"Malapit na nga. Kayong lahat ba ang aalis?.." si tita ang bumasag sa nagyelong kapaligiran. Hindi magawang gumalaw ng aking mata. Natatakot may makita. Natatakot matagpuan ang kanyang matang nagtatanong. Di ko pa naman kayang sumagot kapag sya na ang nagtanong.
"Opo tita. Kaming lahat po.." sagot ni kuya Mark na nakiupo sa tabi ni Ate Cath na malungkot ang mukha. Hindi mawala ang tingin nito sa kanya. Hanggang sa pag-akbay ni kuya.
"Yun kasi ang gusto ni Papa. Kaya wala kaming choice.." Kay ate Cath na sya nakatingin. Nagpapaliwanag. Ngunit hindi pa rin nagbago ang mukha ni ate Cath. Seryosong nakatingin kay kuya.
Mahabang katahimikan na naman ang bumalot samin. Muntik na akong nabingi kung di pa nagsalita si, O my gosh!. His voice!. Parang bumbilya, nagbigay liwanag sa nagdilim kong isip.
"Paano na ang pag-aaral nyo.." Anya. Dun lang rin ako nag-angat ng ulo. Eksaktong tumama pa sa kanya. Nagkatitigan kami. Damn his eyes!.. It's making me shiver. Really hard!.
Seconds. . .
Minutes later . .
Someone broke the electricity between ours.
"Ano ba kayo?. Birthday to ni Niko, dapat masaya tayo.. diba?. Di ba?.." tumayo si Billy sa gitna. Pilit pinapagaan ang paligid. Si tita, bumalik muli sya ng kusina matapos ayusin ang hapag.
"Oo nga.. Haha.. Paki-on na yung videoke. Kantahan nalang tayo. Habang wala pa sila Aron.." nakisama si kuya Lance kay Billy. Pumunta sila sa dulong bahagi. Pwesto nina Jaden. Dun nakatayo na ang machine. Binuksan nila ang karaoke saka pumili ng mga kanta.
Maya maya pa.
Dumating na sina Aron. Kasama si Poro at ang grupo. "Ang tagal nyo naman.." reklamo agad ni kuya Mark sa kanila. Nagtapikan ang mga ito.
"Pasensya na. Traffic kasi. Sinundo pa namin itong si Poro. Nakipagdate pa kasi e kahit malayo pa ang valentine ..haha.."
"Ang sabihin mo, inggit ka lang.." Ani Poro. Saka nakipag-apiran kay kuya Lance na galing sa may machine.
"Oh. Hi Bamby. It's nice to see you here...hehe.. Jaden, okay ka lang?..." si Aron. Matapos akong batiin. Bumaling naman ito sakanya na ipinagtaka ko ng todo. Ano bang meron?.. Gaya kanina, hindi na naman maipinta ang mukha nya. Umiwas pa sa mga bulong ni Aron. Natatawa lang ang kaibigan nya sa kanya. Ano to?.. Gusto ko ring matawa o kiligin. Pero paano?. Ayokong umasa sa mga bagay na walang kasiguraduhan. Lalo na sa tao, na pabago bago.
"Ayos naman ako." garalgal ang kanyang boses. Parang pinilit lang sumagot. Damn!. Bat ka pa kasi sumagot e. Sana ako nalang sinagot mo.. Hell shit Bamby!. Will you please stop assuming!.. Stop...
"Happy birthday to you!.." may nag-umpisang kumanta. Si Ate Cath pala. Hindi ko man lang napansin ang pag-alis nya sa tabi ni kuya. Hawak nito ang cake na may kandilang nakasindi sa gitna. Karga ni Jaden si Niko na ngumunguya pa ng fries. Ayaw paawat sa pagkain. Ang cute.
Kinantahan ng lahat.si Niko. Maliban sakin. Masaya naman ako para kay Niko, wish ko pa nga, maging malusog at lumaki syang masunurin. Ngunit, may bahagi saking puso ang malungkot dahil sa nalaman kanina. Sabihin na nating it's complicated ang status ng isip ko ngayon. Dahil masaya ako na malungkot. Masaya ako dahil sa wakas napuntahan ko na rin ang bahay nya at nasakay pa sa kanyang motor. That's totally a dream come true for me. For my little foolish heart. Kalahati naman ng isip ko ay ang lungkot. Dahil dalawang buwan nalang simula sa araw na to, aalis na kami. Iiwan Ang lahat at magsisimula sa umpisa, ng hindi sya mkikita. Ampusa!. Ngayon palang, naiiyak na ako.
O my gosh!. Sana lang, kayanin kong iwan sya rito.