Chereads / ANNAH: The Last Titanian / Chapter 24 - The Lost City of Sorrow

Chapter 24 - The Lost City of Sorrow

Naghahanda na kami para sa paglalakbay namin patungo sa susunod na lugar na kailangan naming puntahan para sa paghahanap ng pangatlong esylium.

Pero hanggang ngayon ay nanatili paring pala-isipan sa akin ang pangalawang esylium.

Sino ba talaga ang batang lalaking iyon at bakit sya ang laman ng memorya ko?

I sigh.

I guess ay kailangan ko munang mahanap ang ibang esylium bago mabigyan ng kasagutan ang nasa isipan ko.

Mag-isa lang akong nakatayo ngayon sa tabi ng isang kabayo ay hinahaplos ang buhok nito samantalang nasa kabilang banda naman ang mga kasamahan ko at naghahanda narin.

"Annah" ang biglang sulpot ng boses na yun sa likuran ko.

Lumingon ako at nakita kong nakatayo sa likuran ko ang gwapong lalaking iyon na nakasuot ng itim na armor nya.

Si Alex.

"What?" I asked.

Hindi ko alam pero...unti-unti ko na syang natutunang kausapin na wala akong nararamdamang sama ng loob. But I know somewhere in my heart that I can't still forgive him. I'm just contented to be like this. Ang makausap sya casually.

His beautiful emerald eyes looked at my face.

"Stay away from Maalouf. We can't trust him" he said.

I rolled my eyes.

"Urrgghh...not again" I said.

Oo, gumagana na naman ang trust issues nya.

Doon ko unti-unting nakita ang pag-seryoso ng gwapo nyang mukha. And I saw of how his brows met and now he's clenching his teeth. Uh-oh. I just made him mad.

"Hindi mo kilala ang Prinsipeng iyon" he said through gritted teeth. "And right now, young lady, between the two of us, I know him more than you do so just do whatever I say. And when I say you stay away from him, you stay from him"

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at asar ko na syang nilingon.

"Urgh! Oh geez! Just stop acting like some overprotective dad!" ang sigaw ko na sa kanya.

Ng dahil sa pagsigaw ko sa kanya ay nakuha na namin ang atensyon ng ibang kasamahan namin na di kalayuan sa amin.

At narinig ko pa ang sinabi ni Cornelius.

"Oh geez. Lover's quarrel na naman" ang nakangising sabi nya. "Let's bet. Si Alex ang mananalo dito"

"No, I think, ang mistress ang mananalo" ang sabi naman ni Jared.

"Call" si Cornelius at nag-'apir' pa ang dalawa.

Bastards.

But I'm so mad.

I'm so fed up with his trust issues.

Alam kong para din sa akin ang lahat ng ito pero hindi ko na mapigilang makaramdam na para bang nasasakal na ako sa kanya.

Nanatili lang kaming nagtitigan doon habang nakatitig sa akin ang magagandang mga mata nyang iyon. Nawala na ang pagkakunot ng noo nya at naging blangko na ang gwapo nyang mukha.

Oh God, I hate him so much.

"I care" ang biglang sambit nya dahilan para matigilan ako sa kinatatayuan ko.

Nagtaas ako ng mukha at napatitig sa gwapo nyang mukha.

At nakita ko ang paglamlam ng mga mata nya habang nakatitig sa akin.

"You are the only person in this whole world who I cared to that's why I'm protecting you" he said with that emotionless and cold voice.

And with that, he turned around and walked away.

While I was left dumbfounded from where I stood. At hindi ko parin alam kung totoo ba ang narinig kong sinabi nya.

"So...who's the winner?" si Cornelius.

"Syempre ang mistress! Nag-walkout si Alex eh!" si Jared.

"Moron! Syempre si Alex dahil sya ang huling nagsalita!" si Cornelius.

"Hindi! Ang mistress!" si Jared.

"Hindi! Si Alex!" si Cornelius.

"Ang mistress!"

"Si Alex!"

"Ang mistress!"

"Si Alex!"

"Ang mistress nga eh!" ang itinulak pa ni Jared si Cornelius.

