Ini-expect ko na dahil isa akong captured person ay ikukulong nila ako sa dungeon na kagaya ng mga napapanuod ko sa movies.
Pero...
Anong ginagawa ko sa harapan ng salamin na ito at inaayusan ng mga babaing ito?!
Oo, pagkarating ko dito ay bigla nilang akong ipinasok sa marangyang kwartong ito at nabigla ako nang magsidatingan ang tatlong babaing bampirang nasa tabi ko ngayon.
Wala narin akong nagawa nang pilitin nila akong magbabad sa bath tub na may rose petals kanina. At ngayon ay pinasuot pa nila ako ng isang damit na halos makita na ang kaluluwa ko.
Bakit?
Isang tube na tanging ang dibdib ko lang ang natatakpan ang pang-itaas ko. Isang mahabang palda naman ang pang-ibaba ko at abot hanggang sahig yun sa haba. Para akong nakasuot ng mga isinusuot ng mga babaing nagbe-belly dancing sa Arabian stories.
Napapansin ko rin na kanina pa ako nakakuha ng atensyon sa mga bampirang nandito. Na parang ito ang unang beses na nakakita sila ng tao. Oh geez. Oo nga naman. Baka kami palang ni Bea ang taong nakapasok sa mundong ito.
Kung alam lang sana nila na hindi ako tao...
At ngayon ay nakaharap ako sa salamin habang nilalagyan nila ako ng kung anu-ano sa mukha. Inilugay din nila ang mahabang buhok ko at kasalukuyang sinusuklay ito ng isa sa kanila.
"So this is the sweet smell of a human..." ang namamanghang sabi ng nagsusuklay ng buhok ko.
"I didn't know that Prince Maalouf has a taste for a human..." ang sabi naman ng isa.
"Maybe she'll join the Prince harem after this night..." ang sabi naman ng isa at doon sila naghagikgikan.
My brows met from what I heard.
Harem?
Diba yun yung grupo ng mga asawa ng mga royal kings or prince?
At teka, bakit naman ako isasali ng Prinsipeng yun sa harem nya? Pero hindi. Malabong mangyari yun. Maniniwala pa ako kung ang sinabi nila ay ako ang ise-serve na pang-dinner sa Prinsipe ngayong gabi.
Biglang bumukas ang pinto ng malaking kwartong iyon at isang naka-armor na sundalo ang pumasok.
"Prince Maalouf has ordered for your presence" ang sabi ng lalaki sa akin.
Okay.
Hinga ng malalim Annah.
Kaya mo 'to.
Tama. Kailangan kong mahanap ang esylium sa lugar na 'to.
Focus Annah. Focus!
Tumayo ako mula sa harapan ng mga naghahagikgikan paring tatlong babaing bampirang iyon habang nakatingin sila sa akin na para bang kinikilig sila.
Ano bang problema nila?
Nang makalabas ako sa kwartong iyon ay sumunod na ako sa bampirang sumundo sa akin at ngayon ay naglalakad na kami sa hallway na yun.
I was expecting na isang madilim at nakakatakot na lugar ang loob ng palasyo kagaya ng napapanuod kong mga horror movies o mga vampire movies.
Pero hindi.
Nang makapasok ako sa loob ng palasyo kanina ay hindi ko mapigilang mamangha sa karangyaan na nakikita ko.
There are chandeliers, luxurious surroundings at napakaliwanag sa loob. Para akong pumasok sa kaharian ng ginto ng dahil lahat dito ay kumikinang. May mga paintings din ng mga bampira sa hallway na nilalakaran namin ngayon at marami ding kwarto sa loob.
Oh geez.
Sa tingin ko ay mahihirapan ako sa paghahanap nito.
Idagdag mo pa na sa bawat hallway ay nakalinya ang mga naka-armor na mga sundalong yun. Oo, mukhang high-secured palace ito.
Lumiko kami sa isang hallway at tahimik lang kaming pareho ng bampirang sinusundan ko.
Pasimple akong lumilingon-lingon sa paligid, looking for any clues of esylium.
Kung talaga ngang nandito ang esylium ay baka nasa loob ito ng isa sa mga kwartong nadadaanan namin. Pero saan ba sa mga kwartong ito?
