Chereads / ANNAH: The Last Titanian / Chapter 35 - The Plan

Chapter 35 - The Plan

It is a bright morning at ngayon namin naisipan na ipagpatuloy ang paglalakbay.

We stayed for another day sa bahay na naiwan nina Van at Helga just to cool my head down.

But in the end ay na-realize kong walang magagawa ang pagkukulong at ang pagmumukmok ko para ma-solusyonan ang lahat ng iniisip ko. Ang dapat kong gawin ay ang hanapin ang natitirang tatlong esylium para matapos na ang lahat ng ito.

The more na may nahahanap akong bagong esylium, the more na nakakaalala ako, ay the more na nadadagdagan ang misteryo ng pagkatao ko at ng mga tao na nasa paligid ko.

Nasa labas na kami ngayon ng bahay nina Van at naghahanda na sa paglalakbay.

Hinahaplos ko ang buhok ng kabayong sasakyan ko nang dumating ang boses na iyon.

"Beh..."

Napalingon naman ako at nakita si Bea.

"Oh beh..." I said.

Nakikita ko sa mga mata nya ang sobrang pag-aalala. Maybe because hindi ko rin sya kinakausap simula pa kahapon.

"Okay ka na ba ha?" ang tanong nya.

I smiled.

"Oo, okay na ako..." I said.

And that's not a lie.

I decided to trust them in dealing with this issue. Alam kong para din naman sa akin ang lahat ng ginagawa nila ngayon. Maski ang pagtatago ng totoong katauhan at maski ng bloodmate ko na hindi ko maalala.

She smiled too.

"Well, I'm glad. Sorry kung wala akong maitutulong ngayon sayo" she said. "But I promise na darating ang araw na may maitutulong din ako sayo"

Ngumiti lang ako sa kanya.

"Okay lang naman ako eh. Kakayanin ko pa naman ang lahat ng ito" I said. "At wag kang mag-alala, malapit ng matapos ang lahat ng ito. Tatlong esylium nalang at makakauwi na tayo"

Ngumiti sya at naglakad palapit sa akin. Saka nya ako niyakap.

"Mabuti naman" ang nakangiting sabi nya. "Dahil sa totoo lang nami-miss ko na ang pagpapa-footspa at pagpapa-salon. Namimiss ko narin ang pagsa-shopping. Kapag nakauwi tayo, yun ang una kong gagawin. Ikaw beh..."

Saka nya ako binitiwan at tinitigan.

"...anong unang gagawin mo kapag nakauwi na tayo?" she continued.

Tama.

Ngayong naitanong nya yan ay ngayon ko lang din naisip kung ano nga ba ang gagawin ko kapag nakauwi na kami. Sa sobrang pag-iisip ko ng mga bagay-bagay ay halos nakalimutan ko na ang kabilang mundo.

Pero...

Alam ko kung ano ang una kong gagawin...

"Pupuntahan ko si Dylan..." I whispered. "Bibisitahin ko ang libingan nya kung sakali. Yun ang una ang kong gagawin..."

I saw her eyes saddened from what I said.

At hindi ko alam pero ngayong nabanggit ko uli ang pangalan ni Dylan ay doon ko na unti-unting naramdaman ang paghapdi ng dibdib ko. I thought time already healed me. Pero hindi pa pala. Because every now and then ay naalala ko parin sya.

I love him. At alam kong may bahagi ng puso ko ang mananatiling sa kanya habang-buhay.

"Annah" ang biglang sulpot ng lalaking boses na iyon.

Sabay naman kaming napalingon ni Bea at nakita namin si Maalouf na nakatayo sa tabi namin.

"Can we talk?" he asked.

Tumango naman ako. Lalo pa na't gusto ko rin syang makausap.

"Ah...sige beh. Tutulungan ko muna ang iba sa paghahanda" ang paalam ni Bea saka sya naglakad papunta sa ibang kasamahan namin sa di kalayuan.

At nang tuluyan na syang nakaalis ay doon na ako nilingon ni Maalouf.

He smiled at me in his usual way of smile. Ang ngiti nya na may pagka-pilyo.

"So...how is our Princess feeling today?" ang nakangising tanong nya.

I just rolled my eyes at him.

"Annoyed" I said saka nilingon uli ang kabayo na kaharap ko.

"Hey, I'm trying to be nice here" ang sabat naman nya saka nilapitan ako.

I turned to him and gave him a deadly glare.

"Kung wala ka ring sasabihin na matino ay mas mabuting umalis ka nalang. You won't even explain things to me so just leave me alone" I said.

Doon ko na nakita ang unti-unting pagkakawala ng pilyong ngiti sa mukha nya at napalitan na iyon ng isang simpleng ngiti.

