"Totoo pala yung---..."
"Sssshhhh... paparating na sya.." pigil sakin ni Winly. Dun ko lang tinanaw ang labas ng room. Tama nga sya. Maaga itong pumasok. Pero may mali sa kanyang mukha. Mapula ang kanang pisngi nya at nangingitim na ang ibabang mata.
"What the hell?. Para syang nasaniban.."
"Winly?.."
"Sorry gurl.. tingnan mo kasi sya. Hindi yan ganyan kahapon nung umalis kami.. Anong nangyari sa kanya?.."
"I don't know. We don't know.."
"Tsk. tsk. Kawawa naman.." hinila nya ako palabas ng room. Saktong dun rin ang new area namin. Sa likod ng room ang Kay Winly tapos sa harapan naman kami.
Abala kaming lahat sa paglilinis ng may tumapik sakin. Si Paul. May iniabot syang isang maliit na papel.
"Ano yan?.."
"Basta kunin mo nalang. Mamaya mo na basahin pag nakauwi ka na. Byiieee..." kunot noo kong kinuha ang pirasong papel saka sinilid agad saking bulsa. Sa bahay ko nalang babasahin. Baka kung anong laman e. Malasin na naman ako.
"Uy, Bamby, anong nangyari dun kay Joyce?.."
"Huh?.." aba malay ko?.. Hindi ko na idinugtong pa ang iba. Baka lalong mas makasama.
"Kanina pa tahimik na umiiyak sa loob ng room. Kinausap ko kung anong problema nya, kaso inilingan lang ako."
Tinanaw ko ang loob ng room. Andun nga sya sa kanyang upuan. Nakapatong ang isang braso sa armrest tapos dun ipinatong ang kanyang ulo. Gumagalaw ang kanyang balikat. Halatang umiiyak. Oh damn!.. Kusang nadurog ang puso ko.
"Ano kayang problema nya?.." Tanong ng nagsabi sakin pero kay Joyce pa rin ako nakatingin. Walang pakialam sa sinasabi nya.
Nagkumpulan na ang lahat sa gawi ko. Tinitignan ang pinapanood ko.
"Guys, totoo ba yung balita na naghiwalay pala parents nya. Tapos binenta pa yung bahay nila. Kaya kila Denise sya nakatira ngayon na pinsan pala nya?.."
Walang sumagot sa isa naming kaklase. Gusto ko syang sagutin, sumbatan at awayin pero may magagawa ba yun kung gagawa ulit ako ng panibagong gulo?. Wala diba. Kaya itinikom ko ng mariin ang aking bibig upang pigilan ang bungangang bumuka. Imbes pansinin ang mga tsismis nila. Tutulungan nalang kita. Oo. Kalahati ng pagkatao ko ay natutuwa sa nangyayari sa'yo. Siguro ito yung masamang espirito na pilit akong tinatakot, minsan. Pero mas lamang pa rin ang awa at pagmamahal ko sa'yo. Ayaw kitang saktan kahit sinaktan mo na ako. Ayaw kitang iwan kahit iniwan mo ako noon sa ere. Kaya kahit ano pa man ang problema mo dadamayan na kita. Ano pang saysay ko bilang isang kaibigan mo kung uulitin ko lang ang iyong ginawa. Mauulit at mauulit lang ang lahat. Hanggang sa wala ng katapusan.
Umupo ako sa upuang nasa kanyang harapan. Tahimik pa rin itong umiiyak. Sumisinghot singhot pa. "Joyce..." sa ilang buwan na lumipas. Namiss kong sambitin ang kanyang pangalan. It's been like years. Suskupo!.. How I miss her..
"Kung kailangan mo ng kausap, andito lang ako.." naluluha kong sambit habang nakangiti. Ampusa!.. Ang babaw talaga ng luha mo Bamby!.. Wag ka ngang umiyak dyan. Tumingala ako upang pabalikin muli ang luhang aamba ng bumaba. Damn tears!. Don't fall yet. .Sina Karen at Winly kasama pa ng iba pa naming kaklase sa labas. Nakatanaw lang samin. Kay Winly ako tumingin. Shit!... Naluluha talaga ako. Ayokong umiyak e.. Ampusa naman!.. Nagthumps-up sakin si Winly at Karen sabay ngiti. Kagat labi ko naman silang tinanguan.
"Ssshhh... tahan na.. you'll be fine.." hinimas ko ang kanyang buhok. At hindi ko inexpect ang sumunod na nangyari. Tumayo ito at niyakap ako bigla. Dun humagulgol saking balikat. Oh what?.. My tears are falling. I call it tears of joy. Joyce..
.