Chereads / My Fiancee is a Prostitute (Filipino) / Chapter 63 - I Still Love You

Chapter 63 - I Still Love You

CHAPTER 62

-=Atilla's POV=-

Minabuti nang pamilya na iuwi na lang sa bahay nila si Anthony at kumuha na lang ng dalawang private nurse na magbabantay dito 24/7

Shock pa din ang lahat sa mga nangyayari, sa aksidente at sa katotohanan na maaring hindi na magising si Anthony, and in the middle of this si Ang ang pinakanaapektuhan nang mga pangyayari kaya naman hindi kakayanin ng konsensya ko na iwanan ito lalo na't sa pinagdadaanan nito kaya naman nakapagdesisyon na ako, masakit man sa akin ngunit mas kailangan ako ni Ang, masakit man sa akin na pakawalan si Ram.

Just thinking about Ram, already made my eyes watery from the emotion that building inside me, parang sasabog ang dibdib ko sa sobrang sakit habang iniisip ko pa lang na tuluyan nang mawawala sa akin si Ram, ang tanging lalaking pinakamamahal ko.

Dalawang araw na ang nakakalipas nang nilabas na namin si Anthony sa ospital, at hanggang ngayon ay wala pa din akong natatanggap na kahit na ano mula kay Ram at alam kong kailangan ko nang ipaalam kay Ram ang desisyon ko, hindi ko yata kakayanin na makipagkita dito kaya kahit hindi tama ay nagdecide akong tawagan ito upang ipaalam dito ang naging desisyon ko.

"Hello Atilla, kamusta ka na?" narinig kong sinabi nito sa kabilang linya, dalawang ring pa lang ay agad na nitong sinagot ang tawag ko na ang ibig sabihin ay talagang inaabangan nito ang tawag ko kaya and again the pain in my heart knowing well na ang sasabihin ko dito ay labis na magpapadurog sa puso nito.

"Ram.... I'm so sorry." pinilit kong magpakatatag ngunit hindi ko pala talaga kaya, akala ko pa naman mas madali kung sa phone lang kami magkakausap ni Ram ngunit matindi pa din ang sakit sa dibdib ko.

"Why are you saying sorry?" nagtatakang tanong nito.

"I'm sorry Ram mahal kita pero kailangan ako ni Ang, hindi ko kayang iwanan si Ang, I'm really sorry Ram." tuluyan nang humulagpos ang emosyon na piling kong pinipigilan.

"Hindi ako makakapayag Atilla, tayo ang nagmamahalan kaya dapat tayo ang magkasama." nababasag na ang boses nito marahil sa nararamdaman nito.

"Goodbye Ram." ang huling sinabi ko bago ko tuluyang tapusin ang tawag dito.

I tried to ignore the call from him, ilang beses ako nitong tawagan hanggang nagpasya akong iturn off na ng cellphone ko.

Bigla na lang akong napaupo sa sahig ng kuwartong tinutuluyan kosa bahay nila Ang kung saan ko tuluyang nilabas ang lahat ng sama ng loob ko, bakit sobrang unfair kung kailan handa na akong ipaglaban ang pagmamahal ko kay Ram ay nangyari pa ang bagay na ito.

Nakarinig ako ng mahihinang katok sa pinto kasunod nang boses ni Ang.

"Atilla tara na kain na tayo ng tanghalian." ang sinabi nito.

"Si...sige susunod na lang ako." sagot ko dito at ilang sandali lang ay narinig ko na ang papalayong mga yabag ng paa ni Ang.

Isang mahabang buntung hininga naman ang pinakawalan ko at dali dali akong dumiretso sa banyo na nasa loob mismo nang kuwartong iyon, dali dali akong naghilamos para kahit paano ay mabawasan ang pamamaga ng mga mata ko.

Matapos masiguradong maayos na ang itsura ko ay bumaba na din ako at dumiretso sa dinning room, nandoon na din ang mag-asawa at si Miranda na katapat naman si Ang na hindi na naman maipinta ang mukha.

"Maupo ka na sa tabi ni Ang hija, pasensya ka na kung hindi ka namin masyadong naasikaso." paghingi ng paumanhin ng ginang, kahit nakangiti ito ay ko pa din ang lamlam ng mga mata nito.

"Wala po iyon Maam." sagot ko naman dito nang tuluyan na akong nakaupo sa tabi ni Ang.

"Just call me Tita Ysa Atilla, maraming salamat sa pagbabantay mo sa anak namin, napakasuwerte ni Ang at ikaw ang naging nobya nang batang ito." pagpapatuloy nito hindi ko naman maiwasang hindi mangiti sa sinabi nito dahil ramdam ko ang sinseridad sa boses nito.

