Yung lungkot ko naging masaya nang sabihan na kakantahan raw ako ni Bryle. Hindi ko inasahan. Ampusa!.
"This song is for you, Bamby. Hehe.. peace bro.." itinaas pa ang kanang kamay. Sinasalubong ang matatalim na mga titig ng mga kapatid ko. Lol.
Habang tumatawa sya, "Grabe naman kayo, kakantahan ko lang naman. Di ko naman liligawan. Hahaha.. Aray!.." sinasabi nya to sa mikropono pa. Ampusa!. Kinabahan tuloy ako. Bat kasi ako pa?.. Binatukan sya ng todo ni kuya Lance. Pero hindi pa rin nawala ang kanyang tawa.
"Pakantahin nyo na kasi ako. Haha.. Para kanta lang e.."
"Anong para.dun lang?.." suway sa kanya ni Kuya Lance. Ako, damn!. Kamatis na ata ang kulay ng mukha ko sa hiya. Nag-iinitt pa sa kaba. Hell shit!.. Uuwi na lang ako.
"Pare naman.." reklamo pa rin ni Bryle. Hanggang ngayon di pa rin nakakanta ang napiling kanta. Abnoy kasi e. Ako pa napiling kantahan.
"Kung ayaw nyo ako. Jaden, ikaw nalang kaya kumanta. Kantahan mo si Bamby, para wala nang kumontra pa.." sabay abot ng mikropono sa kanya. O Gosh!... Sssshhhh!....Bamby!.. What do you do now?. Concentrate. Focus. Don't look at him!.. Baka tuluyan ka ng magwala sa kilig. Ampusa!... Walang humpay na mura ang namutawi sakin. Di ko mapigilan e. Basta puso ko na nagdikta, sabog na buo kong mundo, makita lang nya.
"Ayoko.." mabilis nabasag ang sayang nabuo, kahit lang sa imahinasyon ko. Nakakapanlumo.
"Hahaha... ngayon naman . Sya ang aayaw. Ano na lang bro?.. Kawawa naman si Bamby.." malungkot itong tumingin sakin. Nginitian ko sya kahit sa loob loob ko, durong na itong puso kong lagi nalang umaasa. Yumuko ako upang itago ang sakit na nadarama.
"Kakanta na ako." Yung boses na yun. Kinunyerte na naman ako. Binuhay ang namatay kong puso.
Ilang sandali pa muna bago tumunog ang machine. Duon ako pumikit. Gusto kong damhin ang kanyang tinig, ng paulit ulit. Kahit ilang ulit pa. Basta sya.
Nakaupo sya sa isang madilim na sulok.
Ewan ko ba kung bakit sa libu-libong babaeng nanduon.
Wala pang isang munito, nahulog na ang loob ko sayo.
Gusto ko sanang marinig ang tinig mo.
Umasa na rin na sana'ay mahawakan ko ang palad mo.
Gusto ko sanang lumapit, kung di lang sa lalaking kayakap mo.
Dalhin mo ako sa iyong palasyo.
Maglakad tayo sa hardin ng iyong kaharian.
Wala man akong pag-aari.
Pangako kong habang buhay kitang, pagsisilbihan.
O aking prinsesa.
Prinsesa, prinsesa, prinsesa.
Di ako makatulog, naisip ko ang ningning na iyong mata.
Nasa isip kita buong umaga, buong magdamag.
Sana'ay parati kang tanaw, o ang sakit isipin ito'ay isang panaginip.
Panaginip lang.
"Oh aking prinsesa. Prinsesa.." sumabay ang lahat sa kanya. Maging ang mga kapatid ko at si Ate Cath. Damn!. Bakit hindi ko kayang sumabay sa kanya?. Dahil ba sa hiya o kaba?. Haist.. Ewan!. O aking prinsipe.. Oh damn!.. Minura ko ang sariling isipin. Pinalitan pa talaga ang prinsesa. How assuming you are Bamby?.. Tsk. Tsk.. Go home!. And sleep.
Nakalutang ako buong gabi. Hanggang bahay. Paulit ulit kong naririnig ang malalim nyang boses. Para akong hinehela ng himig nya. Pikit mata kong inaalala kung pano sya kumanta.
Para kang balon Jaden, habang tumatagal. Lalo nang lumalalim ang pagtingin ko sayo. Hindi nalang basta gusto kita.. Mahal na nga ata kita. Ampusa!..