Chereads / ANNAH: The Last Titanian / Chapter 19 - The Kingdom of Maleya

Chapter 19 - The Kingdom of Maleya

"Sino ang pangit?!" ^0^ ang tanong ni Bea.

"Bogs..." ang sagot naman ni Bogs.

"Sino ang may bad breath?!" ^0^

"Bogs..."

"Sino ang mukhang tanga?!" ^0^

"Bogs..."

Saka kami nilingon ni Bea mula sa kabayo nya at tumatawang nagsalita.

"Hahahahaha! I'm enjoying talking to this guy! WAHAHAHAHAHAHA!" she laughed.

Oo. Ngayong naglalakbay na naman kami sa gitna ng snow ay nakahanap na naman sya ng mapagtitripan. At si Bogs na walang kamalay-malay at walang kamuwang-muwang sa mundo ang nakita nya. -____-

I saw Andromeda grasped her dagger mula sa kabayo nya and turned to Raven.

"Can I kill her now?" she asked.

Pero katulad ng dati ay nilingon sya ni Raven.

"No Andromeda" he said in a warning tone.

"Yes master" ang sagot ni Andromeda saka ibinalik ang tingin nya sa daanan.

Samantalang napa-facepalm nalang ako mula sa kabayo na sinasakyan ko. At oo, katulad ng dati ay nasa likuran ko parin ang pinaka-hate kong lalaki sa buong mundo at kasama ko sa iisang kabayo. I can feel his strong arms on my both side and his broad chest on my back habang hawak nya ang tali ng kabayo.

It's ironic.

Kung sino pa ang gustong-gusto kong patayin ay sya pa ang madalas na napapalapit sa akin. And it's a great torture for me.

"Sino ang mabaho ang kili-kili?!" ang patuloy parin ni Bea.

"Bo---"

"Si Jared!" ang nakangising biglang sigaw ni Cornelius.

Agad naman syang sinamaan ng tingin ni Jared mula sa kabayo nya.

"Hoy! Mabango ang kili-kili ko noh! Mas mabango pa 'to sa mga jasmine!" Jared whined habang nasa harapan nya sa iisang kabayo ang laging tahimik na si Rika.

But Cornelius just smirk at him.

"No hard feelings man" ang nakangising sabi nya.

"Sino ang mukhang paa?!" ang patuloy ni Bea.

"Bo---"

"Si Cornelius!" ang biglang sigaw ni Rika.

Agad namang nawala ang ngisi sa mukha ni Cornelius at nilingon sina Rika at Jared na nag-apir pa sa kabayo nila.

"Ito?!Itong mukhang ito mukhang paa?!" ang hindi nya makapaniwalang sigaw. "Hindi nyo natatanong pero ito ang pinakagwapong mukha sa buong vampire's world!"

I saw Andromeda smirk.

"You wish" she said.

Doon pumailanlang ang tawanan sa amin. Maliban lang kay Alex na nanatiling hindi nagsasalita mula sa likuran ko.

But then Cornelius smirk at nilingon din si Andromeda.

"Bakit Andy?" he said with that smirk on his face. "I bet si Alex lang naman talaga ang nakita mong pinakagwapong lalaki para sayo kaya hindi mo napapansin ang kagwapuhan ko"

There was a silence.

Natahimik din ako at doon ko naramdaman ang awkwardness. Samantalang no reaction lang si Alex na nasa likuran ko.

Isang masamang tingin naman ang ibinigay ni Andromeda sa kanya.

"Oh what's with the face?" ang nakangising tudyo naman ni Cornelius saka nagpaboses babae. "Alex! You'll gonna die! Stop it!"

Oo, inulit nya lang ang sinabi ni Andromeda kahapon nung muntikang mamatay si Alex sa loob ng kweba.

And instantly, after he said that ay galit na galit na naglabas ng hangin si Andromeda sa kamay nya.

Agad naman silang nilingon ni Raven.

"Stop it, you two" ang sabi ni Raven gamit ang ma-otoridad na boses na yun. "Malapit na tayong makarating sa unang lugar na pupuntahan natin and I can't afford to lose two of my men who turned their powers against each other"

Nagtitimpi namang tinanggal ni Andromeda ang hangin sa kamay nya at ibinalik nalang ang tingin sa daanan. Samantalang ngumisi lang si Cornelius at hindi na nagsalita pa.

