"A flower that blooms in the middle of thy grave. A heart that fails shall give thy third"
Ngayon ko naintindihan kung ano ang ibig sabihin ng palaisipan na iyon.
A flower that blooms in the middle of thy grave.
Grave is not a literal grave but it also symbolizes death. And a flower is not a literal flower but it is Helga who rose up from the dead because of the power of esylium.
A heart that fails shall give thy third.
And the only way to get the esylium...is to let Helga die.
"Annah...please open your eyes" I heard that familiar deep voice and I felt that familiar strong arms that wrapped around me. "Annah, open your eyes damn it!"
I can sense so much fear from his voice.
Like he always fear that something may happen to me.
Like he always fear that someone may take me away from him...
"Annah!" ang biglang sulpot ng boses na yun sa tabi ko.
Si Maalouf.
But I heard Alex growled at him.
"If she won't open her eyes, I swear to God I'll burn every single cell from your stupid body into ashes for losing her!"
At ngayon ko lang naitatanong uli sa sarili ko...kung bakit ba takot na takot sya na masaktan ako?
I slowly opened my eyes and what I saw is those beautiful emerald eyes.
Yes. Those emerald eyes that's been haunting me in my dreams and in my memories. Lagi ko ring naitatanong kung bakit ba may kakaibang emosyon akong nararamdaman sa dibdib ko habang nakatingin sa kanya ngayon.
Napansin ko ring may nagbago sa mukha nya. Dahil ang dating laging malamig na ekspresyon ng mukha nya ay napuno ng pag-aalala at parang tumanda ang itsura nya.
"Annah..." he whispered again my name in relief at naramdaman kong hinaplos nya ang pisngi ko. "I'm here...don't worry, I'm here..."
"Beh!" ang biglang sulpot naman ng nag-aalalang boses na iyon sa tabi ko. "Are you okay? Oh God! Pinag-alala mo kami!"
Si Bea.
Nilingon ko sya at nakita kong umiiyak sya.
"A-akala k-ko nawala ka na...uwaaaaaaaaaaaahhhhh!!!" then she burst into tears.
Agad ko naman syang hinila at niyakap ng mahigpit mula sa pagkakahawak sa akin ni Alex.
And in a weak voice, I spoke.
"Pwede ba naman yun? Diba nag-promise ako na sabay tayong lalabas dito?" ang naiiyak ko naring sambit.
Seeing them all alive is a great relief to me. All this time ay nag-aalala rin ako sa kalagayan nilang lahat at masaya akong makitang maayos naman sila.
"My lady" ang sulpot ni Raven sa harapan ko.
And I can see from his blue eyes na sobrang nag-aalala din sya.
"I'm sorry that we're late..." ang sambit nya sa mahinang boses na iyon and I can see pain into his eyes while saying that.
Agad naman akong ngumiti sa kanya.
"No, it's okay..." I whispered. "Ang mahalaga ay nakita ko na kayo uli..."
Napalingon ako sa paligid at nakita kong pinalibutan narin ako nina Rika at Zeke na may pag-aalala rin sa mga mukha nila. Pero teka...parang may kulang...
But before I could ask ay bigla kong narinig ang nagmamakaawang sigaw na iyon.
"NO! PLEASE! DON'T HURT HER! PLEASE!"
Agad akong napalingon sa pinagmulan ng boses at nakita kong nakaluhod na si Van sa harapan nina Cornelius at Jared na bitbit ang hinang-hina na si Helga. At sa tabi ng tatlo ay nakatingin lang ang walang emosyon na mga mata ni Andromeda sa nagmamakaawang si Van. Nakita kong nakatayo din sa tabi ni Van si Bogs na nakagapos sa kanya.
"You dare to hurt the mistress..." Andromeda said in her cold voice. "...you deserve to die"
Then she turned to Raven.
"Master, I'm waiting for your orders" she said saka nya inilabas ang malaking espada na sa likuran nya at itinutok yun sa umiiyak at nakaluhod na si Van.
Nakita kong unti-unting iminulat ni Helga ang mga mata nya at nang makita ang umiiyak at nakaluhod na asawa ay nakita ko ang pagbuhos ng mga luha sa mga mata nya.
"V-van..."she weakly whispered saka nilingon si Andromeda. "P-please...I-I'll give you the esylium...j-just don't hurt him..."
Nilingon naman sya ni Andromeda and with that emotionless voice, she spoke.
"As you wish" she said and then she raised her sword in front of Helga.
