Chereads / CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED) / Chapter 9 - Chapter 9: What the hell

Chapter 9 - Chapter 9: What the hell

Nasa gate na ako ng school. Papasok. Alam mo kung bakit?. Iniwan lang naman ako ng NAPAKABAIT kong kapatid. Hindi ako hinintay dahil may praktis daw sila ng basketball ngayon. Ang sama nya talaga!. Ano lang sana kung antayin na nya ako ng ilang minuto?. Tsk!. Bwiset!. Umagang umaga, naiinis na ako. Kaya heto, busangot ang mukha at magkadikit ang kilay ko. Wala akong pake sa mga bumabati sakin. Badtrip ako ngayon!.

"Oh!. Bamby, bakit ganyan ang mukha mo?. Ang aga nyan ha.." Si Winly. Inuunahan na akong maglakad. As usual, di ko sya pinansin.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa marating ang room namin.

"Good--.. Oh?. Anyare sayo?.." salubong sakin ni Joyce. Nag-aayos sya ng kanyang bag. Mukhang nagkasunod lang kami. Di ko rin sya sinagot.

Talagang kapag naiinis ako. Wala kang makukuha na sagot sakin. Kahit isa. Kagaya ngayon.

"Badtrip to. Halata.." bulong ni Joyce kay Winly na parehong nakaharap na sakin.. Di ko alam kung anong sinagot ni Winly sakanya. Lumabas ako para maglinis. Sana. Kahit walang dalang gamit na panlinis. Ganunpaman, dumiretso pa rin ako sa likod ng room. Dun kami nakaassign ngayong linggo.

Mabilis lang din lumipas ang unang linggo namin. Parang isang kindat lang ganun. Kada recess ko na nga lang nakikita si Jaden. Syempre magkaiba kami ng room. Nasa section one sya at nasa pangalawa naman ako. Tuwing uwian naman, sabay kami ni Kuya Lance. Madalas ko pa syang hintayin dahil abala ito sa pag-eensayo. Kahit unang linggo palang ng pasukan. Di ko nga alam kung nag-aaral pa ba sya o puro laro nalang ang inaatupag nya. O baka. Pafamous o papansin. Papansin?. Kanino naman sya magpapapansin?. Tsk. Ewan. Bahala sya dyan! Palibhasa, may itsura. Naku! Sarap sapakin ang mukha tuwing pinagloloko ako nito. Tulad nalang ngayon. Juiceko!. Yung blood pressure ko umaakyat na hanggang ulo. Titirisin ko talaga sya!.

"Bamby, sinong nantrip sayo?.." tanong pa rin ni Joyce. Kasama ko sya sa area dahil pareho ang linya ng upuan namin.

"Ah. Alam ko na. Si Jaden no?." panghuhula nya. Nakataas pa ang isang kilay. Inuusisa ako.

Kung ako, na kapag nainis e, di nagsasalita. Kabaligtaran ko naman si Joyce. Madaldal. Makulit at palabiro.

Paano naman napunta sa usapan ang pangalan nya?. Ginugood time na naman ako neto. Ibig sabihin, wala akong takas sa bunganga nyang di papipigil.

"Narinig ko kasi--..."

pinutol ko agad ang sinasabi nya.

"Na ano?."

"Narinig ko kasi sa mga taga ibang section na nililigawan na raw nya si Denise.."

Nalaglag agad ang panga ko sa narinig. What the hell!. Agad agad?. Si Denise?. Ang transferee galing sa isang pribadong paaralan. Maganda. Maputi. Matangkad. At kaklase pa nya. Nililigawan na nya?. E wala pang isang buwan ang pasukan ah.

Shet!.

What is happening?.

Bakit ganito ang araw ko ngayon?. Puno ng kamalasan. Sana hindi nalang ako pumasok. Itinulog ko nalang sana ang kamalasang ito.

Relax Bamby. Baka haka haka lang yang narinig mo. Think positive!

Walang humpay na mura ang sinasambut ng nagpupuyos kong damdamin kahit pilit binubulong ng isip kong maging positibo pa rin ako. Ang hirap sundin ang dalawang panig. Kumplikado at di ko maipaliwanag.

"Bamby, uy?. Wag kang umiyak.." alo nito sakin bago niyakap. Di ko alam kung bakit nalang akong naiyak. Dahil siguro sa halo halong damdamin na nararamdaman ko ngayon. Eto lang rin ang alam kong paraan para maibsan ang bumibigat kong pakiramdam.

"Ssssh... Tahan na. Baka may makakita satin dito.." pinunasan agad nito ang tumulong luha sa may pisngi ko. Humihikbi pa rin ako. Nakakahiya!.

"Yaan mo na sya te. Hanap nalang tayo ng iba. Yung mas gwapo pa sa kanya.." sabay nito ng kanyang mahinang tawa. Tumango naman ako kahit labag sa kalooban ko.

Paano ko gagawin yun kung di ko man lang magawang tumingin sa iba?. Paano ko gagawing maghanap ng iba kung sya lang ang gusto kong hanapin?. Paano ko sya papalitan kung sya at sya lang rin ang gusto ko, wala ng iba?.