Chereads / My Fiancee is a Prostitute (Filipino) / Chapter 57 - Mahal Ko O Mahal Ako

Chapter 57 - Mahal Ko O Mahal Ako

CHAPTER 56

-=Atilla's POV=-

Labis ang naging pagkagulat ko nang makita ko si Ang na pababa sa isa sa mga bangkang nakita ko kanina sa hindi kalayuan, actually nagising lang naman ako para sana uminom ng tubig nang mapansin ko ang mga nasa limang bangka ata, bigla akong nabuhayan nang loob ng mapansin kong papalapit ang mga iyon sa isla, naisip kong baka kami talaga ang pakay ng mga ito nang marealized nila ang pagkawala namin ni Ram ngunit hindi ko naman inasahan na kasama doon si Ang samantalang ang alam ko ay nasa US pa ito.

"Oh my God Atilla!" bulalas ni Ang nang tuluyan nang makalapit sa akin at mahigpit ako nitong niyakap, his hug is really nice pero wala akong nararamdaman na kahit na anong special mula sa yakap nito pero aaminin ko namiss ko talaga ito dahil sobrang tagal na din namin na hindi nagkita dahil sa mga nangyari.

Sa totoo lang hindi ko alam ang sasabihin ko nang mga oras na iyon dahil medyo shock pa din ako na sa wakas ay natagpuan din kami sa islang ito.

Hinayaan kong makulong ako sa mga braso nito dahil pakiramdam ko ay lagi kong maaasahan ang binata sa kahit na anong sitwasyon, ngunit laking gulat ko nang sandali ako nitong bitawan.

"You must be Ram." nagulat na lang ako nang marinig ko iyon mula kay Ang, at nang lumingon ako ay nakita ko ang nakatiim na mukha ni Ram na nakatingin sa akin, hindi ko alam kung paano sasalubungin ang mga tingin na iyon dahil labis akong naguguluhan nang mga oras na iyon.

"Yes and you must be Ang, nice meeting you pare." sinabi nito sabay abot ng kamay sa naghihintay na kamay ni Ang, but seeing how Ram looks like I don't think that he is really please meeting Ang.

Hawak hawak ni Ang ang kamay ko nang umakyat na kami sa bangka kasunod si Ram, ramdam na ramdam ko ang mga tingin sa likod ko ni Ram, pakiramdam ko nagtataksil ako sa ginagawa ko kahit na nga ba normal lang naman sa amin ni Ang magholding hands dahil siya ang boyfriend ko, ito na ang kinatatakutan ko ang panahon na kailangan kong magdecide.

My heart told me to go to Ram to choose him, but my mind tells me otherwise to still be with Ang, Ang that will never hurt me, Ang that will always by my side sa lahat ng pagkakataon, Ang na buong buong mahal ako.

Naguguluhan na ako kung ano ba ang susundin ko ang puso ko o ang isip ko, alam kong magiging masaya ako kapag si Ram ang pinili ko ngunit kakayanin ba ng konsensya ko na saktan si Ang?

Ramdam na ramdam ko ang awkwardness habang nasa bangkang iyon pabalik sa pantalan sa Cebu, hindi ko alam kung paano kumilos nang hindi mahahalata ni Ang ang tension sa pagitan namin ni Ram, nang silipin ko nga si Ram ay madilim na madilim ang mukha nito na nakatingin lang sa malayo at maliban doon ay parang nasasaktan ako sa nakikita kong sakit na pilit nitong tinatago.

I'm hurting Ram right now, I felt like an ass sa mga ginagawa ko ngayon, sa pananakit ko sa taong mahal ko, sa pagchecheat ko sa taong walang maling ginawa kung hindi ang mahalin lang ako.

Finally nakarating na din kami sa pantalan ng Cebu, agad kaming sinalubong nang kotse ni Ang na nalaman kong binili pala nito.

"Ram pare sabay ka na sa amin." pag-aalok ni Ang sa binata, bigla naman kumabog ng sobrang lakas ang dibdib ko sa idea na magkakasama kaming tatlo sa maliit na espasyong iyon.

Hindi agad umimik si Ram sa paanyaya ni Ang na para bang tinitimbang nito ang sitwasyon. "Hindi na muna Ang, may kailangan pa kasi akong asikasuhin din dito sa Cebu." pagtanggi nito, kahit anong pigil ko ay hindi ko napigilan ang sarili kong tignan ang mukha ni Ram, at parang sasabog ang dibdib ko habang nakikita ko ang sakit sa mga mata nito nang hindi na nakatingin si Ang, gusto kong umiyak ng umiyak sa nagagawa kong pananakit sa binata.

"Are you alright Atilla?" nagulat na lang ako nang marinig ko ang pag-aalala sa mukha ni Ang at nang tumingin ako dito ay kitang kita ko ang pag-aalala nito sa akin.

