"Bamby, don't block the tv.." saway sakin ni kuya Mark. Dun ko lang napagtanto na kanina pa pala ako nakatayo sa harapan nila.
Grabe!. What's on you Bamby?. You look like. Ugh!!. I don't know there. Mahiya ka naman!..
Humugot ako ng malalim na hininga bago umalis sa harapan nila. Nakayuko. Nahihiya. Iiling-iling at kamot sa ulo ang tangi kong nagawa pagkaalis. Nagtawanan ang mga kasama nya. Lima sila. Syempre mga lalaki. Mga kabarkada ni Kuya Mark e. Ang di ko maintindihan, bakit kasama nila si Jaden?. Barkada rin ba sya ni Kuya?. O well!. That's magic.
"Huli!.." hawak na ni Kuya Lance ang braso ko ng mahigpit. Nakalimutan kong hinahabol nya pa pala ako.
"Ayoko na. Pagod na ako Kuya.." suko ko. Pagod na rin kasi ako. Tsaka, ayokong mapahiya ulit sa mukha ni Jaden. That's probably death gurl!. Cause of death: lack of oxygen.
Sa kusina ako dumiretso. Kumuha ng baso. Naglagay ng tubig bago ito nilagok ng mabilisan. May nakita akong nachos na nasa isang tray kaya dumukot ako ng isa at nginuya agad.
"Para sa mga bisita yan anak. Pakidala nalang sa kanila please.. Mamaya ka na kumain.." tinampal pa ang kamay kong kukuha pa sana.
Mama naman!. Reklamo.ng utak ko pero di ko maisatinig dahil kay Kuya Lance na nakatingin pa rin sakin hanggang ngayon. Anong kayang iniisip ng gagong to?. Lihim na tanong ko sa aking isip. Inirapan ko ang kanyang titig. Sabay kuha ng tray na may lamang nachos. Lumabas ako ng kusina at nilapag ang pagkain sa gitna nila. Tsaka bumalik ng kusina.
"May masakit ba sayo?."
"Wala ah. Bakit mo naman naitanong?.." pitsel na may juice naman ngayon ang idadala ko sa kanila. Butil butil na ang pawis ko sa kaba. What the fact!..
"E ano yan?.." turo nya sa noo at ilong kong pawisan. Mabilis ko itong pinalis.
"Mainit kasi.." sagot ko sa kanya. Saka dinala sa labas ang bitbit. Nadatnan ko pa silang tumatawa. Dahil siguro sa pinapanood nilang movie.
Bakit kasi di nalang sila nagsine?. Dito pa talaga sa bahay sila nanood?. Mga walang magawa.
"Ah. Bamby, schoolmate pala kayo ni Jaden?.." tanong ng isa sa kanila. Si Aron. If I'm not mistaken. Bestfriend sya ni kuya Lance.
Tumayo ako sa likod ng sofa na inuupuan ng tatlong lalaki. Si Troy, Zaldy at Poro. Tapos sa pang isahang upuan nakaupo si Kuya Mark. At magkatabi naman sina Jaden at si Aron.
"Opo kuya." sa kanya ako nakatingin dahil hindi ko po talaga kayang tumitig sa mata nya. Nahihiya ako!
"Akala ko magkaklase kayo?. Sayang naman.." nagtaka ako. Bakit kaya sayang?. Ano naman ang sayang dun?. Questionable thought.
"Ah oo nga po e.." oo sayang talaga. Pero sabagay, okay na rin. Pala alam mo yun. Di nya mahalata. Mabaling sa iba ang tingin nya. Di lang sakin. Ayie..
Lumabas si Kuya Lance na may dalang tray ulit ng nachos. Saka ako binunggo ng mahina.
"Nga pala. Bamby, kanina pa maingay yung telepono mo sa taas. Tumatawag ata boypren mo.."
Nanlaki ng husto ang mata ko sa likod nya. Anong sinabi nya? Lance Eugenio!!!. Go to hell!!.. Now!.
"Anong boypren Lance?." si kuya Mark ang nagsalita. Di ako makahinga sa matang nakatingin. Ramdam ko kahit di ko pa sya tignan.
"Illusional boyfriend kuya. Hahaha.." halakhak pa nya. Nakisiksik sa tabi pa ni Jaden. What!?.. Inaasar talaga ako ng kumag na to!.
Humanda ka sakin. Malaman ko lang pangalan ng babaeng gusto mo. Naku!. Baka maihi ka lang sa pajama mo..
"Tsk.. Baliw. Umakyat ka na sa taas Bamby. Lock the door para di ka na pasukin pa.." mabuti pa sya mabait sakin. E ang isa dyan?. No thanks!.
Umakyat nga ako sa taas at nilock ang silid ko. Naiwan si kuya Lance sa grupo nila. Nagtatawanan. Sinaway pa sya ng kapatid naming panganay na wag na akong asarin. Sana lang makinig.
Isa pa, sana rin yung isa sa kanila. Makaramdam at magdilang anghel na. Mahirap magmahal ng one sided love lang gurl. Nakakapagod umasa. Lalo na kapag wala kang nakikitang pag-asa.