"Master, the city of Vedra has been destroyed by a huge fire"
Nakasilip ako sa may pinto ng malaking kwartong iyon habang nag-uusap sa loob ang mga magulang ko at ang nakatalikod na bampirang iyon. Parehong nakatayo ang Papa ko at ang nakatalikod na bampirang iyon sa tabi ng malaking bintana samantalang nakaupo naman ang Mama ko sa isang sofa.
Hindi ko rin alam kung bakit ako nandito.
Basta pagbukas ko ng mga mata ay natagpuan ko na ang sarili kong nakatayo sa may pinto at nakasilip sa kanila.
I know that I'am now under the power of esylium and this is my memory.
Nakita ko ang panlulumo sa mukha ng Papa ko mula sa narinig samantalang napayuko nalang ang Mama ko mula sa sofa na kinauupuan nya.
"Kasama ba ang dalawang bata mula sa mga naka-survive sa sunog na iyon?" ang tanong ni Mama.
"Yes my lady" ang sagot ng nakatalikod na bampira.
Hindi ko alam pero parang may kahawig ang boses nya pero hindi ko lang matandaan kung kanino. Hindi ko rin makita ang mukha nya dahil may itim na hood syang suot habang nakasuot ng itim na armor.
At...sila?
Sino ang tinutukoy nila?
Ito ba ang panahon kung saan bago lang nangyari ang pagkakasunog ng Vedra?
"Poor children..." my mom sadly said. "Their parents must be one of the Argons who died from that fire"
"I assume the same my lady" ang sagot ng nakatalikod na bampira.
Biglang nagawi sa direksyon ko ang paningin ng Papa ko. Mukhang napansin nyang nakasilip ako mula sa may pinto.
And then he smiled.
"Annah...come here child" he ordered me.
Doon ko lang napansin na may bitbit pala ang mga maliliit na kamay ko na isang malaking tray ng mga pagkain at hindi ko alam kung bakit may dala akong ganito.
Pumasok ako sa malaki at magarang kwartong iyon at nakangiting inalalayan ako ng Mama ko sa pagbitbit ng malaking tray na dala ko.
"My beloved child..." she softly said. "Saan mo ba dadalhin ang mga pagkaing ito?"
This is the first time na natitigan ko ng mabuti ang aking ina. She has this pairs of beautiful brown eyes and beautiful amber hair. Napakaganda nya...
Naramdaman ko ang excitement mula sa itinanong nya at hindi ko rin alam kung bakit ko ba nararamdaman 'to. Afterall...hindi ko na kontrolado ang emosyon at katawan ko dahil isa na nga lang itong memory.
I smiled at her.
"I'm giving it to my new friend" ang nakangiting sabi ko.
Hindi ko alam kung bakit after kong sabihin yun ay nakita ko ang pag-guhit ng pag-aalala sa mukha nya saka nilingon ang nakatayo kong ama.
But my father just smiled to her.
"It's okay Eries." he said.
Nagtaka ako.
Bakit nasabi ng Papa ko yun?
Napatitig nalang ako sa Papa ko at katulad ng sa mama ko ay ngayon ko lang sya natitigan ng mabuti. He has this silver hair and beautiful gray eyes.
Then he turned to me and gave me a smile.
"Okay go on child, he will be happy to have a new friend" he said. "After what happened to his family, he will need a new friend"
Nakaramdam naman ako ng tuwa mula sa batang puso ko.
"But please be careful on him, my lady" ang biglang sabi naman ng bampirang kasama namin doon.
Nagtaas ako ng mukha at doon ko lang nakita ng malapitan ang bampirang kanina pa kasama ng mga magulang ko.
Pero nabigla ako sa nakita ko.
Nakasuot sya ng itim na black armor at may blue rose na naka-engrave sa harapan ng armor nya. Nakasuot din sya ng hood kaya hindi ko makita ang buhok nya pero ang mas nagpabigla sa akin ay nang makitang nakatago ang mukha nya gamit ang isang gawa sa metal na mask.
And after seeing him, I just felt the cold chills that run up into my spine.
Oo. Sya yung lalaking nakita ko noon sa panaginip ko.
Pero dahil hindi ko kontrolado ang katawan ko ngayon ay nanatili lang akong nakatitig sa kanya at hindi ko alam kung paano nagawang ngumiti ng batang ako sa kanya.
