Chereads / CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED) / Chapter 5 - Chapter 5: Embarrassing

Chapter 5 - Chapter 5: Embarrassing

Recess time na.

"Anong sayo te?." tanong ni Joyce habang namimili sa mga nakahilerang pagkain sa harap nya.

"Chips nalang." walang gana kong sabe. Luminga ako't medyo lumayo. Siksikan kasi. Naiinitan ako.

"Ako nalang pumili para sa'yo?.." she still asked. Tinanguan ko nalang sya ngunit di pa rin naman ako umalis sa tabi nya. Sya lang kumakausap sa tindera habang ako ay tagahawak ng mga pinamili nya. Paglabas namin. Duon na namin binuksan ang chips sabay balik ng room.

Dumaan pa kami ng gym bago marating ang building namin. Susubo na sana ako ng pagkaing nasa kamay ko ng bigla akong bumagsak. Nahilo at mabuhos lahat ng hawak kong pagkain sa mukha at katawan ko. What the hell! Sinong gumawa nun!?. Gusto kong isigaw pero nauna nang pumatak ang luha sa pisngi ko. Ang sakit kaya ng tama ng bola sa ulo ko. Shit!. Grabe!. Sino bang anak ng?!.

Habang nakapikit. May humawak na sa mga braso ko. Tinutulungan akong tumayo. Hindi ko mabalanse ang aking sarili dahil sa hilo.

"Damn! Bamby, wake up!." pamilyar ang boses. Mukhang yung taong gusto kong batuhin kaninang umaga ang may-ari nito. Di ko pa rin naididilat ang aking mata. Nahihilo pa talaga ako. Anak ng!.

"Dalhin ka na namin sa clinic.." boses pa rin ni Kuya. Akma nya akong hihilahin pero hindi ako gumalaw. Naupo lang ako habang nakahawak sa braso nya. Pikit matang dinadama ang pagkahilo.

"Sinong bumato sakin?." may garalgal na ang himig ng aking boses. No. Naiiyak na ako. Masakit kaya ang impact nung bola. Ang panga ko!. Nalaglag na yata. Mama!

Di nagtagal.

"Sorry." hinging paumanhin ng isang tinig na di ko kilala. Hinawakan kong mariin ang kamay na nakahawak sa braso ko. "Ayos na ako." mahinahon kong saad. Pero ang totoo ay, nahihilo pa rin ako. Saka dahan dahang dumilat. Doon natagpuan ko ang aking sarili na pinapalibutan na ng mga kapwa estudyante. Halo halo. May mga higher level. May mga kabatch ko rin. Mababasa sa kanilang mukha ang awa. May napansin pa akong tumatawa. Kaya nagbaba na ako ng tingin. Nasisiguro kong nakikita nya na rin ako ngayon. Ayoko na!.

Mama!.

"Anong meron dito?." tanong ng napadaang teacher.

"Natamaan po ng bola Sir."

"Bakit di nyo pa dinala sa clinic!?." Kayong mga bata talaga oo. Tumabi kayo. I'll check her.." nag-aalalang guro. Sir?. Ibig sabihin lalaki. Suskupo!.

Wala namang dumugo sa akin. Dinala pa rin nila ako sa clinic. Nahihilo pa ako ng kaunti. What a great day. Unang araw palang pero bakit ganito na ang inabot ko?. Kamalasan.

"Anong nangyari?." bungad ng nurse.

"Tinamaan po ng bola.." ani Joyce. Katabi ang kapatid kong kunot ang noo habang matalim ang tingin sa akin. Problema nya?.

Chineck ako ng nurse. Binigyan lang rin ako ng gamot para di na muling mahilo. Mabuti nalang daw at di pa ako nauntog. Dahil mas delikado daw kapag ganun. Lumabas kami ng clinic na may alalay pa rin ni kuya at Joyce. Natatawa talaga ako sa kapatid ko. Alam mo yung parang napagalitan dahil sa noo nyang kunot at labi nyang nakanguso?. Pero nakaalalay pa rin dahil no choice sya. Gusto ko tuloy humagalpak ng hard!.

Hanggang sa room. Hinatid nya pa ako. Nagkagulo pa ng bahagya dahil sa presenya nya. Bakit, ano bang dapat ikagulo nila para sa kanya?. Ang sabe, ANG GWAPO RAW?. E bat di ko makita?.

Savage mo Bamby ha! Bad!

Kasi nga, asar ka sa kanya. Nye!

Maging ang ibang section nagkagulo sa tapat at bintana ng room namin. Tinatanaw ang kapatid kong di pa rin umaalis sa harap ko.

"What?." iritado kong sambit. Tinitingala sya. Nakaupo na ako. Tapos sya, nakatayo. Nasa baywang ang magkabilang kamay.

Huminga sya ng malalim bago nagsalita. "You really okay?." kunot pa rin ang noo. Ngumuso ako sa ingles nito.

"I'm okay bro. You may go now.." hinilot ko pa ang parteng sentido ko. Pumikit at bumuga ng hininga.

"Siguraduhin mo lang Bamby.." banta pa nya bago umalis. Kasabay ng alis nito ay isang pares naman ng mata ang nakita ko sa di kalayuan. O my goodness!!!..

Anong ginagawa nya?.

Now. All I can say is, I'm not okay.