Napatingin ako kay Andromeda na nasa right side ko mula sa likuran at nakita kong tinignan nya ng malungkot na tingin si Alex.

At ngayon ko lang na-realize.

Kahapon ko unang beses na nakitang umiyak si Andromeda. Simula kasi ng makilala ko sya ay I've always known her as a strong emotionless woman. Pero ibang babae ang nakita ko kahapon nang muntikang mamatay si Alex.

And I wonder...

Ganun ba talaga nya kamahal si Alex? That she even cut herself just to give her blood to him?

Marunong din palang magmahal ang mga bampira?

Well, afterall...wala pa naman talaga akong alam tungkol sa kanila maliban sa mga pangalan nila. Hanggang sa hindi ko pa nakukuha ang mga memories ko ay mananatili akong nangangapa sa dilim hindi lang tungkol sa pagkatao ko kundi tungkol narin sa pagkatao ng mga kasamahan ko.

At isa pa...

Napataas ako ng tingin at napatingin sa malamig na mga emerald eyes na yun.

...ay lagi kong naitatanong sa sarili ko kung sino ba talaga si Alex at ganun nalang sya ka-overprotective sa akin?

He suddenly looked down and our eyes met.

Mabilis naman akong nagbaba ng tingin at pakiramdam ko ay napahiya ako dahil nahuli nyang nakatitig ako sa kanya.

But then I heard him smirk.

"You never changed..." he whispered.

Eh?

Never changed?

Anong ibig sabihin nya doon?

Pero bago pa ako makapagsalita ay biglang nagsalita si Raven.

"And we are here" he announced.

Agad naman akong nagtaas ng mukha at napatingin sa harapan.

At ang nakita ko ay ang napakataas at napakalaking sementong pader na yun ng isang lugar. May mga red flags din na nakapalibot sa itaas ng pader nito at mukha itong kaharian nung unang panahon.

Nakita kong may mga nakatayo sa itaas ng pader at nakasuot sila ng mga itim na armors. Mukha silang tagabantay mula sa itaas.

"Welcome to the Kingdom of Maleya" Raven said.

**********************

What I saw inside of those walls really shocked me.

Isa nga itong kaharian dahil mula dito ay nakikita ko ang napakalaking palasyo na nasa dulo.

Simple lang ang mga bahay na nadadaanan namin habang papasok kami doon. Gawa ang mga ito sa mga bato at maihahawig ko sila sa mga bahay sa Greece. Sementado din ang daanan nila pero ang mas nagpabigla sa akin ay ang makita na para lang ito mundo ng mga tao.

May mga nagbebenta sa tabing daan. There are merchants everywhere at nagbebenta ng kung anu-ano.

I even saw fruit stands, mga damit, at kung anu-ano na pinapabili rin sa mundo ng mga tao dito. Para itong isang simpleng komyunidad lang pero ang pinagkaiba ay mga bampira ang mga naninirahan dito.

Maingay din ang paligid dahil sa kanya-kanyang business ang mga tao.

Ang pinagkaiba lang ay hindi coffee shop or bars na nagbebenta ng alak ang makikita mo dito pero mga blood shop at blood bars na nasa paligid lang. I even saw those group of men drinking fresh blood sa labas ng isang blood shop at nagkukwentuhan pa sila.

Pero nang mapansin nilang nakatingin ako sa kanila ay napatingin din sila sa akin. Mabilis naman akong nagbaba ng tingin dahil sa takot ko na baka mapansin nilang tao ako.

Oh yes.

I'm a human who just went inside in a kingdom of vampires.

At alam nyo na siguro ang mangyayari once na may nakapansin na tao ako.

"Keep your head down and stop staring at other people" Alex whispered into me.

Agad naman akong nagbaba ng tingin.

"And now, where do we gonna start in looking for the first esylium?" ang tanong ni Cornelius.

Tama.

Ito ang unang lugar na nabilugan sa mapa na ibinigay ng oracle. Pero hindi namin alam kung saan sa lugar na 'to hahanapin ang esylium. Napakalaki naman ng kaharian na 'to para hanapin ang isang maliit na bolang cystal na naglalaman ng memories ko.

