CHAPTER 63
-=Atilla's POV=-
"Panginoon sana ay mahanap na niya ang katahimikan na kailangan niya at sana ay mapatawad niya ako sa lahat." piping dasal ko, masakit sa akin na mawala ito ngunit kailangan ko na siyang ilet go.
Paano mo ba mapapakawalan ang isang tao na naging napakalaking parte ng buhay mo, isang taong naging karamay mo sa mga panahon na kailangan mo nang makakapitan, hindi ko tuloy maiwasang hindi maiyak sa sakit na nararamdaman ko.
Umaasa na lang ako na mahanap na niya ang katahimikan na nararapat sa kanya.
"Tara na Atilla." narinig kong tawag ng bestfriend ko na si Nicole kita ko ding apektado siya sa pinagdadaanan ko ngunit kailangan na namin siyang pakawalan.
Sabay na kaming naglakad ni Nicole patungo sa kuwartong iyon, ang bigat ng mga paa ko habang naglalakad dahil kahit nagdecide na ako ay masakit pa din sa akin ang mawala ito.
Isang mahabang buntung hininga ang ginawa ko bago ko binuksan ang pinto ng kuwarto at isang malapad na ngiti ang gumuhit sa mga labi ko pagkakita kong gising na ito at nang makita naman ako nito ay agad din nitong sinuklian ang ngiti kong iyon.
"Atilla....." ang sinabi ni Ram habang hindi mawaglit waglit ang tingin nito sa akin, punong puno ng pagmamahal ang nakikita ko sa mga mata nito.
Sa totoo lang para akong namatay ng mawalan ito ng malay sa mga braso ko kaya naman inakala kong tuluyang nawala na sa akin ang taong pinakamamahal ko mabuti na lang talaga at naisugod agad siya sa ospital kaya naagapan ito at ngayon nga ay pangatlong araw na nito sa ospital, maliban sa ilang baling buto nito at mga sugat ay wala naman malalang natamo ito nang mabangga ito ng kotse.
"Alam mo ba kanina ka pa hinahanap ng batang iyan." sumbong sa akin ng Daddy ni Ram, kitang kita ko ang saya sa mukha nito habang nakatingin sa aming dalawa.
"Bakit mo naman ako kanina pa hinahanap?" malambing kong tanong dito, at inabot ko ang kamay ko sa nag-aantay na kamay ni Ram.
"Kailangan pa bang itanong yan? Siyempre gustong gusto kong makita ang babaeng pinakamamahal ko." sagot naman nito na lalong nagpalapad ng ngiti sa mga labi ko.
"Bolero ka talaga." ang natatawa ko namang sinabi dito sabay hampas ng mahina sa balikat nito na hindi masyadong nabugbog sa aksidente.
"Kuuu... maiwan ko na nga muna kayo diyan at kakausapin ko pa ang doctor kung maari ka nang makauwi." ang sinabi nito.
"Samahan ko na kayo Tito, pakiramdam ko masyado na akong nakakaistorbo sa lovebirds." biro naman ni Nicole na agad sumunod sa matanda bigla naman kaming nagkatinginan ni Ram at sabay natawa sa dalawa ngunit matapos iyon ay napansin ko ang biglaan pagseseryoso ni Ram.
"Are you ok Atilla?" tanong nito sa akin.
"Yes of course I'm fine." pilit kong tinatago ang nararamdaman kong kalungkutan dahil alam ko kung ano ang tinutukoy nito.
"Hindi mo kailangan itago ang kalungkutan diyan sa dibdib mo Atilla, alam kong naging mahalaga sayo si Ang at mahirap para sayo ang mawala ang taong iyon." nakakaunawa nitong sinabi.
Isang mapait na ngiti naman ang nanilay sa mga labi ko nang maalala ko ang naging pag-uusap namin ni Ang.
"Atilla, nandito na ang ambulansya." pang-ilang beses atang sinabi ni Ang ngunit para akong nawalan nang pakialam sa buong paligid dahil iniwan na ako ni Ram, iniwan na ako ng taong pinakamamahal ko.
Naramdaman ko na lamang ang banayad na kamay ni Ang sa balikat ko ngunit tulala lang akong nakatingin sa kanya, isang mahigpit na yakap ang binigay nito sa akin kung saan ko binuhos ang lahat ng sama ng loob ko.
Ito na mismo ang nag-akay sa akin pasakay sa ambulansyang maghahatid kay Ram sa pinakamalapit na ospital.
Labis ang pagdarasal na ginawa ko na sana ay makaligtas si Ram, samantalang si Ang ay tahimik lang sa tabi ko, hindi pa din nito binibitawan ang kamay ko.