Agad na nanlaki ang mga mata ko when I realize what she's planning to do.
"NO! PLEASE! I'M BEGGING YOU! KILL ME! KILL ME INSTEAD! PLEASE LET HER GO!" ang parang nababaliw ng pagmamakaawa ni Van sa kanya.
"Bogs..." Bogs said habang ginagapos ang nagwawalang si Van.
"A-andromeda..." I called her.
Agad naman syang napalingon sa akin.
"Yes, my lady?" she answered.
"Please let them go..." I ordered.
After I said that ay naramdaman ko ang pagkabigla sa kanilang lahat. Maski si Alex na nakahawak parin sa akin ay napatingin din sa akin.
"You know that we need the esylium" he said.
Nagtaas naman ako ng tingin at napatitig sa mga mata nyang iyon.
"But not in this way..." I said.
Saka ko sinubukang maupo at tinulungan naman ako ni Bea na mapaupo habang nakaalalay parin sa akin si Alex. Napalingon ako sa direksyon ni Helga at nakikita kong umiiyak sya habang nakatingin sa akin. May nakikita din akong pagsusumamo sa mga mata nya.
Nilingon ko sina Andromeda at nagsalita uli.
"Please..." I beg.
And after I said that ay binitiwan na nina Cornelius at Jared ang nanghihinang si Helga at mabilis naman syang sinalo ni Van na pinakawalan narin ni Bogs.
"Wheew! Buti nalang. Hindi ako mahilig manakit ng babae eh" si Cornelius saka inilagay ang mga kamay sa batok.
"Oo nga. Puro kalandian lang naman kasi ang hilig mong gawin dude" si Jared.
"Sapak, gusto mo dude?"
"Hindi na dude. Maghahanap nalang ako ng tutubi. Wala kang kwentang kausap"
At doon na sya sinapak ni Cornelius. -____-
Hindi ko mapigilang mapangiti. Oh well. Namiss ko rin ang mga kabaliwan nila.
Saka dumako uli ang paningin ko sa direksyon ni Van na ngayon ay yakap-yakap ang hinang-hina na asawa.
"Love, please open your eyes..." Van gently whispered into her ear habang hinahaplos ang mukha nito.
Nakita kong binuksan naman ni Helga ang mga mata nya pero mukhang hinang-hina na sya para makapagsalita pa.
Hindi ko maiwasang masaktan sa eksenang nakikita ko.
Van must have loved her so much kaya naiintindihan ko kung bakit ayaw nyang ibigay ang esylium. Helga is all that he got...so how could I take her away from him?
Alam ko kung ano ang pakiramdam ng mawalan ng minamahal. Especially when that person died into your own arms at ang mas masakit ay ang bampirang nakahawak parin sa akin ngayon ang pumatay sa kanya.
Seeing Van and Helga right now only reminds me of how I lost Dylan...at ayoko ng makita pa uli ang eksenang iyon...ayokong maranasan na ng iba kung ano ang naranasan ko sa pagkawala ni Dylan...
Pilit akong tumayo at agad naman akong inalalayan nina Alex at Bea.
"Van..." I called him.
Lumingon naman sya sa akin gamit ang luhaang mukha na iyon at nang makita ako ay may nakita akong guilt sa mga mata nya.
"I-I'm sorry Annah..." he whispered with those tears streaming down his face. "Patawarin mo ako at nasaktan kita...nagawa ko lang yun dahil natakot lang ako na baka mawala sa akin ang asawa ko. But please, don't take her away from me. She's all I've got and I can't imagine losing her again. I'm sorry if I'll become selfish right now...I j-just c-can't give her to you..."
Somehow I understand him. Alam kong mabait si Van pero nagawa nya lang yun nang dahil sa takot nya na baka mawala ang asawa nya.
Kung nasa posisyon nya ako ay magiging selfish din siguro ako. If I have been given a chance to choose between Dylan ang this mission, maybe I'll become selfish too in choosing him than this. I'll become selfish in choosing to stay with the person I love so much.
But what's confusing me right now...ay bakit...bakit may kung ano akong nararamdaman sa dibdib ko para sa bampirang pumatay sa kanya simula nang unti-unti na akong bumabalik sa pagiging bampira? What is this feeling?
I just looked up and smiled at Van.
"Okay lang yun" I said. "Sige na, dalhin mo na sya sa bahay nyo para makapagpahinga na sya..."
Naramdaman ko uli ang pagkabigla sa lahat ng mga kasamahan ko pero walang nagsalita.
