"Hay...excited na akong makapanuod ng tournament! Sino kaya ang mananalo ngayon?" ang sobrang excited na sabi ni Maalouf habang naglalakad na kami ngayon papunta sa venue ng tournament.
Nasa hallway kami ngayon ng malaking mansion at nagpapasalamat ako na walang guard na bumubuntot sa amin.
Pero hanggang ngayon ay nagiging pala-isipan parin sa akin ang eksenang nakita ko kagabi.
Sina Maalouf at Harun na nag-aaway.
Wala namang sinasabi sa akin si Maalouf at kaninang umaga, habang kumakain kami ng breakfast ay nakita kong maayos naman silang dalawa. Na para bang hindi nangyari ang eksenang iyon kagabi.
"Maalouf" ang tawag ko sa kanya habang sabay parin kaming naglalakad.
"Yes?" ang nakangiting lingon naman nya sa akin.
"Pwede bang magtanong?" ang tanong ko.
Alam kong wala naman akong karapatan na makialam sa kanilang dalawa pero hindi ko mapigilan ang sarili ko na magtanong.
I saw him gave me that smirk before he talks.
"What? Kung virgin pa ba ako? Oh well---"
"Kapag hindi ka tumigil, sasapakin kita" I glared at him.
He gave me that handsome grin.
"Pasalamat ka at mahal kita kaya hinahayaan kong tratuhin mo ng ganito ang Prinsipeng ito" he said with that smile on his face.
Hindi ko alam kung bakit natigilan ako sa sinabi nyang iyon. Sanay naman ako na lagi nya akong minamanyak pero yung sabihin nya in a serious way na mahal nya ako ay talagang bago sa akin yun. Pero para sa akin ay niloloko nya lang ako sa pagsasabi nun kaya wala na yun sa akin.
"So? Ano ba ang itatanong ng bride to be ko?" ang nakangiting tanong nya.
I cleared my throat just to regain myself from what he said.
"Uh ano..." I started. "Nakita ko kayo kagabi ni Harun na nagtatalo sa hallway. May problema ba kayo?"
At hindi ko alam kung bakit after kong itanong yun ay parang natahimik sya. His expression also changed. Nakita ko nalang ang unti-unting pagkakawala ng ngiti sa gwapo nyang mukha. At dahil doon kaya mas na-curious ako kung ano nga ba ang pinag-awayan nila.
Pero agad parin syang ngumiti at lumingon sa akin.
"Ah! Yun ba! Hahahahahaha!" he laughed saka kinamot ang ulo nya. "Hay...humihingi kasi ako ng babae sa kanya kagabi, just---you know...para makasama man lang sa gabi pero hindi nya ako binigyan kaya ayun, nag-away kami. Hahahahahaha"
But I sense something.
Pakiramdam ko ay nagsisinungaling sya.
Pero bakit naman sya magsisinungaling sa akin?
The more na iniisip ko na nagsisinungaling nga sya sa akin ay the more na napapaisip ako kung tama ba talaga ang naging desisyon namin na magtiwala sa kanya.
Alam kong childhood friend namin sya ng Arcadian Knights and they trusted him for that. But until now ay naging palaisipan parin sa akin kung ano ba talaga ang totoong motibo nya at sumama sya sa amin sa paghahanap ng esylium.
Right now I don't know if I should trust him or not.
But my thoughts was cut off by that happy scream.
"Beeeeeehhhhhh...!!!" ang tili na yun ang narinig ko at sa paglingon ko ay nakita ko si Bea.
And before I could react ay nakita kong tumakbo sya papunta sa akin at niyakap ako ng mahigpit.
Nakita ko sa likuran nya na naglalakad din kasama nya ang ibang Arcadian Knights. And they were all smiling at me when they saw me. Napadako ang tingin ko sa gwapong lalaking yun na nangunguna sa kanila. And of course, except kay Alex na nakatingin lang sa akin ngayon with his usual emotionless face.
"Oh my God! I'm so happy to see you!" Bea cried habang sinisipat-sipat ako. "Are you okay? Did those jerks did something to you?"
Tignan mo 'to.
Sya itong nadala sa dungeon pero sya pa ang wagas mag-alala sa akin.