A breath of wind beholds the crown...
And then just idea went hitting on my head.
Hindi kaya...
Hindi kaya nasa korona na suot nila ang esylium?
Tama.
Yun nalang ang gagawin ko. Ang tignan ang koronang suot nila at baka ginawa lang nilang palamuti ng korona nila ang esylium.
Bigla kaming tumigil sa harapan ng isang malaking pinto. At sa pinto na yun ay may dalawang sundalo ang nagbabantay doon.
Binuksan nila ang dalawang pintong iyon.
"Your highness, the human is here" ang nakayukong sabi ng sundalong kasama ko.
Saka sya umalis sa harapan ko dahilan para makita ko na ng tuluyan ang kabuuan ng kwartong iyon.
But what I saw next made me tremble with fear.
There he is.
Sitting on a couch at napapalibutan sya ng limang babaing yun na katulad ko ng damit. Nakapulupot ang apat sa kanya at humahagikgik pa ang mga ito na para bang kinikilig.
Pero ang mas nagpagimbal sa akin ay ang makitang lahat sila ay dumudugo ang mga leeg at may bite marks ang mga leeg nila. At naramdaman ko nalang ang panlalamig nang makitang nasa kandungan nya ang pang-limang babae at kasalukuyan nyang iniinuman ng dugo sa leeg.
Parang gusto kong masuka sa nakakagimbal na eksenang nakikita ko.
Pero bakit ganun?
I can see pleasure into that woman's eyes habang nakakagat sa leeg nya ang Prinsipeng iyon.
Nagtaas ng mukha ang Prinsipeng iyon and suddenly I felt my heart racing with so much fear when those red eyes met mine.
Pero ang mas nagpabigla sa akin ay nang makita na ng tuluyan ang mukha nya.
Well...unfortunately, he's handsome.
Or more like, nasa GORGEOUS category na.
Oh well, what's with these vampires anyway?
I think Vampire men are all gorgeous on their own ways. I even forgot to mention Alex, Raven, Cornelius, Zeke at kahit na ang baliw na si Jared ay nabe-belong din sa category na yun. They are just so painfully beautiful kagaya nalang ng vampire Prince na ito. Sometimes I felt like I've been with a harem of goodlooking vampires sa tuwing kasama ko sila. And now, here is this Prince.
I saw he pushed away the woman he's holding at parang excited na napatitig sa akin.
I gulped when his red eyes looked at me with so much interest while there is still blood on his mouth.
"Get out" he ordered all of them.
I heard groan of disappoint from the five woman pero agad parin silang tumayo at naglakad palabas ng kwartong iyon habang dumudugo parin ang mga leeg nila.
Sumunod narin palabas ang bampirang kasama ko at narinig ko nalang ang pagsara ng pinto na nasa likuran ko.
Oh yes.
Now, kaming dalawa nalang ang natitira sa loob ng kwartong ito.
Sumandig sya sa couch at tinitigan ako ng mas mabuti. He looked at me from head to toe dahilan para maasiwa ako lalo na't hindi ata kaaya-ayang tignan ang damit na suot ko.
Oh gosh, ngayon ko pinagsisihan kung bakit hindi ako nanlaban kanina habang pinapasuot ng mga babaing yun ang damit na ito. Halos wala na ngang natatakpan ang damit na ito eh!
But still, I compose myself. Hindi ako dapat matakot.
He rose his head and now he's looking at me directly in my eyes.
Sinalubong ko naman sya gamit ang walang emosyon na mukhang iyon.
"It's really amusing to see a human for the very first time..." ang sambit nya then I saw him smirk. "But what's more amusing about you is I can't see any fear from you even though you're standing in front of a vampire..."
Itinaas ko ang kilay ko.
"Ano bang kailangan mo sa akin?" I asked.
Saka ko pasimpleng tinitignan ang paligid nya kung may korona ba syang katabi. Pero wala. Mukhang hindi sya nagsusuot ng ganun kagaya ng ibang royalties na napapanuod ko.
I felt my heart race nang bigla syang tumayo mula sa couch saka sya naglakad papunta sa harapan ko.