I saw Van smiled at me.
"Thank you..." he whispered saka binuhat ang asawa.
And in a flash, he disappeared on sight.
"Cornelius and Jared" ang biglang lingon ni Raven sa dalawa. "Stay with him para masiguradong hindi nya itatakbo ang esylium"
Nabigla ako kaya nilingon ko sya.
But he just gave me that reassuring smile.
"Don't worry my lady" he said. "They will not be harm. I just wanted to be sure that the esylium will be safe"
The esylium will be safe.
Yes. Para sa Arcadian Knights ay dalawa lang ang mahalaga para sa kanila: Ako at ang misyon na ito.
At wala silang pakialam sa mararamdaman ng mga bampirang mababangga nila in just finishing this mission. Pero naiintindihan ko din naman sila. Alam ko kung gaano kahirap ang pinagdaanan nila para lang maprotektahan ako at para mahanap ang mga esylium.
Nilingon ko nalang sina Cornelius at Jared na mukhang naghihintay din ng pagsang-ayon ko so I nod as an approval. And after that, like a flash, they disappeared too and followed Van.
"So what are you planning to do now, my lady?" ang tanong ni Raven na ngayon ay nakatayo na sa harapan ko.
I looked at him at sa totoo lang ay hindi ko narin alam kung ano ang gagawin ko.
Kung kukunin ko ba ang esylium knowing that Helga will die from it? O hayaan silang mamuhay ng magkasama ni Van? Hindi ko na alam kung ano ang pipiliin ko sa dalawa.
Hindi ko narin alam kung ano ang mas matimbang.
I know that if I didn't get the esylium, I will not become a Titanian again at kapag nangyari yun ay hindi na maisasara ang barrier.
But if I did get the esylium, I will be a murderer by killing Helga.
This is a tough decision to make.
"Pag-iisipan ko muna..." I said to him. "Just give me time...bukas ko na ibibigay ang desisyon ko"
Raven just looked at me but then he bowed.
"As you wish, my lady" he said.
I just smiled at him and he smiled at me too before touching my cheeks.
But again, Alex took his hand and threw it away.
"Touch her again and I swear, I'll burn you to death" Alex hissed into him.
Akala ko sa haba ng pinagsamahan naming lahat ay matututunan ng magtiwala ni Alex kay Raven at sa ibang kasamahan namin. But I was wrong. Hindi talaga matatapos ang trust issues ng lalaking ito and it just get me more confused. I know that they've been together for so long but how he could not trust any of them?
Raven smiled at him but Alex just gave him a cold stare.
"As you wish" he said then walked away, leaving me behind and Alex and Bea.
"Ah beh...sasama na muna siguro ako sa kanila." ang lingon sa akin ni Bea. "Hindi ko alam kung ano na naman ang gagawing kalokohan nina Cornelius habang binabantayan ang dalawang bampira kaya mas mabuting tumulong na ako sa pagbabantay"
I smiled at her.
"Okay. Mag-iingat ka okay?" ang sabi ko.
Ngumiti naman sya sa akin at tumingin pa sa akin gamit ang nanunudyong tingin na iyon.
"Ikaw din, ingatan mo din ang puso mo. Ahihihihi" ang nanunuksong sabi nya.
My brows met. Ano ba ang pinagsasabi nya?
But before I could speak at nilingon na nya sina Zeke, Rika, at Bogs na malapit sa amin.
"Zeke! Rika! Bogs! Samahan nyo naman ako papunta kina Cornelius oh!" ang pagpapacute nya sa tatlo.
Nagkatinginan naman ang tatlo pero tumango parin sa kanya. And then after that ay naglakad na sila papunta sa bahay nina Van.
Lumingon din sa akin sina Andromeda at Raven.
"My lady, we will be going after them" si Andromeda.
I smiled at her and nod.
Nilingon din ako ni Raven saka dumako ang tingin nya kay Alex. And in his usual calm voice, he spoke.
"Take good care of the mistress, Alex" he said.
"You don't have to say that" Alex answered with his cold stare.
Raven just smiled at him and then turned to me.
"We will be going then, my lady" he said.
I just nod at him and smiled. And after that ay mawala na sila ni Andromeda.
"Annah..." ang biglang sulpot ng boses na iyon mula sa likuran ko.
At hindi ko alam pero after kong marinig ang boses na iyon ay bumalik ang kaba at takot sa dibdib ko. Lalo na't naalala ko pa ang huling pagkikita namin...
