Chereads / ANNAH: The Last Titanian / Chapter 23 - The True Identity

Chapter 23 - The True Identity

Madilim na ang paligid.

At katulad ng dati ay nanginginig parin ako sa sobrang lamig ng dahil sa walang tigil na pag-ulan ng snow.

Napagpasyahan naming mamahinga muna sa loob ng gubat na yun at doon muna palipasin ang gabi. Alam naming mahihirapan kaming hanapin dito ni Lucian kaya dito nila naisipang mamahinga muna.

Napahinga nalang ako ng malalim sa tabi ng bonfire na ginawa nila para sa akin at kasama kong nakaupo doon sina Bea at Rika.

Samantalang naghahanda naman ng makakain namin si Jared sa isang sulok at nagtutulong-tulong naman sa pagtayo ng tent sina Zeke, Raven at Cornelius.

Naging lookout naman sa paligid sina Andromeda at Bogs.

Bigla akong nagtaas ng mukha.

Teka...

Nasaan naman sina Alex at Maalouf?

Nilingon ko si Bea at magtatanong palang sana nang makita ko ang paglaki ng mga mata nya at ang pagtili nya.

"Oh my God! Sina Alex at Maalouf!" she screamed.

Napalingon naman ako sa tinitignan nya at agad na nanlaki ang mga mata ko nang makita ko sa malayo sina Alex at Maalouf. Sakal-sakal ni Alex si Maalouf habang nakatutok sa mukha nito ang apoy na nasa kamay nya.

Alex looked so pissed samantalang nakangisi lang si Maalouf sa kanya.

Agad naman silang sinaluhan ng iba at pinaghiwalay.

I just rolled my eyes.

Oh geez. BOYS.

Tumayo nalang ako at tinignan ang nangyayari.

Nakita kong inawat ni Raven si Alex at inilayo naman nina Zeke at Cornelius si Maalouf na nakangisi parin. Pero iwinaksi lang ni Alex ang kamay ni Raven na nakahawak sa kanya at naglakad na paalis.

Matapos yun ay iniwan na ng iba si Maalouf na naiwang mag-isa sa kinatatayuan nya at bumalik na sa kani-kanilang ginagawa.

Hays, so ano naman ba ang ginawa ng Maalouf na 'to at ganun nalang ang galit na nakita ko sa mukha ni Alex?

Napahinga nalang ako ng malalim at naglakad papunta sa kanya.

"What happen?" I asked him.

Napalingon naman sya sa akin and instantly, I saw that smirk on his face.

"Oh nothing..." then his brown eyes looked at me. "Napikon lang ata sya sa sinabi ko..."

My brows met.

"Ano na naman ba kasi ang sinabi mo sa kanya?"

He just turned to me and looked intently at my face. Then that familiar perverted smile drew up on his face.

"That you look so hot and I can't wait to see what's inside that cloak" ang nakangising sabi nya.

Sinasabi ko na nga ba.

Hindi talaga matitigil ang pagiging manyakis nya.

"Gusto mong utusan ko silang lahat na patayin ka this instant?" I've warned him. "I bet Alex will be so delighted to do that"

Pero lumapit lang sya sa akin at nabigla ako nang hawakan nya ang bewang ko at hinapit ako palapit sa kanya, making me smell his masculine scent at ramdam ko ang matipunong bisig nya na nakayakap sa akin.

Agad na nanlaki ang mga mata ko.

"What are you---"

"And you know you can't do that" he said with that smile on his handsome face.

Nagpumiglas naman ako sa hawak nya.

"And why?"

"Because you love me" he said.

Mas lalong nagsalubong ang kilay ko ng dahil sa sinabi nya.

"Ano bang pinagsasabi mo?" I asked. "Bitiwan mo nga ako!"

Napalingon ako sa iba.

Malayo sila at nandito pa kami sa madilim na parte ng gubat kaya walang nakakapansin sa amin.

Kaya nilingon ko sya uli at nagpumiglas uli.

"Bitiwan mo ako! Ano ba!" I yelled into his face.

"Hindi mo ba talaga ako natatandaan?" he cut me off dahilan para matigilan ako.

Nagtaas ako ng mukha at nakita kong seryoso na ang mga mata nyang nakatitig sa akin.

Yun ang unang beses na nakita kong mag-seryoso ang mukha nya kaya hindi ko mapigilang matigilan. At pakiramdam ko ay may sasabihin sya na mukhang importante.

"S-sino..." I whispered. "S-sino ka ba talaga?"

Come to think of it.

Sino ba talaga sya sa buhay ko noon?

At bakit ba sya sumama sa amin in the first place?

Anong dahilan nya para sumama sa paglalakbay at sa paghahanap ng ibang esylium?