"Masuwerte din naman po ako sa anak ninyo Tita Ysa kasi napakabuting tao ni Ang, siya ang tumulong sa akin ng down na down ako." nakangiti kong pagkukuwento dito kasunod nang paghawak ko sa kamay ng binata.

Naging maayos naman ang pagsasalo naming iyon, nanatiling tahimik si Miranda sa duration ng lunch na iyon at panaka naka namang sumasagot ang Daddy ni Anthony kapag tinatanong ito ng asawa.

Matapos kumain ay naisipan namin ni Ang na dumiretso sa hardin ng mga ito, halatang alagang alaga ang mga halaman sa garden ng mga Uy.

"Si Mommy ang laging nag-aalaga ng mga halaman na iyan." narinig kong sinabi ni Ang na para bang nabasa nito ang nasa isip ko.

"She did a very good job." I replied.

Naramdaman ko na lang nang pumulupot ang mga braso nito sa bewang ko at pinatong nito ang pisngi nito sa kanang balikat ko.

"Kapag nakasal na tayo magpapatayo ako nang sarili nating bahay na may malaking hardin para sayo at isang playground naman para sa magiging mga anak natin ang gusto ko magkaroon tayo nang madaming mga anak." malambing nitong bulong malapit na malapit sa tenga ko and for some reason nakaramdam ako ng kilabot sa ginawi nito kaya naman agad akong kumawala sa pagkakayakap nito.

"Ilan bang anak ang gusto mo?" pinili ko na lang sakyan ang sinasabi nito dahil ayoko naman mahalata nito ang pagkailang ko dito.

"Konti lang naman ang gusto ko mga sampu lang naman." nagulat na lang ako sa narinig dito at nang mapatingin ako dito ay nakita ko ang pilyong ngiti sa mga labi nito kaya naman nalaman kong binibiro lang ako nito.

"Ikaw talaga." natatawa kong sinabi dito bahagyang nabawasan ang pagkaasiwa ko sa sinabi nito kanina at pinaulanan ko ng mga pinong kurot ito na pilit naman nitong iniiwasan.

Nang mapagod ay naisipan kong bumalik na muna sa kuwarto para magpahinga samantalang si Ang ay minabuting maiwan na muna.

Pagkapasok ko sa bahay ay agad kong napansin si Miranda na nakaupo sa sofa at halatang hinihintay ako.

Kahit hindi ito magsalita ay alam ko ang dahilan kung bakit ako nito hinihintay iyon ay para mapag-usapan namin si Ram.

"Hi Miranda." bati ko dito na para bang nahahapo, mahirap din palang magpanggap na ok ka lang kahit na nga ba patuloy na nagdurugo ang puso mo.

"Why are you doing this Atilla?" seryoso nitong tanong sa akin.

"Kailangan ako ni Ang." minabuti ko nang maging tapat dito dahil alam kong tanging ito lang ang makakaintindi sa sitwasyon ko.

"Pero mahal mo ba siya Atilla?" diretso nitong tanong sa akin. Hindi ako nakasagot sa tanong nito dahil kapag sinagot ko ang bagay na iyon ay baka hindi ko na kayanin ang paghihirap ng loob ko.

"Alam kong mahal mo pa din si Ram Atilla, hindi naging hadlang ang dalawang taon na pagkakahiwalay ninyo para mawala ang nararamdaman mo kay Ram, hindi mo lang alam kung paanong pagsisisi ang naramdaman ni Ram nang malaman niyang nawala ka na, halos patayin ni Ram ang sarili niya sa pagtatrabaho para lang makatakas siya sa sakit na dulot ng pagkawala mo." pagpapatuloy nito.

"Hindi mo ba ako narinig kanina Miranda?! Kailangan ako ni Ang!" hindi ko na napigilang tumaas ang boses ko sa frustration na nararamdaman ko.

"Masaya ka ba Atilla?" nagulat na lang ako nang marinig ko ang bagay na iyon, at agad akong natigilan sa sinabi nito. "Hindi masamang tumulong Atilla but not to the point that you will sacrifice your happiness para lang mapaligaya mo ang isang taon." malumanay nitong sinabi, bigla naman parang nawalan ng lakas ang magkabilang tuhod ko nang bigla na lang ako mapaupo sa sofang iniwan ni Miranda.

"Hindi ako masaya." ang pag-amin ko sa sarili ko at malayang dumaloy ang luha ko sa magkabilang mga mata ko dali dali akong nagtungo sa kuwarto ko sa takot na may makakita sa aking umiiyak dahil hindi ko alam kung paano ko maipapaliwanag iyon.