Nilingon ko sya and I saw Maalouf standing behind me and Alex.
I clenched my teeth after remembering what he did.
"Stay away from me..." I hissed into him. "Stay away from us..."
Hindi sya sumagot. Pero nakikita ko ang paghihirap sa mukha nya.
Saka nya nilingon si Alex and in a pleading voice, he spoke.
"Pwede bang iwan mo muna kami? May gusto lang akong sabihin sa kanya..." Maalouf said at nakikita ko ang paghihirap sa mga mata nya.
Alex didn't answered.
Nanatili lang silang nagtitigan na para bang nag-uusap ang mga mata nila. Pero hindi ko na kailangang marinig ang sasabihin ni Alex dahil alam ko na kung ano ang isasagot nya---
"Okay" Alex answered that widened my eyes. "Just don't lose her again. Because if you do, I'll kill you"
Mabilis akong napalingon sa kanya nang dahil sa isinagot nya at hindi makapaniwalang tumitig sa gwapo nyang mukha.
How could he trust Maalouf and not trust his own comrades?
But I froze when he raised his hands and cupped my cheeks. And with that calm voice, he spoke.
"You will understand soon..." he whispered while looking at me directly in my eyes na para bang nababasa nya ang pagtataka sa mukha ko.
And before I could speak ay naramdaman ko uli ang paghalik nya sa noo ko dahilan para matigilan ako sa kinatatayuan ko. Just the feeling of his lips touching my forehead brought an electric current inside me and I don't know why I'm feeling this.
"I've missed the sweet smell of your vampire scent..." he whispered into my forehead at alam kong naaamoy na nya ang vampire's scent ko.
But what he said next widened my eyes.
"I'm just so glad that you're slowly coming back to me..." he whispered.
But before I could react ay binitiwan na nya ako and without saying anything, he disappeared on sight leaving me and Maalouf alone.
At hindi pa man ako nakaka-recover sa nangyari ay narinig ko na ang pagtawag sa akin ni Maalouf.
"Annah..."
*****************************
"Annah..."
Mabilis akong napalingon sa kanya.
I don't know. Pero may bahagi din sa akin ang gustong marinig kung ano ang sasabihin nya. If Alex who is known to be suffering from trust issues now trusts him then maybe giving him a chance to explain himself is worth it to give him a try.
"Okay" I said to him. "Bago tayo magsimulang mag-usap ay tatanungin kita Maalouf..."
Hindi sya sumagot.
Nanatili lang na nakatitig sa akin ang mga mata nyang iyon na napuno ng pagsusumamo.
"...mapagkakatiwalaan ka ba talaga namin?" I continued.
He just looked at me.
But then he sigh and in a calm voice, he spoke.
"Kahit ano pa mang mangyari Annah ay wala akong gagawin na makakasakit sayo o makakapahamak sayo" he said. "Everything that I'm doing right now is just for your own sake"
This time ay mas nadagdagan ang mga katanungan sa utak ko kaya tumitig ako sa gwapo nyang mukha.
"Then kasali ba doon ang pagtatago mo sa akin ng dahilan kung bakit nag-aaway kayo ni Harun noon at kung ano ang ibig sabihin ng narinig kong sinabi mo sa kanya?" I asked him gritting my teeth so hard. "Akala mo ba ay hindi ko nararamdaman na may itinatago ka sa amin---"
"Annah---"
"Ano ba talaga ang itinatago mo sa amin ha?"
"Annah please..."
"Sino ka ba talaga at ano ba talaga ang dahilan mo kaya ka sumama sa amin---"
"Annah..."
"Who are you?" I asked him and I know I looked so desperate right now. "Just tell me the truth---"
"I LOVE YOU!Okay?! I love you!" he yelled that to me dahilan para matigilan ako sa kinatatayuan ko. "I'am Prince Maalouf of Kingdom of Maleya, I'am one of your closest friend but unfortunately, I fell in love with you even if I know that you're already belong to someone else!"
Tuluyan na akong nanigas mula sa kinatatayuan ko.
Ano ang...
Ano ba ang ibig sabihin ng sinabi nya?
Mukhang natigilan naman sya mula sa kinatatayuan nya nang ma-realize kung ano ang nasabi nya.
"A-anong..." I whispered. "A-ano ang ibig sabihin nun? I belong to someone else? What is the meaning of that?"
And now, he just gave me another set of a puzzle that will be added to the collection of my unsolved puzzles.
Hindi sya sumagot.
"Answer me!" I screamed.
