Chereads / SIMPLY IRREPLACEABLE / Chapter 9 - PART 9

Chapter 9 - PART 9

HINDI niya maintindihan kung saan nanggaling ang kakaibang tuwang naramdaman niya habang nakatitig sa namumulang mukha ni Jade.

Kahit anong anggulo, kahit anong emosyon ng mukha walang dudang ikaw na nga ang pinakamagandang babaeng nakilala ko.

Kung tutuusin, kaya niyang bumili ng kumpletong set ng Harry Potter series, pero hindi niya ginawa. Ang kaniya lang kasi, pwede naman siyang humiram sa library. At ngayon dahil sa napakagandang mukhang nasa kaniyang harapan ay nagkaroon siya ng mas malalim na dahilan para maging proud na minsan sa buhay ay naging kuripot siya.

Ayaw niyang isiping nahuhulog na siya kay Jade pero mula nang mangyari ang engkwentro nila ng dalaga sa library ay hindi na siya nito pinatulog. Bagay na hindi nangyari sa kaniya kahit noong kay Rhiza na kaniyang first love.

Hindi rin niya maunawaan kung bakit sa kabila ng malaking galit sa kaniya ng dalaga ay patuloy parin siya sa paglapit-lapit dito. Alam niyang attracted siya kay Jade, well kahit sinong lalaki ay imposibleng hindi humanga dito physically.

But what really captured him was her one of a kind personality. Noon pa man kasing simula hindi niya nakitang nagpa-cute o nagpapansin sa kaniya si Jade. Bagay na hindi normal sa kaniya dahil lahat ng naging nobya niya ay ganoon, maging si Rhiza.

Wala siyang natatandaang babaeng nagtaray sa kaniya, nanigaw at higit sa lahat nanampal. Pero si Jade, bakit parang balewala rito ang pagiging gwapo niya? Ang pagiging sikat niya sa SJU?

Hindi naman sa kalabisan pero ngayon lang siya nagyayaya ng hatid sa isang babaeng hindi niya girlfriend at take note itinuturing pa siyang mortal anemy!

Napangiti siya sa huling naisip saka ipinagpatuloy ang pagkain. Hindi niya maitatangging masaya siya at nagawa siyang patawarin ng dalaga sa lahat ng naging atraso niya rito. At hindi rin niya maikakaila ang nararamdaman niya para kay Jade. Gusto niya itong protektahan, gusto niya itong maging masaya at gusto niya itong maging kaibigan.

Kaibigan lang ba talaga?

Sa tanong na iyon ay lihim siyang nagkibit ng balikat.

Sa kalaunan siguradong masasagot din niya iyon, pero sa ngayon ay grateful siya sa nakikitang magandang simula nila ni Jade bilang magkaibigan.