Buong araw akong nakangiti. Kahit napagalitan. Kahit mababa nakuha sa quiz. Kahit pa sunog yung binake na cookie. Suot ko pa rin ang magandang ngiti. Hindi mawala wala.
"Mukhang maiiwan akong NBSB ngayong taon.."
"Ha, bakit naman?.." Ani Karen sa pag-iinarte nito. Nasa loob kami ng room. Naglilinis. New assign area namin.
"Kasi gurl, may isa dyan, sila na ata. Di man lang nagsasabi. Alam mo yun?.."
Ang bakla. Tinarayan pa ako.
"Hahahahaha.. Kaya nga e.."
"Ewan sa inyo.." sabay iling ko. Di pa rin mapawi ang magandang ngiti.
"See?. What?.. My goodness!.. Pinagkanulo tayo ng kaibigan mo.. Manalangin ka na Karen.."
Sabay kaming humagalpak ni Karen dahil sa kaabnormalan nya. Iilan lamang kmaing nasa loob ng room. Ako, si Karen at tatlo pang kagrupo. Yung tatlo, umalis na. May praktis daw ng sayaw. Si Winly, kanina pa tapos sa area nya. Wala naman daw dumi. Kaya chill lang sila.
"Ehemm!.." mula sa gilid ng aking mata. Tanaw ko si Joyce na pumasok, kasama ang bago nyang mga kaibigan, daw?.. Na kaklase rin namin.
"Uy ano yung narinig namin. Kayo na ba talaga ni Jaden?.. Paano si Ace?.." Isa sa mga kasama ni Joyce. Maiksi ang buhok na medyo chubby. At gaya rin nyang, madaldal.
Noong una, Akala ko kay Winly sya nagtatanong, noon ko lang narealize na, ako pala ang kinakausap nya nung nadinig ang pangalan ni Ace na bigla nalang umalis ng bahay nung isang araw. Nagkukumahog. Ang sabi, kailangan na raw nyang bumalik ng bahay nila dahil uuwi daw yung kuya nyang galing Australia. Di na namin pinigilan. Ayaw papigil e.
"Bamby, kayo na ni Jaden?. Pero sila pa ni Denise, tapos kayo naman ni Ace.." sa himig nito para akong nabuhusan ng nagbabagang yelo. May kasama pang tubig. Cold.
"Huy gurl, ano yan ha?.. wala bang preno yang bibig mo?.." inis na suway ni Winly sa kanya. Sasagot na sana si Winly sa kanya pero pinigilan ko sya sa braso.
"Bakit anong problema?.." kalmado kong tanong. Bumuntong hininga ito na para bang ang laki ng kanyang problema sakin. Crazy bitch..
"Totoo ba?. Na kayo na ni Jaden?.." aba. Matinde. Inulit pa talaga. Ang lakas ng apog nya.
Mabilis tumalim ang mata ko patungo sa kanya. Tapos tumagos sa kanyang likod. Kay Joyce. Speak now, witch. The way she stare at me, I knew. May nangyayari na naman sa labas ng room. Ampusa!. Mga tsismosa..
"Anong problema kung totoo nga?.." asar ko. Para makita reaksyon nila.
Humagalpak ito ng tawa. Kasama pa ng mga kasama nya. Apat sila. Kabilang ang dati kong kaibigan na hindi ko makuha kung anong nangyari sa kanya.
"Really?.. Paano mangyayari yun kung sila pa ni Denise?.. So you mean totoo nga yung balita na timer ka?..." damn her!..
"Bastos!.." sigaw ni Karen.
"Sya ang bastos hinde ako. Alam na ngang may jowa yung tao. Lumalandi pa. At take note ha, may jowa ka rin te. Mag-isip isip ka nga?.." tinuro pa ako ng lintek na babae. Nakakahigh blood. Brrrrrr!... I need water and air to calm my boiling temper. Breathe Bamby. Inhale. Exhale. Now, you can think, clearly.
"Sa tingin mo, sinong bastos sating dalawa?. " natahimik ito. Pati ng mga galamay nya. Mga pusit!.."Dinuro pa ako. Nice act po. How can you accused me without any clear evidence ha?. Asan ang salitang hindi bastos dun?. Sabihin mo nga?.."
"Hindi... hindi na kailangan pa ng ebidensya. Para saan pa kung nakita na ng iba.."
Ako naman ngayon ang tumawa ng malakas. Tagos hanggang ribcage ko. Oa Bamby!..
"Really?.. Sa panahon ngayon, kung nasa korte ka. Kanina ka pa natalo. Hindi ka bagay maging abugado gurl.." humagalpak ng tawa sina Karen at Winly sa gilid.
"Kailan pa nakita ng lahat na timer nga ako?.."
patuloy ko.
"Like hello?.. Lutang ka ba kanina?.. Akbay ka ni Jaden, habang kayo ni Ace.."
"Sa tingin mo ba, magpapaakbay ako sa kanya kung may relasyon kaming dalawa ni Ace?.. Hindi?. Kasi ayoko. Kasi may masasaktan ako. Hindi ako tanga. Like hello?.. Hindi ako yung tipo ng tao na nanloloko."
Tumawa na naman sya. Biatch!..
"Hindi ba panloloko na ang ginagawa mo?.."
Sa pagtitimpi ko, pumutok rin ang galit sa dibdib ko.
"Saang banda ako nanloko?. Una, hindi kami ni Ace. Walang kami ni Ace dahil kaibigan ko sya na parang kapatid. Pangalawa, si Jaden?. Kahit kailan hinding hindi ko magagawang lokohin ang taong yun dahil kaibigan sya ng mga kapatid ko."
"Very well said..." sarkatiko nyang sambit. Bwiset!...Sarap sabunutan. "Sinong maniniwala sayo?..Si Jaden nga naloko mo, pero hinde kami.." umirap. Nag-walk out sabay wasiwas ng buhok. Dammmnnn...
Si Joyce, sumunod naman sa kanya na parang tupa. Nakayuko itong maglakad. Gusto ko syang habulin at kausapin pero nagpupuyos pa rin sa galit ang dibdib ko. Baka mag-away lang kami.
May mga tao talagang kahit anong paliwanag mo, sarado pa rin ang kanilang isipan kasi nga may iba silang paniniwala. O sabihin na mating, hindi lahat ng tao gusto lahat ng ginagawa mo. Sa sampung tao, may anim ang hindi sang-ayon sayo. Sa apat na natitira, sila yung bukas ang isip at naiintindiha ang kalagayan mo. Ganun umiikot ang mundo.