Punong-puno na ako. Ang dami ng clues na ibinibigay sa akin tungkol sa pagkatao ko at pati narin sa mga tao na nasa paligid ko but the biggest question is para saan ang clues na iyon? Ano ba talaga ng tanong na kailangan kong sagutin?
His brown eyes looked me at ngayon ko lang sya nakitang maging ganun. I've always known Maalouf as a pervert, immature, and childish Prince na walang ibang ginawa kundi ang gumawa ng kalokohan but right now ay ibang Maalouf ang nakikita ko.
He is hiding something.
But I can see from his face that there is something which stopping him from telling the truth.
"Yung nakita mong pag-aaway namin ni Harun...nangyari yun dahil kailangan kitang protektahan" he answered changing the topic. "It's just that...hindi kami nagkaunawaan kaya natunton tayo ng Aarvaks. Aaminin ko na ako ang dahilan kaya nahanap tayo ng Aarvaks sa Sorrow pero maniwala ka sa akin Annah, hindi ko ginawa yun para ipahamak ka. Ginawa ko yun para iligtas ka. And I'm sorry but...hindi ako ang nararapat na magsabi sayo ng katotohanan..."
I'm speechless.
Hindi ko na alam kung ano pa ba ang sasabihin ko. Gulong-gulo na ang isipan ko at sa dami ng katanungan na nasa isipan ko ay hindi ko na alam kung ano pa ang uunahin kong itanong.
"Not knowing the truth will keep you safe..." he said in his serious face na minsan ko lang makita. "...let the esylium tell you the truth Annah...you will know the truth but not now. It is just...not now"
I froze.
Pakiramdam ko ay nalulunod na ako sa sobrang confusion na nararamdaman ko.
Not knowing the truth will keep you safe...
Ano bang ibig sabihin nun? How not knowing the truth will make me safe?
Bakit hindi nalang nya sabihin sa akin ang lahat? Ano ba talaga ang malaking dahilan nya para itago sa akin ang katotohanan?
"And just so you know...overall...in this world, I can assure you..." he said at doon ko na nakita ang pagsungaw ng pamilyar na ngiting iyon sa labi nya. "...that I'am one of those people who you can fully trust. At sana sapat na iyon para hayaan mo akong manatili sa tabi mo"
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.
But I have this feeling in my heart, na kahit na ang dami nyang itinatago sa akin ay nararamdaman kong mapagkakatiwalaan ko sya. Afterall, Alex trust him so might as well, I will just drop this issue and trust him too.
He gave me that familiar happy grin.
"So, okay na ba tayo?" ang nakangiting tanong nya.
Hindi ko narin mapigilang mapangiti. Ngayon ko lang na-realize na na-miss ko rin pala ang kagaguhan nya. Mas mabuti siguro talagang ang esylium na ang hintayin kong magsabi sa akin ng buong katotohanan. All I need to do now is to trust him.
"Okay" I said.
He gave me that happy smile.
"Hug?" ang nakangiting alok nya.
Ngumiti naman ako at naglakad papunta sa kanya then I gave him a hug. Pero agad din nyang itinaas ang mukha nya at tumingin sa akin ng nakakaloko.
"Kiss?"
Agad namang nawala ang ngiti ko at binigyan sya ng deadly glare.
"Die?" ang sagot ko.
"Sabi ko nga eh" ang sabi nya saka lumayo sa akin. "O sya, kailangan na nating sumunod doon bago pa man ako patayin ni Alex"
Saka kami magkaakbay pa na naglakad papunta sa bahay nina Van.
But then I remembered something kaya nagtaas ako ng mukha at tumitig sa mukha nya.
"You said earlier that I already belong to someone? What does that mean? And who is that someone?" ang takang tanong ko.
But just like before, his beautiful brown eyes just looked at me and gave me that simple smile.
"Just as I said..." he said with that smile. "...let the esylium tell you the truth"
Napayuko nalang ako at napatingin sa nilalakaran namin.
Let the esylium tell you the truth...
Yes, I know.
Only the esylium will gave me the truth that I wanted.
Only the esylium will answer all the questions that have been running inside my head for a long time.
And only the esylium will solve all the puzzles that I've been trying to solve since a long time ago.
Pero...
Napataas ako ng tingin nang makalabas na kami ng kakahuyan na iyon at natatanaw ko na ang bahay nina Van at Helga.
...paano ko kukunin ang esylium kung alam kong buhay ang magiging kapalit nito?
to be continued...