Chereads / CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED) / Chapter 57 - Chapter 57: Over kilig

Chapter 57 - Chapter 57: Over kilig

Kaunti palamg ang mga estudyante pero lahat ng mga yun, nakatingin samin. No pala. Sa kamay nya na nasa balikat ko.

Gosh!. Kinikilig ako. Gusto kong sumigaw.

Waaa!!!.....

"Uy Jaden, basket-.." Hindi natuloy ni James ang akmang sasabihin sa kanya. Basta nalang itong sumaludo sakanya sabay alis ng di natatapos ang gustong sabihin. Weird.

"Bro, offensive foul ka na.. baka pagalitan ka ni coach.." tinawanan sya ni Aron saka tumingin sakin na kumindat pa. Gaya ni James na kabarkada nya rin sa school. Umalis na rin pagkatapos syang batiin. Kaya marami syang kabarkada, player kasi ito ng archery sa school. Kakatapos nilang lumaban ng division fight sa ibang school. Panalo pa. Isa rin kung bakit marami syang admirer, tulad ko. Ehem!..

Nakakaloka.

"Hoy Jaden, bilis na. Maglilinis ka pa. Hahaha.." si Bryle na nagdidilig na ng halaman. Nilampasan na namin.

Nagkibit lamang ito ng balikat. Ako kanina pa hindi malunok ang laway sa lalamunan. Bumabara sa kilig at kaba.

Habang patuloy sa paglalakad. Yung mga mata ng mga babae. parang mga patalim. Kung kutsilyo lang ito. Kanina pa ako bulagta sa sahig. Duguan. Ang tatalim ng titig e. Di ko kayang salubungin.

"Ah.. Jaden.." nang di ko na kayang lunukin ang mga tinging nakapukol samin ngayon. Ampusa!.. Baka maamok ako dito bigla. Di na makapunta ng Australia..

Bumagal ng bahagya ang kanyang lakad. Sumabay rin ako sa kanya. Dinungaw pa ang mukha ko. Tuloy parang ayoko ng magsalita ulit.

"Bakit?.." may ngiti sa kanyang labi.

Pasulyap sulyap. Wala akong lakas ng loob na titigan sya. Para syang araw, masarap sa mata pero masakit titigan.

Yung ngiti ko, ang hilaw. Ang plastik. Sunugin kita dyan e. Umayos ka nga Bamby.. How?..

"Hehe.. Yung kamay mo kasi.." so awkward. Ampusa!..

"Ha?.. bakit?.." taka nitong tanong. Mas lumapit pa sakin. Damn boy!.. Nalulunod na ako sa kaba.

"Baka kasi may magalit.." grabe. Yung dila ko, hindi talaga marunong makisama sakin. Lagi nalang utal.

Tumingin sya ng matagal bago tumawa ng malakas.

Binigyan ko sya ng takang mukha. Anong nakakatawa?. Turuan mo nga ako kung paano tumawa sa harap mo.. Please.. Oh damn!.. Magtigil ka nga Bamby. Focus!..

Naningkit ang kanyang mga mata.

"Haha.. sino naman?.."

"Si --Denise.." pabitin kong sambit sa pangalan. Natigilan muna sya ng kaunti bago umiling at ngumiti.

"Haha.. Bakit naman sya magagalit?.." Really?. Hindi mo alam?. Hindi ko masabi ito dahil sa hiya.

"E kasi... diba... kayo na..." kayhirap palang sabihin sayo na mayroon ka ng iba. Ganun ba talaga kahirap aminin na gusto rin kita?.. Hell ssshhh!...

Nawala ang maganda nyang ngiti. Kung kinakabahan ako kanina, ngayon, sobra na ang kaba ko. Kulang nalang nawalan ako ng malay. My goodness!..

Yumuko sya ng bahagya upang pumantay ang aming paningin. Natutuyot lalamunan ko. Tubig po. Tinanggal nya ang kamay sa balikat ko saka hinawakan ang aking ulo.

"Wag kang mag-alala. Walang magagalit kasi hindi naman kami. Walang kami. Alam mo kung bakit?.."

"Bakit?.."

"Dahil may gusto na akong iba.. at hindi sya.." tuluyan na nyang ginulo ang buhok ko bago muli umakbay.

Oh my God!!...

Ang init ng pisngi ko. Hindi na ako makahinga. Bumibigat bawat pagsinghap ko ng hangin. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwalang may gusto syang iba. Sino naman kaya sya?.. Ang swerte naman nya. How I wish na ako nga yun. Sana.

"Bamby?!.." tili agad ni Winly ang bumungad sakin sa labas ng room. Akbay pa rin ako ni Jaden.

"Ah. Jaden. Dito nalang. Salamat.." pilit na ngiti ang kumawala sakin. Wala e. Sabi ko naman, sya ang kahinaan ko.

Inalis nya ang kanyang braso saking balikat tapos umayos ng tindig.

"Hi Jaden.." bati pa ni Winly pero hindi nya ito pinansin. Nasa akin lang ang kanyang paningin. Damn!. Ganun ba ako kaganda?. Oh Bamby!. Shut up!.. Lols.

"Ahh sige na. Una na ako.." mabilis itong tumalikod at nagmartsa papuntang room nila. Pero, wala pang isang minuto.

"Bamby.." tawag nito sakin. Nagtataka akong lumingon sa kanya. "Antayin kita mamayang uwian sa parking lot.. bye.."

Tuluyan na nga akong nanigas sa kinatatayuan ko. Ano nga ulit yun?.. Aantayin nya ako sa parking lot?. Totoo ba to o nananaginip lang ako?..

Wake me up now.