Nakaalis na ang mga nagkagulo kanina sa tapat ng Section 1-B. Dumating na ang sumunod naming guro. Lalaki. Payat ito at may suot na salamin. Sinuyod ko ulit ng tingin ang naksaulat sa likod ng notebook ko. 9:15-10:00am. P.E subject. Para akong nanlumo sa binasa. Ayoko pang lumabas ngayon. Di ko pa nalulunok yung nangyari sakin kanina. AYOKO NA!. UWI NALANG AKO!
"Ehem!. Good morning class.. My name is Peter Tan.." malalim ang kanyang boses habang sinusulat ng mabilis sa green board ang kanyang pangalan. Matapos magsulat. Humarap sya samin. Sakin pala. Nasa gilid ako ng row one. Katabi ng wall. Taas ng ceiling fan na umiikot. At eksaktong tumama sakin ang kanyang mga mata. Gosh!. Nag-init agad ang pisngi ko. Napayuko ako ng bahagya dahil sa hiya. Nahihiya talaga akong makipagtitigan sa mga tao. Ayoko ng ganun.. Tumatayo balahibo ko.
"Introduce yourself first. Bukas nalang tayo lumabas.." naglakad ito patungo sa gilid. Malapit sa may kabinet na lalagyan ng mga libro. Saka nag-umpisa na ring magpakilala ang lahat. Nakakasawa. Paulit ulit. Hanggang matapos ang araw. Ganun pa rin ang ginawa namin.
Palabas na sana ako ng room ng pigilan ako ni Joyce.
"Maglalakad ka ba o sasakay?." humawak pa sya sa balikat ko. Tinignan ko ang kamay nyang nakasampay sa aking balikat. Ngumiti sya at nagkibit balikat sa pagtanggal ng kanyang kamay. Nahiya bigla. Joke ko lang naman yun e. Hay naku Joyce!
"Pasakay ako ah.. hehe.." anya. Di na hinintay pa ako kung papayag ba ako o hinde. Or ang dapat kong sabihin ay kung papayag nga ba ang driver ko. Masungit pa naman.
Sasakay?. E ang lapit lang ng bahay nya. Tsk!. Ano bang nangyayari sa'yo Joyce?
"Ikaw bahala." sagot ko nalang.
"Talaga?.." napatalon pa sya sa saya.
Eh?. Why is she so happy? That's so weird huh?
"Kung may space pa." biro ko.
"Ano!?." bagsak ang kanyang mga balikat.
Hindi naman sa ayoko syang sumabay samin. Ang lapit lang kaya ng bahay nila dito sa St. Mary School. Mga benteng hakbang lang bahay na nila. Anong nakain nya at sasakay pa?. Tsk. Baliw rin minsan.
"Sige na Bamby.. please.." pagmamakaawa nya.
Nasa labas na kami ng room dahil ilolock na ng may hawak ng susi ang room. Hinabol pa rin nya ako. Desididong makisabay sakin. Bakit kaya?.
Hay!.. Bahala sya.
"Sasabay na ako ha.." patalikod pa itong maglakad. Paatras. Nakaharap sakin. With hands on her sling bag. With a sweet smile.
Tsk. Whatever!.
"Bamby, let's go!.." tawag sakin ni Kuya Lance ng nasa gym na kami. As usual, kasama ang kanyang barkada.
Pagkalapit ko sa kanila. Kinuha nya agad ang bag ko tsaka libro na isa. Ang sweet nya diba?. Dapat lang!. Dahil kung hinde. Aba!. Wala syang sasakyan na idridrive. Hihi..
"Joyce tara na!.." tawag ko dito sa malayo dahil nakatayo lang sya duon. Nakatitig samin. I mean, kay kuya pala?.
Umiling sya. "Joke lang te. Ano ka ba?. Sige na. Bukas nalang ulit. Bye.." mabilis pa sa tubig ng gripo sya lumabas ng gate. Nagtawanan pa ang grupo ng barkada ni kuya dahil muntik pa syang madapa sa bakal na gate na pang isang tao lang.
Nagtataka kong tinitigan ang kinatatayuan nya kanina. Kanina. Desidido syang sumabay. Bakit noong makita nya si Kuya biglang nagbago isip nya?. Wait! May di ba ako alam sa kanya?.
Duon ko lang rin naisip na tignan si kuya. Nasa may gate pa rin ang paningin nya. Nakangisi na para bang tawang tawa sya pero pilit nya lang tinatago ito.
What the hell! Ano itong naiisip ko?. Kaibigan ko at kuya ko?. Ehhh?. That's really impossible!! No way!
Hay Joyce!. Bakit dyan ka pa kasi dumaan?. E open naman yung malaking gate. Tsk. Tsk. Wala ka pa ring ipinagbago.. Kagaya ng puso kong tinitibok pa rin ang isang tao. Na kahit nasa malayo. Sya pa rin ang hinahanap nito.
Sigh!.
Kailan nya kaya ako mapapansin?.