Agad namang nandilim ang mukha ni Cornelius.

"Oh. YOU. DID. NOT" Cornelius said through gritted teeth.

Samantalang napatawa nalang ng hilaw si Jared.

"Ah...hehehe C-cornelius?" ang natatawa nyang sabi saka umatras.

"You dare..." Cornelius said in his demonic aura. "...to touch my beautiful and shining armor with your dirty hands...now suffer death!"

At doon na sya hinabol ni Cornelius ng espada nito habang umiiwas naman sa mga ito si Jared.

"Waaaaaaaaaaahhhh...! Master Raven! Help me!!!" ang parang batang sigaw ni Jared.

"Die..." +___+ si Cornelius na umaatake parin sa kanya.

"Oh geez! Stop acting like kids!" ang reklamo naman ni Bea na ginawang human shield ni Jared mula kay Cornelius.

Samantalang naiwan naman akong natitigilan parin sa kinatatayuan ko at hindi parin makapagsalita.

Nagtaas ako ng mukha at napatitig nalang sa likuran ng gwapong lalaking yun na ngayon ay naghahanda narin sa pag-alis namin.

At ngayon lang ako napaisip.

Sino ka ba talaga Alex?

Sino ka ba talaga sa buhay ko noon?

Pero napatili nalang ako nang maramdaman ko ang dalawang kamay na biglang humawak ng bewang ko at naramdaman ko nalang ang pagtaas ko sa ere at pagkakasakay ko ng kabayong kaharap ko.

Napatingin ako sa humawak sa akin at nakita ang nakangising mukhang iyon ni Maalouf mula sa ibaba ng kabayo at nakatingin sa akin.

"You will be riding this horse with me" he said then wink.

And before I could protest ay narinig ko na ang galit na boses na yun ni Alex.

"What the hell are you doing?!" ang galit nyang sigaw sa nakangisi paring si Maalouf at nakita kong naglakad na sya patungo sa amin.

Pero nilingon lang sya ni Maalouf and with that smirk on his face ay nagsalita sya.

"What? I'm just lending some help here. Bawal ba?" ang sabi nya sa nakasalubong na kilay ni Alex.

Alex grab the collar of Maalouf's armor and with gritted teeth, he spoke.

"Put.Her.Down." he said.

Pero isang ngisi lang ang isinagot ni Maalouf sa kanya.

"No. Can. Do." he said.

Mas lalo pa atang napikon si Alex sa sinabi nyang iyon kaya mas lalong nagtangis ang mga ngipin nyang nagsalita uli sa mukha ni Maalouf.

"If you won't put her down, I swear to God---"

"Bakit? Natatakot kang mainlove sya sa akin?" ang tanong ni Maalouf kasama ang smirk na yun sa mukha nya. "Oh geez, man. Play fair this time"

Nagsalubong ang kilay ko ng dahil sa sinabi nya.

Matakot na...mainlove ako sa kanya?

Huh?

Ano bang pinag-uusapan nila?

"Stop it, you two" ang biglang sulpot na ni Raven na kanina pa nakatingin sa mga nangyayari. "We need to hurry up. There is a storm coming up"

Nanatiling nagtitigan lang ang dalawa.

Alex is gritting his teeth while a smirk was drawn up on Maalouf's face.

Saka sya marahas na binitiwan ni Alex and he stormed away from us. Halatang pikon na pikon sya.

******************

Kaya ang naging ending ay nasa iisang kabayo kami ngayon ni Maalouf at sya ngayon ang nakahawak sa rehas ng kabayo na sinasakyan namin habang nasa harapan nya ako.

At sobrang halata na ang saya-saya nya dahil kanina pa hindi natatanggal ang masayang ngiting iyon sa labi nya. Oo, ang ngiting tagumpay nya dahil nagtagumpay na naman sya sa pamimikon kay Alex na kanina pa hindi maiguhit ang mukha habang nakasakay ng mag-isa sa kabayo nya.

He's glaring at the both of us and he always sees to it that he stays close to us.

