"It's for you..." ang sulpot ng batang lalaking boses na iyon sa harapan ko.
Napabukas ako ng mga mata at ang mga magagandang emerald eyes na iyon ang sumalubong sa paningin ko. Nakalahad din sa akin ang hawak nyang red roses at nakangiti sya sa akin ng napakatamis.
Oo. Ang matamis na ngiti na minsan ko lang makita sa kanya sa present time.
Si Alex.
Nakita kong nakaupo kaming pareho sa gitna ng garden ng mga red roses na iyon sa labas ng Mansion. The red roses are so beautiful pero alam kong hindi yun ang gusto ko.
"But I don't like red roses..." I said to him with that child voice.
Yes. I'm under the magic of esylium again kaya alam kong bumalik na naman ako sa pagkabata.
I saw him frown.
"Then what do you want?" ang takang tanong nya.
"She preferred blue roses"ang biglang sulpot ng bagong dating na lalaking boses na iyon.
Sabay naman kaming napalingon sa bagong dating at ang sumalubong sa paningin namin ay ang malalamig na asul na mga matang iyon.
At hindi ko alam pero nang makita ko sya ay may kung anong emosyon ang nag-flicker sa dibdib ko.
Si Light.
Napansin ko rin na nakasuot sya ng itim na armor na may blue rose din na naka-engrave sa harap nito. At may dala din syang espada mula sa likuran nya. Oo, sa batang edad nya ay kasali na sya sa mga itini-train na mga Arcadian Knights.
"Kuya!" ang masiglang salubong naman sa kanya ni Alex saka sya niyakap ng mahigpit.
Pero hindi nya pinansin ang kapatid at salubong ang kilay nyang tumingin sa akin.
"You know that Alex has a weak body pero niyayaya mo parin syang lumabas dito" ang sabi nya sa akin gamit ang malamig na boses na iyon.
Hindi ako makapagsalita.
At hindi ko alam kung bakit umuurong ang dila ko habang nakatitig sa gwapo nyang mukha.
"Kuya, walang kasalanan si Annah" ang sabi naman sa kanya ni Alex. "Ako ang nagpumilit sa kanya na lumabas"
He turned to his brother at kitang kita ko ang pag-aalala sa asul na mga mata nya.
"Dapat nasa loob ka lang ng mansion at nagpapahinga" ang nag-aalalang sabi nya sa kapatid. "Alam mong mahina ang katawan mo pero bakit ang tigas ng ulo mo?"
I saw Alex sadly looked down on his feet.
"I'm sorry..."he said. "I just wanted to play with Annah..."
Light gave a deep sigh saka ini-pat ang ulo ng kapatid.
"Sige, pero pagkatapos nito, pumasok na kayong dalawa sa loob" he said then turned to me. "It's not safe to be here my lady"
Napalundag pa ako nang lingunin nya ako. At hindi ko alam kung bakit nag-iinit ang magkabilang pisngi ko ngayong nakatitig sa akin ang mga asul na mga mata nya.
"I-I'm sorry..." all I could manage to say.
He didn't answered.
Pero naglakad sya papunta sa akin and for a moment ay ramdam ko ang mabilis na pagkalabog ng dibdib ko sa bawat hakbang na ginagawa nya papunta sa akin. At ramdam ko ang pamumula ng batang pisngi ko nang tumayo na sya sa harapan ko.
"We just finished our training from Murrk. I thought of giving you camellia flowers but then I remembered that you love blue roses the most so..." he said saka sya may kinuha sa likuran nya at nabigla ako nang ilahad nya sa akin ang tatlong kumpol ng blue roses na iyon. "...so I looked for any blue roses and I found these three..."
Hindi ako makapagsalita.
Lalo na't pakiramdam ko ay namumula ako at mabilis parin ang pagkalabog ng dibdib ko.
But then I smiled and took it from his hands. Saka ako nagtaas ng mukha at nakangiting tumitig sa magagandang mga mata nya.
"They have the same colors as your eyes..." I whispered.
Nakita kong natigilan sya nang dahil sa sinabi ko.
But then I saw of how that smile slowly curved up on his lips dahilan para mas bumilis ang kalabog ng dibdib ko. At pakiramdam ko ay hindi na ako makahinga ng hawakan nya ang ulo ko.
Ano ba 'tong...nararamdaman ko?
Bakit nararamdaman ko 'to kay Light?
"Well I'm glad that you've liked them..." he whispered while his blue eyes are staring at me directly in my eyes.
