Two group of growling vampires.
Magkakaharap silang nakatayo sa mga bubong ng mga bahay at pinaghiwalay lang sila ng masikip na kalsada na ito.
They were all crouching on their feet and I can see anger on their blood shotted eyes as they growl to each other. At mukhang hindi pa nila napapansin ang presence namin sa ibaba.
At doon ko lang napansin na may hawak na mga flags ang dalawang grupo.
Ang isang grupo ay nakahawak ng pulang flag na may agila at ang isa naman ay asul na flag na may nakaguhit din na agila. Kung titignan mo, ay pareho lang naman ang symbol ng mga flags nila pero ang pinagkaiba lang ay ang kulay nito.
I saw the vampire with the red bandana smirk.
"Well, never ka talagang natuto..." he said with a smirk on his face. "...Muris"
The vampire with the blue bandana smirk too.
"Same goes to you..."he said. "...Kael"
Then I saw of how their eyes slowly turned red as they growled. And after that, like a flash, the two group of vampires attacked each other habang nanatili lang kaming nakatingin mula sa ibaba.
Samantalang napalingon naman ako sa isang lalaki na may blond na buhok mula sa pulang grupo na naiwang mag-isang nakatayo sa kinatatayuan nya. Nakita kong napahawak lang sya sa noo nya at napahinga ng malalim. And from here ay narinig ko pa ang ibununtong-hininga nya.
"Hay...nandito na naman tayo..." ang naibulong nya sa sarili habang nakahawak sa noo.
My brows met.
Bakit nya nasabi yun? At sino ba talaga ang dalawang grupong ito na kasalukuyang nag-aaway sa harapan namin?
Napalingon ako uli sa paligid.
At sila ba ang dahilan kaya takot na takot ang mga bampirang nandito sa lugar na ito?
Nagtaas nalang ako uli ng mukha at napatingin sa labanan. Mukhang wala ding balak na makisali sa gulo ang mga kasamahan ko dahil nanatili lang din silang nanunuod.
"Mas gwapo ako sayo!" ang sigaw ng lalaking may pulang bandana.
Ha?
Teka, tama ba ang narinig ko?
"Hindi! Mas gwapo ako sayo!" ang sigaw naman ng lalaking may asul na bandana habang inaatake parin nila ang isa't isa sa ere.
"Mga ulol" ang sabi naman ng lalaking may blond na buhok na nakatayo lang sa kinatatayuan nya. "Magkambal kayo kaya hawig lang kayo. Mga tarantado. Itigil nyo na nga 'to"
Huh?
Magkambal?
Napatingin ako uli sa dalawang bampira na naglalaban parin sa itaas. At doon ko lang napansin na hawig nga silang dalawa.
Magkambal sila...pero bakit...
"Hoy! Lucas! Bakit mo pinalitan ng asul na bandana ang suot mo ha?!" ang sigaw ng lalaking may pulang bandana. "TRAYDOR!"
Napansin kong pinalitan nga ng lalaking may blond na buhok ang pulang bandana na suot nya ng kulay asul.
"May usapan kami ni Muris na papalitan ko ng asul na bandana ang suot ko every 15 minutes kaya ngayon sa kanya ako kakampi" ang sabi ng lalaking may blond na buhok na sa tingin ko ay tinawag na Lucas ng lalaking may pulang bandana.
"BWAHAHAHAHAHA! NGAYON SA AKIN KAKAMPI SI LUCAS! ANO KA NGAYON KAEL?!" ang sigaw ng lalaking may asul na bandana na sa tingin ko ay Muris ang pangalan.
Bakit parang pakiramdam ko ay nanunuod lang ako ng dalawang batang nag-aaway? -___-
"Hmp! Sayo na si Lucas basta akin lang si Franchesca!" ang sigaw ng may pulang bandana na sa tingin ko ay si Kael.
"Hindi! Akin sya!" si Muris.
"Hindi! Akin sya!"
"Akin sya!"
"Akin sya!"
Yan lang ang naririnig naming lahat habang patuloy sila sa paglalaban sa itaas.
At sa totoo lang,para silang mga batang nag-aaway. -____-
Sa sobrang labanan na nagaganap ay nabigla nalang kami nang makitang nasisira ang lahat ng nadadaanan nilang dalawa.
