Pagkauwi. Tulad nga ng nangyari. Di sumabay si Joyce samin. Ang lakas ng loob nyang sumama noong kaming dalawa lang. Pero nang makita ang kapatid ko. Naestatwa na ito. I don't know why. Si kuya lang naman iyon. Nahiya ba sya?. Tsk. Ewan.
Mabilis akong pumasok ng bahay at nagbihis bago inayos ang mga damit na natupi na sa kabinet ko.
"Bamby, meryenda.." katok ni Kuya Lance sa pinto ng kwarto. Nakatalikod ako duon. Kaya tumalon ng bahagya ang aking puso. Kinabahan. Bwiset!.. Akala ko multo?. Zombie pala. Lol!. Nadadaanan nya kasi ang silid ko bago ang kanya. Nasa pagitan ng silid nila ni Kuya Mark ang aking kwarto. Magbibihis sya siguro. Tinulungan pa kasi nya sina Papa na magbaba ng mga pinamili nilang grocery.
"Bamby!.." poohtich!. Mura ng kalmadong isip ko. Nanggugulat!.
"What's on you, Kuya?.. Ugh!!.." reklamo ko kahit alam kong di na nya maririnig pa. Umikot pa ng ilang ikot ang aking mata.
Badtrip!.
Mukhang may mali sa mga kilos ng taong yun. Pinagtritripan na naman ata ako. Humanda sya sakin!.
"May bisita ka sa baba.." dumaan na naman sya. Ngayon, nakaharap na ako sa pintuang nakaawang. Naglakad ako papunta roon at pabagsak na sinarado ito. Nang-aasar na naman e. Badtrip!!..
Pabagsak na ang katawan ko sa malambot na kama ng biglang bumukas ang saradong pintuan. Dahilan upang mauntog ang likod ng ulo ko sa railings ng kama dahil sa gulat. Damn It!!..
Damn him!. Really hard!. Ang sakit! Kingina!
Pikit mata kong ininda ang sakit. Baka kapag sumigaw pa ako dito. Mabulabog ang mga kapitbahay naming mga tsismosa. Ako na naman hot topic nila. And I hate that thing gurl.
"Anong ginagawa mo ha?..." dungaw nya sa mukha ko ng tanungin. Kaya, kahit nakapikit ako. Tinulak ko sya ng malakas. Mabigat akong bumangon at binigyan sya ng nakakamatay na tingin. Burn young boy!..
"What?. Hahaha.. nagdadaydream ka na naman sa crush mo no?. Naku!. Bamby, wag ka ng umasa..."
"At bakit?.." agap kong sagot. Naghalukipkip. Kumunot ang noo ko sa pinagsasabi nya. Lumitaw ang nakakaloko nitong ngisi.
"Dahil wala ka namang pag-asa.." pinandilatan pa ako ng mata.
Kulang nalang, magbuga ng apoy itong ilong ko sa inis. Feeling!
Loko!. Sya ata itong torpe e. Hanggang ngayon, wala pang jowa. Psh!
"Who knows?.." paasa ko sa sariling ego. Malay ko nga. Bumaliktad ang mundo. At umikot nalang sakin at sakanya. Ehem!. Ayie!!..
"No one... wants to know.." pang aasar nya talaga.
Napipikon na talaga ako.
"Tsk.. Whatever dude!..." sabay irap ko sa kanya. Tinalikuran ko sya. Tumayo at lumapit muli sa kabinet na inaayos kanina.
"Get lost!.." halakhak pa nya.
Bwiset!!!.
"You!..." sigaw ko sa kanya ng ako'y mawalan ng kontrol sa galit. Bahagya itong napatalon sa gulat. Tinuro ko ito gamit ang aking hintuturo. Tinuro rin ang kanyang mukha habang nakangiti..
Idiot!.
"My face?. Oh!.. Thanks lil sis. I know. Is it too handsome?.."
"Hahahahahaha..." this is sarcasm by me.
Taka syang tumingin sakin. Hawak ko ang tyan dahil sa tawa. Tanga talaga!. Tumigil ako sa kakatawa. Nagseryoso at pinandilatan rin sya ng mata. "You?. Hahaha.. Your face?. Hahahaha.. Handsome?.. hahahaha.. ASA!!.. hahahaha.."
Mabilis na akong tumakbo pababa.
"Mama!.." tawag ko sa may hagdanan. Kailangan ko ng tulong nila dahil hindi nya talaga ako titigilan hanggat di nahuhuli. Kaliwa at kanan. Habulan hanggang kusina. Sa pagitan ni Mama na nag-aayos ng grocery sa kabinet at ref. Kay Papa na naghuhugas ng kotse sa labas.
Hinihingal na ako. Poohtich!.
At kay kuya Mark na may kasama sa sala. Nakaupo sila. Naghabulan pa rin kami hanggang sa makita ko ang mukha ng kanyang mga kasama.
O M G!!..
What is he doing here?!.
Saka ko lang napagtanto na pawisan na ang buo kong katawan nang huminto ako sa harapan nila. Sa mismong gitna ng tv. Hinaharangan silang manood. At tumatama sakin ang di ko kayang titigan na mata.
Shemay!. Oxygen please!..