Oh geez. Ano ba talaga ang issue ni Alex kay Maalouf at bakit hindi nya mapagkatiwalaan ang Prinsipeng ito?

Malakas ang hangin na tumatama sa mukha ko ng dahil ata sa bagyo na paparating. Nakikita ko pa ang madilim na kalangitan at ang mahinang pagbuhos ng mga puting nyebeng iyon sa paligid.

But afterall ay sinigurado kong hindi matatanggal ang hood ng cloak na suot ko kundi baka maamoy ako ng mga bampirang posibleng nasa paligid.

At ngayon ay papunta kami sa susunod na lugar na nasa mapa. Ang pinagkaiba lang dati ay kasama na namin ang Prinsipeng ito na kanina pa nakangiti.

But then may naalala akong itanong sa kanya.

"Pwede bang magtanong?" ang tanong ko sa kanya habang naririnig ko parin ang malakas na mag-ihip ng hangin.

"Ha?! Ano yun?! Itatanong mo kung kailan tayo magpapakasal?!" ang nakangiting sigaw nya.

Teka...bakit ba sya sumisigaw ha?

At ano?

Magpapakasal?

Ano bang pinagsasabi nya?

"Hindi, ang itatanong ko lang naman---"

"Ah! Oo! Gusto mo ngayon na?! Mamaya?! Bukas?! O after nitong paglalakbay na 'to?!"

Ano ba ang pinagsasabi nya?

At bakit kailangang isigaw?

Narinig ko nalang ang hagikgik nina Cornelius at Jared mula sa mga kabayo nila kaya napalingon ako sa kanila. At hindi ko sinasadyang madaanan ng tingin si Alex na ngayon ay hindi na naman maiguhit ang mukha.

I can see him gritting his teeth at nakikita ko pa ang pag-bulge ng biceps nya na para bang pinipigil nya ang sarili nya.

Oh I see. -____-

I see it now.

Pinipikon na naman ni Maalouf si Alex.

Pero bakit naman sya mapipikon sa pagsasabi lang ni Maalouf na pakakasalan nya ako?

Ipinilig ko nalang ang ulo ko at itinanong nalang ang bagay na gusto kong itanong kay Maalouf.

"Bakit ka sumama sa amin sa paglalakbay?" I asked him.

Oo. Ang tagal ko ng gustong itanong ito sa kanya pero ngayon ko lang naitanong.

Nagtataka talaga ako kung ano ang rason nya kung bakit sya sumama sa amin.

Ano ang rason ng isang Prinsipeng katulad nya na magmamana ng korona ng hari para iwan ang nasasakupan nya para lang samahan ako sa paghahanap ng ibang esylium?

Ano ang rason nya para iwan ang may malubhang sakit na kapatid nya para lang samahan ako?

At kahit saang anggulo ko tignan ay mukhang malaki ang rason nya kaya sya sumama sa amin.

He didn't answered.

And for a moment ay nanahimik lang sya at mukhang nag-iisip ng isasagot sa akin.

But then I heard him sigh and then he spoke.

"Because I wanted to protect you" he said.

My brows met.

"Pero marami ng pomo-protekta sa akin so you don't have to---"

"May maling nangyayari dito" he cut me off at yun ang unang beses na narinig ko syang nag-seryoso kaya natigilan ako. "At hangga't sa hindi ko pa nahahanap kung ano ang maling iyon ay hindi ako aalis sa tabi mo. I'll protect you"

He said that na para bang sigurado sya sa sinasabi nya kaya natahimik ako.

At kailan pa ba nagsimulang maging seryoso ng pervert at loko-lokong Prinsipeng ito ha? -___-

Natigil lang ang iisipin ko nang mula sa malayo at natanaw ko na ang lugar na yun.

The wind is howling furiously kaya hindi ko masyadong makita ang lugar na nilalapitan namin.

Raven stopped his horse and looked at the place that stands alone in the middle of the snow dessert. Tumigil din ang mga kabayo namin at mula sa likuran nya ay tinitigan din namin ang lugar na yun.

And then I heard his deep voice.

"Sorrow, the city of Argons" he said.

to be continued...