"No, I meant it" he said while looking at my face. "How are you feeling?"

Natigilan naman ako sa paghaplos ng buhok ng kabayo na kaharap ko at napalingon sa kanya. I can see warmth and sincerity on his eyes kaya sa tingin ko ay seryoso din sya sa pangungumusta sa akin.

"To tell you the truth?" I said. "I'm confused"

Ngumiti lang sya ng payak at yumuko na para bang alam na nya ang isasagot ko.

"See? Wala ka din namang isasagot sa lahat ng katanungan ko kundi ang 'trust me' and 'trust the esylium' kaya wag mo nalang akong kausapin" ang sabi ko saka nilingon nalang uli ang kabayo.

Alam kong sinabi ko na sa sarili ko na hayaan nalang sila sa pagtatago sa akin pero hindi ko parin maiwasang makaramdam ng inis. Lalo pa na't may pinagsamahan na kami pero kaya parin pala nilang magtago sa akin.

"You know that we didn't want to hide the truth from you" he said saka sya nagtaas ng mukha at tumitig sa akin. "But this is what he wants..."

My brows met at nilingon ko sya.

"He?" I asked.

A simple smile curved up on his lips.

"Your bloodmate" he said.

Natigilan ako.

Lalo pa na't binanggit na naman nya ang bloodmate ko na hindi ko parin maalala. Pero ang mas nagpagulo ng isipan ko ay kung bakit ayaw nyang maalala ko sya? Bakit ayaw nyang makilala ko sya?

Mukhang napansin naman ni Maalouf ang pagbaha ng katanungan sa mukha ko kaya nagsalita sya uli.

"He only did this because he wanted to protect you" he said.

Hindi na ako makapagsalita.

"P-pero...bakit?" all I could manage to ask.

Hindi sya sumagot.

At nakita kong nag-seryoso narin ang mukha nya.

Pero agad din syang ngumiti at nagsalita uli.

"The thing is...ayaw nya ring malaman mo kung ano ang rason nya" he said. "But everything that he's doing right now is for your own good. Just learn how to trust him Annah. Makikilala mo rin sya pero hindi pa pwede ngayon"

Another set of puzzle.

Bakit hindi ko sya pwedeng makilala ngayon?

And how not knowing him and not telling me the truth will protect me? At saan nya ba ako gustong protektahan?

Naguguluhan na ako pero wala parin akong makapang sagot.

I want to solve all of these puzzles that's been confusing me but where should I start in solving it? How could I start solving all of it when the pieces that I needed is still blurry and out of sight?

"This is the only thing I can promise you..." he said dahilan para mapataas ako ng tingin at mapatitig sa mukha nya. "...that whoever he is...he loves you so much Annah and he will do everything to protect you and to keep you safe even if it means hiding the truth from you..."

Now I finally understand what he meant when he said that I already belong to someone else. May bloodmate na pala ako. May asawa na ako pero hindi ko lang sya maalala.

"And all you need to do is to trust him..." ang biglang sulpot ng boses na iyon sa likuran nya.

Sabay naman kaming napalingon and that beautiful emerald eyes met my eyes.

Si Alex.

Napangiti nalang si Maalouf at nilingon ako uli.

"Mahal na mahal ka ng bloodmate mo Annah. Yan lang ang lagi mong tatandaan..." he said while looking at my face. "...diba Alex?"

Alex didn't answered. Pero may nakita akong kung anong emosyon ang bumaha sa mga mata nya matapos sabihin ni Maalouf ang bagay na iyon.

And then without saying anything, he walked towards me at hinarap ako.

"We need to hurry up" ang pag-iiba nya ng usapan habang nakatitig sa akin. "Are you feeling alright?"

Hindi ko din alam pero may nakikita akong paglamlam sa mga mata nya habang nakatitig sa akin ngayon kaya wala akong ibang nagawa kundi ang mapatango nalang.

"Good" he said then turned to our other comrades. "We need to get going"

**********************

Matapos makipag-usap kina Annah at Alex si Maalouf ay naglakad na sya papalapit sa kabayo na sasakyan nya.

But before he gets to his horse, someone stood in front of him.

Nagtaas naman sya ng mukha at ngumiti.

"She trust us now..." Maalouf said. "Mukhang hindi na tayo mahihirapan sa mga plano natin."

"How about the others?" that person asked.

He smirk.

"Well, he ordered to kill anyone who gets in our way..." he answered.

The person put on an evil smirk.

"Oh well...I didn't expected that they will fall to our trap" that person said. "...everything is going according into our plan."

Maalouf just answered with an evil smirk.

to be continued...