"A breath of wind beholds the crown where thy first can be seen" Raven chanted na para bang nag-iisip din mula sa kabayo nya.

Oo. Yun lang ang nag-iisang clue na ibinigay sa amin ng oracle.

Pero ano nga bang ibig sabihin nun?

Para ito isang riddle na kailangan naming i-solve bago namin malaman kung nasaan nga ba ang esylium.

Tumigil ang kabayo ni Raven habang nag-iisip parin sya.

At ganun din kami at lahat kami ngayon ay nag-iisip na ng maigi.

"Keywords..." ang biglang sambit ni Andromeda. "Wind. Crown. Yun ang keywords..."

Napatingin naman kaming lahat sa kanya.

Tama.

Bakit hindi ko naisip yun?

"Crown..." ang sambit naman ni Zeke saka napatingin sa palasyo na nasa malayo.

"Crown?" si Cornelius na parang naka-realize. "Nasa isang crown ang esylium?"

My brows met.

Nasa isang crown?

"Kung ganun..." si Raven. "...marahil nasa korona ni King Nolan ang esylium"

"King Nolan?" ang nasambit ko.

"King Nolan is the ruler of this Kingdom" si Alex ang sumagot. "He is one of the closest friend of your father"

Napakurap naman ako.

Kung ganun...kaibigan ng tunay na ama ko ang hari ng kaharian na 'to?

"Ah!" ang biglang sabi naman ni Jared na parang naka-realize. "Then bakit hindi nalang natin sya puntahan at itanong kung alam ba nya kung nasaan ang esylium? Sabihin nalang natin na kasama natin si A---"

"Oh yes, then Aarvaks would probably love to hear that she's here" si Cornelius.

"Hindi na natin alam kung sino pa ba ang mapagkakatiwalaan natin..." si Alex. "...we can't trust anyone"

"And there goes his old trust issues again" ang biglang sambit naman ni Andromeda mula sa likuran namin.

Nilingon naman kami ni Raven na nasa harapan namin.

"No, Alex is right. We can't let anyone know that she's with us" ang sabi ni Raven. "Even King Nolan..."

Natahimik kaming lahat after ng sinabi nyang iyon.

Pero tama sila. Hindi namin alam kung sino pa ba ang dapat na pagkakatiwalaan ngayon lalo na't nakasalalay dito ang paghahanap sa esylium. Hindi namin sigurado kung kakampi nga ba namin si King Nolan kahit na magkaibigan sila ng Papa ko.

Pero may bigla akong na-realize.

"Then anong kinalaman ng wind sa crown?" ang naitanong ko saka ko sila nilingon.

"A breath of wind beholds the crown where thy first can be seen" ang biglang sambit ni Bea saka nag-isip ng malalim. "A breath of wind...a breath of wind beholds...beholds...beholds the crown...Ah! Baka naman gawa sa hangin ang crown!"

Napa-facepalm nalang ako.

May ganun bang crown? -____-

"O hindi? Ahehehehe..." ang tawa nalang nya nang mapansing walang nag-react sa sinabi nyang iyon.

Pero doon na ako napaisip ng malalim.

A breath of wind beholds the crown...

Hindi ko alam kung anong ibig sabihin nun pero iisa lang ang nasisigurado ko.

Related ito kay King Nolan dahil narin sa word na crown.

Pero ano ba?

Ano ba ang koneksyon ng wind sa crown?

Nagtaas ako ng tingin at napatingin sa malaking palasyo na natatanaw namin mula dito.

Siguro...nasa loob ng palasyong iyon ang unang esylium.

Napatigil ako sa pag-iisip nang biglang dumaan sa tabi namin ang isang hukbo ng mga nakasakay sa kabayo na mga bampirang iyon.

Nagpagilid nalang kami para makadaan sila.

Mukha silang mga sundalo ng palasyo dahil narin sa pare-pareho silang nakasuot ng armors na katulad ng nakita namin na suot ng nagbabantay kanina sa itaas ng mataas na pader ng kaharian na ito.

Nakalinya sila ng apat at nakahawak ng red flag na may symbol of rose ang mga flags nila.

Nangunguna sa kanila ang isang matandang sundalo na biglang sumigaw.