Hindi na ako makapagsalita.
It's like his blue eyes is hypnotizing me and there's something in him which makes my heart flutter for a moment.
Natigil lang ang pagtitigan namin nang...
"Light!" ang biglang tawag sa kanya ng boses na iyon.
Sabay naman kaming tatlo na napalingon sa tumawag sa kanya at nakita ko ang mas batang si Jared na nakatayo sa hallway ng mansion.
Pero hindi sya nag-iisa.
Naramdaman ko uli ang galit sa dibdib ko nang makita ang lalaking iyon na nakasuot ng itim na maskara at itim na hood na ngayon ay nakatitig din sa amin.
Si Lucian.
It is just so weird to see the man who's been planning to kill me all this time to be so close like this. At mas weird pa na nakikita ko na mukhang close sila nina Jared at Light.
Jared gave us a playful grin.
"Mamaya ka na makipag-date sa mistress! Hindi pa tapos ang training natin kasama si Master Lucian!" ang masayang kaway nya sa amin.
And after he said that ay nakita ko ang unti-unting pag-iiba ng ekspresyon ng mukha ni Light at binitiwan narin nya ang ulo ko. Then he turned to Jared and I froze when I saw wind forming into his right hand while looking at Jared with those cold stare.
Wind...
So Light is a wind argon...
"Say that again..." he said through gritted teeth.
Nakita kong napa-gulp naman si Jared at natawa nalang ng hilaw.
"Ah...eh...hehehehe...joke lang yun!" ang sabi nya saka nagtago sa likuran ni Lucian na ngayon ay nakatitig parin sa amin.
Doon ko napansin na mukhang magkaedad lang sa pangangatawan sina Jared at Lucian.
"Light" ang tawag ni Lucian sa kanya. "We need to hurry up"
I froze.
May kahawig ang boses nya...
Hindi ako pwedeng magkamali.
May kahawig talaga ang boses ni Lucian pero hindi ko matandaan kung kanino...
Nakita ko namang ibinaba na ni Light ang kamay nya at napayuko.
"Yes master" he said.
Then he turned to us.
"Aalis na ako" ang paalam nya sa aming dalawa ni Alex.
Pero napansin kong nakayuko lang si Alex at hindi tumitingin sa kapatid.
"Alex..." Light called him.
But Alex didn't respond. At nabigla pa kaming pareho nang magtaas sya ng mukha at tinignan ng masama ang kuya nya.
"I hate you Light!" he screamed saka sya tumakbo paalis.
"Alex!" Light called him.
Pero hindi na sya lumingon at nagpatuloy lang sya sa pagtakbo papasok ng mansion hanggang sa tuluyan na syang nawala sa paningin namin.
"Uyyy...may nagselos...! May love triangle na namumuo dito ah!" ang tudyo naman ni Jared mula sa hallway ng mansion.
But Light glared at him dahilan para mas magtago sya sa likuran ni Lucian.
"Hindi na ako magsasalita" Jared said.
Samantalang naiwan akong natitigilan sa kinatatayuan ko.
Nagselos?
Sino naman ang...nagselos?
Pero natigil ang iniisip ko nang lumingon uli sa akin ang asul na mga matang iyon.
Then he smiled at me and just like before, hindi ko mapigilang mapatulala sa gwapo nyang mukha.
"Well then, I'll be leaving then..." then he bowed at napaatras pa ako. "...my lady..."
I gulped.
"S-sige..." I whispered.
Tumayo naman sya ng diretso at tinitigan nya ako uli sa panghuling pagkakataon. At hindi ko alam pero may nakikita akong kung anong emosyon sa mga mata nya habang nakatitig sa akin.
But then he looked down and without saying anything, he turned around and walked away.
Samantalang naiwan akong nakatitig sa kanya habang naglalakad sya papalapit sa kinatatayuan nina Lucian. And then the three of them turned around and like a flash, disappeared on sight.
Nasa ganuon akong posisyon nang biglang lumitaw sa harapan ko ang magandang babaing iyon mula sa loob ng mansion.
Ang mama ko.
She smiled at me at mukhang sobrang excited sya sa itsura palang nya. Yumuko sya para magka-level ang mga mukha namin at sa excited na boses ay nagsalita sya.
"My love..." she said. "Nakahanda na ang lahat para sa nalalapit na kasal mo..."
******************
I woke up with a rose shape mark in my chest.
At alam ko kung ano ang mark na 'to.
Alam ko kung ano ang ibig sabihin ng tattoo na ito dahil nakita ko narin 'to kina Van at Helga.