Ngayon naintindihan ko na kung bakit takot na takot ang mga bampirang nakatira dito. -____-
"Hindi! Akin nga sya eh!" si Kael.
"Hindi! Akin sya! Akin si Franchesca!" si Muris.
"Hindi! Akin---"
Pero naputol ang sasabihin sana ni Kael nang bigla nalang nagawi sa akin ang paningin nya.
At hindi ko alam kung bakit bigla nalang syang natigilan habang nakatingin sa akin at naghahabulan parin sila sa ere.
Mukhang napansin narin ng ibang kasamahan nila na nakatingin lang sa direksyon ko si Kael kaya nagawi narin ang tingin nilang lahat sa amin.
Pero...
Napakurap nalang ako when all of a sudden and like a flash, Kael appeared right in front of me.
It happened so fast that I was stunned from where I'm sitting while I remained staring at his handsome face.
"You..." he whispered.
I blink.
"H-huh?" all I could react.
But then he grin and happily exclaimed.
"OH MY NASTASHA! I FINALLY FOUND YOU!"
I blink.
H-ha? N-nastasha?
But right after he exclaimed that ay narinig ko nalang ang mabilis na paglabas ng mga espada ng mga kasamahan ko including Alex na nasa likuran ko.
Of course, ganito naman talaga sila lagi. They are just so overly cautious when it comes to me.
Mukhang napansin din ng ibang kasamahan nya ang paglabas ng espada ng mga kasamahan ko kaya mabilis silang bumaba mula sa ere at ngayon ay napapalibutan na nila kami. They are growling to us like we are a threat to them.
But before any of us could react ay narinig ko ang malakas na palakpak na iyon.
"Oh geez..." that voice suddenly appeared in front of us. "Ganito ba ang dapat na pagtrato nyo sa inyong bisita?"
Sabay kaming napalingon ng mga kasamahan ko at nakita ko ang gwapong lalaking iyon na may blond na buhok.
Si Lucas.
He smiled to us.
"Forgive us" he said with a smile on his face. "Now, can we invite you into our manor for some cup of tea?"
******************
"I'm sorry for what happened earlier" ang nakangiting sabi ni Lucas habang ibinababa ang mga tea sa malaki at pabilog na mesa sa harapan namin.
Yes.
After that ay sumama nga kami sa kanila sa malaking mansion nila na nasa pinakadulo ng bayan na iyon.
Raven smiled to him.
"No, we should be the one who's apologizing for intruding your place without consent" Raven said.
And after Raven said that ay bigla nalang namin narinig ang pagtatalo na naman na iyon na nagmumula sa garden na katabi ng kinauupuan namin.
"Mas gwapo ako sayo! Yun ang sabi ni Mama!" si Kael. -____-
"Hindi! Mas gwapo ako sayo! Yun ang sabi ni Mama!" si Muris. -____-
"Pero mas maganda naman ang espada ko! Hmp!"
"Mas maganda ang espada ko! Gawa pa ito sa pinakamagandang metal sa buong Thrym!"
"Eh ano naman ngayon?! Mas maganda pa ang espada ko dahil gawa ito sa pinakamagandang metal sa BUONG VAMPIRE'S WORLD!"
Nakita kong napahawak nalang sa noo nya si Lucas mula sa kinatatayuan nya.
"Oh geez" he said. "Pagpasensyahan nyo na ang mga tarantadong iyan...mga isip bata lang talaga ang mga master ko..."
Tama. Mukhang magkaka-edad lang naman kami pero napakabata ng pag-iisip nilang dalawa.
But then my brows met.
"Master?" I said.
He smiled to me.
"Yes. I'am their butler" he said with a smile on his face. "And they are the Thrym Twins"
Mukhang nabigla naman kaming lahat sa sinabi nya.
"So..." si Cornelius. "Sa kanila ipinangalan ang lugar na ito?"
Lucas smiled.
"Yes. My masters are the owner of this place" he said.
Nabigla kami sa narinig.
So...sa magkambal na yun ang buong lugar na ito? Kaya pala takot na takot sa kanila ang mga bampira sa bayan. Dahil sa magkambal pala ang buong lugar na ito.
"I'am an Alethean. While they are Corrigans. Their mother is a human while their father is an Argon vampire" he said then looked at the twins who are now fighting again from the outside. "Those twins are so close before but look at them now..."