"Give honor to Prince Maalouf!" he yelled.

Eh?

Prince Maalouf?

Doon ko lang napansin na sa likuran ng isang hukbo ng mga sundalong iyon ay may bitbit silang isang maliit na bahay. Yun bang sinasakyan ng mga royalties sa ancient china at bitbit ito ng mga naka-armor din na mga sundalong iyon.

"Wow, echoserong prinsipe. Sosyal!" ang mahinang bulong ni Bea sa tabi ko.

Natatabunan ito ng pulang tela kaya hindi makita ang nasa loob nito.

"He's the only son of King Nolan..." Ang bulong ni Raven sa tabi namin.

Nakangising nilingon naman ni Cornelius si Alex.

"And of course, he's the beloved bestfriend of Alex" ang nakangising sabi nya.

Nabigla ako sa sinabi nyang iyon.

Eh?

Bestfriend ni Alex?

Nagtaas ako ng tingin para makita ang reaksyon ni Alex but I saw him clenching his teeth habang nakatitig ng masama sa maliit na bahay na bitbit ng mga sundalong iyon.

Nagtataka naman akong napatingin kay Cornelius.

Pero ngumisi lang sya sa akin ay nagsalita.

"And of course, it's a sarcasm" he said.

My brows met.

Teka, magkakilala sila ni Alex?

Magkakilala sina Prince Maalouf at Alex?

Pero bakit pakiramdam ko ay hindi maganda ang relasyon nilang dalawa base narin sa nakikita kong reaksyon ni Alex habang nakatitig sa maliit na bahay na padaan sa amin?

"It's a kid's fight" ang nakangiting sabi ni Raven saka nilingon si Alex. "I can still remember of how Alex burned him when they were still kids"

Okay.

So ako na sa wala talagang ideya sa relasyon nila Alex at Prince Maalouf.

Pero bakit nga ba sya sinunog ni Alex nung mga bata palang sila? Paano nagawa yun ni Alex sa isang Prinsipe?

Hanggang sa napadaan na sa amin ang parade na yun at sinundan nalang namin ito ng tingin.

"Oh well, sa tingin ko ay kailangan na nating simulan ang paghahanap sa esylium" ang sabi ni Andromeda.

Wala namang nagsalita sa amin at bumalik na kami sa sementong kalsadang iyon.

Pero nabigla ako nang makitang bumaba sa kabayo nya si Bea at nanlaki pa ang mga mata ko nang lumapit sya sa isang fruit stand na nasa tabi namin.

"Waaa~~! May apples din pala dito!" ang excited nyang sigaw saka lumapit doon.

"Bea!" I called her.

At bigla akong kinabahan nang titigan sya ng matandang babaing bampirang iyon na nagbabantay ng fruit stand na yun.

Pakiramdam ko ay hindi ako makahinga ng dahil sa sobrang kaba.

At dahil sa takot ko ay mabilis akong kumawala sa pagitan ng bisig ni Alex at nagpa-panic na bumaba sa kabayo para pigilan si Bea.

"Annah!" ang sigaw ni Alex.

But then...

I lost my balance and before I knew it, I fell to the ground.

At dahil doon kaya biglang nahulog ang hood ng cloak na suot ko.

"Aray..." I whimpered habang nakaupo na ako sa sahig.

Aray. Ang sakit ng pwet ko...T^T

Nagtaka ako dahil bigla nalang natahimik ang buong paligid.

Ang kaninag sobrang ingay na komyunidad ay bigla nalang natahimik. Parang naging mute ang lahat dahil wala kang maririnig ni kahit na konting ingay.

Kaya nagtataka akong nagtaas ng mukha mula sa pagkakaupo.

At...

Nanlaki pa ang mga mata ko nang makitang nakatingin na ang lahat ng bampirang nanduon sa akin.

And before I knew it...

"HUMAN!!!" I heard them growled and like a fast wind, they all run to my direction.

Nakikita ko pa ang pulang mga mata nila at ang naglalaway nilang mga bibig na para bang sobrang excited silang matikman ang dugo ko.

And instantly, agad naman akong pinalibutan ng pitong mga kasamahan ko at agad na itinutulak palayo ang lahat ng nagtatangkang lumapit sa akin.