And from my own memory...I was about to get married.
Yes.
I woke up with a bloodmate mark.
I woke up knowing that I'am already a bloodmate to someone who I can't remember. At ang mas nagpapasama pa ng loob ko ay walang may balak na magsabi sa mga kasamahan ko kung sino ang bloodmate ko.
It is just so absurd to wake up in the morning with some mark into your body which telling you that you're already married to someone. And the worst part of it ay hindi ko maalala kung sino ang asawa ko. Kung sino ang bloodmate ko.
At wala pang may balak sa mga kasamahan ko na sabihin kung sino ang bampirang yun knowing that they already know the answer. It was like I'm standing all alone in the dark and everyone is laughing at me for not remembering a thing, even my own bloodmate. And everytime I think about it, my blood boils.
Ngayon ay nanginginig parin ako sa galit na nakatayo sa harapan ng dalawang tombstone na ginawa namin para kina Van at Helga.
Vampires don't need tombstone.
But I'm giving these to the both of them para man lang sa pasasalamat ng dahil sa pagkupkop nila sa akin ng ilang araw.
Hanggang ngayon din ay naging palaisipan parin sa akin kung sino ang pumatay sa kanilang dalawa. Kung sino ang sapilitang kumuha ng esylium mula sa kanila.
Hindi rin nawawala sa isipan ko ang huling sinabi sa akin ni Van bago sya nawala...
Annah...mag-iingat ka sa mga kasamahan mo...
Ano bang ibig sabihin nun?
Posible kayang isa sa mga kasamahan ko ang pumatay sa kanila?
Posible kayang isa sa mga kasamahan ko ang hindi nakinig sa utos ko na wag silang patayin?
The more I think about it, the more na nag-iinit ang ulo ko.
Idagdag mo pa na itinatago nila sa akin kung sino nga ba ang bloodmate ko.
Yumuko ako sa tombstone na ginawa namin para sa kanila. Habang nakatayo parin sa likuran ko ang mga kasamahan ko na kanina ko pa hindi pinapansin.
Sinadya naming ilagay ang tombstone nila sa gitna ng field ng camellia flowers na binabantayan nilang mag-asawa dahil alam kong doon din nila gugustuhing mailagay.
Ibinaba ko sa gitna nila ang blue roses na nakita ko sa isang kakahuyan kanina. Sa memory ko lang nalaman na may tumutubo rin palang mga blue roses dito. At naghanap ako nito para sa kanilang dalawa.
I looked down on them at naluluhang hinaplos ang mga batong inilagay namin doon.
Van...Helga...I'm so sorry...sana kung nasaan man kayo ngayon ay sana ay masaya na kayo. Helga...alam kong masaya ka ng kasama si Van at alam kong hindi ka na nahihirapan pa ngayon. Van...masaya ako at alam kong makakasama mo na ng habang-buhay si Helga ngayon...now, she will never be separated from you again. Wag kayong mag-alala...I will get justice for the both of you. Hindi ako titigil sa paghahanap kung sino man ang gumawa nito sa inyong dalawa. Thank you for being my friend even just for awhile. Thank you and Goodbye.
Doon ko na naramdaman ang pagpatak ng mga luha sa magkabilang pisngi ko.
Afterall...ay naging kaibigan ko parin silang dalawa.
At sa kanila ko nakita ang tunay na pagmamahalan ng dalawang bampira na madalang kong makita sa ibang bampira who are always cold and emotionless. They proved me that vampires can love also.
Hanggang ngayon ay nakikita ko parin kung paano nila tignan ang isa't isa sa gitna ng camellia flowers nung una akong tumapak dito. Nakikita ko parin ang buong pagmamahal na nakaguhit sa mga mata nila habang nakatitig sa isa't isa.
It's just sad...that they have to die like this.
"Annah..."narinig ko ang boses na iyon at doon ko naramdaman ang kamay na humawak sa balikat ko.
Si Alex.
Pero agad kong sinangga ang kamay nya at umiiyak na tumayo.
"Annah---"
I turned to him and that stopped him from talking.
"Don't talk to me..." I hissed into his face.
Saka ako nanggagalaiting lumingon sa mga kasamahan ko. And with tears streaming down my face ay galit na galit akong sumigaw.
"WHO DID THIS?!" I yelled to all of them.
"My lady" Si Raven na lumapit sa akin. "Please calm down...no one in Arcadian Knights will do such a thing without consulting you first"
Pero galit akong lumingon sa kanya.
