Chereads / My Fiancee is a Prostitute (Filipino) / Chapter 60 - I Choose......

Chapter 60 - I Choose......

CHAPTER 59

-=Atilla's POV=-

The following day I woke up with a smile on my face, matapos ko kasing nalaman ang magandang balita tungkol sa kalagayan ni Henry kagabi ay bahagyang gumaan ang nararamdaman kong bigat sa dibdib ko.

Agad akong dumiretso sa kusina kung saan nakahanda na ang almusal ko, pero medyo nakakalungkot din talaga ang kumain mag-isa kaya naman kaunti lang ang nakain ko, but it doesn't dampened my mood lalo na ngayon na alam kong pagaling na si Henry.

That day kasi ay hindi ko kailangan maagang pumasok sa opisina dahil may mga kameeting ako mamayang hapon kaya naman nagdecide akong tawagan na lang si Samantha para ipaalam dito ang plano ko.

But since workaholic ako ay hindi ko pa din napigilang buksan ang laptop ko at tignan ang mga emails na nareceive ko, iba't ibang mga documents ang nareceive ko na hindi naman kailangan nang maagap na atensyon kaya nang masigurado kong wala naman masyadong importanteng email ay tinurn off ko na din ang macbook ko.

I turned on the TV in my room ngunit palipat lipat lang ako ng channel at wala naman akong nakikitang palabas na gusto ko kaya tinurn off ko din iyon, sandali akong nag-isip bago ako makabuo ng desisyon.

Dali dali akong kumuha nang gagamitin ko at matapos non ay dumiretso na ako sa banyo, binuksan ko ang gripo sa bathtub at hinintay iyon na mapuno, tinimplahan ko iyon nang lavender oil at ilang sandali lang ay binabad ko ang buong katawan ko sa tubig.

It felt like heaven habang nasa loob ako ng bathtub na iyon, nagtagal din ako siguro doon nang halos isang oras bago ako tuluyang bumangon at dumiretso sa walk-in closet ko, agad akong namili nang susuotin ko at matapos nga noon ay dumiretso na ako sa naghihintay na kotse at pinaharurot iyon paalis sa parking lot.

Nagdecide kasi akong mamasyal na muna kahit sa mall man lang na malapit sa meeting place namin nang kameeting ko for today, dahil wala na din namang akong masyadong magawa sa bahay kaya naman naisipan kong maglibang na muna kahit paano.

Mga bandang pasado alas onse na nang makarating ako sa naturang mall at matapos magpark ay naisipan kong kumain na din ng lunch, this I'm craving for pizza kaya naman dumiretso ako sa Sbarro.

Medyo mahaba haba na din ang line dahil lunch break na din naman kaya naman sandali akong naghintay sa pila at habang naghihintay ay namili na din ako ng oorderin ko.

"Good morning maam ano pong order nila?" ang nakangiting tanong sa akin ng turn ko na.

"I like to have four cheese pizza, lasagna and a glass of Ice tea please." ang sinabi ko naman dito, matapos magbayad ay sandali pa akong naghintay sa order ko at matapos nga noon ay dumiretso na ako sa bakangteng mesa na tinayuan lang ng nakaupo dito kanina.

"Thanks for the food." I muttered under my breath and dig in to the mouthwatering food in front of me.

Pakiramdam ko sasabog na ang tiyan ko sa kabusugan pero ang dami pa din na slizes ng pizza akong hindi nakakain kaya naman naisipan kong ipabalot para may kainin ako mamaya pag-uwi puwede ko naman kasing imicrowave ang mga iyon later.

Matapos makakain ay naisipan ko naman dumaan sa National Bookstore para tumingin nang mga librong maari kong basahin kapag hindi agad ako makatulog, I saw an english book na sinulat ni JK Rowling na Casual Vacancy and since I heard a great deal about the book kaya naman naisipan kong bilhin ang librong iyon aside from that I also bought couple of books written by Johanna Lindsey.

Masyado kong naenjoy ang pamamasyal kaya naman nagulat ako nang makita ko one thirty na kaya naman dali dali akong naglakad palabas ng mall hindi ko na dinala ang kotse ko dahil mas matatagalan pa kapag nag kotse ako kaya naman nilakad ko na lang ang meeting place namin tutal naman hindi naman iyon kalayuan, two pm kasi ang oras nang meeting namin.

Sa paglalakad kong iyon ay bigla akong napatigil nang makita ko ang isang mag-anak na namamalimos hindi kalayuan sa akin kaya naman agad akong lumapit sa mga ito at inabot ang dala kong pagkain, at matapos nga noon ay nagpatuloy na ako sa paglalakad.

Five minutes before two nang makarating ako sa naturang building at nang malaman nang mga ito kung sino ako ay dali dali nilang pinatuloy kung saan naghihintay ang kameeting ko, hindi naman masyadong nagtagal ang meeting na iyon dahil formality na lang naman iyon dahil matagal nang nagkasundo ang dalawang kumpanya, inabot lang ata nang thirty minutes ang meeting na iyon kaya naman madami pa akong oras naman sa next meeting ko ngunit naisipan ko nang maagang umalis para hindi na din ako matraffic mahirap na ngunit bago ko pa man mastart ang kotse ko ay nakareceive naman ako nang tawag na may nangyari kaya hindi matutuloy ang meeting namin ng kameet ko which is not really a big deal.

