Chereads / My Fiancee is a Prostitute (Filipino) / Chapter 61 - Unfortunate Event

Chapter 61 - Unfortunate Event

CHAPTER 60

-=Atilla's POV=-

Para akong napako sa kinatatayuan ko habang nakatingin sa sakit na nakahugit sa mukha ni Ang, hindi ko alam na sa ganito niya malalaman ang lahat.

Yes I already made my decision at ang desisyon ko ay sundin ang nasa puso ko, mahirap man sa akin ay kailangan kong maging totoo kay Ang, mahirap sa akin na saktan si Ang dahil sa kabutihan niya ngunit hindi ko na yata kayang lokohin siya pati na din ang sarili ko, pero hindi sa ganitong paraan.

"Atilla anong ibig sabihin nito?" tanong nito sa nanginginig na boses, kitang kita ko ang pait sa mga mata nito sa nalaman nitong pagtataksil ko sa binata, parang nadudurog ang puso kong makitang ganito si Ang.

Agad naman humarang si Ram protecting me from Ang, ngunit agad ko itong hinawi dahil alam kong hindi magagawa ni Ang na saktan ako, napakabuting tao nito.

"Ang....." pinilit kong magsalita ngunit tanging pangalan lang ang lumabas sa bibig ko, paano mo ba sasabihin lalo na't hindi ka naman handa, paano mo sasabihin sa taong nakapabuti sayo na makikipaghiwalay ka na sa kanya.

"Ang... I just want to say...." ngunit naputol iyon sa biglang pagtunog ng cellphone nito, ayaw sanang pansinin ni Ang ang tawag na iyon ngunit nagpatuloy lang iyon sa pagring kaya naman wala nang nagawa ang binata kung hindi ang sagutin nito ang tawag.

"Anthony.... I don't have time right now..... Sino to?" nabibigla nitong tanong nang marahil ay may ibang boses itong narinig and from a pained expression napalitan iyon nang labis na pag-aalala.

Tahimik lang ako habang nakikinig sa pakikipag-usap nito sa cellphone habang si Ram naman ay nasa likod ko at nag-aantay nang susunod na mangyari.

"Naaksidente si Anthony, naaksidente ang kapatid ko." nanginginig ang boses nito na biglang napaupo sa bakanteng silya na parang nanghihina, ngayon ko lang nakitang ganito si Ang, ngayon ko lang nakitang helpless ang binata dahil noon dito ako kumukuha nang lakas at parang madudurog ang puso ko sa nakikita kong estado ngayon ng binata.

"Let me go Ram." mahina kong sinabi kay Ram na patuloy pa din nakahawak sa kamay ko nang sobrang higpit na para bang natatakot ito na tuluyan na akong mawala sa kanya.

I don't want to let go of his hand as well ngunit mas kailangan ako ngayon ni Ang, kaya naman ng hindi nito binitawan ang kamay ko ay hinatak ko palayo iyon sa kanya at parang awtomatikong gumuhit ang sakit sa mga mata ni Ram.

"I'm sorry Ram." sa loob loob ko at pinili kong huwag nang lingunin si Ram dahil natatakot akong magbabago ang isip ko at ikulong ko ang sarili ko sa mga yakap nito at hindi matulungan si Ang.

Pikit mata kong kinuha ang kamay ni Ang at hinatak na itong patayo para mapuntahan namin ang pinagdalhan ni Anthony.

"Saan tayo?" tanong ko dito na hindi pa din makapagsalita, minabuti ko nang ako ang magdrive dahil alam kong wala ito sa wisyo para magdrive.

"Sa... St. Lukes....." ang wala pa din sa sarili nitong sinabi, awang awa ako sa kinikilos nito ngayon, ngayon ko mas lalong napagtanto kung gaano nito kamahal ang nakakabatang kapatid kahit na nga ba magkaiba sila ng ama.

"Kailangan nating magpakatatag Ang, mas kailangan ka ng kapatid mo ngayon." matiim kong sinabi dito at nakita ko naman na para bang natauhan ito sa sinabi ko at finally nakita ko na ang Ang na kilala kong malakas ang loob at matapang.

Ngunit kahit ganoon ay nanatili lang itong tahimik habang nakatingin sa labas ng bintana, nararamdaman ko pa din ang pag-aalala nito.

Isinantabi ko na muna ang kagustuhan kong magpaliwanag dito dahil mas mahalaga ay ang mapuntahan namin at malaman namin ang kalagayan ng kapatid nito, I know how hard it is to be in this situation dahil sa nangyari kay Henry.

Halos paliparin ko na ang kotse nito sa pagmamadali namin patungo sa naturang ospital at mabuti na lang ay nakarating kaming ligtas sa ospital na iyon, inabot din kami siguro nang mahigit isang oras na pagbibiyahe.

"Nasaan si Anthony Uy?" mariing tanong nito sa naabutan naming nurse na agad chineck ang computer.

"Nasa operating room pa po ang pasyente." ang sagot naman ng nurse at agad tinuro sa amin ang OR.

