Mabilis akong inalo nina Karen at Winly. Niyakap ako patagilid. Yung tatlong kagrupo namin, lumapit rin samin.
"Uy, Bamby. Okay ka lang?. Ano ba kasing nangyari?. Lumalala yang isyu mo ha.." anang isa sa kanila. Nanlabo agad ang paningin ko.
"Sssshhhh..." suway sakanya ni Winly. Tumahimik naman ito. Pero yung luha ko, hindi ko na napigilan pa. Tuluyan nang nahulog kahit ayaw ko pa..
"Ssshhh. Tahan na. Wag ka ng umiyak.." yakap pa rin ako ni Karen. Si Winly kumalas ng yakap bago hinimas ang aking likod. Pinapakalma.
Kahit kailan, hindi ko ginusto ang atensyon ng ibang tao. Kahit pa nilang dalawa. Oo, si Jaden, sabik ako sa atensyon nya pero hindi yung ganito na lagi nalang problema ang dulot sakin. Nakakapagod na. Gusto ko ng sumuko. Ngunit itong puso ko, nagpapakamartir. Kahit pa nasasakatan na, habol pa rin, ay sya.
"Bamby!..." biglang sumulpot ang bulto ni Ace sa pintuan. Hinihingal ito. Halatang galing sa pagtakbo.
"Shit!.." malutong nyang mura ng makita ako.
Ampusa!. Nakita nya akong umiiyak. Mabilis kong pinalis ang luhang dumaan saking pisngi.
Tumayo sya ng ilang minuto sa kanyang pwesto bago tuluyang lumapit samin. Sakin. Na nag-aalala na ang mukha.
"Damn!..." patuloy nitong mura. Umatras ako dahil ayokong makita nya ang pag-iyak ko. Kahit kailan, di ko pa pinakita sa iba kung pano ako nasasaktan. Ngayon lang. Tapos, nakikita pa nya. Parang ako ang nasasaktan sa mukha nyang luno ng galit at pait.
"Bamby.." tawag nya sakin pero umatras muli ako. Iniiwasan ang kamay nyang hahawak sana sakin. "Hell shit!!..." salubong na ang makapal nitong kilay. Hindi ko maintindihan kung bakit patuloy pa rin ang mata ko sa pagluha. Ampusa!.. Calm your mindi Bamby. Or else, you'll make scene here.
Wala na nga akong nagawa ng tuluyan na syang nakalapit. Wala na rin akong maatrasan kung kaya't naabot nya na ako. Mas nagtubig pa ang gilid ng aking mata. Hindi na makatingin sa kanya.
Hindi sya nagsalita. Pinanuod nya lang ako. Tumatanya. Hanggang sa hawakan nito ang pisngi ko saka pinunasan ang aking luha.
"Bamby!.." Ang boses na yun. Parang baril, isang kalabit lang, natamaan na ako. Kumawala ang hikbing kanina ko pa nilulunok. Sobrang sakit sa lalamunan.
"Gago!.." mabilis nitong kinwelyuhan si Jaden na kakapasok lang. Tinulak nya ito. Tapos idiniin sa green board.
Sobrang higpit ang hawak ni Ace sa kanyang kwelyo. Dahilan para lapitan ko sila. "Ace..." pigil ko sa kamao nyang lumalabas na ang mga ugat sa higpit nito. Damn!.. Bakit nangyayari ito?.. Parang wala syang narinig na salita mula sakin. Bagkus, mas itinaas pa nya si Jaden. My goodness!.. Ace please stop!.. You're killing me too.. Di ko masabi ang laman ng aking isip. Natatakot ako sa anu pang mangyayari..
"Pare ano ba?.." kalmadong suway ni Jaden sa kanya pero hindi pa rin ito nagpatinag.
"Gago ka.." galit na galit nitong sigaw. Mas lalong bumuhos ang luha saking mata. Ano ng gagawain ko?..
"Anong sinabi mo?.."bigla ay sinagot din sya ni Jaden.
"Gago ka!!..." tinulak ng napakalakas ni Jaden si Ace. Tumilapon ito sa inayos naming upuan kanina. Oh shit Bamby!.. Wag Kang umiyak dyan. Awatin mo sila...
"Jaden, tama na.." sa kanya ako lumapit dahil alam kong mas kalmado ito kaysa kay Ace. Pero gaya rin ng kaibigan kong umaapoy ng galit ang mata, binalewala nya lang rin ako. It really hurts my ego. Wala ba akong kwenta sa kanya para ganun nya lang akong balewalain?.. Oh damn!. Well!. What's knew Bamby?. You are nothing to him. Don't try to assume..