His brown eyes looked intently at my face habang nakayakap parin sya sa akin. And in a serious voice...he spoke.

"I'm your long lost brother..."

***************

"I'm your long lost brother..." he whispered.

My eyes widened and I froze.

A-anong...

A-anong sabi nya?

Sya ang...

Sya ang...

But when I saw of how that big grin slowly drew up on his face ay doon ko lang na-realize ang lahat.

Sinipa ko sya sa binti at doon naman nya ako nabitawan.

"Ouch!" ang sigaw nya saka napahawak sa binti nya.

"LIAR!" I yelled. "Sa tingin mo, magandang joke yun?!"

I'm so mad right now.

He's playing with my memories!

Nagtaas naman sya ng mukha habang hawak parin ang nasipang binti nya at ngumisi.

"Hey! It was only a joke!" ang natatawang sabi pa nya. "Atsaka hindi ko matatanggap na magkapatid tayo noh!"

Pero galit na galit ako ngayon at the same time ay nahihiwagaan din kung sino ba talaga sya.

I don't know.

But I have this feeling na malaki ang parte nya sa buhay ko dati kaya lang hindi ko parin sya matandaan.

Urrgggh...I'm so getting impatient right now on finding the other esylium para maalala ko na ang lahat ng tungkol sa akin dati.

"Sino ka ba talaga?!" ang naisigaw ko. "Sino ka at ano ka sa buhay ko noon?!"

Nagtaas sya ng mukha at tumitig sa mukha ko.

And then tumayo sya ng maayos mula sa pagkakahawak sa nasipang binti nya at tumitig sa akin ang seryosong mukha nyang iyon.

"The truth is..." he whispered habang nakatitig sa akin. "...I'm your uncle"

For a moment ay natigilan ako sa sinabi nya.

Anong...sabi nya?

Sya ang...uncle ko?

Pero agad din syang ngumiti at nagsalita.

"Hindi, joke lang" ang sabi nya. "Ang totoo nyan, ako ang first love mo"

My brows met.

F-first...

F-first love?

Pero hindi pa man ako nakaka-react ay bigla syang tumawa.

"Hahahahahaha! Joke!" ang sabi nya pero doon biglang nagseryoso ang mga mata nyang tumitig sa akin. "Pero ang totoo talaga nyan...ako ang bloodmate mo"

This time ay nasapak ko na sya.

"Ouch!" he screamed.

Napakuyom nalang ako ng mga kamay and then I gritted my teeth.

"Pinagloloko mo ba talaga ako ha?!" ang sigaw ko saka ko sya sinabunutan sa buhok. "Kakausapin mo ba ako ng matino o kakalbuhin kita?!"

"Ouch! Ouch! Aw! That hurts! Ouch! Annah!" ang paulit-ulit na sigaw nya habang sinasabunutan ko sya.

Ang awkward siguro naming tignan ngayon.

Ang isang taong katulad ko ay sinasabunutan ang Prinsipe ng mga bampira na katulad nya. Just how weird is that?

"Ouch! Sasabihin ko na! Sasabihin ko na! Just let me go!" ang sigaw nya.

Agad ko naman syang binitiwan at doon na sya napaayos ng tayo habang hawak ang nasabunutan na buhok.

"Oh geez. You didn't change at all. You're still brutal as the last time we saw each other" ang nakangising sabi nya saka tumitig sa akin. "But that's one of the reasons why I love you so much"

Sinabi nya yun na parang wala lang.

Pero iba ang epekto nun sa akin.

Lalo na't yun ang unang beses na narinig ko yun sa kanya.

Natigilan ako at napatitig sa gwapo nyang mukha.

Sino ba talaga ang Prinsipeng ito?

He just stared back at me at doon sya napahinga ng malalim.

"Alright...sasabihin ko na" he gave up.

Hindi ako sumagot at nanatili lang akong nakatitig sa kanya.

Tumitig din sya sa akin at doon na bumalik ang pamilyar na ngisi nyang iyon.

"What's with the look? Bakit? Naiinlove ka na sa akin?" he said then wink.

I glared at him.

"Gusto mo ng mamatay?" ang banta ko.

"Okay, okay" he gave up then looked at my face. "Ako si Prince Maalouf, the heir of the throne of King Nolan of the Kingdom of Maleya. Magkaibigan na tayo simula palang nung mga bata palang tayo"

My brows met.

"That's it?" ang disappointed kong tanong.

His brown eyes looked at me and then he smiled at me.

At yung ngiti nya ay hindi katulad ng mga perverted smile nya na nakikita ko sa kanya. But it's true and genuine.

