In the end ay napagpasyahan nalang namin na manatili muna sa mansion na yun habang hianahanap ang esylium.
Nagpapasalamat din kami na hindi ako nakilala ng mga bampirang nandito dahil baka matunugan ni Lucian na nandito kami sa lugar na ito at ipadala na naman nya ang mga Aarvaks.
Pero saan nga ba namin hahanapin sa lugar na 'to ang huling esylium na nasa mapa?
At pagkatapos nito ay saan naman namin hahanapin ang natitirang dalawa pa?
Pakiramdam ko ay sumasakit na ang ulo ko sa dami ng katanungan na hindi ko parin masagot-sagot.
Napahinga nalang ako ng malalim.
Mag-isa pala akong naglalakad ngayon sa hallway papunta ng kwarto na ibinigay sa akin ni Lucas. At hindi ko rin mapigilang mamangha sa ganda ng mansion na ito. Sa hallways palang nito ay nakikita na ang karangyaan ng lugar na ito. Thrym Twins are so rich to own this wide piece of land and this luxurious mansion.
"Bea, let's talk"
Bigla akong natigil sa paglalakad nang marinig ko ang boses na iyon.
Nagtaas ako ng mukha at nakita ko sina Cornelius at Bea na ngayon ay magkaharap na nakatayo sa dulo ng hallway. Hawak-hawak pa ni Cornelius ang braso ng nakayukong si Bea.
"There's nothing to talk about" ang sambit ni Bea.
At minsan ko lang syang makitang magseryoso kaya nabigla ako.
Pero may naaaninag akong lungkot sa mukha nya nang sabihin nya yun.
Teka, ano bang problema nilang dalawa?
"Why are you avoiding me?" si Cornelius. "Okay naman tayong dalawa diba? But why suddenly ay bigla ka nalang lumalayo sa akin?"
Biglang iwinaksi ni Bea ang kamay nya dahilan para matigilan ako sa kinatatayuan ko.
"Mas mabuting wag mo nalang akong kausapin! It's better to be like this!" Bea yelled at his face at mukhang natigilan din sya sa natanggap na paninigaw mula dito. "Just leave me alone!"
Then she turned away and started walking at my direction.
Samantalang nakita kong napayuko nalang ang natigilan na si Cornelius.
Pero ano ba talaga ang nangyayari? Bakit sila nag-aaway?
Nakita kong natigil sa paglalakad si Bea nang makita akong nakatayo sa hallway na nilalakaran nya.
And when she saw me, ay nakita ko ang pinaghalong pagkabigla at lungkot sa mga mata nya.
"B-beh..." I whispered.
Nakita ko ang pamumuo ng luha sa mga mata nya.
At minsan ko lang makita yun kaya nabigla ako.
She run towards me at niyakap ako ng sobrang higpit. At doon ko narinig ang pag-iyak nya sa balikat ko.
"Alam ko naman eh..." she whispered. "I know that everything will come to this...pero ang tigas ng ulo ko. I know that I can't fall in love with him pero minahal ko parin sya..."
My brows met.
Saka ko sya inilayo mula sa akin at tinitigan ang luhaan nyang mukha.
"What do you mean by that? Why can't you fall in love with him?" I asked.
Nakita ko ang agad na pag-iwas nya nang tingin at agad nyang pinunasan ang luhaang mukha.
At sa tingin ko ay nagdadalawang isip pa sya kung sasagutin nya ba ang tanong ko.
"Beh?" ang alog ko sa kanya.
Nilingon naman nya ako gamit ang luhaang mukhang iyon pero agad din syang nagbaba ng tingin.
"Dahil darating ang araw na mawawala rin sya..." she whispered saka sya tumingin sa akin. "Darating ang araw na kailangan ko rin syang iwan. Darating ang araw na makakalimutan nya rin ako..."
Nagsalubong ang kilay ko.
"What do you mean by that?" I asked.
Pero tumingin lang sya sa akin gamit ang luhaang mukha nya. At nakikita ko sa mga mata nya na para bang may gusto syang sabihin sa akin pero may pumipigil lang sa kanya.
Then she smiled at me.
"W-wala beh..." ang nakangiting sagot nya. "Malapit ng matapos ang paglalakbay na 'to at kapag nangyari yun ay kailangan narin nating bumalik sa mundo natin..."
Natigilan ako.
Tama, malapit ng matapos ang buong paglalakbay na ito. At kapag natapos na ang lahat ng ito ay kailangan narin naming bumalik sa mundo namin.
Nagtaas ako ng mukha at tinitigan ang luhaang mukha nya.
Pero bakit ganun?
Bakit pakiramdam ko ay may mas malalim pa syang dahilan kaya nya iniiwasan si Cornelius pero hindi nya lang sinasabi sa akin?
"A-ah...s-sige beh..." she said. "Mauuna na siguro ako sa kwarto ko. Ikaw din. Kailangan mong matulog ng mahimbing..."
Napangiti nalang ako.
"Okay..." I said.
Ngumiti lang sya sa akin at niyakap ako ng mahigpit.
"Malapit ng matapos ang lahat ng ito" she whispered. "Just hold on..."
Natigilan ako nang dahil sa sinabi nya.
Bakit pakiramdam ko ay may kakaiba sa kanya ngayon?