"Beh, don't worry. Naging maayos naman ako eh" ang nakangiting sabi ko.
"Well, mabuti naman. Dahil kung may nangyaring masama sayo..." she said then her eyes turned to Maalouf. "I'll kill him"
Napasipol nalang si Maalouf at nailagay nya ang mga braso nya sa likod ng ulo nya.
"Wow, papatayin ako ng tao. Amazing" he sarcastically said with that smirk on his face.
Bea pout.
"I'm a tough girl now!" she whined. "Sa dami ng pinagdaanan natin, kaya ko naring pumatay ng bampira noh!"
"Oh yes" ang biglang sabat ni Cornelius sa likuran nya. "The way she could kill me with her cuteness"
"Landi mo dude" ang sabat naman ni Jared na nasa tabi ni Cornelius.
Ngayon ay nasa harapan ko na silang lahat and seeing that they all look okay is a great relief to me.
Cornelius turned to Jared and glared at him.
"Say that again" he said with that sharp look.
Napangiti naman ng hilaw si Jared saka nag-peace sign.
"Hehe...peace yow!" he said.
Nakangiti namang nilingon ni Bea si Alex na ngayon ay nakatayo na sa harapan ko.
"O Alex, I told you, she's fine so you don't need to worry" ang nakangiti at nanunudyo pang sabi sa kanya ni Bea saka sya lumingon sa akin. "Alam mo kasi kagabi beh, Alex just won't stop on telling 'I'll kill that bastard', 'what are they doing to her right now?', 'If they ever even try to touch her, I swear to God---"
But she was cut off when Alex gave her that sharp look.
"Oops...sorry" she said saka mabilis na yumuko at nagtago sa likuran ko. "Please don't kill me!"
Samantalang napalingon naman ako sa gwapong bampirang iyon and his cold emerald eyes met mine. At hindi ko alam pero ngayong nakatitig sa akin ang magagandang mga mata nyang iyon ay hindi ko maiwasang makaramdam ng awkwardness.
But wait, ba't naman ako mao-awkward sa kanya?
Hindi sya nagsalita.
But in a second, nabigla ako nang maramdaman ko ang isang braso nya na yumakap sa akin. At doon ko naramdaman ang hininga nya sa kanang tenga ko.
Unti-unting nanlaki ang mga mata ko dahil doon lang nag-sink in sa akin kung ano ang ginawa nya.
"Of course, you're fine" he whispered into my ear habang nanatili akong naninigas sa kinatatayuan ko.
Yes.
Itong cold-hearted vampire na ito na pumatay na ng maraming tao, even Dylan, just to protect me is now embracing me. At hindi ko alam kung bakit may kung anong emosyon ang nag-flicker sa dibdib ko nang dahil sa nararamdaman kong pagyakap nya sa akin.
"Ayyyeeeeeeee...!!! Shit, kinikilig ako! Kyaaaahhh...!" ang biglang tili ni Bea mula sa likuran ko habang yakap parin ako ni Alex.
"Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig~~" ang biglang kanta naman ni Jared mula sa harapan ko.
My brows met.
Bakit kinakanta yun ni Jared?
Pero agad na syang binatukan ni Cornelius kaya natigil sya.
"Ouch! Wag kang bitter Corny!" Jared pout.
Doon naman ako binitiwan ni Alex at tinitigan ako uli. And I can see warmth and some strange emotions in his eyes while looking at me.
He patted my head bago nilingon ang ibang kasamahan namin na nakangisi narin nang dahil sa eksenang nangyari kanina.
"Now, where do we gonna start in finding the third esylium?" ang tanong nya sa mga kasamahan namin at hindi na nya pinansin ang nanunudyong tingin mula sa kanila.
Pero bago pa man may makasagot sa mga kasamahan namin ay biglang dumating ang isang guard. Sabay naman kaming napalingon sa kanya.
"You are all requested by Master Harun to join him in the arena now"
*********************
I can hear the sky rumble and I can even see flashes of light across the sky. Madilim ang kalangitan at mukhang any moment ay biglang bumagsak ang isang napakalakas na ulan.
Nakaupo kami ngayon sa tabi ni Harun sa kinauupuan nya. At katulad ng ipinangako nya sa amin kahapon ni Maalouf ay mukhang mas friendly na sya ngayon sa ibang kasamahan namin. Mukhang nagtitiwala nga sya sa amin ngayon.
