyab ang mga armors nila.

Agad namang naapula ang apoy sa mga armors nila gamit ang tubig ni Jared.

At doon na nga natigil ang tawanan lalo na't naglabas pa ng apoy si Alex sa kamay nya and without looking at them, he spoke using that cold voice.

"Say that name again and I won't mind burning all of you into ashes" Alex warned them.

Silence.

Oo, ngayon ko lang napansin pero natatakot din pala sila kay Alex. Samantalang nakita kong nakangiti lang si Raven na para bang pinipigil parin ang sarili nyang matawa.

Pero dahil ako na sa lahat ng curious ay agad ko silang nilingon. Matagal ko na kasi talagang naiisip ang bagay na 'to.

"Bakit ba Joselito ang pangalan nya sa mundo ng mga tao?" I asked them.

After ko ring itanong yun ay nakita ko ang pamimilipit nila na para bang pinipigil nilang matawa.

"Pagdating namin sa mundo ng mga tao ay si Andromeda ang umasikaso ng pag-gawa ng mga pekeng documents para sa amin kagaya ng birth certificates, passports, and etc." ang sabi ni Jared. "We got all our real names pero...pffft...dahil galit si Andromeda noon kay Alex ay pinag-tripan nyang ipangalan sa janitor na nagtatrabaho doon si Alex.And it's Joselito. Pfft---HAHAHAHAHA!!!"

Galit?

Galit si Andromeda kay Alex?

Pero bakit?

Nilingon ko si Andromeda.

"Bakit galit ka sa kanya?" ang tanong ko sa kanya.

Nakita kong pina-pormal nya ang mukha nya mula sa kanina ay pagpipigil nya ng tawa saka sya nagsalita.

"It's because he turned me down" she said casually.

Eh?

Turned her down?

Anong meaning nun?

Nakita kong ngumisi si Cornelius.

"Dahil binasted sya ni Alex." ang sabi nya. "She asked him to be her blood mate but then Alex turned her down! Hahahahaha!"

But then Andromeda glared at him kaya agad syang tumigil sa pagtawa.

"I'll shut up" he said saka ibinalik ang mga mata sa daan.

My brows met.

Blood mate? Ano yun?

"Blood mating is a way of marriage among us vampires" ang sabi ni Raven na parang nag-i-explain sa akin.

Way of marriage?

Kung ganun...

Agad na nanlaki ang mga mata ko.

Ini-ask ni Andromeda si Alex na pakasalan ito?! HA?!

Hindi ko makita ang reaksyon doon ni Alex dahil nasa likuran ko sya pero parang wala din naman syang pakialam doon dahil hindi sya nagsasalita.

Samantalang nasilip ko naman sa dulo ng mga mata ko ang pagtingin ni Andromeda sa kanya saka ito malungkot na nagbaba ng tingin.

I felt bad for her.

Kung ganun...may gusto sya kay Alex? May gusto sya sa walang hiyang ito?

Biglang natahimik ang buong grupo at mukhang naging awkward ang paligid. Pati ang kanina pang nagrereklamo na si Bea ay biglang hindi narin makapagsalita. Mukhang pareho lang kaming nabigla doon.

"AWKWARD~~!" ang nakangising tudyo ni Cornelius.

Andromeda then again glared at him kaya nag-iwas nalang sya ng tingin.

"I'll shut up" he said saka lumingon nalang uli sa daan.

At after nun ay pumailanlang na ang katahimikan.

Pero ngayon ko lang naalalang itanong.

Nilingon ko si Raven.

"Saan ba talaga tayo pupunta?" ang tanong ko para maiba na ang usapan.

Oo nga, kanina pa kami naglalakbay sa gitna ng snow dessert na 'to pero wala akong kaide-ideya kung saan kami pupunta.

His blue eyes looked at me and smiled.

"We will go to mount Ceres, where we can find the old vampire oracle" he said.

My brows met.

"Oracle?" I asked.

Pero si Alex na ang sumagot mula sa likuran ko.

"The one who knows where we can find the other six esylium" he said.

Napatango nalang ako at napatingin sa puting daanan.

Ang dami ko pa talagang hindi naiintindihan sa mga nangyayari ngayon. Pero ang tanging mahalaga lang ngayon ay...

Nilingon ko si Bea na ngayon ay nagsisimula na namang magreklamo.

"Huhuhuhu! Nami-miss ko na ang starbucks! Oh I want Frappe! Give me Frappe!!!" she whined.

...ang makabalik kaming pareho ni Bea sa mundo ng mga tao.

to be continued...