I really try hard to compose myself lalo na't sobrang lapit na nya sa akin.
Ngayon ko naintindihan ang ibig sabihin ni Alex.
Oo, hindi ko kilala ang prinsipeng ito. At hindi ko rin alam kung ano ang pwede nyang gawin kaya parang gusto ko ng pagsisihan ang pag-desisyon ko na sumama dito ng mag-isa.
Nabigla ako nang bigla nyang itinaas ang kamay nya saka ko naramdaman ang paghaplos nya ng buhok ko.
I gulped and I felt the chills it brought to my spine lalo na't damang-dama ko ang malamig na kamay nyang humahaplos pababa ng mahabang buhok ko.
And with that smirk on his face, hinawakan nya ang dulo ng mahabang buhok ko saka sya yumuko at nabigla pa ako nang amuyin nya yun. He inhaled the scent of my hair dahilan para magtayuan ang lahat ng balahibo ko.
"Hmm..." he groaned. "Oh this delicious sweet smell of a human..."
Delicious smell?
Diyos ko po. Ito na ba ang segment na iinumin na nya ang dugo ko? Alam kong mangyayari ito at akala ko ay handa na ako sa pangyayaring iyon pero hindi pa pala. Dahil ngayon ay pakiramdam ko ay nanghihina ang mga tuhod ko habang inaamoy parin nya ang buhok ko.
Nagtaas sya ng mukha at tinitigan uli ang mukha ko.
Agad ko namang pina-blangko ang mukha ko kahit na sa loob-loob ko ay parang gusto ko ng tumakbo sa takot.
I saw him smirk at nabigla ako nang bigla nyang hilain ang bewang ko and I gasped when he pushed me into the couch.
My eyes widened with shock and I panicked nang daganan na nya ako at hinawakan nya ang dalawang braso ko na nakataas para hindi ako makapanlaban.
T-teka...
A-anong...
A-anong ginagawa nya?!
"I know that we should do this after our marriage but I think it can't wait..." he said with that smirk on his face.
Ngayon ko na-realize kung ano ang gagawin nya kaya galit akong sumigaw.
"Let me go!" I yelled into his face at nagwala ako. "You perverted prince! Let me go!"
But it's no use.
Tao man sya o bampira ay you can never push the fact that he is a man while I'm just a lady.
"Oh no human..." he whispered while still holding my arms. "...you're mine now. And after this you will become my wife. A human like you in this vampire world will be a great collection into my harem"
Nanlaki ang mga mata ko nang dahil sa sinabi nya.
Gagawin nya akong...
Gagawin nya akong asawa nya?!
"Are you insane?!" I screamed into his face habang pinipilit paring makawala sa kanya. "Hindi ako papayag sa gagawin mo!"
But he just smirk.
"You will" he said.
And my eyes widened when he slowly leaned into me. At alam ko na kung ano ang gagawin nya.
Diyos ko! Ayokong mahalikan ng Prinsipeng ito! Kahit na gwapo sya ay hindi ako papayag sa gagawin nya!
Napapikit nalang ako nang makita kong unti-unti ng lumalapit sa mukha ko ang gwapong mukha nya.
And now he's so close...so close that I can already feel his warm breath on my face at alam kong any moment now ay mararamdaman ko na ang paghalik nya sa akin.
But then...
The door suddenly opened dahilan para matigilan sya sa itaas ko.
Dahan-dahan naman akong napabukas ng mga mata at nakita kong nakatingin na sya sa pinto.
Nakita kong nakakunot na ang noo nya habang nakatingin sa pinto.
"Feldor, what are you doing here?" ang kunot-noong tanong nya.
Eh?
Feldor?
Agad naman akong napalingon sa pinto habang hawak-hawak parin nya ang nakataas na mga braso ko at nakadagan parin sa akin.
And what I saw is that angelic face of a boy who's now standing on the doorway.
Sa tingin ko ay nasa edad sya ng mga pito hanggang syam na taong gulang. Nakasuot sya ng pantulog at nakatingin lang sa amin ang walang emosyong kulay blue na mga matang iyon. He has this beautiful white hair and I can't help but to think that he's so cute.
