SA TAPAT NG ROOM.
Kakatapos naming magbake ng cookies sa Livelihood subject. Pabalik na ako ng room nang matanaw si Jaden sa harap mismo ng room namin. Nakikipagtawanan sa mga kaklase kong lalaki.
"Anong score na pre?.." tawa pa ni Billy sa kanya. Nagtawanan rin sina Ryan, Bryle, at Paul. Dinig ko na ito dahil nasa likuran na nila ako. Mag-isa akong bumalik ng room dahil nakalimutan ko yung pera ko sa aking bag. Gutom na ako. Di ako kumain ng umagahan kanina dahil minadali na naman ako ni Kuya Lance. Bwiset na kapatid!. Ewan ko ba kung kapatid ko ba talaga sya o sya ang ampon?. Haha.. Magkapareho kasi kami ni Kuya Mark ng ugali. Sya lang, naiba.
Di sumagot si Jaden ng dumaan ako mismo sa gilid nila. Nagtaka nga ako. Bakit nanahimik sya ng dumaan ako?. May epekto ba ako sa kanya?. O shet!. Oxygen please!..
"Bamby, tapos na kayo?.." si Bryle ang nagtanong. Kaakbay si Jaden na parehong nakadungaw na sa mismong pintuan ng aming room. Ako, kinakalkal ngayon ang bulsa ng aking bag. Di mahagilap ang perang iniwan ko dito kanina.
"Di pa eh." sagot ko kahit nakatalikod sa kanila.
"Ganun ba?. Anong ginagawa mo dyan kung ganun?.." si Billy pa rin.
Shet!. Bakit ko ba kasi iniwan yung baon ko dito?. May kumuha ata?. Dito ko lang naman nilagay sa bulsa e. Bat nawawala na ngayon?.
"Kukunin ko sana yung perang iniwan ko lang kanina dito sa bulsa ng bag ko. Kaso wala akong makita.." nanghihinayang kong himig habang patuloy na hinahalughog ang loob ng bag ko. Naupo na ako at isa isang inilabas ang mga nasa loob. Dalawang daan pa naman yun. Sayang.
"Baka andyan lang.." si Paul nman ang nagsalita. Nasa bintana naman sya. Nakapasok ang mga braso sa nakabukas na bintana. Nakasalikop pa.
"Wala e.." wala talaga. Binuksan ko na lahat ng notebook ko. Pati zipper ng loob ng bag ko. Wala. As in. Ngayon, nasisiguro kong meron ngang kumuha. Di ko nga lang alam kung sino. Paano na to?..
"Wala ba talaga?.." yung panghihinayang ko. Napalitan naman ngayon ng kaba. Kabang dulot ng mga titig nya. Shems!!. What the hell!.
Nakalapit na pala sila sa akin. Di ko man lang namalayan. Kasama pa rin nya sina Bryle at Billy.
Umiling lang ako. Di makapagsalita sa kaharap. Damn boy!.
"Bakit mo kasi iniwan dyan?." sya pa rin.
My goodness!. What's on him!?. Bat parang ang dating ng tanong nya sakin ay concern?. Concern ba talaga sya? Really?. Then. Air please!.
"Gusto mong sabihin ko sa kuya mo?.."
Doon ko lang inangat ang ulo kong pilit umiiwas sa mata nyang parang yelo. Pinanlalamig ako. It makes my back shiver.
"W-wag.." Nautal pa ako. Damn Bamby!. Calm down your heart..
Tinitigan nya ako. Nawala lang ang mata nya sakin ng maglinis ng lalamunan si Billy sabay tawa ng mahina.
"Gutom ka na ba?. Libre ka namin.." si Bryle ang nag-alok. Mabiis naman akong tumanggi.
"Salamat nalang.." tumayo ako at palabas na sana ng room ng magsalita naman si Paul.
"Oh!. Jaden. Tutal lagi ka naman sa bahay nila. Libre mo nalang sya. Mukhang gutom na si Bamby e. Pambawi man lang sa mga pameryenda nila sayo. Ahahaha...." humagalpak si Bryle. Pero hindi si Jaden. Seryoso ang kanyang mukha na nakatingin sakin.
"Wag na. Baka may magalit pa e. Salamat nalang. Jaden. Sige balik na ako roon.." tumakbo na ako paalis sa lugar na kinaroroonan nila. May parte sakin ang nanghiyang sa tinanggihang alok subalit naisip kong tama rin iyon para iwas gulo. Alam mo na mga babae ngayon. Para silang mga tigre kung magalit pagdating sa mga mahal nila. Aba!. Ganun ka rin naman siguro kapag naging kayo ni Jaden gurl?. Eh?. 'Kung magiging kami nga' Grrrr.. Hanggang kailan ko ba sasaktan sarili ko sa mga bagay na hindi pa naman nangyayari?. Nag-ooverthink ka na naman Bamby!. Umayos ka nga!
What did you just do Bamby?. Sana pumayag ka nalang. Tsk! Ayoko nga ng gulo! Wag ka ngang bad influence! Maturn off pa sya sakin eh. Sayang na talaga!
Tumakbo na ako patungong cr. Doon ako namalagi. Nagpalipas ng kaba at ng paghinga. Di pwedeng dumiretso ako kay Joyce, baka magtanong e. Mahuli ako. Di pa naman ako sanay magsinungaling. Lalo na nitong puso kong iisa lang ang isinisigaw.