Pero habang nakatingin ako sa kanya ngayon ay napapaisip parin ako kung ano ba talaga ang pinag-awayan nila ni Maalouf. At sa nakikita ko ngayon sa kanilang dalawa ay mukhang hindi nangyari ang pagtatalo na nakita ko kagabi dahil narin sa nag-uusap narin sila ngayon ng normal.
Napatingin nalang ako sa malawak na open arena na iyon. Pabilog ito at maihahambing ko ito sa malaking arena na nakikita ko noon sa ancient Rome kung saan nagpapatayan ang mga gladiators. Nakikita ko pa mula sa kinauupuan namin ang libo-libong mga bampirang iyon na kanina pa hindi magkamayaw sa pag-iingay habang naghihintay na masimulan ang Sword Tournament.
Napatingin nalang ako sa mga kasamahan ko at nakita kong kulang kami. Tama. Pumayag si Harun na isa lang sa amin ang sumali sa labanang iyon. At habang nakatingin ako sa kanila ay nagawi ang tingin ko sa maliit na sculpture ng isang babae na may hawak na bola na inilagay nila sa unahan para makita ng lahat. Yun ata ang magiging premyo sa Tournament na ito.
I just shrug at napatingin nalang uli sa paligid.
Nasa kaliwa ko si Alex at sa kanan ko naman nakaupo si Maalouf. At sa tabi ni Maalouf ay nakaupo lang si Harun habang nakatingin sa kanyang nasasakupan. Nasa likod ko naman si Raven at tahimik lang na nakatingin sa paligid.
And then the doors below the arena open up at mas lalong lumakas ang hiyawan nang lumabas mula doon ang isang naka-armor na bampira. He's holding his sword firmly at nakatingin lang sa kabilang side kung saan palabas naman ang isa pang bampira.
Napatingin kaming lahat ng mga kasamahan ko sa walang emosyon at maamong mukha ni Zeke na lumabas mula sa kabilang side naman ng arena. He's wearing his usual black armor at nakatingin lang sya gamit ang blangkong mukha na iyon sa magiging kalaban nya.
Yes. Sya ang pinili ni Raven na ilaban sa tournament na ito.
And I'm confused by that.
Kaya nilingon ko si Raven na nasa likuran ko.
"Bakit si Zeke ang pinili mong isali sa tournament?" I asked him.
His blue eyed looked at me and he smiled.
"Because he is the second best swordsman in our group" he answered.
My brows met.
"Second best? Then who's the first?" I asked.
He smiled at me.
"It's Alex, my lady" he said.
Mas lalong nagsalubong ang kilay ko.
Kung second best lang si Zeke ay bakit hindi nalang si Alex ang makipaglaban doon? Kaya nilingon ko ang gwapong bampirang iyon na nasa tabi ko. But before I could speak ay inunahan na nya ako.
"You need me here so don't ask" he said in his usual cold voice.
Oo. Inunahan na nya ako bago pa man ako makapagtanong.
"Okay" ang naisagot ko nalang.
"WOHHHHOOOOOOO...!!! GO ZEKE!!! KAYA MO YAN!!! KILL THAT BITCH!!! WOHHHOOOO....!" ang biglang pagtitili naman ni Bea dahilan para mapalingon kami sa kanya.
Napakurap naman sya at napaupo ng maayos.
"B-bakit? Chini-cheer ko lang naman si Zeke ah...bakit? Bawal ba?" ang naka-pout pa na tanong nya at yumuko nalang.
"Let's bet. Less than 30 minutes. Talo kaagad ang kalaban nya." si Cornelius.
"No. Less than twenty minutes, panalo agad si Zeke" si Jared.
"Call" si Cornelius at nag-apir pa sila.
Bastards.
Oo. Imbis na mag-alala sila sa kasamahan ay nakuha pa nilang mag-sugal.
O ako lang ba talaga ang mukhang nag-aalala sa amin? Sa nakikita ko sa mga kasamahan ko ay parang wala lang sa kanila na nanduon nga si Zeke sa malawak na arena na iyon and God knows kung ano ang pwedeng mangyari sa kanya.