I even saw Bogs ripped up all their heads na kagaya ng pagpatay nya noon sa mga Alethean Aarvaks.

Nagkakagulo doon pero pakiramdam ko ay naninigas ako ng dahil sa sobrang takot.

I saw all their faces as they try to get near to me.

And I saw nothing to their glistening red eyes but hunger.

Yes. Hunger for my human blood.

Natigil lang ang kaguluhan doon nang biglang sumulpot ang boses ng binatang iyon.

"What is this ruckus?" that voice suddenly appeared.

Natigil naman ang kaguluhan doon at sabay na yumuko ang lahat ng bampirang nanduon sa bagong dating maliban sa amin.

Nagtaas ako ng mukha at nabigla ako nang makita ang maliit na bahay na yun at ang mga sundalong nakapalibot dito.

"There is a human here, your highness" ang nakayukong sagot naman ng isang matandang bampira na nanduon na kanina ay umaatake din sa akin.

Hindi sya sumagot.

Nakikita kong nakatingin din sya sa akin mula sa pulang telang nakapalibot sa kanya. Manipis yun kaya naaaninag ko sya mula sa loob pero hindi ko lang makita ang itsura nya.

Yes. Si Prince Maalouf ay nakatingin sa akin ngayon mula sa loob.

"This sweet smell of a human..." he said habang nakatitig sa akin at sa paraan ng pagkakasabi nya nun ay alam kong naka-smirk sya. "Interesting..."

Saka sya lumingon kina Alex at Raven na ngayon ay pareho ng nakatitig ng masama sa kanya.

Pero lumingon lang sya uli sa akin at nagsalita uli.

"Human..." he called me. "Are you with them?"

At alam kong ang tinutukoy nya ay sina Alex at Raven at mukhang kilala nya ang dalawa kaya nya itinanong yun.

For a moment ay hindi ako makapagsalita ng dahil sa pinaghalong takot at kaba.

Pero...

Napaisip ako.

Kung talaga ngang nasa loob ng palasyong yun ang esylium ay kailangan kong makaisip ng paraan na makapasok kami doon.

Pero kapag sinabi kong kasama ko sina Alex at Raven ay baka maghinala sya na isa nga akong Titanian at pwede kaming mahanap ng Aarvaks.

Kaya nagtaas ako ng mukha.

Looks like I need to do this all by myself.

"No" I said.

Agad namang napatingin sa akin ang lahat ng kasamahan ko with confusion in their eyes.

But before anyone of them could react ay nagsalita uli ang Prinsipeng iyon.

"Take her into the palace" he ordered his men dahilan para sabay na mapa-growl ang mga bampirang kasama ko.

Pero mabilis ko silang nilingon at bumulong sa kanila.

"I will find the esylium" I whispered to them. "Don't worry about me, I can take care of myself"

"No Annah!" si Alex saka sya lumapit sa akin at hinawakan ang braso ko saka sya bumulong sa akin. "Hindi mo kilala ang Prinsipeng yan!"

Pero doon ko na naramdaman ang pag-gapos ng dalawang sundalo sa akin.

Nilingon ko naman sya.

"This is the only way we can find the esylium..." I whispered into his face."Don't worry"

Doon ko nakita ang paglamlam ng mga mata nya na para bang nahihirapan sya.

"I can't..." he whispered into my face.

May kung anong emosyon ang nag-flicker sa dibdib ko nang dahil sa sinabi nyang iyon. At pakiramdam ko ay natigilan ako.

"Let's go!" ang sabi ng sundalong nakagapos sa akin.

At doon ko na naramdaman ang paghila nila sa akin at ang pagsakay nila sa akin sa kabayo na nanduon.

Samantalang napalingon naman ako sa kanila at nakikita ko parin ang pag-aalala sa mga mata nila.

But then I just smiled to them na nagpapahiwatig na magiging okay ako.

And then the horse started to walk habang nakasakay din sa likod ko ang isang sundalong gumapos sa akin.

Napalingon nalang ako sa maliit na bahay na katabi namin kung saan nakasakay ang Prinsipe at nakikita kong nakatingin din sya sa akin.

Oh yes.

Eva, kaya mo 'to.

to be continued...