Chereads / My Fiancee is a Prostitute (Filipino) / Chapter 62 - Mahal Kita Pero.....

Chapter 62 - Mahal Kita Pero.....

CHAPTER 61

-=Atilla's POV=-

Lumipas ang mga oras na nasa loob pa din ng operating room si Anthony, walang kahit na sino ang nagsasalita sa pagitan namin, ang isip namin ay sa pasyente na pilit na nililigtas ng mga doctor.

Inabot din siguro ang operasyon nang mahigit anim na oras nang lumabas ang doctor na hapong hapo dahil sa nangyari.

"Kamusta na po ang asawa ko?" tanong ni Miranda na agad nakalapit sa naturang doctor.

"Succesful ang operasyon subalit hindi pa siya ligtas, the fourty eight hours is going to be critical, he needs to wake up with that time or else mauuwi siya sa coma." ang narinig kong sinabi ng doctor, kitang kita ko ang panglulumo sa mukha nang pamilya ng pasyente at ganoon din ang pag-aalala sa mukha ni Miranda na sigurado akong totoo.

Matapos ang naturang operasyon ay dinala na si Anthony sa ICU para mas mabantayan ito nang maayos, minabuti naming dalawa ni Ang ang magbantay na muna sa pasyente lalo na't mukhang hindi na kakayanin ng Mommy nila ang pagbabantay kaya naman kahit nagpupumilit ito ay hindi na pumayag ang asawa.

"Magiging maayos din ang lahat Ang, and you need to be strong for your brother." pagpapalakas ko ng loob sabay hawak sa kamay nito na banayad kong pinisil, sumilay ang tipid na ngiti sa mga labi ng binata sa sinabi ko at binalik na agad ang tingin sa natutulog na kapatid.

"Mahal na mahal mo talaga ang kapatid mo no?" nakangiti kong tanong dito.

"We may have our differences pero mahal na mahal ko si Anthony, when my mother got married kahit wala pang isang taon na namatay si Dad ay labis na galit ang naramdaman ko ng mga panahon na iyon ngunit nagbago iyon nang dumating sa buhay namin si Anthony, si Anthony ang missing piece sa pamilya namin." paliwanag naman nito, bahagya kong nababanaag ang saya sa boses nito.

"Anthony's dad seem to love your mom so much." nananantiya kong sinabi dito waiting for him to explain ngunit nanatili lang itong walang imik sa topic na iyon kaya naman pinalagpas ko na lang iyon, dahil alam kong sasabihin din nito sa akin iyon kapag handa na ito.

Isang mahabang katahimikan ang namagitan sa aming dalawa kaya naman nagulat na lang ako nang bigla itong nagsalita.

"Kung tama ang hinala ko si Ram ang naging dahilan kung bakit ka nagpunta nang Australia mahigit dalawang taon na ang nakakalipas, tama ba ako?" tanong nito ngunit alam ko naman na nahulaan na nito ang nakaraan namin ni Ram.

"Tama ka si Ram nga ang dati kong naging karelasyon bago ako nagpunta sa Australia." sagot ko naman dito kahit hindi ito nakatingin ay bigla akong napayuko.

"I guess I already knew it nang matagpuan namin kayo sa islang iyon, ramdam na ramdam ko ang tensyon sa pagitan ninyo, nagbulag-bulagan lang ako na wala lang ang nararamdaman kong iyon." sinabi nito na sinabayan ng pagak na tawa, I can detect bitterness in his voice and it pained me to hear it from him.

"So anong plano mo ngayon niyan?" malungkot nitong tanong at para na naman tinutusok ang puso ko sa naririnig kong sakit sa boses nito kasabay nang pagsalakay ng guilt, dahil base sa boses nito ay mukhang nahuhulaan na nito ang magiging desisyon ko.

"Mabuti pang huwag na muna nating pag-usapan ang bagay na iyan, ang mahalaga ay ang paggaling ni Anthony." ang naging sagot ko naman dito, alam kong sa ginagawa ko ay pinapatagal ko lang ang isang bagay na mangyayari din sooner or later.

Hindi na din ito umimik at nanatili na lang na nakatingin sa walang malay na kapatid, umaasa kaming magising na ito para masigurado naming ligtas na ito sa kapahamakan at iyon na lang din ang hinihintay ko para maipagtapat ko na sa kanya ang lahat, sa ngayon ay ayoko na munang makadagdag sa alalahanin ni Ang.

Lumipas ang mga oras nakakaramdam na din ako ng antok pinilit kong talunin ang antok ngunit hindi ko na nagawa.

"Matulog ka na muna Atilla." ang narinig kong sinabi ni Ang, hindi na din ako nakatanggi dahil sobrang antok na antok na ako.

Nang magising naman ako ay gising na gising pa din si Ang na hindi pa din nawawala ang tingin sa kapatid, parang hindi nga ata ito tinatablan ng antok.

"Ang matulog ka na muna ako nang magbabantay sa kapatid mo." alok ko dito ngunit umiling lang ito.

"Ok lang ako Atilla, hindi naman ako inaantok kung gusto mo umuwi ka na muna para mas makapagpahinga ka na muna." sinabi nito sa akin.

"Ok lang ako sasamahan kita dito, pero aalis muna ako para bumili ng makakain natin." paalam ko dito.

"Huwag mo na akong bilhan ng pagkain at hindi pa naman ako nagugutom." sagot naman nito.