Doon ay naabutan namin ang Mommy nila Anthony at Ang na mugto ang magkabilang mga mata mula sa pag-iyak at nasa isang sulok naman ang Daddy ni Anthony na tahimik ngunit nakatiim ang bagang marahil ay sa pag-aalala sa anak.

"Ang, ang kapatid mo....." hindi na nito natapos ang sasabihin dahil muli na naman itong naiyak kaya naman mahigpit na niyakap naman ito Ang habang tahimik pa din na nakatingin ang asawa nito.

"What happened?" tanong ni Ang sa ina.

"Ayon sa imbestigasyon mabilis ang naging pagpapatakbo ng kapatid mo at ayon sa mga nakakita may biglang sumulpot na truck sa sangang daan kaya naman hindi agad nakapagpreno si Anthony, ayon sa imbestigasyon ay mukhang nawalan daw ng preno ang sasakyan niya." lumuluha pa din nitong sinabi.

For some reason I can feel na hindi maayos ang relasyon ni Ang sa amain at mukhang ganoon din ito sa anak ng asawa, but they greeted each other like civilized people which is kind of ok.

Kakaupo lang namin nang humahangos naman na dumating si Miranda at parang awtomatikong lumabas ang galit sa mga mata ni Ram nang makita ito, hindi din ito nag-aksaya at agad na sinalubong ang dalaga.

"What the hell are you doing here?" galit na galit nitong salubong sa nagulat na dalaga biglang parang mas lalong tumahimik ang kanina pang tahimik na atmosphere sa pagitan namin sa sinabi ni Ang.

Bigla akong naguluhan sa kinilos nito at bigla naman akong naawa kay Miranda na halatang nagulat sa sinabi ni Ang.

"Nandito ako dahil kailangan ako ng asawa ko." mahinahon na sagot naman ni Miranda dito at mukhang hindi nagustuhan ni Ang naging sagot nito.

"You know that bullshit Miranda, everyone in this room know na pera lang ang habol mo sa kapatid ko kaya ka nagpakasal sa kanya at hindi na din ako magtataka kung ikaw ang may pakana sa pagkawala ng break ng kotse ni...." ngunit bago pa man matapos ni Ang sinasabi nito ay sumalubong na ang isang napakalakas na sampal mula kay Miranda sa sobrang lakas nga ng sampal nito ay pumaling ang mukha ni Ang sa kabilang side.

Agad ang ginawang pagharap ni Ang sa dalaga ngunit bago pa man makapagsalita si Ang ay muli uling nagsalita si Miranda, pinipigilan nitong huwag magpakita ng emosyon ngunit kahit anong pagpipigil nito ay maririnig iyon sa boses nito na gumagaralgal dahil sa pinipigilang emosyon.

"Wala kang karapan na pagsalitaan ako ng masama, wala kang alam sa mga nangyayari at kahit kailan hindi ko makakayang saktan si Anthony tandaan mo iyan!" nanginginig ang buong katawan ni Miranda na marahil ay sa galit at sama ng loob ng dahil sa sinabi ni Ang, maski man ako ay nagulat sa sinabi ni Ang lalo na ang pagbibintang nito sa dalaga na may kasalanan sa pagkawala ng break ng kotse ni Anthony.

Sasagot pa sana si Anthony ngunit pinigilan na ito ng Daddy ni Anthony. "Ang stop it, hindi ito ang tamang panahon na pag-usapan ang bagay na iyan ang mahalaga ay ang kaligtasan ni Anthony." matigas nitong sinabi nakipagmatigasan pa si Ang na nakipagtitigan dito ngunit sumuko na din ito at basta na lang umupo sa malayong puwesto, malayo kay Miranda na pilit naman inaalo ang biyenan.

Lumipas ang isang kalahating oras nang lumabas ang doctor na nag-oopera kay Anthony at agad naman kaming nagsitayuan para salubungin ang doctor.

"Doc kamusta na po ang anak ko?" tanong ng ginang.

"Madaming nawalang dugo sa pasyente kaya kakailanganin namin salinan siya ng dugo at ayon sa pagsusuri namin ay AB positive ang pasyente." paliwanag ng doctor.

"A...ako po AB positive ang dugo ko." sagot naman ng Mommy ni Ang ngunit agad iyon pinigilan ng asawa at sinabing hindi siya maaring magpakuha ng dugo dahil sa kalagayan nito.

"Ako po AB positive ako." ang sinabi naman ni Ang at sandali lang chineck ang dugo ng binata at kinuhanan ito nang dugo at matapaos nga noon ay nagpatuloy na uli ang operasyon, nakabalik na din si Ang sa waiting area ng operating room but this time mahinahon na ito kahit na nga biglang didilim ang mukha nito kapag napapatingin kay Miranda.

"Don't you think you're being a little unfair kay Miranda?" tanong ko dito at mabilis naman na tumigin ito sa akin na hindi makapaniwala sa sinabi ko.

"Unfair? She deserve all the insult in the world Atilla at malakas ang hinala kong may pakana siya pagkawala ng break ng kapatid ko, remember what happened to his ex husband?" tanong nito sa akin, ngunit kahit ganoon ay hindi pa din ako makapaniwala pero minabuti ko na lang na sarilinin ang opinyon ko.