"I'am an Alethean and also the adopted son of King Nolan. Lagi akong isinasama ng Hari sa tuwing bumibisita sya sa inyo. At dahil doon kaya naging magkaibigan tayo pati narin ng ibang Arcadian Knights" ang dugtong pa nya.

Then ngayon ko lang naalala...

Agad akong nagtaas ng mukha at desperate na napatingin sa kanya.

"Then kung magkaibigan na tayo simula palang nung mga bata palang tayo, then kilala mo ang batang lalaking yun?" ang tanong ko. "Kilala mo ang white haired na batang lalaking nasa memory ko?"

But after I said that ay doon ko nakita ang unti-unting pagkakawala ng ngiti sa labi nya. At hindi ko alam kung imahinasyon ko lang ba ang nakita kong pagbaha ng sakit sa mga mata nya.

Pero agad parin syang ngumiti uli at tumitig sa akin.

"Mas mabuting ikaw na ang makaalala kesa kami pa ang magsabi sayo..." he whispered.

My brows met. Why do everyone kept on saying that?

Sino ba talaga ang batang lalaking yun at bakit ayaw nilang sabihin sa akin kung sino ba talaga sya?

Nagtaas ako ng mukha.

"B-but---"

"Annah" he called my name.

At hindi ko alam kung bakit bigla akong natigilan sa pagtawag nyang iyon sa akin.

Nagtaas ako ng tingin at nakita kong nakatitig na sya ng seryoso sa akin sa gitna ng madilim na paligid.

"Gugustuhin mo parin bang makaalala...kahit na puro masasakit na bagay lang ang maalala mo?" he asked.

Natigilan ako sa kinatatayuan ko.

At hindi ko alam kung ano ang isasagot ko.

Bakit ba nya...

Bakit ba nya nasabi yun?

But then he pats my head at ginulo yun. Napatingin naman ako sa kanya at nakita kong nakangiti sya.

"Wag mo ng isipin yun" he said saka nya binitiwan ang ulo ko at lumingon sa iba. "So...let's go? Umalis na tayo sa madilim na lugar na 'to at baka hindi ko mapigilan ang sarili ko na halikan ka dito habang wala si Alex"

I kicked him on his knees.

"Ouch!" ang sigaw nya habang hawak na naman ang binti nya. "Grabe! Ang sadista mo parin!"

But then doon ko lang naalala...

"Bakit ba parang ang init-init ng dugo ni Alex sayo ha?" ang tanong ko. "At bakit ka nya sinunog noong mga bata palang kayo?"

Nagtaas naman sya ng mukha at doon na naman bumalik ang ngisi nyang iyon.

"Uh...dahil hinawakan ko ang pwet mo noon habang naglalaro tayo?" he said.

And after hearing that ay sinipa ko sya uli.

"Hindi ka ba talaga titigil sa pagiging manyakis mo ha?! Simula pala noong mga bata palang tayo ay minamanyak mo na ako?!" ang sigaw ko habang pinagsisipa sya sa binti.

"Ouch! Ouch! Aw! Annah! Stop! Aw!" ang sigaw nya.

Doon ko naman sya tinigilan at asar na lumingon nalang sa mga kasamahan namin na nasa malayo.

Nakita kong magkatabi ng nakaupo sina Cornelius at Bea sa tabi ng bonfire at nakita kong nilalagyan ng uling ni Cornelius sa mukha ang mukhang asar na asar ng si Bea.

"Ano ba?! Tigilan mo nga ako!" ang sigaw ni Bea na may marami ng uling sa mukha.

Pero ngumisi lang sa kanya si Cornelius at ipinagpatuloy ang pagpahid ng uling sa mukha ni Bea.

"Bakit? Anong gagawin mo ha? Ano? Ano?" Cornelius teased her.

Nakita kong sinapak lang sya ni Bea at pagkatapos ay hinila nya paalis si Rika.

"Tara na nga Rika! We need to wash up!" ang sabi nya saka umalis.

Naiwan namang tumatawa si Cornelius mula sa kinauupuan nya pero tumayo parin at hinabol ang asar na asar na si Bea.

"Hey! Wait for me!" ang tumatawang sigaw ni Cornelius.

"Lumayo ka nga!" ang iritableng sigaw ni Bea.

At doon na sila nawala sa paningin ko.

"May mali talagang nangyayari dito..." ang biglang pukaw sa akin ni Maalouf na nakatingin narin pala sa mga kasamahan namin.

My brows met saka ako napalingon sa kanya.

"Anong sabi mo?" I asked.

Pero lumingon lang sya sa akin at ngumiti.

"Nothing" he said with that smile.

I just rolled my eyes at naglakad nalang pabalik sa mga kasamahan namin.

In the end ay hindi ko talaga makakausap ng matino ang Prinsipeng ito.

to be continued...