"So you're saying now that I can trust you?" I asked through gritted teeth.
Nagbaba sya ng tingin at yumuko sa akin.
"With all my life, my lady" he said.
"Then who is my bloodmate?" I asked him.
Pero after kong itanong iyon ay katulad ng dati ay nakita kong natigilan silang lahat. At katulad din kaninang umaga paggising ko ay halatang walang may gustong magsabi sa akin.
Isang nang-uuyam na ngiti lang ang naibigay ko sa kanya pero hindi na sya makatingin sa akin.
"So this is what trust is all about..." I hissed into his face.
Pero nagtaas parin sya ng mukha at kitang kita ko sa mukha nya ang paghihirap.
"We have no right to tell you who is your bloodmate is my lady" he said. "But this is the only thing I can promise. That we will never do such a thing that will hurt you. You can always trust us"
Napatitig nalang ako sa asul na mga matang iyon na punong-puno rin ng paghihirap. Nakikita ko sa mga mata nya na nagsasabi sya ng totoo but this is just too much for my mind to take.
"I need a break" all I could manage to say saka ako tumalikod at naglakad paalis.
"Beh..." ang narinig kong sambit ni Bea pero wala ako sa mood na makipag-usap kahit kanino ngayon.
Ramdam ko ang titig nilang lahat habang naglalakad ako pabalik ng bahay nina Van pero walang naglakas loob na lapitan ako.
Yes. They know that it's better to leave me all alone.
Mahirap magising isang araw na may marka nang nakaguhit sa dibdib mo na nagsasabing kasal ka na sa isang bampirang hindi mo pa maalala.
Idagdag mo pa na iniisip ko parin kung sino nga ba ang pumatay kina Van at Helga.
There are so many questions in my head.
Hindi pa nga nasasagot ang mga naunang katanungan sa utak ko kagaya ng kung sino ba si Light, kung ano ang kinalaman nya sa buhay ko, kung sino ang silver haired na babaing iyon na nagdala sa akin dito, ay may nadagdag na namang sunod na puzzles na kailangan kong sagutin.
May mga clues din na ibinigay sa akin ang bagong esylium.
Light is a wind argon.
Naalala kong hangin din ang naging kapangyarihan ni Feldor na kapatid ni Maalouf noong nasa kanya pa ang esylium at hawig pa nya si Light...
Kung ganun...posibleng magko-konekta ang pinagkunan ko ng esylium at ng memory ko.
And my favorite flower back then is blue roses.
But the most shocking revelation from the last esylium is that I'am about to get married to someone.
Pumasok na ako sa loob ng bahay at dire-diretsong pumasok sa kwarto na ibinigay nina Van sa akin.
Nahiga ako sa kama at doon ako nagpatuloy sa pag-iyak.
I feel so betrayed right now.
Bakit hindi nalang nila sabihin sa akin ang lahat ng nalalaman nila? Bakit hindi nalang nila sabihin sa akin kung sino ang bloodmate ko na hindi ko maalala?
Not knowing the truth will keep you safe...
And how not knowing the truth will keep me safe?
Naguguluhan na ako.
Sobrang naguguluhan na ako sa mga naaalala ko pati narin sa mga sinasabi nila and the worst part of it ay walang may gustong magsalita kung ano ang ibig sabihin ng mga iyon.
It's like there is stopping them from telling the truth. Pero ano?
"Annah..."
Narinig ko ang deep na boses na iyon mula sa pinto ng kwarto.
Si Alex.
"Kung hindi mo rin sasabihin sa akin ang lahat ng totoo ay mas mabuting umalis ka na" ang umiiyak kong sabi.
I heard him sigh at naramdaman kong naglakad sya sa tabi ng kama. Pero hindi ko sya nilingon. Nanatili akong nakatalikod sa kanya.
"Its better that the esylium will be the one to tell you that" he said.
Ramdam ko rin sa boses nya na nahihirapan din sya.
Doon ko sya mabilis na nilingon saka ako naupo sa kama at tinitigan sya.
"Bakit ba lahat nalang kayo ay yan ang sinasabi sa akin?! Bakit hindi nyo nalang sabihin sa akin ang lahat ng alam ninyo tungkol sa nakaraan ko?!" ang galit kong sigaw sa kanya.
He looked at me and I can see agony from his emerald eyes.
