Chereads / ANNAH: The Last Titanian / Chapter 16 - The Mountain That Is Covered With Snow

Chapter 16 - The Mountain That Is Covered With Snow

Mula sa malayo ay maihahambing ko sa mount Everest ang Mount Ceres. Pareho kasi silang puro snow lang at ang sabi ni Raven ay isa ito sa pinakamataas na bundok sa buong vampire world.

The wind is howling habang ramdam ko ang malamig na hangin na tumatama sa mukha ko habang papaakyat kami sa Mount Ceres. Hindi naman kami nahirapan sa pag-akyat nito dahil puro plain na snow lang ang nadadaanan namin. Ang kailangan daw naming puntahan ay ang gitna ng mount ceres kung saan nakatira ang matandang oracle.

Ilang oras din ang inilakbay namin hanggang sa masalubong namin ang madilim na kweba na yun.

Biglang tumigil ang kabayo ni Raven na syang nangunguna sa amin saka nya itinaas ang kanang kamay nya. Tumigil din ang kabayo namin sa likuran nya at ngayon ay nakatitig na kaming lahat sa madilim na kweba na yun.

"We are here" Raven announced.

Napatitig naman ako sa madilim na kweba na yun.

Nanduon ang...matandang oracle?

"OMG..." I heard Bea gasped. "Hindi kaya may worms dyan?"

I heard Cornelius smirk.

"So mas natatakot ka pa sa worms kesa sa mga vampire bats na nakatira dyan?" si Cornelius.

Lumaki naman ang mga mata ni Bea.

"Talaga?! May vampire bats na nakatira sa loob nyan?!" si Bea.

"I heard may snake din daw..." I heard Rika said.

"At may mabangis na lion din daw..." si Zeke.

"Bogs..." ang sabi naman ni Bogs na nasa likuran lang namin.

Nakita kong nanlalaki na ang mga mata ni Bea at mukhang takot na takot sya sa mga narinig.

Nilingon naman sya ni Jared at nanlalaki pa ang mga mata nyang nagsalita.

"At narinig ko din na...may pagala-gala daw na multo sa loob nyan..." Jared said dramatically at halatang tinatakot nya lang si Bea.

I saw Bea gulped.

"M-may...m-may m-multo rin pala sa v-vampire's world?" ang mautal-utal na nyang tanong.

Andromeda looked at her.

"Oo" Andromeda said. "At ang pinakapaborito nilang takutin ay ang mga babaing reklamadora"

"At sabi din nila..." si Cornelius saka sya nag-smirk. "Nangangagat din ang multo sa loob nyan kaya mag-iingat ka"

Napa-gulp naman si Bea at napangiti nalang hilaw.

"Ahehehehe s-sige guys...d-dito nalang ako sa labas. H-hihintayin ko nalang kayo dito at ako nalang magbabantay ng mga kabayo. Hindi nyo pa naitatanong pero paborito kong mag-alaga ng kabayo kaya pumasok na kayo doon at maghihintay nalang ako dito. Okay? Fighting! Ahehehehe"

Seriously?

Naniwala din sya sa mga pinagsasabi nila?

Nakita ko nalang ang patagong pagtawa nina Cornelius at Jared.

Bastards. -____-

"No one is going to be left behind" ang sabi ni Raven na nakikinig pala sa kalokohan ng mga kasama nya. "Don't worry, walang multo, walang snake, walang mabangis na lion..."

Nakita ko namang napahinga ng malalim si Bea at napapunas ng pawis sa noo nya.

"Phew. Akala ko pa naman..."

"...pero may vampire bat sa loob" Raven continued.

"WHAT?!" this time ay sabay pa kaming napasigaw ni Bea.

Vampire...

Vampire bat?

Bakit parang kinakabahan ako sa pangalan palang nito?

"It is crucial to keep silent once we're inside" si Raven na seryoso na nagsasalita sa harapan namin saka sya lumingon sa amin ni Bea. "You have to remained wearing the hood of your cloak to keep your human scent away from them. They are vampire bats so sensitive din sila sa amoy ng human scent. A simple noise can wake them up at hindi natin magugustuhan ang mangyayari once na nagising sila."

Napa-gulp ako.

Diyos ko, kayo na po ang bahala sa amin. Amen.

"They are not sensitive to light but they are sensitive to human scent and noise" ang dugtong pa ni Alex na kanina pa tahimik mula sa likuran ko.

Nakita kong bumaba na sa kabayo nya si Raven at bumaba narin ang iba.

Naramdaman kong bumaba narin ang lalaking nasa likuran ko at nang makababa sya ay itinaas nya ang dalawang kamay nya sa akin na ang ibig sabihin ay tutulungan nya akong bumaba.

Pero inisnab ko lang sya.

"Kaya kong bumaba mag-isa" I said coldly.

His cold emerald eyes stared at me.

"If you say so" he said saka sya umatras para mabigyan ako ng space para makababa.

"Hmp!" ang irap ko sa kanya at ma-pride na naupo ng maayos. "Wag mo na akong tignan at umalis ka na. Kaya kong bumaba ng mag-isa dito"

"No can do, young lady" he answered habang nanatili lang syang nakatitig sa akin mula sa baba. "Babantayan ko ang pagbaba mo"

"God, why are you acting like some overprotective dad?" ang asar na sabi ko habang pasimpleng naghahanap ng way para makababa dito.