Pero teka lang...
Oh my God. Diba ang awkward na nakita nya kami sa ganitong posisyon ng Prinsipeng ito?!
Okay. Parental Guidance is recommended.
Mukhang na-realize din yun ng Prinsipe at hindi ko alam pero doon na nawala ang perverted look nya at biglang lumamlam yun habang nakatingin sa batang lalaki.
Binitiwan na nya ako at tumayo habang naiwan akong hindi parin makagalaw sa kinahihigaan ko.
"What are you doing here?" he asked in a soft voice saka naglakad papunta sa batang lalaki.
Hindi ko alam pero bigla nalang syang lumambot nang makita ang batang lalaki.
Nakita kong naupo sya sa harapan ng bata para magka-level sila.
The blue eyes of the boy looked at me before he spoke.
"This delicious smell woke me up..." he said while looking at me. "Can I taste her blood too?"
Pakiramdam ko ay bigla akong namutla sa narinig ko.
Gusto nyang...
Gusto nyang tikman ang dugo ko?
Pero ini-pat ng Prinsipeng iyon ang ulo nya at nabigla ako nang makita kong ngumiti sya sa bata.
"No...you can't taste her blood because she will become my wife tomorrow..." he said in a soft voice.
Nanindig ang balahibo.
At talaga bang tototohanin nya ang pagpapakasal nya sa akin?!
Diyos ko po. Ayokong maikasal sa manyakis na bampirang ito! Hindi pagpapakasal ang ipinunta ko dito kundi ang paghahanap sa esylium!
"Now, you should go to bed..." ang nakangiti paring sabi sa kanya ng Prinsipe.
Teka, sino ba ang batang ito at bigla nalang nag-transform ang pervert Prince na ito nang makita sya?
Nakita kong binuhat nya ang batang lalaki habang nakatingin parin sa akin ang asul na mga matang iyon.
At hindi ko alam pero naninindig ang balahibo ko habang nakatitig sa kanya.
I can sense something from this child.
Hindi ko lang alam kung ano yun. Pero habang nakatingin ako sa mga asul na mga matang iyon ay pakiramdam ko ay bumibilis ang tibok ng puso ko at hindi ko alam kung bakit.
Nilingon ako ng Prinsipeng iyon and with a smirk on his face, he spoke.
"I'll just take him on his room and when I came back, we'll continue where we dropped off" he said then wink at me with that perverted smile on his face.
Yun lang saka sya tumalikod habang bitbit ang batang lalaking iyon. Samantalang nakatitig parin sa akin ang batang lalaking bitbit nya habang naglalakad na sya palabas ng kwartong iyon.
At hindi ko parin alam kung bakit may kung anong emosyon ang bumabagabag sa dibdib ko habang nakatitig sa asul na mga matang iyon.
Ano ba 'tong...nangyayari sa akin?
*************************
Mag-isang nakatayo sa gitna ng madilim na paligid si Alex habang nakatunghay sa palasyo na malayo sa kanila.
Napagpasyahan nilang mamahinga muna nung gabing iyon sa isang tulugan na nasa lugar na yun at gumawa ng plano para masundan si Annah sa loob ng palasyo.
Pero sa bawat oras na lumilipas ay mas nakakaramdam sya ng kaba sa dibdib nya.
Lalo na't kilala nya ang Prinsipeng iyon.
Naramdaman nyang may tumayo sa tabi nya at tumingin din sa palasyo.
"Wala ka ba talagang balak na sabihin sa kanya kung sino ka ba talaga sa buhay nya?" ang sabi ng bagong dating.
Si Cornelius.
Hindi sya sumagot.
Nanatili lang syang nakatunghay sa palasyo kung nasaan ang babaing pino-protekhanan nya lang ng ilang taon.
And without saying anything ay tumalikod na sya at naglakad paalis.
Samantalang naiwang mag-isang nakatayo nalang doon si Cornelius habang sinusundan ng tingin ang papalayo ng si Alex.
Pero lumingon nalang sya uli sa palasyo at tahimik na napa-smirk.
"This is one of the reasons why I can't understand love..." he said.
to be continued...