Katulad nang inaasahan ay sobrang traffic na sa EDSA, napagdesisyunan ko na kasi na dumiretso na sa opisina para naman maging productive ang araw kong ito, habang naghihintay na umandar ang daloy ng trapiko ay naisipan kong iturn on ang radio ng kotse at para namang nananadya na ang kasalukuyang nagpleplay ay ang kantang Mahal ko o Mahal ako.

"Great just great! Way to go to ruin a peaceful day." iritable kong nasabi sa loob ko and again bigla ko na namang naalala si Ram, hindi ko pa din kasi nakikita ito naisip ko tuloy na baka kusa na itong sumuko kaya hindi na ako pinupuntahan and that thought scared the hell out of me kahit na nga ba hindi pa ako nakakapagdecide kung sino ba talaga ang dapat na sa akin.

"Please give me a sign." pagsusumamo ko habang nakapikit ang mga mata ko at nang magmulat ako ng mga mata ay nakita ko ang dalawang magnobyo ata na masayang nagsasalo sa fishball na binili nila, simple lang iyon pero kitang kita ko ang kasiyahan habang magkasama sila, hindi ko tuloy maiwasang hindi mainggit sa nakikita ko sa kanila kaya mas lalong tumindi ang pagkamiss na nararamdaman ko para kay Ram.

Agad kong pinalis ang kaisipan na iyon at nagpatuloy na sa pagdadrive mabuti naman at kahit paano ay bahagya nang bumilis ang daloy ng trapiko.

Katulad nang inaasahan ay nagulat si Samantha nang makita akong pababa ng personal elevator ni Henry.

"Atilla may meeting ka ngayon diba?" tanong nito sa akin na agad sumalubong sa akin.

"Yeah natapos na iyong una kong meeting kaso iyong pangalawa naman ay nagcancel kaya naman naisipan ko na munang dumiretso dito para hindi naman masayang ang araw ko, so how's the...." ngunit naputol iyon nang bumungad sa akin ang lalaking patuloy na gumugulo sa isip ko ang taong labis kong namimiss.

Halatang nagulat din ito lalo na't mukhang hindi nito inaasahan na papasok ito, kita ko pa ang mga papeles na inaasikaso nito.

"Sorry I didn't know na papasok ka pala." ang seryoso nitong sinabi na agad inayos ang mga papeles at agad na tumayo, para naman nadudurog ang puso ko sa pinapakita nito, nakumpirma nito ang hinala kong iniiwasan talaga ako ni Ram na labis na nagpapasakit sa dibdib ko.

"Ram..." tawag ko dito at bigla itong napahinto sa paglalakad at hinintay nito na magpatuloy ako, ngunit kahit ako man ay hindi ko alam ang dapat kong sabihin.

"Kung wala ka nang kailangan ay mauuna na ako marami pa kasi akong kailangan asikasuhin eh." malamig nitong sinabi at magpapatuloy na sana ito sa paglalakad nang hindi ko na napigilan ang sarili ko na ilabas ang lahat ng emosyon ko na pilit kong nilalabanan.

"Ram.... bakit mo ako iniiwasan?" tanong ko dito sa gumagaralgal na boses.

"I'm doing this for you Atilla, I want you to have the time to think, ayokong makabuo ka ng desisyon na pagsisihan mo sa bandang huli kaya kahit mahirap at masakit sa akin ay ginawa ko ito, so for now Atilla goodbye....." malungkot na malungkot nitong sinabi at nagpatuloy na ito sa paglalakad.

Parang may mga sariling isip naman ang mga paa ko na kusang kumilos patakbo sa binata at ang dalawang braso ko naman ay pumulupot sa bewang nang binata, I felt him stiffen sa ginawa ko ngunit hindi ito kumilos.

"Please don't go Ram, I miss you so badly, I love you." maemosyon kong sinabi dito at para akong nasaktan nang tanggalin nito ang mga kamay ko sa bewang nito ngunit ginawa lang pala niya iyon para makaharap ito sa akin and the emotion that I saw in his face made me breathless, mas lalo atang lumakas ang daloy ng mga luha sa mga mata ko sa nakikita kong labis na pagmamahal na nakapinta sa itsura nito.

I already made my decision and this time I will let my heart decide dahil alam kong na kay Ram ang kaligayahan na inaasam ko, ngunit biglang binalot na pangamba ang dibdib ko nang biglang may magsalita hindi kalayuan sa amin.

"What's the meaning of this?" narinig kong may nagsalita sa bandang kanan ko at bigla akong nanghina nang makita ko ang pagtataka sa mukha ni Ang ngunit mas higit pa nang makita ko ang sakit na nakaguhit sa mukha nang binata.

Sakit na naidulot ko sa isang taong walang ginawa kung hindi ang mahalin ako nang buong puso.