Oo, sinabi kong kaya kong bumaba ng mag-isa pero ang totoo nyan...HINDI AKO MARUNONG BUMABA DITO. Ano bang alam ko sa pagsakay at pagbaba sa kabayo ha? SO HELP ME GOD.

"Because I don't want yourself getting hurt just because of some childish petty pride" he said while staring at me at napapansin kong pinipigilan nyang mapa-smirk.

Inisnab ko sya habang pasimple paring naghahanap ng paraan na makababa.

Wait, paano ba bumaba dito ha? Mauuna ba ang kanang paa o ang kaliwang paa? Oh God! Help me!

"A-at sino n-naman...at sino namang nagsabing ma-pride ako ha?" ang defensive na sagot ko.

"And now you're being defensive" he said at this time ay napa-smirk na sya na mas lalong ikinainis ko.

"Hey lovers! Hinihintay na tayo ni Master Raven!" ang biglang sulpot ng nakangising si Cornelius. "Mamaya na ang lambingan, kailangan na nating pumasok sa loob bago dumilim"

Sabay naman kaming nagbigay ng deadly glare sa kanya ni Alex.

"I'll shut up" Cornelius said then stormed towards Raven na mukhang naghahanda sa pagpasok namin.

Kaya nilingon ko nalang ang bwisit na bampirang iyon.

"Umalis ka na. Hindi ako makapag-concentrate sa pagbaba dahil tinitignan mo ako" ang ma-pride ko paring sabi.

He smirk.

"No can do" he said.

Urrrrgghh!

NO choice.

Kailangan kong bumaba habang pinapanuod ng walang hiyang bampirang ito.

Napahinga nalang ako ng malalim saka yumakap sa kabayo para makakuha ng assistance habang tinatanggal ko ang kaliwang paa ko mula sa kabilang side. Napatingin ako uli sa baba at napa-gulp pa ako nang makitang mataas ang babagsakan ko once na namali ang pagbaba ko dito.

Nang matanggal ko na yun ay dahan-dahan kong itinaas ang kaliwang paa ko habang nakasuporta sa akin ang kanang paa ko sa kabila.

Pero hindi pa man natutuloy ang pagbaba ko ay naramdaman ko ang dalawang kamay na yun na bumuhat sa akin kaya napatili ako sa sobrang pagkabigla.

"AAAAAAAAHHHH!!! WAIT! WAIT!" ang tili ko.

"My lady" ang sulpot ng boses ni Raven.

EH?

Nagtaas ako ng mukha at nakita kong sya pala ang bumuhat sa akin. At ngayon ay buhat nya ako sa paraan na para kaming newlywed couple.

"What are you doing? It's dangerous" ang kunot-noong sabi nya na para bang sobrang nag-alala sya.

Napangiti nalang ako ng hilaw.

"Ah ano kasi..." ang simula ko pero naputol ang sasabihin ko nang makita si Alex na nakatayo parin sa likod ni Raven at masama ng titig nya sa aming dalawa. "A-ah a-ano..."

Pero hindi natapos ang sasabihin ko ng makitang inisnab lang ako ni Alex saka naglakad papalayo papunta sa direksyon nina Jared at Zeke na naghahanda narin.

Anong problema nun?

I heard Raven sigh saka nya ako ibinaba sa puting lupa at hinarap ako habang nasa bewang ko parin ang mga kamay nya.

"It's okay. Sa susunod, tuturuan kitang mangabayo para hindi ka na mahirapan pang sumakay sa sunod" ang nakangiting sabi nya.

Ngumiti nalang din ako pabalik.

"Ah eh...hehe okay..." ang nakangiting sagot ko.

At ngayong magkaharap na kaming dalawa ng malapitan ay doon ko lang napansin na sobrang gwapo pala nya. His blue eyes is so beautiful at nakadagdag doon ang dark black hair nya.

The corner of his lips twitched into a smile.

"Wag mo ako masyadong titigan. Baka matunaw ako" ang nakangiting sabi nya dahilan para mamula ang buong mukha ko.

Okay. Napahiya ako doon.

Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko kaya ngumiti lang sya at nabigla pa ako nang halikan nya ang noo ko.

"You never changed. Until now, you still amuse me..." he whispered into my forehead.

Napakurap ako.

Eh?

Anong ibig sabihin nun?

Humiwalay na sya sa akin at hinawakan nya ang magkabilang pisngi ko.

"Okay, I have to go now before he burns me to death" ang nakangiting sabi nya.

Huh?

At sino naman ang papatay sa kanya?

Napalingon ako sa paligid at napa-gulp pa ako nang makita mula sa malapit si Alex na sobrang sama parin ng titig sa aming dalawa. At katabi nya rin si Zeke na nakatingin din sa amin pero katulad ng dati ay wala paring emosyon ang mukha nya.

Raven patted my hair saka sya natatawang tumalikod at nagpunta sa harapan.

"Are we all set now?" ang tanong nya sa lahat.

Tumango naman ang lahat samantalang nanatili lang kaming nagtititigan ng Alex na yun na masama parin ang titig sa akin.

Ano bang problema nya?

"Now, follow me" Raven announced saka sya naunang pumasok sa loob.

to be continued...