"Don't worry Atilla makakaligtas si Ram." ang narinig kong sinabi dito ngunit hindi ko pa din nilayo ang tingin ko sa duguang mukha ni Ram, awang awa ako sa nakikita ko dito at kung maaring ako na lang ang magdanas nang paghihirap nito ay ginawa ko na.
Pakiramdam ko iyon na ang pinakamahabng biyahe na naranasan ko dahil pakiramdam ko kasi bawat minutong lumipas ay ang unti unting pagkawala ng buhay ni Ram.
Pagkadating sa naturang ospital ay agad na itong dinala sa emergency room, sinubukan kong sumunod ngunit hinarang na ako ng nurse.
"Be strong Atilla." ang narinig kong sinabi ni Ang ngunit hindi ko na mabigyan masyado ng atensyon iyon dahil ang buong puso at isip ko ay nasa loob kasama ng lalaking pinakamamahal ko na nakikipaglaban para mabuhay.
Lumipas ang ilang minuto na naging isang oras, sa pag-angat ko ng mukha ay agad kong napansin ang Daddy ni Ram na kitang kita ang pag-aalala sa itsura nito nang dahil sa anak.
"Tito." pagtawag ko dito.
"Atilla nasaan ang anak ko?" naluluha nitong sinabi bigla naman akong napayuko dahil hindi ko kayang makita ang sakit sa mukha nito.
Si Ang na mismo ang nagpaliwanag ng nangyari at matapos ang another thirty minutes ay lumabas na din ang doctor.
"Sino po ang pamilya ng pasyente?" seryosong tanong ng doctor, hindi ko tuloy maiwasang hindi kabahan dahil sa pinapakita nitong expression sa mukha.
"Ako... ako po ang ama ng pasenyente, doc kamusta na po ang anak ko?" kinakabahang tanong nito.
"Maayos na po ang kalagayan ng anak ninyo natutulog pa din siya, pero maari na natin siyang dalhin sa recovery room." ang nakangiti na nitong sinabi, parang pakiramdam ko nawalan ako ng hangin sa relief na naramdaman ko, ligtas si Ram.
Agad kaming lumapit ng Daddy ni Ram nang makita namin ang paglabas ng walang malay na katawan nito na sakay ng stretcher.
"Ram nandito lang kami..... I love you." ang namutawi sa mga labi ko.
Kahit sandali ay hindi ako iniwan ni Ang habang nagbabantay ako sa wala pa ding malay na si Ram, alam kong nagiging unfair na ako kay Ang ngunit mas kailangan ko ngayon ng suporta.
Kinabukasan na nang magising si Ram at labis ang kasiyahan na naramdaman ko nang tawagin nito ang pangalan ngunit sandali lang itong nagising at bumalik na uli sa pagtulog.
"Atilla can we talk?" nagulat na lang ako nang biglang magsalita si Ang na tahimik na nakatingin sa gilid ng kuwarto.
Agad ang pagsalakay ng guilt sa dibdib ko sa nagagawa ko dito, he doesn't deserve to be treated like this.
Iniwan namin si Ram kasama ng Daddy nito kaya naman may oras kami para mag-usap ni Ang, ngunit kahit ganoon ay hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong sabihin dito.
"Ang....." ang mahina kong tawag dito, nauuna kasi ito sa paglalakad at parang sinuntok ang dibdib ko sa nakikita kong pagpipigil nito nang luha sa mga mata nito, kitang kita ko ang sakit na dinulot ko dito.
"Please don't speak Atilla, let me talk first." he pleaded, kaya naman minabuti ko nang pakinggan ang anumang sasabihin nito.
"Mahal.... na ... mahal kita Atilla, kung alam mo lang kung gaanong paghihirap ang nararamdaman ko ngayon, sobrang sakit na pakiramdam ko nadudurog na ang puso ko sa dibdib ko, God knows how much I want to be in your life, want to spend all my life with you pero alam kong hindi na puwedeng mangyari iyon, siguro matagal ko nang alam na hindi mo naman talaga ako mahal ngunit nagbulag-bulagan lang ako dahil umasa pa din ako na matutununan mo akong mahalin ngunit siguro nga dadating ang panahon na kailangan mo nang marealize na ang bagay na inaasam mo ay hindi nangyari.." patuloy nito, bawat salita na lumalabas dito ay parang punyal na bumabaon sa puso ko.
"I'm letting you go now Atilla, I'm giving you back to Ram dahil alam kong sa kanya ka sasaya." tuluyan nang pumatak ang luha sa magkabilang mga mata nito.