I didn't trust myself to speak kaya naman umiling na lang ako dito at agad ako nitong niyakap nang mahigpit na mahigpit.

"Hush now Atilla, ligtas na kayo, don't worry hindi kita papabayaan, mahal na mahal kita." mas lalong lumakas ang pagdaloy ng luha sa mga mata ko sa narinig dito at muli ay sinalakay ako ng guilt sa nagawa ko dito.

Imbes na dumiretso sa airport ay minabuti na muna nitong tumuloy muna kami sa hotel para makapagpahinga, nang mapag-isa na kami sa kuwarto ay saka ko lang napansin ang panglalalim ng mga mata nito pati na din ang pagkabawas nang timbang nito marahil ay dala nang paghahanap nito sa amin.

"Paano mo nga pala nalaman na nawawala kami?" tanong ko dito habang kumakain nang hapunan.

"After my failed attempt with my brother ay naisipan ko nang bumalik din ng Australia ngunit bago iyon ay naisipan kong dalawin ka sa Pilipinas kaya naman nandito ako ngunit nagulat ako nang sinabi sa akin ng secretary mo na nasa Cebu ka daw at hindi pa bumabalik kaya naman sinalakay ako ng takot at iyon nga napag-alamanan ko sa mga tauhan sa isla na umalis din kayo agad ni Ram doon but for some reason walang nakakaalam kung nasaan kayo, akala ko nga nakipagtanan ka sa taong iyon eh." natatawa nitong sinabi at muli na naman akong naguilty dahil parang medyo close sa sinabi nito ang nangyari.

"Kung ganoon pala paano mong nalaman na lumubog ang bangkang sinasakyan namin?" pagbabalik ko sa topic.

"Well that day kasi ay sakto naman na natagpuan na palutang lutang ang bangkerong maghahatid sana sa inyo kaya naman nalaman namin kung ano ba talaga ang nangyari kaya nagkaroon agad nang search and rescue operation at mabuti na lang at natagpuan namin kayo, you just don't know how worried I am nang hindi ka pa din nahanap, mabait talaga ang Diyos dahil hindi niya hinayaan na mapahamak ka." nakangiti nitong sinabi.

Isang tipid na ngiti lang ang isinukli ko dito at nagpanggap akong inaantok kaya naman hinayaan na nito akong pumasok sa kabilang kuwarto, may dalawang kuwarto kasi sa kinuha nitong hotel kaya naman sandali lang akong naligo at nahiga na din sa naghihintay na kama.

Kahit nakahiga ay hindi pa din ako dinadalaw ng antok, sobrang kumportable ang kama at masarap sa pakiramdam ang lamig na nagmumula sa AC ng kuwarto ngunit kahit ano atang luxury ay walang makakapantay sa experience ko nang nasa isla ako, oo wala kaming kama, wala kaming masarap na pagkain, walang AC pero naging masaya ako nang dahil kay Ram.

"Kamusta ka na kaya?" sa loob loob ko habang inaalala ang itsura nito bago kami naghiwalay ng binata siguradong nasasaktan siya sa mga oras na ito.

Bakit nga ba parang mahirap ang sitwasyon namin, mahal ko siya mahal niya ako, bakit hindi kami puwedeng magsamang muli gayong nagmamahalan kami.

At para bang nananadya ang pagkakataon nang marinig ko ang mahihinang katok sa pinto at nang buksan ko ang pinto ay tumambad sa akin ang nakangiting mukha ni Ang na may dalang gatas para sa akin.

"Naisipan kong dalhan ka nang gatas para mas madali kang makatulog." nakangiti nitong sinabi, hindi ko tuloy maiwasang hindi mangiti sa thoughtfulness nito, always thinking about my wellfare kahit na nga ba mapabayaan ang sarili.

"Salamat ikaw din magpahinga ka na akala mo ba hindi ko napansin ang pangangalumata mo, goodnight Ang." sinabi ko dito at akma na akong papasok sa loob ng bigla ako nitong hinatak mabuti na lang at maayos ang pagkakahawak ko sa tasa ng gatas kaya naman hindi natapon.

Mariin nitong hinalikan ang mga labi ko na punong puno nang pagmamahal, his kiss is really nice ngunit kahit anong hanap ko sa spark na nararamdaman ko kapag hinahalikan ako ni Ram ay hindi ko mahanap.

Sandali lang ang halik na iyon at kitang kita ko ang paglapad ng ngiti sa mga labi ng binata. "Good night Atilla, I love you ulit." malambing nitong sinabi at pagkatapos non ay sinarado ko na din ang pinto at imbes na dumiretso sa kama ay napasandal na lang ako sa pinto at para akong biglang nanghina. Makakaya ko nga bang maging selfish makakaya ko bang saktan si Ang?