Iyak lang ako ng iyak hanggang mapagod ako at namalayan ko na lang na nakatulog na pala ako, nagising na lang ako sa sunod sunod na katok sa pinto ng kuwarto ko na sinundan ng boses ni Ang na tinatawag ako para magdinner.

Hindi ko akalain na medyo mapapahaba pala ang tulog kong iyon, sa pag-iinat ko ay napansin ko ang cellphone ko sa ibabaw ng kama ko, pinigilan ko ang sarili kong damputin iyon.

At matapos makapag ayos ay agad akong sumunod sa dinning area at katulad kanina ay nandoon na din ang ag-anak at ako na lang ang hinihintay.

"Pasensya na po." nahihiya kong sinabi sa mga ito.

"Ayos lang yan hija ilang araw ka din hindi nakatulog nang maayos dahil sa nangyari." sagot naman ni Tita Ysa at matapos nga non ay sinerve na ang hapunan namin nang gabing iyon, ngunit pakiramdam ko ay sapal ang kinakain ko nang mga oras na iyon, kahit gaanon kasarap ay hindi o iyon maappreciate na mukhang napansin agad ni Ang.

"Bakit ata wala kang ganang kumain kanina?" tanong nito sa akin.

"Medyo busog pa kasi ako." pagsisinungaling ko dito nauna na akong bumalik sa kuwarto at pagkapasok na pagkapasok ko ay agad na tumambad sa akin ang cellphone ko.

Kahit anong pagpipigil kong huwag kunin ang cellphone sa kama ay hindi ko pa din napigilan ang sarili kong kunin iyon at iturn on iyon.

Tumambad sa akin ang kaninang mga missed call ni Ram, awtomatikong pumatak naman ang luha ko.

Labis na akong nangungulila sa mga yakap at halik ni Ram, mga halik nito na punong puno nang pagmamahal.

Maliban sa mga missed calls nito ay nakita kong nagtext din pala ito.

"Atilla hindi ako susuko sa pagmamahalan natin, I love you so much na hindi ko kayang mawala ka sa akin, hindi na ako papayag na mawala ka pa sa akin, please meet me in Manila Pen now maghihintay ako sayo." ang nabasa ko sa text nito at sandaling kumunot ang noo ko nang makita ko ang oras na nasend nito ang text at bigla akong napatingin sa orasan na nasa kisame ng kuwarto ko.

Alas onse na ng gabi at kung kanina pa ang text na sinend ni Ram ay ibig sabihin ay halos anim na oras nang naghihintay ito sa akin.

Nagdecide akong puntahan ito para pormal nang magpaalam dito at kahit man lang sa huling pagkakataon ay muli kong makita ang taong pinakamamahal ko.

Dali dali akong naligo at nagpalit nang pang-alis naabutan ko pa si Ang na nasa hardin pa din but this time may hawak itong baso na may lamang alak.

"Saan ka pupunta Atilla?" mahinang tanong nito sa akin.

"May kailangan lang ako puntahan Ang, babalik din ako agad." paalam ko dito sabay halik sa pisngi nito.

Nang tuluyan kong mailabas ang kotse ko ay agad ko iyong pinaharurot patungo sa lugar kung saan naghihintay sa akin si Ram.

Mabilis ang ginawa kong pagpapatakbo ng kotse ko at mabuti na lang at hindi na mabigat ang daloy nang trapiko dahil na din sa oras.

Nasa trenta minutos lang siguro nang makarating na ako sa tagpuan namin ngunit laking pagtataka ko nang hindi ko na siya nakita.

"Ano bang iniexpect mo ang tagal mong pinaghintay iyong tao eh." bulong ko sa sarili ko akma na sana akong babalik sa kotse ko nang mamataan ko ang papalapit na si Ram na halatang nagulat nang makita ako.

Parang may mga isip ang mga mata ko na naglakad palapit sa binata, para akong nahihipnotismo sa mga titig nito na punong puno nang pangungulila.

"Saan ka nagpunta?" namalayan ko na lang tanong ko dito.

"Minabuti ko na munang maglakad, naalala kasi kita sa lugar na ito, tanda mo dito kita natagpuan?" he said huskily that sends shiver to my spine.

"Nakalimutan mo na bang sa Cubao mo ako unang nakita?" I answered back trying to put a humor in my voice.

"Yeah I know pero dito sa lugar na ito uli kita nakita, kung saan nakita ko ang kagandahan ng loob mo nang bigyan mo ng pagkain ang isang pamilya sa lugar na ito." sagot naman nito hindi ako makapaniwala na alam pala nito ang bagay na iyon at nang mapatingin ako hindi kalayuan sa amin ay nakita ko ang mag-anak na masayang nagsasalo salo sa pagkain na binigay ni Ram.