How can they remain so calm about this?
Napatingin nalang ako sa maamong mukha ni Zeke. Wala akong nakikitang ni katiting na takot sa mga mata nya habang nakatingin sa kalaban nya. Nakatitig lang ako sa kanya ng may pag-aalala nang bigla syang lumingon sa akin na para bang naramdaman nya na nakatitig ako sa kanya.
And then he smiled.
He gave me that reassuring smile that's telling me that he's going to be okay. Kaya hindi ko mapigilang mapangiti din.
Saka sya lumingon uli sa kalaban nya at ngayon ay bumalik na sa pagiging blangko ang mukha nya.
"Wala bang pabiling popcorn dito ha?" ang biglang tanong naman ni Bea. "Hindi ba uso ang popcorn sa lugar na 'to? Ew. So boring"
Nakita kong nagtitimping hinawakan ni Andromeda ang espada nya. And in a million times, she turned to Raven.
"Can I kill her now?" she asked.
But again, Raven turned to her with warning on his eyes.
"No Andromeda"
"Yes master" saka sya yumuko at ibinalik ang espada.
Nakita kong tumayo na si Harun mula sa kinauupuan nya at hinarap ang libo-libong bampirang nanduon para mapanuod ang labanan.
He raised his right hand and in a clear, loud voice, he spoke.
"LET THE SWORD TOURNAMENT...BEGIN!" he announced.
The crown cheered so loudly all across the arena.
At doon ko rin nakita ang pagpatak ng mahinang ulan na iyon sa buong paligid habang madilim parin ang kalangitan.
And after Harun announced the beginning of that bloody sword tournament ay nakita kong umatake na ang kalaban ni Zeke sa kanya.
But Zeke remained standing in his position and waited for his opponent to approach him. And then he took his sword at sinangga nya ang espada ng kalaban nya. Sa lakas ng pagsangga nya dito ay napaatras ang kalaban nya pero agad parin itong umatake pabalik and now endlessly, their aiming each other.
And because they are vampires, napakabilis ng galaw nilang dalawa. Sa sobrang bilis nila ay hindi ko na sila makita at ang tanging abo lang na nadadaanan nila ang nakikita ko. All I could hear is the clanking of their swords at ang mabilis nilang pagtakbo sa isa't isa.
At hindi ko alam kung bakit habang pinapanuod ko 'to ay bigla akong natigilan nang may na-realize ako.
Mabilis akong napatingin sa itaas at nakita kong mas lalong lumalakas ang ulan.
"Sky shed tears..." I whispered.
"Annah?" Alex turned to me with confusion in his eyes.
Pero hindi ko sya sinagot.
And then my eyes turned to the two vampires who are now attacking each other with their swords.
"Sword thy cries..." I continued.
At nagawi naman ang tingin ko sa maingay na crowd na ngayon ay walang humpay sa pagtili at pagsigaw mula sa kinauupuan nila.
" Crowd shall cheer..."
I looked at up.
" Second is on the stone."
This is it. Oo. Nandito ngayon ang esylium. I'm sure of that. The oracle said that...
"Annah?" ang nag-aalalang baling na sa akin ni Alex.
"Sky shed tears. Sword thy cries. Crowd shall cheer. Second is on the stone." I chanted again and turned to Alex and whispered. "The esylium is somewhere in here. It is on a stone. But where---"
Naputol ang sasabihin ko ng magawi ang tingin ko sa sculpture ng babaing iyon na may hawak na bola. Ngayon ko lang na-realize. Hindi bola ang hawak nya.
Stone.
Second is on the stone.
Agad na nanlaki ang mga mata ko nang ma-realize ang bagay na iyon.
"Alex" I whispered into him while his emerald eyes is looking at me. "The esylium is on that sculpture"
Pero nabigla ako nang mabilis syang lumingon sa arena at hindi sa sculpture na itinuro ko. Nagtataka naman akong napalingon din sa tinitignan nya at nanlaki ang mga mata ko nang makita ang isang grupo ng mga bampirang iyon na nakasuot ng itim na armor ang biglang pumasok sa arena.
Hindi...
And before I could utter a sound, Alex screamed.
"Aarvaks!!!"
to be continued...