Pero humiwalay na sya sa akin at nginitian ako.
Then after that, she started walking away.
Napalingon nalang ako sa kanya at nakita kong mag-isa na syang naglalakad ngayon sa hallway.
Bakit pakiramdam ko ay bigla nalang syang nagseryoso? Like, ang pinsan kong super maarte at reklamadora ay nakapagsabi ng ganung mga bagay?
But then I just shrug.
Weird.
***************
Mag-isang naglalakad ang bampirang iyon sa hallway ng mansion nang bigla syang salubungin ng dalawang magkapatid.
He stopped from walking at tumingin sa dalawang magkapatid na ngayon ay parehong nakatingin sa kanya.
"Oy" si Muris habang tinitignan sya gamit ang mapanuring tingin na iyon. "Naaamoy ko sayo ang amoy ng dugo ng bampirang iyon"
Habang nagtatangis naman ang ngipin ni Kael na ngayon ay mukhang nagtitimpi na sugurin sya.
"Hindi kami pwedeng magkamali" Kael said through gritted teeth. "Memoradong-memorado ko ang amoy ng bampirang iyon kaya alam kong ikaw sya!"
Napakuyom narin ng kamay si Muris at nagsimula naring magtangis ang mga ngipin nya. And then he looked up and looked at the emotionless face of that vampire.
"Nagbago ka ng anyo pero sigurado kaming ikaw nga ang bampirang iyon" Muris said through gritted teeth. "Ngayon, magbabayad ka!"
And like fast wind, the two brothers drew up their swords and attacked him.
Pero...
Unti-unting nanlaki ang mga mata ng magkapatid sa sumunod na nangyari...
Effortlessly, the vampire hold their faces using his both hands.
At katulad nang dati, ay doon nila unti-unting naramdaman ang takot sa mga dugo nila.
Because somehow, this vampire is so powerful that it could make any vampire tremble with fear.
The vampire smirked at pareho silang nanginig sa takot nang bigla nitong hilain ang mga mukha nila palapit sa leeg nito. Sa sobrang takot na nararamdamdan nilang pareho ay halos hindi na nila maigalaw ang mga kamay nila na may hawak paring espada. Hindi narin nila kayang magpumiglas mula sa pagkakahawak nito sa mga mukha nila.
And in that familiar wicked voice, the vampire whispered into their ears.
"Now we don't wanna spoil the happy evening, do we?"
************
Isa-isang katok sa pinto ang narinig ko habang mag-isa akong nakaupo sa kama.
Nagtataka naman akong tumayo at naglakad papunta doon.
Binuksan ko ang pinto at ang gwapong mukhang iyon ang sumalubong sa akin.
Si Alex.
My brows met.
"Anong ginagawa mo dito?" I asked.
His emerald eyes just looked at my face and spoke.
"I'm just checking up on you if you're okay" he said.
Well, hindi na ako nabigla sa sinabi nya.
Every now and then ay lagi nalang nyang itinatanong yun sa akin.
Pero naiintindihan ko din naman sya. It is part of his job to know if I'm okay.
"I'm okay" I said.
His beautiful emerald eyes just kept on looking at my face. At hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ngayon ng pag-iinit ng mga pisngi ko.
Pero nabigla ako sa sumunod na sinabi nya.
"Do you really have to look for all the esylium?" he asked.
Nabigla ako sa tanong nya na yun.
Teka, bakit ba nya itinatanong yun?
At bakit...may naaninag akong lungkot sa mga mata nya nang itanong nya yun?
"Anong...anong ibig sabihin mo doon?" ang hindi ko parin makapaniwalang tanong.
Like, ito naman talaga ang rason kung bakit ako nandito diba?
At yun ay ang kumpletuhin ang lahat ng esylium para makabalik na ako sa pagiging Titanian? Pero bakit nya itinatanong yun all of a sudden?
For a moment ay tumitig lang sa akin ang mga mata nyang iyon samantalang hindi naman ako makapagsalita.
But then he sigh and spoke.
"Nothing" he said at ngayon ay bumalik na sa pagiging walang emosyon ang mukha nya. "You need to take some rest. Goodnight"
Then he turned around and about to walk away pero nagsalita ako.
"Babalik ka pa ba sa mundo ng mga tao?" I asked.
At hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit ko ba ito itinatanong sa kanya.
"Kapag nakumpleto na ang lahat ng esylium at kapag bumalik na ako sa mundo ng mga tao, sasama ka ba?"
Hindi ko rin alam kung bakit ako nagmumukhang desperada ngayon sa tanong na iyon.
Pero hindi sya nagsalita.
Nanatili lang syang nakatalikod sa akin.
And somewhere in my heart ay may hinihiling ako na sana ay isagot nya.
Pero...
He turned to me and in that cold emotionless face, he spoke.
"Tapos na ang mission ko na protektahan ka sa oras na iyon kaya wala na akong rason para sumama pa sayo" he said. "Now, get some sleep. Good night"
Then he turned around and started to walk away.
At habang nakatingin ako ngayon sa likuran nya ay doon ko na unti-unting naramdaman ang paghapdi ng dibdib ko.
Oo, sobrang sakit ng dibdib ko ngayon dahil hindi yun ang gusto kong marinig sa kanya.
Hindi yun ang gusto kong isagot nya.
to be continued...