Bigla na namang nanaig ang katahimikan sa pagitan namin tanging ang mga mata namin ang nag-uusap, ngunit alam kong kailangan ko nang gawin ang pakay ko bago pa ako mawalan nang lakas ng loob.

"Ram patawarin mo ako ngunit hindi na natin maaring ibalik ang kung ano mang meron tayo dati, may mga bagay na hindi na maari at isa na dito ang relasyon natin." I tried hard not to buckle.

"But..... I love you Atilla." bigla ang pangingilid ng luha sa mga mata ni Ram na lalong nagpapahirap sa akin.

"I'm sorry Ram this is goodbye." agad akong tumalikod dito para itago ang pagpatak ng mga luha sa mga mata ko ayokong makita nito ang sakit na nararamdaman ko ng dahil sa desisyon ko, halos mahilam ako sa mga luhang umaagos sa mga mata ko kaya naman hindi ko nakita ang pasalubong na lalaki kaya naman bumangga ako dito.

"I'm sorry." paghingi ko nang paumanhin dito ngunit nagulat ako nang bigla ako nitong niyakap nang mahigpit habang hinihimas ang likod ko, lalayo na sana ako dito nang marinig ko ang boses nito.

"Tama na Atilla." ang mahinahon na sinabi ni Ang, hindi ako makapaniwala na sinundan pala ako nito. mahigpit akong yumakap dito para kumuha ng lakas na kailangan ko, kailangan kong magpakatatag para hindi tumakbo ang bumalik kay Ram.

Inakay na ako nito patungo sa gamit nitong kotse na nakapark hindi kalayuan sa puwesto namin, ngunit bago pa man ako makasakay ay nagulat na lang ako sa nakakabinging ingay kasunod nang malalakas na sigaw ng mga tao sa paligid.

Biglang ang pagsalakay ng takot sa dibdib ko sa hindi ko mawaring dahilan, agad naman akong tumakbo sa pinagmulan ng ingay.

"Tulungan ninyo ang mama!" ang malakas na sigaw nang isang babae sa lugar na iyon, biglang nanglaki ang ulo ko nang tuluyan kong makita ang naturang aksidente, isang pulang kotse ang nakahinto ngayon at sa bandang likuran naman non ay ang pigura nang isang duguan na lalaki.

"Ram!!!" sigaw ko sabay takbo patungo kay Ram, pakiramdam ko mamatay ako sa nakikita ko dito, naliligo ito sa sarili nitong dugo nang iangat ko ang ulo nito.

"Atilla?" ang tawag nito sa akin na lalong nagpalakas nang pag-iyak ko.

"Ako nga ito Ram please huwag ka nang magsalita padating na ang ambulansya." pagpapalakas ko ng loob dito habang mahigpit kong hawak ang kamay nito.

"I... just...want... to say how much I love you, and I am... happy na ikaw ang minahal ko...." pagpapatuloy nito kahit na nga ba hirap na hirap na ito sa pagsasalita.

"Mahal na mahal din kita Ram, hindi nagbago ang pagmamahal ko sayo kaya please lakasan mo ang loob mo." hilam na hilam na ang mga mata ko dahil sa tuloy tuloy na daloy ng luha dito.

"Lagi... mong... tandaan Atilla mahal na mahal kita sana ay maging masaya ka kahit wala na ako." nanghihina na nitong sinabi.

"Ano ka ba naman Ram huwag ka ngang magsalita ng ganyan, kung mahal mo talaga ako kailangan mong magpakatatag." galit kong sinabi dito.

"Wala pa ba ang ambulansya?!" galit kong sigaw dahil pakiramdam ko ay unti unti nang nawawala sa akin ang taong mahal ko.

"Paalam mahal ko...." sinubukan nitong iangat ang kamay para hawakan ang pisngi ko ngunit ilang sandali lang nawalan na iyon ng lakas at bumagsak sa gilid ng binata.

"Please Ram don't leave me, mahal na mahal kita, Ram!" parang gusto ko nang mamatay nang mga oras na iyon, hindi sa ganitong paraan ang gusto kong mangyari ang gusto ko ay ang makahanap ito nang ibang taong mamahalin nito hindi ganito ang gusto kong mangyari, tuloy tuloy lang ako sa pag-iyak habang yakap yakap ko si Ram, hindi ko pinansin nang pinilit ako ni Ang na tumayo ayoko nang mawalay sa taong pinakamamahal ko.