Napalingon nalang kaming lahat sa labas at...
Okay.
Halos makalbo lang naman ang lahat ng mga bulaklak na nanduon ng dahil sa paghahabulan nila gamit ang espada nila. At ang tinatamaan lang naman ng mga espada nila ay ang mga kawawang bulaklak. -____-
"So nasaan na ang mga magulang nila?" si Maalouf.
After hearing that ay doon na unti-unting nawala ang ngiti sa mukha ni Lucas.
"They died" he whispered.
Natahimik naman kaming lahat mula sa kinauupuan namin.
Napatingin nalang sa labas si Lucas at napatingin sa magkapatid.
"Their mother is a human but then she chose to live in this world with her family. Pero hindi rin nagtagal ay namatay din sya because a vampire drained her to death after knowing that she's a human" he said. "After their mother died, their father lost his mind and eventually died too."
Nabigla ako sa mga narinig ko.
Napakalungkot pala ng buhay ng magkapatid. They are both orphans.
Pero bakit lagi nalang sila nag-aaway?
"How about you?" ang lingon ni Lucas sa amin. "Who are you and what brought you here in our place?"
Sasagot na sana ako pero bigla nalang bumukas ang pinto at ang humahangos na si Kael ang nakita namin.
At nabigla nalang ako nang bigla nalang nya akong yakapin at parang batang nagsalita.
"Nastasha! Inaaway ako ni Muris! Huhuhuhuhu!" ang iyak nya na parang bata.
Oh geez.
He's a grown up looking man na parang batang nagsusumbong sa nanay nya.
At bakit ba nya ako tinatawag ng Nastasha ha?
Pero nabigla ako nang biglang maglabas ng espada si Alex na katabi kong nakaupo sa mesa na iyon at itinutok yun sa noo ni Kael.
"LET. HER. GO." he said while gritting his teeth.
Nanlaki ang mga mata ni Kael nang dahil sa sobrang pagkabigla. At nakita ko nalang ang unti-unting pagtulo ng dugo sa noo nya na tinututukan parin ng tip ng matulis na espada ni Alex.
Samantalang nakita ko na parang nag-alala si Lucas mula sa kinatatayuan nya.
"Alex" I heard Raven called him.
Pero hindi natinag si Alex sa pagtutok dito ng espada. At nabigla nalang kami sa natanggap namin na reaksyon mula kay Kael.
Nakita ko ang unti-unting pagkawala ng pagkabigla sa mukha nya at napalitan yun ng smirk.
"So..." he whispered gamit ang nandidilim na mukha na iyon. "...ikaw pala ang karibal ko sa Nastasha ko..."
"Kael..." I heard Lucas called him.
Nagtaas naman sya ng mukha at humiwalay sa akin.
He stood up properly and with a grim expression, pinunasan nya ang dugong tumulo sa noo nya at dinilaan yun.
Then he looked at Alex's emotionless face.
"Better sleep with one eye opened. Or you might never know what will happen while you're sleeping" he warned saka tumatawang naglakad paalis.
Okay. What was that? -____-
Pero bigla din syang tumigil sa paglalakad nung nasa pintuan na sya at nilingon si Lucas.
"Lucas, find a comfortable place for them" he said in that serious tone na nagpabigla sa amin. "Dumidilim na and I don't want my Nastasha spend the night on the road. And to you..."
Saka nya nilingon si Alex.
At nabigla nalang kami nang bigla nyang inilabas ang dila nya na parang bata.
"BLEEEEEEHHHHH....!!!!" ang pang-aaway nya kay Alex.
Napalingon nalang ako kay Alex at...
Nakita ko ang pag-iba ng ekspresyon ng mukha nya. I saw him gritted his teeth with that grim expression on his face while looking at Kael.
Oh geez. Wag nyang sabihin na napikon sya doon? -____-
"BLEH! BLEH! BLEH! MAS GWAPO AKO SAYO!" saka sya lumabas ng pintuan at inisara ang pinto.
Samantalang napakurap nalang kaming lahat na nanduon.
I heard Lucas sighed at napahawak sa noo nya.
"Yep" he said. "Lagi ko ring naitatanong sa sarili ko kung paano ba ako nakakatagal sa mansion na ito"
to be continued...