"I will..." I said. "...Lucian..."
I couldn't believe into my own ears of what I heard I just called him now.
So this vampire who's now standing so close to me right now is the one who killed my parents and the one who's now searching for me just to kill me.
Pero hindi ko alam kung bakit magaan ang loob ko sa kanya ngayong nasa loob ako ng katawan ng batang ako.
Naramdaman ko pa ang pag-pat nya ng ulo ko.
"We don't want to see our young mistress to get be hurt by someone"
LIAR!
I wanna scream that to him right now. Gusto kong sabihin sa mga magulang ko ang mga nalaman ko tungkol sa kanya pero hindi ko kontrolado ang memory ko. Yes. All I could do right now is to helplessly watch on my own memory.
My mom turned to me and gave me the tray I was holding awhile ago.
"Now, give these to him child" ang nakangiting sabi nya. "I know he will be happy to see you"
***********************
Dahan-dahan akong pumasok sa malaking kwartong iyon.
Bitbit ko parin ang malaking tray na iyon na may lamang maraming pagkain at hindi ko alam kung para saan ang excitement na nararamdaman ko ngayon.
And then I saw that boy.
White hair.
And peaceful handsome face.
Oo. Yung batang lalaki na kahawig ni Feldor mula sa huling memory ko.
And until now ay napapaisip parin ako kung sino ba talaga sya.
Pero doon ko naalala ang narinig kong sinabi ni Mama kanina...
"Poor children, their parents must be one of the Argons who died from that fire"
Kung ganun...
Isa sya sa mga nakaligtas sa malaking apoy na tumupok sa Verda?
At children?
May iba pa ba syang kasama na dinala din dito?
Gamit ang maliliit na braso ko ay dinala ko ang malaking tray sa tabi ng malaking kamang iyon kung saan sya natutulog.
And then I turned to him.
Umakyat ako sa malaking kamang iyon at tinignan ang gwapo nyang mukha.
At ngayong natitigan ko na sya ng mabuti ay ngayon ko lang na-realize...
Parang may kahawig sya...
Pero nabigla ako nang biglang bumukas ang mga mata nya at agad na sumalubong sa akin ang malalamig na kulay asul na mga matang iyon.
And before I could react ay marahas nya akong hinila dahilan para mapahiga ako sa tabi nya. Wala narin akong nagawa nang daganan nya ako at marahas nyang hinawakan ang magkabilang braso ko.
Nagtaas ako ng mukha at ang galit na galit na mukha nya ang sumalubong sa akin.
"NASAAN ANG KAPATID KO?!" he screamed into my face. "KAPAG MAY GINAWA KAYO SA KAPATID KO, ISINUSUMPA KONG PAPATAYIN KO KAYONG LAHAT!!!"
Nanigas ako.
Kapatid?
May...
May kapatid sya?
Pero...
"Kuya!" ang biglang sulpot ng batang boses na iyon.
Sabay kaming napalingon sa pinto kung saan nanggaling ang batang boses na iyon.
At agad na nanlaki ang mga mata ko nang makilala ang batang lalaking yun.
Black hair.
And beautiful emerald eyes.
Hindi maaari...
When the white haired boy saw him ay agad nya akong binitiwan at mabilis na tumakbo sa bagong dating.
Sya si...
"ALEX!" the white haired boy screamed his name at niyakap sya ng mahigpit.
Oo.
Ngayon ko lang naintindihan kung bakit sila magkahawig...
Nakita kong napalingon sa akin ang magagandang emerald eyes na iyon. And while holding into him ay lumingon din sa akin ang cold blue eyes ng batang nakayakap sa kanya kaya ngayon ay dalawa na silang nakatingin sa akin.
At ngayong natitigan ko na sila ng mas mabuti ay mas naintindihan ko kung bakit sila magkahawig at kung bakit magka-parehong magka-pareho sila ng laki at pangangatawan...
They are twins.
Yes. Alex has a God damn twin!
Alex looked at me in awe. And in a gentle and innocent voice, he spoke...
"Is she an angel?" he said then call his name. "...Light?"
********************
Napabukas ako ng mga mata at ang liwanag na nagmumula sa bintana ang agad na sumalubong sa paningin ko.
Nagpalinga-linga ako sa paligid at nakitang nasa loob ako ng isang simple at maliit na kwarto.