Hindi ko na din napigilan ang malayang pagdaloy ng luha sa mga mata ko sa sinabi nito, kahit na nga ba makakasama ko na ang taong tunay kong minamahal ay masakit pa din sa akin ang mawala ito.
"I only have one request from you..." pagpapatuloy nito.
"Please stay away from me from now on." sobrang sakit ng marinig ko ang bagay na iyon sa kanya ngunit mas nasaktan ako ng makita ko ang paghihirap sa mukha nito at matapos nga noon ay dali dali itong tumalikod at naglakad palayo sa akin, pakiramdam ko isang parte ng buhay ko ang nawala sa pagkawala ni Ang.
"Atilla naiintindihan ko naging napakalaking parte ng buhay mo si Ang, at nagpapasalamat ako na natulungan nga niya sa mga panahon na kailangan mo nang makakaramay." nagising na lang ako nang marinig kong muling nagsalita si Ram.
"Nasaktan ko siya Ram." malungkot kong sagot dito.
"I know Atilla umasa na lang tayo na matagpuan niya ang babaeng magmamahal sa kanya ng buo at mamahalin niya ng higit pa sa pagmamahal na binigay niya sayo." nakangiti nitong sinabi.
"I know dadating din ang taong iyon para kay Ang." ang nakangiti kong sinabi dito.
"And this is what I promised you Atilla, I will love and cherish you for the rest of our life." punong puno nang pag-ibig nitong sinabi sa akin.
"Are you proposing Romano Santiago?" nanunudyo kong tanong dito.
"Obvious ba?" natatawa naman nitong tanong sa akin.
"Ano ka hilo? Ligawan mo muna kaya ako." natatawa kong sinabi dito at akma akong lalayo dito nang maagap nitong nahawakan ang kamay ko.
Kahit nahihirapan ay hinatak ako nito sa kama kung saan mahigpit na mahigpit ako nitong niyakap.
"Sorry Atilla mas gusto kitang daanin sa santong paspasan." ang nakakalokong sinabi nito at hindi ko gusto ang pilyong ngiti na sumilay sa mga labi nito.
"Ram pakawalan mo ako hindi ko gusto ang nasa isip mo..... Ram!" sigaw ko.
After a month.....
Isang engrandeng kasalan ang naganap sa pagitan namin ni Ram, si Henry ang naghatid sa akin sa altar kahit na nga ba nakawheelchair ito, hindi ito pumayag na may ibang maghahatid sa akin sa Altar.
Sinabi kong hindi ako iiyak ngunit habang palapit ako sa taong mahal ko ay hindi ko na napigilan maging emosyonal lalo na't nakikita ko ang pamumula ng mga mata ni Ram habang nakatingin sa akin, pakiramdam ko ako na ang pinakamaligayang babae sa buong mundo dahil sa wakas ay makakasal na kami ng lalaking pinakamamahal ko.
Mahigpit na kinamayan ni Ram si Henry at matapos nitong tapikin sa balikat si Ram ay magkasama na kaming naglakad ni Ram sa harap ng altar, halos kulang kulang isang oras din ang tinakbo ng kasal na sinaksihan ng mga taong naging mahalagang parte ng buhay namin.
"You may now kiss your bride." ang nakangiting sinabi ng pari, agad naman tinaas ni Ram ang belong tumatabing sa mukha ko at akma nitong hahalikan ang mga labi ko ng hindi ko mapigilan maduwal at kita ko ang pag-aalalang nagregister sa mukha nito.
"Ok ka lang ba Atilla?" nag-aalala nitong tanong sa akin kahit ako man ay naguluhan kung bakit ako nasusuka nang biglang pumasok sa akin na delay pala ako ng two weeks.
"I....I think buntis ako...." tulala kong sinabi dito at nagulat na lang ako ng buhatin ako ni Ram sa sobrang saya.
"Magiging Daddy na ako!" masayang masayang sigaw nito na patuloy pa din sa pagbuhat sa akin.
"Ehem baka puwedeng tapusin muna natin ang kasal hijo at hija." natatawang sinabi ng pari at hindi na namin hinintay na ulitin ng pari ang sinabi nito kanina, at agad naglapat ang aming labi, alam kong siya ang matagal ng wala sa buhay ko ang taong mamahalin ko at mamahalin ko ng buong puso kasama ng magiging baby namin kung buntis nga ako pero malakas ang kutob ko na nasa sinapupunan ko ngayon ang bunga ng pagmamahalan namin ni Ram.
THE END...