Minsan ko lang din 'to makita sa kanya. I've always known Alex to be the hot headed and overprotective Arcadian Knight na laging nakabuntot sa akin at lagi pang nagagalit sa akin. Kaya pakiramdam ko ay parang ibang Alex na ang nakatayo ngayon sa harapan ko.
"You're not ready for that" he managed to say.
"And how am I not ready for that?!" I yelled.
His emerald eyes looked at me at this time ay nakita ko na ang pagtatangis ng ngipin nya. Oh right. I just made him mad.
"Annah...everything that I'm doing right now is for your own good. Ang lahat ng sa tingin ko ay hindi makakabuti sayo ay iniiwasan kong mangyari sayo! So believe me if I say that you're not ready for that. Because between the two of us, right now, I know you more than you do"
Napaawang ako ng bibig ng dahil sa sinabi nya.
"And who are you to say that, huh?! And please! Just stop acting like you care!"
"For the name of this whole fucked up life, I care Annah, I care about you! Damn it!"
Tuluyan na akong natahimik nang magmura sya. Halatang galit na galit narin sya that I can almost hear him growling and I could almost see his fangs. And I think pushing him too far will not make us any good.
I may not know him that well but I know his temper.
Nakita ko namang unti-unti naring humuhupa ang galit sa mukha nya.
How can this happen? Ng dahil lang sa isang memory ay bumalik na naman kami sa dati. Parang kagabi lang ay sinabi nyang mahal nya ako at hinalikan nya pa ako. At hindi ko rin alam pero habang naaalala ko yun ngayon ay may kung anong emosyon ang nag-flicker sa dibdib ko.
Why am I really feeling all this warm emotions toward this vampire?
Naalala ko rin ang mga sinabi nya sa akin kagabi...
"I love you...but I never existed in your past..."
Ano bang ibig sabihin ng sinabi nyang iyon?
"J-just..." he whispered and now the pain in his voice is back. "J-just---please...trust me."
Everyone kept on saying that.
Maski si Maalouf at Raven ay yan din ang sinabi sa akin. But how could I trust them lalo na ngayong ang dami ng tanong na gumugulo sa isipan ko?
"Just let the esylium decide for you of what you should remember..." he said in a calmer voice habang nakatitig sa akin ang mga mata nya. "I promise that I won't let anyone or anything hurt you as long as I'm by your side"
Hindi ako makapagsalita.
Nanatili lang akong nakatitig sa gwapong mukha nya na ngayon ay napuno na ng malamlam na emosyon na iyon.
Ganun ba talaga yun?
Mas makabubuti ba talaga sa akin na hayaan nalang ang esylium na ipaalala sa akin ang lahat?
Mas makabubuti ba talaga sa akin na ang esylium nalang ang magpaalala sa akin kung sino ang bloodmate ko?
Having a bloodmate that I can't remember is too much for me to take. But not remembering him is much worse.
"Then who is my bloodmate?" all I could manage to asked.
Pero after kong itanong yun ay napuno na naman ng paghihirap ang mga mata nya.
"Annah..."
"TELL ME!" I desperately yelled saka ako tumayo at hinawakan sya sa magkabilang braso. "PLEASE TELL ME WHO HE IS! I HAVE THE RIGHT TO KNOW! PLEASE!"
His emerald eyes looked at me pero hindi ako nagbaba ng tingin. Nanatili akong nakatingin sa kanya ng may buong pagsusumamo sa mga mata ko. Hoping na mabasa nya doon ang matinding pagkakagusto ko na makilala kung sino ang bloodmate ko.
Pero hindi sya sumagot.
Hinawakan nya lang ang magkabilang pisngi ko at walang salitang hinalikan ako sa noo.
And just like before...I can feel that warm emotions that enveloped me from his kiss.
"He's been dying to tell you too but this is just not the right time..." he whispered into my forehead. "Soon Annah...soon..."
Hindi ako makapagsalita.
At hindi narin ako nakagalaw nang tumalikod na sya sa akin at naglakad paalis.
Nagtaas naman ako ng mukha at napatitig sa likuran nya na ngayon ay papalabas na ng kwarto.
Mas makabubuti ba talaga sa akin na magtiwala nalang sa kanilang lahat?
Mas mabuti ba talaga na wag muna akong makaalala?
Nakatitig lang ako sa likuran nya nang matigilan ako.
Dahil nakita kong...parang may marka sa batok nya na natatakpan ng itim na armor na suot nya.
Hindi ko lang ito masyadong makita dahil natakpan ang kalahati nito.
Pero hindi ko naman 'to makita ng mabuti so I just decided to not think about it.
to be continued...