Teka...
Nasaan ako?
Naupo ako mula sa pagkakahiga at nahawakan ang ulo ko. Pakiramdam ko ay sumasakit yun sa mga bagong naalala ko...
Hindi parin ako makapaniwala sa huling naalala ko...
Oo.
May kapatid si Alex.
He has a twin brother by the name of Light.
Pero nasaan na ang kapatid nyang iyon?
Bakit hindi sila magkasama ngayon?
At bakit...
Bakit iniiwasan nyang mapag-usapan ang kapatid nya?
At mula sa naalala ko...ay kasama silang magkapatid sa naging biktima ng malaking apoy na tumupok sa Verda.
Napalingon ako uli sa paligid.
Ang isa pang nagpapagulo sa isipan ko ngayon ay kung nasaan ako...
At ngayon ko lang naalala...
Nahiwalay pala ako sa ibang kasamahan ko at ang huling natatandaan ko ay ang magandang babaing iyon na naglagay ng esylium sa akin.
Pero sino ba sya?
Sino ang babaing iyon at mukhang kilala nya ako?
Ang dami ng tanong na bumabagabag sa isipan ko and it is very frustrating na wala akong makapang sagot...
Gustong-gusto ko ng maalala ang lahat para matapos na ito pero mukhang matatagalan pa muna bago mangyari iyon.
"Gising ka na pala..." ang biglang sulpot ng mahina at mahinhin na boses na iyon.
Agad akong nagtaas ng mukha hoping na sya ang babaing naglagay ng esylium sa akin.
But into my dismay ay ibang babae ang nakita ko.
She has beautiful long black hair and and dazzling raven eyes that's now looking at me with a smile on her beautiful face.
Nakita kong may dala syang isang baso.
Nabigla ako.
Dahil malayo pa man lang sya ay naamoy ko na ang amoy ng dugong iyon na nanggagaling sa baso.
What's happening to me?
She smiled at me.
"I know you're thirsty..." she said.
Napatingin ako sa sarili ko at nakitang hindi ko na suot ang cloak ko and ngayon ko lang na-realize. I'm fully exposed now to this vampire!
Pero nagtaka ako dahil hindi man lang sya natinag na tao ako. At bakit nya ako binibigyan ng dugo?
"Who are you?" I asked her.
Nakita kong lumapit sya sa akin dahilan para mapaatras ako sa kama ko.
Now that I don't have the Arcadian Knights with me ay hindi ko alam kung ano ang pwede nyang gawin sa akin.
But she just gave me that kind smile.
"My husband found you on his garden last night so he brought you here" she said saka inilapag sa katabi kong mesa ang baso ng dugo.
Husband?
Napatitig ako sa kanya.
Mukhang magka-edad lang din naman kami pero may asawa na sya?
"You're not bothered?"I asked her.
Mukhang nagtaka sya sa tanong ko.
"Bothered for what?" she asked.
"Bothered that I'm a human?" ang diretso ko ng tanong.
Afterall ay alam kong alam narin nya na tao ako.
Mukhang mas lalo syang nagtaka sa sinabi ko.
But then slowly...
I saw her smiled at me.
"I think you're not fully recovered for thinking that you're a human..." she said then sat beside me. "Human doesn't exist in this world, you know that..."
This time ay ako naman ang nagtaka.
Ano ba ang pinagsasabi nya?
Of course, I'm still a human! At alam kong naaamoy nya ang human scent ko ngayon.
"What are you saying?" ang taka kong tanong.
Nakita kong tumitig sa akin ang magaganda nyang mga matang iyon na para bang hindi narin nya ako maintindihan.
But then slowly...she smiled at me at parang natatawa pang may kinuha mula sa mesa na katabi namin.
At nagtaka ako nang makitang salamin iyon.
And then she turned to me and smiled.
"I think this will prove you that you're a vampire" she said then raised the mirror in front of my face.
Nagtataka naman akong napalingon sa salamin at tinignan ang sarili kong repleksyon mula doon.
And what I saw next stunned me and froze me from where I'm sitting.
"You're a vampire..." she whispered.
Yes.
She said that.
And I could also say that.
Because right now...what I 'am seeing from that mirror is the image of me...
But something is different from me...and that is...
My red eyes.
to be continued...