"No kailangan mong kumain kahapon ka pang hindi kumakain, hindi mo dapat pabayaan ang sarili mo dahil mas kailangan ni Anthony ang suporta mo at paano mo iyon maibibigay kung papabayaan mo ang sarili mo." matigas ko namang sinabi dito, hindi ako papayag na hindi ito kumain kesehodang subuan ko ito para lang makakain ito nang maayos.

"Ikaw na nga ang bahala." ang natatawa na nitong sinabi.

Sandali akong lumabas para maghanap nang maari naming kainin ni Ang kaya naman nagpunta na muna ako sa malapit na fastfood chain at nag-order ng isang bucket ng chicken at rice na pagsasaluhan namin ni Ang, pero seryoso talaga ako na kapag hindi ito umayos sa pagkain ay ako mismo ang magsusubo dito ng pagkain.

Matapos magbayad at makuha ang order ko ay agad akong bumalik sa ICU kung saan naabutan ko si Ang na hindi man lang gumagalaw sa puwesto nito.

Sandali kong iniwan ang pagkain sa labas para tawagin si Ang at mabuti na lang at may nurse naman na titingin talaga kay Anthony kaya naman kahit labag sa loob nito ay napilit ko din itong lumabas sa kuwartong iyon, minabuti naming sa labas na lang ng kuwarto kumain para kapag may nangyaring kahit ano ay agad naming malalaman.

"Ang dami mo namang inorder." naiiling na sinabi nito sabay kamot sa batok.

"Ok na yan para makakain tayo ng marami, kailangan natin ng lakas lalo na't nagpupuyat tayo." paliwanag ko naman dito habang pinaghahandaan ko siya ng pagkain, nagulat na lang ako ng bigla nitong hawakan ang kamay ko.

"Maraming salamat Atilla kung wala ka siguro sa piling ko ay hindi ko na alam ang gagawin ko." sinsero nitong sinabi, minabuti ko namang magpatuloy sa paghahanda ng kakainin namin dahil hindi ko alam kung paano sasagutin ang bagay na iyon lalo na't nakapagdecide na akong susundin ko ang puso ko.

Pilit na pilit na kinain ni Ang ang mga binili ko kahit na nga ba na nahahalatang napipilitan lang ito mabuti na lang talaga at nakinig ito sa akin, minabuti kong itabi ang mga hindi namin nakain just in case na magutom uli ito.

Agad naman umalis ang nurse nang makabalik na kami sa loob at katulad kanina ay wala pa ding pinagbago ang kalagayan nito, mga bandang alas ocho ng umaga ng dumating ang mga magulang ni Anthony kasama si Miranda and again kung nakakamatay lang ang mga tingin ni Ang ay kanina pa tumumba si Miranda na mas pinili na lang na huwag pansinin si Ang.

"Kamusta na siya hijo?" tanong ng Mommy nito sa anak habang hawak naman ang kamay ni Anthony.

"Wala pa din pagbabago." malungkot naman na sagot ni Ang sa ina.

"Ang natatakot ako paano kung hindi na magising si Anthony?" nanginginig ang boses na tanong ng ginang sa anak.

"Kailangan nating magpalakas ng loob Mom, mas ngayon tayo kailangan ni Anthony." matatag nitong sinabi.

Lahat kami ay matiyagang nagbantay ng may kaba sa dibdib dahil wala nang isang araw ay kailangan nang magising si Anthony kung hindi ay tuluyang mauuwi ang pasyente sa coma.

Walang gustong matulog isa man sa amin dahil sa sobrang pag-aalala sa pasyente maski ako na hindi kaano ano ang pasyente ay matiyagang nagbantay.

Lumilipas ang oras na wala pa ding pagbabago sa kalagayan ni Anthony ramdam na ramdam ko na ang tensyon sa pamilya ni Ang hanggang umabot na sa oras na binigay ng doctor ang oras kaya naman tinapat na sila ng doctor na nasa coma na ang pasyente.

"Pe...pero magigising naman siya hindi ba doc?" umiiyak nang tanong ng Mommy nila Ang, hindi na nito napigilan ang emosyon sa sinabi ng doctor gayon din sila Miranda at kita ko ang pamumula ng mga mata ng Daddy ni Anthony sa nalaman na pilit tinatago ang labis na kalungkutan.

"Umasa tayong magigising siya." sagot nang doctor ngunit sa sinabi nito ay ibig sabihin na malaki ang chance na hindi na din ito magigising.

Mas lalong lumakas ang pag-iyak nang dalawang babae sa kuwarto samantalang si Ang naman ay dali daling lumabas ng kuwarto.

Agad naman akong sumunod sa binata at naabutan ko ito sa parking lot ng ospital at labis ang sakit na naramdaman ko nang makita ko ang pagyugyog ng mga balikat nito, mukhang ayaw nitong ipakita ang pagluha nito sa pamilya dahil mas kailangan nila ngayon ang binata.

Hindi ko na maiwasang hindi maluha sa nakikita kong paghihirap ng loob ni Ang, ang taong pinagkuhanan ko nang lakas ng loob para magpatuloy ay umiiyak ngayon sa harap ko.

Parang nadudurog ang puso ko sa nakikita ko kay Ang, ngayon ako mas kailangan ni Ang.

"Sorry Ram mahal kita pero mas kailangan ako ni Ang ngayon." sa loob loob ko at mas lalong lumakas ang daloy ng luha sa mga mata ko sa isang pasyang nabuo ko.